CHAPTER 25
"Set-up"
Alena POV
Isang bagong umaga na naman... one week na din ng matalo kami sa Youth Summit at one month na lang graduation na namin. Pero, dapat pa 'ata akong magpasalamat sa "big man in the sky" kasi kahit natalo kami ang dami kong natutunan.
Una, lahat ng nawawala may kapalit dahil kumpirmado... ako na ang valedictorian ng batch namin, na-credit kasi yung pagkaka-champion ko sa ASEAN quiz bee at dahil 'don mas lalong sure ang pagpasok ko sa college.
Pangalawa, long-vacation kami dahil natapat na 30th anniversary ng school at may event pa ang mga teacher sa Batangas so mga two weeks' vacation din 'to.
At pangatlo, mas naramdaman kong ang dami palang nagmamahal sa akin.
Pero isang linggo na din na hindi ko nakikita si Timothy. Okay na naman kasi siya, he's doing great sa pag-aaral niya 'yun ang last check ko sa kaniya. Kinumusta ko kasi siya two days ago, sabi ng papa niya mas okay na daw ang Timothy ngayon so natutuwa naman ako... especially bumalik na ulit yung long-time girlfriend niya...
Alena... kung anu-ano na naman ang iniisip mo...
"Alena? May bisita ka, kaibigan mo daw." Tawag sa akin ni nanay.
Bisita?
Sino? Si Adrian? Wala naman siyang sinasabi na pupunta siya ahh,..
"Ano daw pangalan?" Tanong ko habang pababa at nakita ko na nakaupo si Fritzee sa sala.
"Hi, Alena." Bati nito at nakipag-beso pa sa akin.
"Oh, ikaw pala... kamusta? Napadalaw ka? At paano mo nalaman kung saan kami nakatira." Tanong ko at naupo kami.
"I'm fine still beautiful as ever, about your house I asked Takeru...at syempre na-miss kita, wala naman kasi akong ibang maka-bonding na babae sa group namin." Tugon nito.
"Oh, meron naman ahh... ano bang pangalan 'non? Denice? Daniella?" Panghuhula ko.
"Danica." Sagot ni Fritzee.
"Ah, oo nga, Danica... mukha naman siyang mabait. At mukhang parehas naman kayo ng hilig." Same kasi kayo ng wallet capacity.
"Well, Danica is a good friend but not a good companion. Anyways, pwede bang 'don tayo sa room mo... naiilang kasi ako... para din makapag-usap tayo at may sasabihin akong importante sayo." Pagyayaya nito.
"Okay lang naman... mukhang seryoso 'yan ahh." Biro ko.
Buti na lang at nakapag-linis ako ng room...
"Oh, ano nga ulit yung sasabihin mo?" Tanong ko nang makapasok kami at maka-upo sa kama.
"You have a nice room. Simple but classy..." Observe nito.
"Salamat... huy! Ano nga yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit.
"Ah, almost forgot. Okay, promise me na hindi ka magsisinungaling at sasabihin mo kung ano talaga ang totoo." Seryoso sambit nito.
Weird...
"Okay... promise."
Sakyan ko na nga lang...
"Do you like, Evo?" Deretsahang tanong nito. Ni hindi man lamang ako nakapalag sa tanong niya at naka-pause lang ako ng ilang minute hanggang sa inulit niya ang tanong.
"Do you like Evo?"
Like? As in Friend?
"Yes... I like him...as...a... friend." Maingat na sagot ko.
Wait... bakit ba ang showbiz ng sagot ko...
"Really? Not in a romantic way or anything?" Paniniguro nito.
"Teka, bakit nga pala ganyan ang mga tanong mo sa akin? Yan, na ba yung importanteng sasabihin mo sa akin."
"Don't you lie on me, Ms, Cademar... I know a liar, because I am a liar too." Makahulugang sambit nito.
"Fritzee... nagtanong ka tapos ayaw mong maniwala..."
"Okay..." Sabay buntong-hininga nito. "Did you know na nandito na si Gina? Yung ex-girlfriend ni Evo?"
Pagkatanong niya 'non ay natahimik ako... hindi ko alam pero nainis ako? Tama bang mainis ako dahil naalala ko na naman kung gaano kaganda si Gina. At gaano sila kabagay ni Timothy.
"So, you like Evo." At na-distract lang ako nang magsalita si Fritzee.
"Hindi ahh..." Alam ko... alam ko... hindi convincing ang sagot ko.
"Liar..." Komento ni Fritzee.
"Fine... siguro nga may slight akong gusto sa kaniya. Pero, so what?" Pag-amin ko sa kaniya.
"Ayiiiieehhhhh!!! Sabi ehh... I'm never wrong... and what do you mean so what?"
"So what. So what kung crush ko siya... crush lang naman ehh... at isa pa wala naman akong ibang gusto pa na higit 'don. " Explain ko. Convincing kaya?
"Okay, fine. Hindi ko na pipilitin kung crush or whatsoever mo si Evo but I'm also here to ask you a favor... are you free this Sunday?" Tanong nito.
Hay... ang sama kasi ng memories last time na pumunta ako sa birthday niya 'este nilang kapatid.
"Ano kasi..." At alam kong napansin niya ang pagdadalawang isip ko.
"Come on! This time wala hindi na crowded, dalawa lang naman tayo. Parang girls night out. Ganon lang." Pagpapaliwanag nito.
Bahala na nga... hindi ko rin naman siya matatanggihan,
"Sige na... basta promise mo dalawa lang tayo ahh..." Pagre-remind ko sa kaniya.
"Yes, maam!" Biro nito.
"Baliw 'to."
At nauwi sa tawanan ang mga sumunod naming usapan.
"Oy, sige ahh... salamat... next time ulit bisita ka." Paalam ko sa kaniya.
"Sorry ahh... I really want na mag-over night but my dad is leaving soon so gusto niyang magkakasama kami kapag nagdi-dinner." Explain nito.
"Ba't saan ba pupunta papa mo?" Takang tanong.
"Oh, he's staying in U.S and won't be back for a couple of months. Businessman is always a businessman." Gets ko naman yung point niya.
"Sige, ingat ka ahh... text ka kapag nakauwi ka na." Nagpalitan kasi kami ng number. Nahiya ng ako ang ng konti gawa ng nagtanong siya kung may viber daw ako or kakao talk or line, 'ehh ang cellphone na lola mo kahit touch screen hindi keri ang mb ng mga yun. J
"Sige, I'll call you when I get home. Oh almost forgot, I hope you don't mind if I ask. Do you have a dress or anything like that?" Tanong nito.
Nagtaka tuloy ako.
"Wala ehh... sorry. Ba't need ba natin siya sa Sunday? Hoy, Fritzee wag naman sa masyadong sosyal baka hindi ko ma-enjoy yun." Honest kong sagot. Mahirap na baka mapahiya.
"No it's not like that. Anyways, ako ng bahala don don't worry.... So see you on Sunday, Ciao!"
Paalam nito at sumakay na sa kotse. Sosyal ang lola mo may sariling driver. Tanong mo kung anong brand ng car, BMW lang naman... parang maliit na bagay lang sa kanila.
Fritzee POV
Nakaka-enjoy talaga kausap si Alena... that's why I like her... she's gonna be my new bestfriend!
Ah! Almost forgot, I need to call my twin brother...
"Hello, Francky? Everything is settled on my side, how about yours?" Tanong ko.
"Yep! I'm also done here...."
"That's great, then all that's left is the preparation for Sunday, did you call James?" Sambit ko.
"Yup all done. Let's just meet the manager tomorrow." Sagot nito.
"Alright, thank you, bye."
I'm so great!!!
Hahahahahahaha
Franck POV
"Hey Franck, ano ba kasing gagawin natin sa Sunday at bigla kang nagyaya?" Tanong ni Evo.
Hirap talaga mag lie...
Pero mas mahirap pag hindi ko sinunod ang aking evil twin sister.
"Dre, let's just hang-out what's wrong with that? Do I really need a reason for that?"
"Fine, Sunday right?" Confirm nito.
"Yup."
Sabay labas ng phone nito. I think he's doing some arrangement thing in his calendar.
"Okay, na-remind ko na. Baka kasi makalimutan ko pa, Oo nga pala, hindi mo ba yayayain si James? Si Takeru?" Takang tanong nito.
"James is not available, and I can't get a hold on Takeru." Well this time hindi ako nag-sinungaling.
"Okay." Sambit lang nito at nagpatuloy kaming nag-laro ng billiard.
*Ring* *Ring*
It's sis...
"Hello?"
"Who's that? Fritz?" tanong nito.
I just nod at him.
Lumabas muna ako ng play room Mahirap na baka mabuko kami.
"Hello, Francky? Everything is settled on my side, how about yours?" tanong ni Fritz.
"Yep! I'm also done here...." Tugon ko.
"That's great, then all that's left is the preparation for Sunday, did you call James?"
"Yup all done. Let's just meet the manager tomorrow." Sagot ko.
Well...
I hope it work...
Cross fingers!
Author's Note:
So? Excited sa Sunday date?
Hahaha! Grabe si Fritz no?! all for the sake of Team ALENA AND EVO!!
Any ideas, comments or suggestions for the "Most Awaited First Date"? Just PM me and I will dedicate to the winning reader this Exciting Chapter!! So, keep sending me your brilliant ideas!
Please Vote and Comment!!
God Bless!! J
Author's Note:
So excited sa Sunday date nila?
Any comments or suggestion?
Just PM me!!
Please vote and leave a comment!
God bless everyone!