Gold Digger (COMPLETED)

By iam94732

90.1K 1.5K 46

Stella Payne tries to become romantically involved with rich men in order to get money and gifts from them. P... More

Gold Digger
GD: ONE
GD: TWO
GD: Three
GD: Four
GD: Five
GD: Six
GD: Seven
GD: Eight
GD: Nine
GD: Ten
GD: Twelve
GD: Thirteen
GD: Fourteen
GD: Fifteen
GD: Sixteen
GD: Seventeen
GD: Eighteen
GD: Nineteen
GD: Twenty
EPILOGUE

GD: Eleven

3.1K 69 0
By iam94732

GD: Eleven



"MALANDI ka!"

"Maka-sabi ka ng malandi, hindi mo ako salamin achkk!" Fuck fuck fuck! Hindi ba sila nagsasawa kaka-sabunot ng buhok ko? Hindi ba sila nangangalay o magpa-massage muna sila saglit ng mga kamay baka kasi nananakit na yan, hiyang-hiya naman ako sa kanila!

Sabagay, hindi ko sila masisisi. Ang lambot at kintab ba naman ng buhok ko. Baka ngayon lang sila nakahawak ng ganitong klase ng buhok. Palibhasa tinalo pa ang walis tambo ng mga buhok nilang matigas pa sa alambre! Mga inggiterang hampaslupa.

Wala man lang bang nakakakita sa amin dito? Hello? Sa dami ng taong nagsisimba sa loob, wala man lang nakapansin? Jusko, kalbo na ako oh! Teleng nemen dyen!

Pinakinggan din naman kaagad ang munti kong panalangin. Thank you po! Kahit na napuno ng mura ang utak ko kanina, hindi Niya pa rin ako pinabayaan.

Naramdaman ko na lang na bumitaw ang dalawang bruhilda na 'yun sa buhok ko. Mabuti naman.

Nagpupumiglas pa silang dalawa pero kita kong mahigpit na ang hawak ng dalawang security sa kanila. Dinilaan ko sila ng mapang-asar. Aha! Panalo pa rin ako. Stella the great pa ba?

''Chupi! Mga inggitera ng buhok!" Nginisihan ko sila. Hindi niyo na ako malalapitan mga gunggong.

"Bitawan niyo ko! Dapat sa babaeng 'yan kinakalbo! Ang landi na nga, mukha pang-pera."

Sigaw nung babaeng naka-pink, yung unang nanugod sa akin kanina. Ang kapal talaga ng mukha. I wonder kung anong kinakain nito para kumapal ng ganyan ang pagmumukha niya.

Magsasalita pa lang sana ako nang may sumabat na sa usapan.

"Miss dahan-dahan sa pananalita." Boses ni Rica!

"Nasa tapat ka pa naman ng tahanan ng Diyos tapos ganyan ka magsalita." Si Nikka naman iyong nagsalita.

At diyan bonggang-bongga um-entrance ang plankton friends ko! Infairness kahit ngayon lang thankful ako na dumating sila sa buhay ko. Nakapamaywang na inikutan nila ang dalawang babae na bitbit ng mga gwardiya. Teka, asan si Nick babes? Hala Stella, saan naman galing ang babes? Oh my gulay bigla lang yung pumasok sa isip ko. Waah!

Minsan talaga nakakarindi na 'tong utak ko, ang ingay eh.

"Alis na." Nandiyan lang pala si Nick, pa-vip effect ang lolo mo. Napansin ko rin ang ibang tao na kakalabas lang ng simbahan, ibig sabihin ngayon lang ang labasan? Ay tanga lang Stella, hindi ba obvious?

Shut up brain! Masiyado pala akong na-excite na lumabas kanina kasi ngayon pa lang talaga ang labasan. Sa susunod nga na magsisimba kami, hindi na ako mangunguna na lumabas. Aantayin ko na talaga sila.

Muling bumalik ang atensyon ko kay sa mga gwardiya na kinakaladkad na palayo ang 'yung dalawang babae na dakilang ekstra sa buhay ko. Mabuti naman.

"Baklaaa! Kawawa naman 'yang hair mo, tara sa salon, ipakalbo natin yan para wala ka na silang sasabunutan sa susunod."

"Gago." Nakasimangot na sabi k okay Jewel. Sa lahat ng bakla sa buong sangkatauhan, siya ang unang-una kong papatayin. Kasabay naman ng pagsalita ko ang isang pitik sa bibig.

"Aray!"

"Sa susunod na magmumura ka pa, hindi lang 'yan ang aabutin mo." Rinig kong sambit niya atsaka naglakad palayo, na sinundan ko ng nagbabagang mga tingin.

Sumali pa ang tatlong ito na nakakalokong nakatingin sa akin habang naglalakad din papalayo. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin, baka kanina pa nakahandusay sa sahig ang tatlong 'to.

"Buti nga." Sabi ni Nikka.

"Kawawa." Dagdag pa ni Rica.

At syempre magpapahuli ba naman si Jewel? "Bakla! Hahahaha."

Tengene n'yeng lehet.

"AKALA ko ba mag-i-stay muna kayo sa bahay?" Naka-crossed arms kong tanong. Sila pa naman ang pumilit kay Nick na dito muna sa bahay dahil nandiyan din naman sila tapos sila naman pala ang lalayas.

Paano ba naman naisipan nila na tumambay muna dito sa bahay tutal wala raw silang mga gagawin tapos pinilit pa nila si Nick na hindi rin naman nakatanggi dahil sa gulo nila tapos bigla silang magsisiatrasan.

"Kayo na lang muna kailangan ko na talagang umalis eh." Pagmamakaawa ni Nikka. Aalis na raw siya sa kadahilanang tumawag ang parents niya kani-kanina lang at may mahalaga raw na pagsasalo ngayong gabi. Hindi na raw siya nakatanggi dahil biglang pinatay ng mga ito ang telepono, ibig sabihin bawal ang marami pang sinasabi, kailangan pumunta.

Family gathering na minsan lang mangyari sa loob ng isang taon. Sino ba naman ako para pigilan siya. Kailangan niyang i-treasure ang mga ganung bagay dahil napakaswerte niya na mayroon pa siyang uuwian na pamilya. Bagay na wala ako kaya ayos lang.

"Ay nako 'Day, 'yung Jowaers ko kanina pa naghihintay, malalagot talaga ako dun! Hindi mo ko pwedeng hindi payagan umalis unless bibigyan mo siya ng kapalit sa puso at buhay ko."

Eto namang si Jewel kanina pa nangungulit dahil naalala niya raw na ngayon ang weeksary nila ng Jowa niya. Kapag pinigilan ko nga naman, baka mawalan ng lovelife tapos ako pa ang sisisihin sa huli. Baka mamaya maulit na naman yung paghahanap naming ng Jowa niya, bangungot 'yun!

Paano ba naman, imbes na sa kanya manligaw, ako ang nilalapitan! Ang hirap talaga maging maganda. Kaya ayoko nang maulit yun 'no.

"Busy pala ako. I need to go."

Sa kanilang tatlo, kay Rica ang may pinaka-lame na excuse. Abala raw 'pala' siya sa mga bagay-bagay kaya kailangan na niyang umalis. Hindi naman ako makatanggi dahil baka bigla akong sapakin nito. Mabigat pa naman ang kamay ng babaeng ito. Palibhasa may pagka-boyish kaya ganun.

Napabuntong hininga na lang ako. Sa huli, napapayag din nila akong palayasin sila sa bahay. Hindi ko alam pero parang may feeling ako na sinadya nilang lahat para ang maiwan ako at si Nick. Sila ba ang may kagagawan o ang tadhana?

At bakit naman nasali ang tadhana Stella, aber?

Sinarado ko na ang gate kahit medyo labag sa kalooban ko. Saktong paglingon ko ang katawan ni Nick ang nakita ko. Nakayuko kasi ako kaya yung pangbaba niya ang nadatnan ko. Eme. Stella, nagkukulay green ang utak mo!

Para hindi na madagdagan pa ang mga kasalanan ko ngayong araw, tumingin din ako sa taas. Nagsalubong ang mga mata naming dalawa.

"Aalis ka rin? Iiwan mo rin ako?"

Naglakad na ako paalis, pero hindi ko pa siya nalalagpasan nang hawakan niya ang braso ko.

"May sinabi ba ako?"

That made me stop. Hehe. Atleast may makakasama pa rin ako ngayong gabi. Pagta-tiyagaan ko na ang lalaking ito na walang emosyon.

Tinungga ko 'yung bote ng alak na nasa tabi ko. Uubusin ko na sana lahat kaso may humila ng bote atsaka niya nilagok na akala mo bote lang ng juice ang ininom. Ano ba yan inunahan pa ako. Hihilain ko pa sana pero nilalayo na niya. Hindi naman ako makatayo dahil baka mahulog ako rito.

Sa laki kasi ng bahay bakit sa bubong pa namin naisipang mag-inuman.

Para maiba lang. Whoo! Hindi pa ako lasing. Wahahaha.

Hindi naman niya siguro kukwestyunin pa ang itatanong ko. Iisipin na lang niya dala lang 'to ng alak. Tama! Kanina pa 'to paikot-ikot sa utak ko kaya tatanong ko na. "Nick, may girlfriend ka na ba?"

Nilingon niya ako na magkasalubong na naman ang mga kilay. Hinihintay ko yung sagot niya pero nakalipas na ata ang ilang minuto, hindi pa rin siya nagsasalita.

"Palagi ka na lang tahimik. Walang emosyon ang mukha o kahit pagsasalita. Ang hirap tuloy basahin ng iniisip mo. So, I'm just wondering, kung ang ice man na katulad mo ay may nobya na ba? Naks lalim nun ah, nobya. Hihi."

Wala pa ring sagot. Hindi na ako magtataka kung mapanis ang laway niya.

"Pero sabagay, kung may girlfriend ka na, baka matulad lang nung nangyari kanina na may biglang manghihila ng buhok ko. Sana nga wala. Hihihi."

"Wala nga."

Napatingin ako sa kanya. Naka-tanaw lang siya sa malayo habang nainom ng alak. Kung wala siyang girlfriend, baka may past? Parang mas masakit 'yun. Kasi sa mga palabas na napapanood ko, ang mga past ang sumisira sa isang relationship.

Pero masaya pa din akong malaman na wala siya kalandian este girlfriend ngayon.

Kumuha ako nang chips na nagsisilbing pulutan naming. Muling namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. I just found myself laying on the roof while looking up in the sky. Nagbibilang ng mga bituin kahit napaka-imposibleng mabilang ko lahat.

Hindi rin nagtagal, binasag na ni Nick ang katahimikan sa pagitan namin.

"Bakit ka pa nakikipag-relasyon sa kung sino-sino?"

Mabilis akong napa-upo sa tinanong niya. Sanay na ako sa mga ganung salita pero iba ang impact sa akin ng pagkakatanong niya ngayon. Siguro dahil galing sa kanya? O sadyang ngayon ko lang napagtanto na ganun pala kababa ang tingin ng mga tao sa paligid ko para isiping kung kani-kanino lang ako nakikipag—relasyon.

Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong tahimik. Umarte na lang ako na kukuha ng alak para inumin.

"Tapos peperahan mo lang sila. Para saan pa? Ginagamit mo ang katawan mo para lang sa mababang halaga."

That's below the belt.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ako nakikipagrelasyo kung kani-kanino lang kung iyon ang inaakala mo. Pumipili ako ng maayos at talagang may pera. Oo tama ka sa namemera lang ako pero dahilan ang lahat at hindi ko binebenta ang katawan ko sa mababang halaga! May dignidad pa naman ako 'no!"

Naramdaman ko na ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa mga luha.

"Ginagawa ko 'to para maka-ipon ako ng pera para sa lola ko na kailangan operahan sa puso sa lalong medaling panahon. Wala akong pera. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa bata pa lang ako nang iwan ako ng mga magulang ko. At kami lang ang namumuhay. Hindi ko ginagamit ang katawan ko para lang sa pera. Maniwala ka man sa hindi wala pang kahit na sinong nakakahawak o halik sa akin."

Hindi ko na tinignan pa ang reaksyon niya. Nahihiya ako na may taong nakakakita ng mahinang side ko. Ayokong kakaawaan ako ng kahit na sino.

Pero bago pa ako tuluyang makatayo para makalabas bigla na lang may nanghila sa akin pabalik. I heard him say sorry before claiming may lips.

Ganun na pala ang makabagong paraan ng paghingi ng tawad. Wait – kiss?

Oh my!

Yung first kiss ko!

---

Please follow my NEW account:

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 205 32
HEARTBREAK SERIES 1 "Gold digger" is what everyone called the wife of the young billionaire Doctor King Felip Ballenciaga. Even though he is aware th...
465K 9.2K 52
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang ina...
669K 8.2K 26
Isang probinsyanang dalaga ang lumuwas ng Maynila, pero para hindi maghanap ng trabaho kundi maghanap ng mayamang asawa. Sa kasamaang palad, hindi ma...
218K 5.5K 12
KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa...
Wattpad App - Unlock exclusive features