My Bestfriend Sacrifice

By Anica_Danica

117 6 2

Best friends are the people in life that make you laugh a little louder smile a litter brighter and live a li... More

Prologue
Friendship Overload

Friendship Goal

36 2 0
By Anica_Danica

Anicka pov'

"Dane! Wake up! You will be late in your class" sigaw nung tita lyn ko. Dane yung tawag niya sakin pero kadalasan eh anicka. Si manong Ed naman nick nick ang tawag sakin.

"Yes tita! Pababa na po ako" sabi ko. Kinuha ko na yung bag at mga gamit ko tapos dumeretso na sa kusina para kumain ng almusal.

"Dane bilisan mo na kumain baka malate ka pa first day pa naman" sabi ni tita lyn

"Tita 30 minutes pa po bago magbukas yung school namin. Nakakahiya kaya kapag ako yung kaunahan" sabi ko sabay subo nung pancakes sa bibig ko.

"Kahit na.... hahanapin mo pa kung saang classroom at sinong teacher mo" sabi ni tita lyn

"Opo, bibilisan ko na hhahahha" sabi ko tapos nagmadali na akong  kumain.

"Tita alis na po ako'" sabi ko kay tita lyn

"Ingat... Dane" sabi ni tita

"Opo" sabi ko. Lumabas na ako ng pinto at sumakay sa kotse ng tita lyn ko.

"Manong Ed sa school po tayo, sa teen academy highschool" sabi ko sabay lock nung pinto.

"Mukang excited ka ata ah nick nick" sabi ni manong ed

"Manong pwede dane nalang po itawag niyo sakin. Para kasing tunog peste yung nick nick eh hahahha" sabi ko sabay tawa naming dalwa.

"Ok dane" sabi ni manong ed hahahah.

Medyo malayo yung biyahe pero ok lang nakarating naman kami ng maayos sa school ko.

Pinagmasdan ko muna yung school. Super ganda!! Super laki feeling ko maliligaw ako.

"Ready ka na bang pumasok dane?" sabi ni manong ed

"Para nga pong ayoko na gusto ko ng umuwi sa laki ba naman po ng school na ito tapos mukhang matataray at mayayabang mga estudyante dito." Sabi ko

"Sa simula lang yan... Masasanay ka rin" sabi ni manong ed.

"Ah sige po papasok na ako." Sabi ko. Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa gate ng bago kong school. Nakakamiss rin yung dati kong school.

Lakad lang ako ng lakad. Lingon dito lingon doon. Saan ko ba dito makikita kung anong section ko?.

"Hey.... hi... .. can I ask a question?" Sabi ko dun sa mga babaeng dumaan sa harapan ko pero di nila ako pinansin. Sabi ko na eh matataray estudyante dito. First impression ko palang tama na hahaha. Mali ata ako ng napasukang school. Ganito ba talaga mga tao dito?.

Lakad ulit. Then may babae akong nakita na nasa may ilalim ng puno mukang mabait kaya sa kanya nalang ako nagtanong.

"Hey miss can I ask a question?" Tanong ko.

"Nagtatanong ka na nga nagpapaalam ka pa" sabi niya. Hay naku! Kung hindi mataray at mayabang pilosopo naman.

"Saan ko po ba pwedeng makita yung section at kung sinong teacher?" Tanong ko. Tapos may biglang nagsalita.

"Welcome new students!.... your section and the name of your teachers are written in the bulletinboard near the principal office. Enjoy your studying here at teen academy highschool. "

"That's it! Siya ata yung principal" sabi nung girl na kausap ko

"Thank you pero saan ba yung principal office dito?" Tanong ko

"New students ka ba dito?" Tanong niya. Ano toh? Pagmagtatanong ako tanong din isasagot niya?

"Oo eh" sabi ko

"Yung principal office... deretso ka lang tapos liko ka sa kanan 3 room pa ata bago yung principal office" sabi niya

"Ah thank you" sabi ko

"Mica nga pala,.... M in mirtle I in Irene C in Cess and A in armienta. Mirtle Irene Cess Armienta" sabi niya. Medyo mabait rin pala siya friendly.

"I'm Anicka... Dane Anicka Jasmine Sanchez" sabi ko tapos nagshake hands kami.

"Sige una na ako hahanapin ko pa section ko eh" sabi ko

"Ok bye" sabi niya.

Naglakad ulit ako sinunod ko naman yung sabi ni mica. Dere deretso lang liko sa kanan tatlong room bago yung principal office. Lakad ako ng lakad and then BOOM!!! Nahanap ko narin. Ito ba yun? Baka naman hindi, naliligaw ba ako?.

"Miss san po yung bulletinboard yung may mga nakasulat kung anong section?" Sabi ko dun sa babaeng nakatalikod sa akin. Pagkasabi ko humarap naman siya agad.

"Ah nakikita mo yung mga lalaking nagkukumpulan dun... nandun nakalagay yung bulletinboard... alam mo kanina pa sila dyan eh... nahihirapan na ngang tumingin yung ibang mga new student" sabi niya. Nagtanong lang ako? May kwento agad. Hahahah joke.

"Ah thank you" sabi ko. Dumeretso na ako dun sa mga lalaking nagkukumpulan.

"Excuse po" sabi ko. Pero parang walang pumapansin sakin. Ayaw kong makipagsiksikan puro lalaki mamaya ay maipit ako yupit ako nyan hahahha.

"Ehem! Excuse po" sabi ko ulit. Wala ulit pumapansin kaya sumigaw na ako.

"Ehem!!! Excuse me po ulit!!!! Titingnan ko lang po yung section ko" sigaw ko.

Hanggang sa...... may mga lalaking naghahabulan sa hallway malapit sa may kinatatayuan ko. Papalapit na sila sakin at.....

"Aray!"

"Ouch! Sakit"

"Ano ba!"

Kung makatakbo sila di man lang nila napansin na nabubunggo nila ako. Tapos hindi pa magsosorry ang yayabang kapal ng mukha nila. School po ito hindi playground.

"Sorry po ha!!!!!! Thank you po!!!" Sigaw ko dun sa mga lalaking nagtakbuhan lumingon naman yung isang mukhang butiki. Halos lahat ng estudyante nakatingin samin.

"Your welcome" sabi nung lalaking butiki

"School po ito hindi playground" sabi ko sa kanya

"And so? Pakialam mo ba.... nanay ba kita?" Sabi niya. Tapos nagtawanan lahat ng nakatingin samin.

"Hindi mo nga siya nanay pero siya naman yung taong nasaktan mo" may babaeng nagsalita sa may likod niya.
.
.
.
Si mica!!

"Para nabunggo lang BIG DEAL agad hahahahaha" sabi niya tapos nagtawanan ulit lahat.

"Ikaw butiki ka ang yabang mo!!!" Sigaw ko sa kanya

"Anong sabi mo?" Sabi nung lalaking butiki

"Bingi ka ba?" Sabi ko

"HAMSTER!!!!" Sigaw niya sakin

"Pwede ba tumigil ka na lalaking..............butiki" sabi ni mica

"Pati ba naman ikaw mica?" Sabi nung lalaki. Kilala niya si mica?

"Hahahahaha" nagtawa lang si mica. Sinabayan naman ng lahat. Tapos umalis narin sila.

"Okey ka lang?" Tanong ni mica sakin

"Oo okey medyo masakit lang yung braso ko gawa nung pagkakabunggo" sabi ko

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Sabi niya

"Hindi na noh. Thank you nga pala" sabi ko

"For what?" Sabi niya

"Wala lang sa pagsabay mo sa baliw kong trip" sabi ko

"Hahahaha"

"Kilala mo siya?" Sabi ko

"Oo" sabi niya

"Ah sige wait lang titingnan ko lang yung section ko" sabi ko tapos tumayo ako sa tapat nung bulletinboard kung saan nakatayo yung mga lalaki at nakatingin samin ni mica

"Uulitin ko po yung sinabi ko kanina..... excuse po titingnan ko lang po yung section ko" sabi ko ng mahinahon. Tumabi naman sila tapos hinanap ko na yung name ko sa bulletinboard.

"Anicka... Dane anicka jasmine sanchez name mo diba?" Tanong ni mica

"Oo bakit?" Sabi ko

"Classmates tayo!" Sabi niya. Weh? Totoo? Buti naman meron akong kakilala sa bago kong section at room

"Sure?" Tanong ko

"Oo tingnan mo"  tiningnan ko yung list of student ng section A. Nakita ko yung name ko at name ni mica. Si sir mendoza pala yung teacher namin.

"Buti naman at may kakilala na ako sa bago kong room and section" sabi ko

"Hahahaha wala yun last year newbie rin ako dito sa school na ito wala akong kakilala pero inenjoy ko lang yung highschool tapos yun madami na akomg nakilala" sabi niya.

Ting* ting* ting*

"Tara sabay na tayo pumasok sa room yan na yung sign kapag magsstart na yung klase" sabi ni mica.

"Tara!" Sabi ko. Umalis na kami at pumunta sa room namin. Nasa 2nd floor yung room namin.

Pumasok na kami sa pinto ng room. Sobrang ingay ng mga classmates namin. Umupo kami sa may ikalawa sa huli  yun nalang ata yung vacant eh.

Nagtanong ako dun sa lalaking nakatalikod sa amin.

"Ah kuya may nakaupo po ba dito?" Lumingon siya at....

"Ikaw na naman!!!" Sabay naman nasabi

"Stalker ba kita?" Tanong niya

"Kapal ng mukha mo? Pag classmates stalker agad" tanong ko. Nakakabwusit siya.

"Pwede ba tumigil na kayo sa kakatalak nyo..." sabi ni mica

"Ito kasing butiki toh yabang na yabang" sabi ko

"Ikaw namang hamster ka taray na taray" sabi niya sakin. Pero tinarayan ko lang siya. Hindi ko naman sinasabing mataray talaga ako . Sa mga taong mayayabang lang ako mataray.

"Stop it! Tumigil na nga kayo" sabi ni mica napatingin naman kaming dalwa sa kanya.

"What? May nakaupo ba dito?" Tanong niya dun sa lalaking butiki

"Wala!" Sabi nung lalaking butiki

"Oh diba ang dali apat na letter lang isang word lang!" Sabi ni mica. Tapos nag upo na kami eksaktong pagkaupo namin dumating na si sir.

"Good morning class" sabi ni sir

"Good morning sir mendoza" sabi naming lahat

"Okay sino ba dito yung mga hindi ko pa kakilala?" Sabi ni sir. Biglang nagtinginan lahat sakin.

"Po?" Sabi ko

"Can you introduce yourself here in front?" Tanong ni sir. Masunurin naman akong bata. Pumunta ako sa unahan at nagpakilala.

"Hi... I'm Dane Anicka Jasmine Sanchez. You can call me anicka if you want. Ah... I'm 15 years old going to 16 on july 2." Sabi ko

"So tell us about your experienced kanina. Ano ano ba yung mga ginawa o naisip mo kanina bago ka pumasok ng teen academy highschool?" Sabi ni sir. Hindi naman nila ako ininform may interview pala ngayon hahahaha XD

"Before I enter in this school I thought that it is like my old school but I was wrong. This school was awesome and very interesting. Some student was very naughty but there was a kind student also that I met. Some student are snob and friendly. That's all" sabi ko

"Tell us about your parents or guardian" sabi ni sir. Pati ba parents kailangan nilang malaman

"Ahmmm. My dad died in a car accident. Ngayon nakatira ako sa tita lyn ko kapatid ng daddy ko" sabi ko

"What about your mom?" Sabi ni sir. Ayaw ko ng sagutin yan parang may namumuo na namang luha sa mga mata ko kapag tinatanong ako tungkol sa mommy ko.

"My mom left me alone" sabi ko

"Ah ok you may take your seat" sabi ni sir. Umupo na ako at tumingin sa ibang dereksiyon

"Sino pang hindi ko kilala dito?"

Mica pov

Hey I'm Mirtle Irene Cess Armienta. 15 years old. Daddy ko matagal ng wala yung mommy ko naman kasama ko pero nasa states siya. Mga katulong lang kasama ko sa bahay ngayon eh. First day of school na naman gigising na naman ng maaga tapos papasok ng nagmamadali.

Nakaupo ako sa may ilalim ng puno ng may nagtanong sakin na babae newbie lang siya dito. Magkaklase pala kami. Hahaha medyo funny lang siya lalo na nung tinawag siyang hamster ni steven. Mabait at friendly siya pero parang nakakalungkot yung nangyari sa kanya.

Konting oras nalang at break time na.

10....

9.....

8....

7.....

6.....

5......

4....

3.....

2.....

Ting* ting* ting*

Hahaha walang pang one eh nag bell na. Break time na....

"Anicka tara sabay tayong magbreak time". Sabi ko kay anicka.

Pumunta na kami sa canteen. Konting liko dito..... liko doon... tapos ayon..... nahanap narin namin.

"Capital W-O-W....... wow ang laki" sabi ni anicka. Hahahha ganyan talaga dito. Private eh. Marami pating mga estudyante kaya malaki ang canteen.

"Hahaha. Ioorder na kita libre ko" sabi ko. Yung feeling na kakakilala niyo palang parang ang gaan na ng loob mo sa kanya.

"Thanks. Hahanap na ako ng mauupuan natin" sabi ni anicka. Umorder na ako at bumili.

"Dalwang spaghetti.... dalwang fries..... dalwang ice tea..... at dalwang ice cream.. magkano po?" Order ko kay manang. Tapos umalis na ako at hinanap si anicka.

"Mica" may nagsigaw sakin..
Si anicka ata.

"Mica nandito ako" nakita ko si anicka na sumisigaw. Pumunta na ako sa kanya at binigay na yung order namin.

"Thanks sa food" sabi ni anicka

"Your welcome" sabi ko . Tapos may mga babaeng nagkwekwentuhan na kinausap daw sila nung crush nila.

"Tingnan mo yung mga yun kinausap lang ng crush nila ng ilang minuto mahal na agad" sabi ko kay anicka

"Hahaha.... SAVE THE PLANET EARTH AND KILL THE PANGET NA FLIRT" sabi ni anicka. Hahahahaha

"Nice one" sabi ko

"You know what. Ang ganda mo tapos ang bait mo pa" sabi ni anicka. Hahahaha maliit na bagay. Hahaha joke

"Anong maganda? Ikaw nga itong maganda eh" sabi ko

"Hahahahaha"

"Matagal ka ng iniwan ng mommy mo?" Tanong ko sa kanya

"Simula nung mamatay yung daddy ko after 3 months iniwanan niya na ako" sabi ni anicka

"Bakit daw?" Sabi ko

"Hindi ko alam... hindi siya nagpaalam..." sabi ni anicka

"Sorry" sabi ko

"Bakit ka nagsosory?" Sabi ni anicka

"Sorry dahil tinanong ko pa yun" sabi ko

"Wala yun" sabi ni anicka

"Ano bang name ng mommy mo?" Sabi ko

"Stella" sabi ni anicka. Magkapangalan pala sila ng mommy ko.

"Ah magkapangalan pala sila ng mommy ko" sabi ko

"Stella rin name ng mommy mo?" Sabi niya

"Oo" sabi ko

"Hahahahahaha" tawa niya

"My brother ka o kaya'y sister?" Tanong ni anicka sakin

"Wala" sabi ko

"Parehas pala tayo" sabi ni anicka.

After naming kumain bumalik na kami sa room. Hayz math na naman ang subject na pag aaralan?  Nalilito na ako diyan eh.

"Mica okey ka lang?" Tanong ni anicka habang nagsasalita si sir.

"Oo" sabi ko

"Para kasing wala kang ganang mag makinig ngayon hahahaha" sabi ni anicka.

"Ayoko ko kasi ng math masyadong nakakalito" sabi ko. Totoo naman diba nakakalito ang math.

"Geh ipapagets ko sayo kapag may free time" sabi ni anicka.

"Thanks" sabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

24.9M 615K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
12.4M 277K 66
The Doctor is out. He's hiding something
29.1K 424 39
Built walls and whispers of charity. Seeping through cracks was enough... or was it really? Uncertainty and hopes were all he had, but he heed throug...
Wattpad App - Unlock exclusive features