Note:
As promised.. dito nyo malalaman ang pangalan ni mister ‘tss’. Enjoy...
Ay, oo nga pala, may pahabol ako. Credits to mixcsjam! Sa kanya ko nakuha ang idea sa prologue ko. Basahin nyo po ang story nya, He's dating the campus nerd. Yun lang!
------------------------------------------------------[Gwyneth’s POV]
Hinihingal ako nung makarating ako sa room.
Kumatok muna ako atsaka pumasok. Tiningnan ako nung teacher, mukhang mabait.
"Why are you late?" Binabawi ko na yung sinabi ko na mabait sya. Mukha syang tigre na mangangain ngayon!
"A-ah, pasensya na p---" naputol ang sinasabi ko nung nagsalita si mister ‘tss’..
"She went to the principals office." Sabi nya.
"At bakit sya pumunta doon??" Tanong ni miss sa kanya. At bumaling sya sa dirkesyon ko, "Dont you think its too early to be in the principals office??" Mataray na tanong nya.
"A-ah.. e-eh, miss-" naputol yubg sasabihin ko
Nung magsalita ulit si mister tss.
"I asked the principal to transfer her here" sagot naman ni kuya. Eh?? Sagot? Eh parang nagpapatayan na sila sa tingin. Hot seat? The buzz?? Eh basta, ako yung tinatanong, sya yung sumasagot.
"Oh, and why would you want her, to be transferred here?" Binigyang diin niya pa ang her.
"Its none of your of your business so stop being so nosy about my life." Cold na sabi niya. De wow.
"Ooh, having an interest on someone, eh??"
"Yieeee!" Tukso nang mga kaklase namin. Ang iba naman, parang nandidiri.
"Okay, stop it" suway niya sa kaklase namin. Bumaling naman siya sa direksyon namin. "Fair enough, umupo na kayo." Sabi miss. Umupo na si kuya sa pinakalikod. Tumingin muna ako sa paligid para maghanap nang bakanteng upuan. Umupo ako sa tabi nang isang...erm. nerd. Kagaya ko, pang manang na damit, nerdy glasses at maraming libro.
"Hi:)" bati nya sakin. Yay! May mabait pala dito??
"Hello!" Bati ko ulit sa kanya. Sinuklian nya naman ito nang isang matamis na ngiti. Waaaahh! Ang amo nang mukha nya. Umupo na ako sa bakanteng upuan.
"Ako nga pala si Amy." Sabi nya habang nakalahad ang kamay.
"Hi Amy. Ako si Gwyneth." Sagot ko at nakipag-shake hands.
"Okay class, today I will discuss the rules and regulationsin this room. First, I dont want late comers." Parang natamaan naman ako dun ah.
"Second and the last rule. Ayaw ko sa mga mga naglalandian sa classroom. Yun lang."
Eh? Yun lang? Parang nabasa ng kaklase ko yung iniisip ko.
"Maam! Wala ho ba kayong rules concerning our grades?"
"Wala. Kayo ang bahala sa inyong ga grades. Ako lng naman ang tagacompute. Kaya goodluck." whew.
"Okay, moving on, this is how we compute your grades.. blah.. blah.. blah."
Habang nag o-orient si miss tigre ay may kumalabit sa aking kamay. Tiningnan ko kung sino yun, si Amy pala.
"Ahhhh, gwyneth...." whisper nya sakin, parang Nagaalinlangan pa sya sa sasabihin nya..
"Hmmm.. baket??"
"A-ah.... e-eh... ano mo ba si Zen?"
Ahh, magtatanong pala sya. Sino si Zen?
"Ahh, Amy, hindi ko kilala si Zen eh. Sino ba sya?"
"Ha?? Hindi mo sya kilala?? E bakit magkasabay kayo sa sasakyan kanina?? Bakit parang ang close nyo?? At bakit nasayo ang jacket nya??" Napalakas ata ang kanyang sabi. Ngayon nakatingin na ang lahat sa amin. Ahhh si mister 'tss' pala ang tinutukoy nya. Zen pala ang pangalan nya. Infairness bagay sa mukha nya, ang ganda. >_____< waaaah, bakit ganito ang iniisip ko?
"A-ah... e-eh... a-ano kas-" waaaahh, ano ba ang sasabihin ko?? Sasabihin ko ba na tinulungan ako ni Zen?? Wag na. Mukhang type niya si Zen eh. Kumikinang pa ang mga mata niya.
Habang nagiisip ako nang palusot, biglang nag-ring ang bell. Signaling lunch na.
*riiiinnngggg
Whooo. Saved by the bell.
"Ahh.. Amy, aalis muna ako." Hindi ko na ponakinggan ang kanyang sasabihin at takbo na ako paalis.
Habang hinahanap ko ang canteen, may humingit sakin papunta sa ibang direksyon.
"Waaaahh!! Tulong, tuloooong, tu----mph" waaah, tinakpan nya ang bibig ko, infairness, amg bango nang kamay niya at ang lambot.
Ha?? Ba't ang familliar nang boses niya? Tiningnan ko sya, ahh.
.. si Zen pala.
"Come with me"
~*~
[Amy's POV]
Hello! Ako si Amy Grace Lopez. Oo, Lopez. Kapatid ko si Zen. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng Zen. Mas gusto niya ang 'Gab'. Akala ng iba na gusto ko si Zen. Hello? Kapatid ko kaya sya. At saka, hindi ako boto sa incest.
Aha! Alam ko na ang reason. Hindi pala nila alam na kapatid ko si Zen. Kaya akala nila, im just some stupid fangirl dreaming that we will be together. Yuck. Hindi nila ako kilala because I just arrived galing Amerika, at mukha kasi akong nerd, kaya hindi nila maiisip na kapatid ko si Zen.
Kanina pa ako naiintriga kung ano ang status ng kapatid ko sa babae na kakarating lang.
Sino ba sya?? Why did Zen transfered her here?
O, sakto, nung pinaupo sila ni maa'm ang katabi ko na upuan lang ang bakante. Nung makalapit siya, binati ko.
"Hi:)" Syempre, all smiles ako. Mukhang nagulat siya sakin.
"Hello" sabi niya sakin at ngumiti. Woah, ang ganda niya, kung kunin niya ang glasses at baguhin ang kaniyang fashion style.
'Kung maka-advice ka parang hindi kayo magkaparehos ng style' sabi ng isang part ng brain ko.
'May dahilan kaya ako' sabi ko utak ko. Para na akong baliw dito.
Umupo na siya. Inilahad ko ang kamay ko para mag-shake hands.
"Ako nga pala si Amy." Sabi ko. Kinuha naman niya ang kamay ko at sinabing..
"Hi Amy, ako si Gwyneth." Sabi niya. Gwyneth? Ang ganda ng pangalan niya. Mukha naman siyang mabait. Hindi kagaya nang ibang babae na ginaganit ang mga kaibigan para sa pansariling rason at para magong sikat.
Magsimula nang mag-orient si miss. Pero hindi ko na talaga matiis. Kinalabit ko siya.
Tumingin siya sa direksyon ko.
"Ahhhh, gwyneth...." sabi ko, pano ko ba sya tatanungin na hindi nagmumukhang feeling close? Arrgh, bahala na.
"Hmmm.. baket??" Takang tanong nya.
"A-ah.... e-eh... ano mo ba si Zen?" Arrgh, kinakabahan na ako. Pero nawala yun nung sinabi niya.. "Ahh, Amy, hindi ko kilala si Zen eh. Sino ba sya?" Weh?? Hindi niya kilala si Zen?? Aha! Siguro tinatago nila ang kanilang relationship.
"Ha?? Hindi mo sya kilala?? E bakit magkasabay kayo sa sasakyan kanina?? Bakit parang ang close nyo?? At bakit nasayo ang jacket nya??" Medyo napalakas ata yung tanong ko, kaya ngayon, lahat ay nakatingin samin. Nahiya ata siya sa attention na nakuha niya.
"A-ah... e-eh... a-ano kas-" makuhang masisinungaling sya. Stuttering. A very evident sign that a person is lying. Bakit ba nila tinatagi ang relasyon nila?? Hindi naman kami matapobre gaya ng iniisip nyo. Aatakihin ko na sana siya ng mga tanong. Kaso, biglang magring yung bell.
"Ahh.. Amy, aalis muna ako." Aba tatakas pa ah. Pipigilan ko sana siya, kaso, ayun, biglang kumaripas ng takbo. Hayys. Mamaya nalang.
[Zen's POV]
Tsss... bakit ba ang sungit niya saken??
By the way, hello. Im Zen.
Kanina pa ako lakad nang lakad dito sa hallway. Marami ang nagpapacute sakin at magfi-feeling close pa. Tss.
''Prince, gusto mo bang pumunta sa bahay? Wala doon ang mga parents ko.." sabi ng isang babaeng kinapos sa tela. Tss, kitang-kita yung cleavage nya. Linampasan ko lang sya, panget eh, tsaka, hindi ko type. Gusto ko yung simple lang in her own way.
Parami ng parami ang lumalapit sakin. Kaya, tumakbo na ako.
"Priiinceee, mahal kitaaa!"
"Waaah, girls, tumatakbo si prince!"
Hindi ba sila nakakakita ng lalake na tumatakbo?? Arrgh, nakaka frustrate ang mga babae.
Medyo nauna ako sa kanila kaya nagtago ako sa clasroom na empty malapit sa faculty room.
I snapped out of my thoughts nung nakita ko siya, papalabas nang faculty room.
Mabilis akong nagisip nang paraan para magselos sya. Ewan, yun lang ang naisip ko para mapansin niya.
At saktong may tumatakbo na babae, at siya pa yung tinulungan ko kanina. Nung nakalapit sya sa pwesto, hiningit ko yung kamay nung tinulongan ko. Saktong paglingon nya ginawa ko yun. Nung nakita niya na nakalingon ako sa kanya, mabilis siyang nagiwas nang tingin. Nagpupumiglas yung babae na hiningit ko. Tsss.
"Come with me." Parang nabigla siya sa sinabi ko pero hindi na umangal.
Nagsimula na kaming maglakad, pahilim akong sumulyap sa likod ko, at nakita kosiya, on tge verge of crying. Yes, mission success.
Then it suddenly hit me, ano ang gagawin ko sa babaeng hawak-hawak ko?
------------------------------------------------------
Author's note:
Pasensyaaa. Late update. Marami kasing ginagawa. At pinahaba ko na bawat chapter.
Hahahah, ang hiraaap, pero promise ko natatapusin ko ang storyang ito.
Alam nyo na ang pangalan nila. Yay.