"NABASA KO NA YAN"

By mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... More

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 6: Unlimited
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 10: Love Story
Chapter 11: Sudoku
Chapter 12: Pinky Promise
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 1: The Party
Chapter 16 part 2: The Overnight
Chapter 17: Not Bad
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 2: MANOK

4.3K 97 42
By mgahangal

Good Morning!!!

( Mahaba at madaming enter)

Go for someone who is not only proud to have you but will also take every risk just to be with you.

--

good morning. :)

he doest have a girlfriend, but rephrases by saying he does have someone special.

-- GM ng mga classmate ko.

Yan yung una kong nabasa sa cp ko. 3 am na nga pala. Ang aga pa. 5:19 pa yung alarm ko eh. ( Yung 5:19? Kanta yun ni Matt Wertz)

Masakit pa ulo ko, basang basa na nga likod ko eh. Pero Medyo gumaan na pakiramdam ko.. Parang di ko pa kayang pumasok. Pero syempre papasok pa din ako PARA SA MAHAL KO!

So, 2 hours pa bago ako pumasok sa banyo (meaning 5:00 yun, baka kasi kumuha ka pa ng calculator para lang bilangin. Kaya wag na ha? Kawawa ka naman eh.) Eh hindi naman ako pwedeng maligo. Pinainom pa ako ng mama ko ng gamot kaya medyo inaantok pa ko.

Nagmuni-muni muna ako, mukha pa namang gabi eh. Tapos nasa lap ko si luningning-- (yung pusa namin napakalambing!!). Ang sarap ng feeling kahit may sakit ako. Gumagaan talaga pakiramdam ko pagdating sa mga pusa, maliban sa ang cute nila, kahit hindi naliligo yung karamihan ( puro dila ng dila sa katawan) malambing naman sila basta mabait at pinapakain mo sila. :)

Bawal din kase yung aso samin. Hinuhuli ng barangay o kaya ng munisipyo, kaya naman minsan natatakot ako sa kanila.

Okaaaay..... TAKOT AKO SA ASO!! >_<

Dahil din siguro, sa nakagat na ko dati ng aso, wanna know my story? :))

Nung 4 years old kase ako....

Gustong gusto ko yung Power Rangers ( yung mga superheroes na iba't ibang kulay tapos my laruang robot na biglang lumalaki tapos sumasakay sila dun. Tuwang tuwa nga ako dun dati eh, ginagaya ko pa yung mga pose nila, tska lagi naman silang panalo at the end if the day).

So, mahilig nga ako sa Power Rangers ( "paulit-ulit?" wait wait wait.)

yung quote na yon. para saken...NAKAKABINGI NA SIYA. :) i mean, sa araw araw mula pagkagising ko at hanggang sa nagising ako ulet..  (no offense) hahahaha. para maintindihan mo, eto 

tumae ka, 

kapag tumatae ka ba,

alam mo ba kung ilang putol at kung gaano kadami yung lalabas?

MALAMANG HINDI.

kase ganun ang tae. ganun ang buhay. HINDI PAULET ULET. :))

Hindi ko din kase trip na sumunod sa uso. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh.

PAULET ULET ANG UMUUPO SA TAAS.

Puro matatanda na puro salita at puro ngiti lang ang pinapakita. Puro pasikat pa at puro kontrobersiya. OHA OHA OHA.  Mukha na ba akong matalino? Hahaha. 

EH TOTOO NAMAN EH.

Kung pinakita sana nila kung paano tumae ng maayos, edi sana.. edi sana...

HINDI MADUMI ANG ILOG PASIG!!

TRUE? TRUUUUUUUUUUUUUUUEEEEE. )

And back to the story!

Nung bata pa ko, palagi akong sumasama sa mama ko sa work niya. Production Manager siya ng isang factory tapos nasa office lang ako at naglalaro ng kung anu-ano.

HIndi namaako loner. May kasama nga ko eh. Si Patras!

Siya yung aso sa factory. Bantay ata? Ewan ko. Basta minsan umuupo ako sa likod niya. Tapos sinisipa ko, masaya naman ako nun, ewan ko lang si Patras. Hahaha.

Eto na talaga yung scene,

Lunch yun tapos, tapos na ko kumain. Sila kumakain, Pati si Patras kumakain. Tapos nilalaro ko si Patras hanbang kumakain. Nagpopose ako ng Power Rangers sa harap ng mukha niya. Sinisipa-sipa, dinidisplay yung bintiko ko habang kumakin siya. Normal ko lang ginagawa yun sa kanya pero...

ARAY! ( Mahabang Aray)

Kinagat ako ni Patras!! T.T Masakit. Ang natatandaan ko nun, umiiyak ako ng malakas, sumigaw ako. Syempre rining sa buong factory. Woooh. Tapos dumating yung mama ko, alalang alala....

"Dali hugasan niyo yung paa!"

"tawagan niyo si ___________" ( Papa ko yun, weee secret)

Masakit, nung hinuhugasan nila. Ampf. Sobra, parang tinutusok yung binto ko. Nakakaawa nga ako nun eh.

The next thing I know,

ARAY! (Mahabang Aray)

I'm in a hospital, yeah. You know it.  Injection, BABY. Hahaha. Masakit pero hindi na ako umiiyak. Alam ko kasing masasaktan na ako.

YOU KNOW WHAT I MEAN?

Sa first time, masakit at nakakabigla ang lahat hindi mo alam ang gagawin.

Pero, sa susunod, kapag umiiyak at hindi mo pa din alam ang gagawin mo,

 Nagpapakatanga ka lang para sa masaktan at umiyak ng paulit-ulit.

(from Bruno, ang aking konsensiya, OMG, ang drama niya. hahaha.)

Hindi tumalab yung rabies sa akin, buhay pa nga ako ngayon eh. O kitams. Maraming natututunan kung pinag-iisipan ang isang bagay ng mabuti.

That's what you called, COMMON SENSE.

** I shared too much, nasaan na nga pala ako? Ah. Nasa bahay ako. And it's 4am na. gumagaan na lalo yung pakiramdam ko, wala pa din ako panlasa. Nagsaing at nagluto na si Mama. Ang bango ng amoy pero wala pa din akong gana.

Humiga muna ako noon, kase 1 hour pa naman bago ako kikilos.

Tapos, NAALALA KITA <3

Naalala ko dati, nag-iisip ako ng pakulo na gagawin ko para sa Valentines day. Mga January 14 pa lang nung nag-iisip ako ng gagawin ko(oo, 1 month ako nag-isip).

Ang dami kong naisip na pakulo tulad ng pag-harana sayo, pagsasayaw, gumawa ng Valentines card, mabigay ng chocolates, at iba pa. Kinonsulta ko nga si Bruno eh. eto yung pag-uusap namin nun:

Today

Travis:9:34am

Bruno, ano ba ang magandang gawin ko sa Valentines para kay Lucy? 

Bruno: 9:40am

Ewan ko. ayokong pag-usapan yang Valentines day! May naaalala ako!

badtrip! >_< 

Travis:9:40am

Bakit Bruno? Ano bang nangyari nung Valentines

Bruno:9:46am

Eh basta!

ayoko nang pag-usapan yan!

nasasaktan lang ako. T_T

Travis:9:47am

Hala. Adik! ako na nga lang ang karamay mo sa lahat eh, di mo pa sasabihin

sakin? Tsk!

Bruno:9:53am

Ay oo nga pala noh?!

Konsensya mo nga lang pala ako!

badtrip!

Travis:9:54am

Oo nga. so ikwento mo na dre. Ano ba yan?

Bruno:10:00am

Eh kasi nung Valentines. Yung bestfriend ko dati, binigyan nya ng chocolates

yung mahal ko. Tapos ayun, he confessed his love, naunahan nya ako.

badtrip.

sayang yung boquet of rose na binili ko para ibigay ko sa kanya.

ayun.. binigay ko na lang sa nanay ko yung roses, tapos natuwa yung nanay ko.

nai-raise yung allowance ko.

pero on the bad side. two months after that day. naging sila ng mahal ko.

awch! T_T 

Travis:10:37am

ah.

SLR. nadodota kasi ako e. 

ansaklap naman nyan.

BTW. andrama mo talaga.

peace! :D

Bruno:10:42am

Eto talaga oh!

seryoso ako e. >_<

Travis:10:45am

Nagdradramaa nga. HAHA!

okay lang yan. marami pang babae sa mundo dre!

Bruno:10:49am

Marami pa ngang babae sa mundo pero sya lang ang mahal ko! :((

Travis:11:02am

Ah. ganun.

ge. out na ako.

Travis is unavailable, but you can still send him a message.

See the timeline ng pag-uusap namin? Ang bagal magreply ni Bruno! Badtrip! Slow hands.

AT OO, MAY FACEBOOK AKO SA UTAK. DUN KAMI NAG-UUSAP NI BRUNO.

Di ko na sya kinausap. Nagtanong lang ako kung ano na ang sinasabi AND nagdrama pa!

badtrip na konsensya to, pero mahal ko yan. Di nya ako iniiwan. <3

Pero nakakainis minsan yung mga taong ganun. Yung lalapit sayo para magkwento ng lovelife yung paulit-ulit na lang, puro problema at drama ang alam? Yung tipong kwentong di mo pakikinggan.

Nakakainis noh? Sa totoo lang, wala ka naman talagang pakealam sa pinagsasabi nya. Sarap sabihan ng ganito e:

PAKEALAM KO BA SA LOVELIFE MO?!

IKWENTO MO NA LANG SA HOTDOG NI ALJUR!!

(baby love, baby love, ooohhhh.. baby love) 

O KAYA SUMULAT KA NA LANG SA MMK(Maalaala Mo Kaya yan, baka di mo alam eh)

DUN KO PAPANOODIN!

Pero sa totoo eto lang yung sinasabi ko:

"ah. kaya mo yan."

mababadtrip kasi sila sakin kung ganun. Baka sabihin na KJ ako.

Pero minsan ineentertain ko yung ganung topic.

Sa text nga lang. Puro ganun kasi yung kadalasan topic e.

Pero kapag ikaw yung katext ko tapos ganun yung topic, naiinis ako!

sarap sabihin na:

"Bakit hindi na lang kaya love story natin yung ating pag-usapan?"

HAHAHA! Pero seriously, na-try ko nang sabihin yan.. pero sabi ko agad na JK{Just Kidding yan. FYI[For Your Info(Information yan, pakamatay ka na kung di mo yan alam)]}

So, bumalik na tayo dun sa sinasabi ko kanina. HAHA!

at dahil wala akong maisip na gawin sa Valentines day.

eto nalang ang ginawa ko:

Nung umaga pagkagising ko. Tinext ko sya ng "Happy Valentines day Lucy!"

(syempre PM. Pang-scared yung pa-GM GM pa e isa lang naman yung gustong sabihan.) 

Di sya nagreply. Wala ata syang load.(think positive dre.)

Tapos sa byahe. nag-iisip pa din ako ng gagawin that day. Almost 1 hour pa naman yung byahe ko eh kaya may time pa ako para mag-isip.

I love you baby,

And if it's quite alright,

I need you, baby,

To warm a lonely night.

I love you, baby.

Trust in me when I say:

Oh, pretty baby,

Don't bring me down, I pray,

Oh, pretty baby, now that i found you, stay

And let me love you, baby.

Let me love you.

Ayan yung soundtrip dun sa jeep.

Pasensya na. Aso talaga e.

So ayun na nga. Nakababa na ako ng jeep. Medyo mahaba pa yung lalakarin ko bago makarating sa school.

At sa daan, ang dami kong nakitang nagtitinda ng mga bulaklak.

And guess what?

bumili ako.

isang rose lang.

wala akong pera eh. HAHA!

nilagay ko sa bag yung rose. Tapos dumerecho na ko sa school. Ma-lalate na kaya ako!

FAST FORWARD!!

Tapos na yung klase. 

Nagmamadali nang umuwi yung mga classmate ko, meron silang kanya-kanyang date e.

Akala ko nga Forever Alone na ako eh.

Naalala ko bigla, may ibibigay nga pala ako sayo!

Hinanap kita, pinagala ko na yung mga mata ko. And then..

Nakita ko na sya and her group of friends na pauwi na.

So yun.. Binilisan ko ang pagtakbo. Hiniram ko muna yung powers ni The Flash(superhero yan, baka di mo alam). At ayun. nahabol ko na sila, tinatawag ko sya pero yung friend nya yung nakapansin sakin.

"Pwedeng patawag kay Lucy?" Sabi ko.

"Denise! May naghahanap sayo." Sabi ng friend nya.

"Oh sino yan?" Sabi ng mahal ko.

 "Si Travis." Sabi nung friend nya.

"Oh. Travis, anong kelangan mo sakin?" Sabi sakin ng mahal ko.

Gusto ko sana sabihin na kailangan ko sya sa buhay ko e kaso corny yun. Si Bruno nag-suggest na yung ang sabihin ko e. HAHA! Kinuha ko yung rose sa bag ko, mukhang binagyo na yung rose. Naipit kasi sa mga gamit ko. Tapos binigay ko sa kanya and i said:

"Happy Valentines Lucy! <3"

Sabi nya, "Wow, thanks. Happy Valentines din Travis. :)"

GRABE! KINILIG AKO. KAHIT YUN LANG. NASA ISIP KO ETO YUNG SINABI NYA:

"Happy Valentines din Travis. I love you!"

HAHAHA! That's too much wishful thinking.

"Bakit ako ang napili mong bigyan nito?" Tanong ng mahal ko.

And then yun. Magtatapat na sana ako na gusto ko sya e.. Kaso, bigla akong nasapian ni Bruno!

Naging torpe ako! si Bruno kasi eh. Naunahan tuloy ako ng takot.

Badtrip. kung iniisip nyo na ginagamit ko lang si Bruno as excuse, eh wag mo nang basahin to! Ako nga yung nagkukwento diba?

So yun na nga. Eto yung nasabi ko:

"Ikaw kasi yung favorite ko eh."

SUPER WHAT THE FUDGE x10!

Ano yun?! Badtrip.

Ano ba sya?

Pagkain?

Kaya naging favorite ko?

Ano sya?

Pagtae?

Favorite ko?

TSK!

Nagpanic na kasi ako eh. Di ko alam sasabihin ko. >_<

"Wow. Tss. Travis" Sabi ng mahal ko.

"Huh? Anong Tss?" Sabi ko.

"Tss means (That's So Sweet)" Sabi nya.

"Oww. Yun pala yun. Akala ko naman kung ano na nasabi kong masama."

"Haha. Ikaw talaga Travis. Oh sige, aalis kami eh. Gagala kami, sama ka?"

OH NO! Magdodota kasi kami ng mga kabarkada ko eh. Tapos wala din akong pera ngayon, remember?

Eto na lang sinabi ko:

"Sorry, may lakad kasi kami eh"

"Ah. ganun ba. Sayang naman. Next time na lang siguro. So.. Bye Travis." Sabi nya habang naglalakad na sila palayo.

BADTRIP! ANG BOBO KO! DALAWANG PAGKAKATAON ANG PINALAGPAS KO! TSK!

And that day din. Nung nagdodota kami, pustahan yun eh.

NATALO KAMI NG MGA BATA! >_<

Kasi naman ang bobo ni...

*Tell me when will you be mine. Tell me quando quando quando."

Yun na yung alarm ko! Badtrip ang bilis ng oras. 5:19am na pala. ang tagal ko palang nag-daydream.

*tiktilaok* *cockadoodleoo* *whatever*

Ayun na yung manok namin oh. Nambubulabog na. Pero minsan nakakatulong talaga yan eh.

Pero laging pinangsasabong yan ni Lolo. Kaya astig talaga yang manok na yan. Pinapayaman si Lolo. Kaya nakakahingi din ako ng pera sa kanya. :D

Yung manok.. (uunahan ko na kayo baka kasi magcomment kayo eh mabara niyo pa ako. Kawawa naman ako na isang character na ginawa lamang mula sa isang malikahaing utak. In short, fictional character :P)

Diba paulit-ulit din yung pagtilaok ng manok? Hahaha. Bawat umaga tumitilaok siya para gisingin ang mga walang pera pambili ng alarm clock. Pero hindi naman siya nakakainis diba? Nakakaatulong pa nga siya eeh. :)

Sinabi ko na ayoko ng paulit-ulit.

Pero! Isang malaking BUT!!!

Napagtanto ko din na...  MALI AKO!! HAHAHA

Lahat tayo nagsasawa...

Pero hindi tayo nagsasawang kumain at tumae araw-araw. ( eh ganun ako tumae eh)

Bakit?

Sabi nga ng lolo ko..

" Lahat ng sobra, pinapamigay. Lahat ng kulang pinupunan. Pero dahil walang perpektong tao sa mundo. There is no such thing as perfect balance." ( Oha oha? Yan ang lolo ko! )

Sooo... 

Pinakain na ko ng noodles ulet pero ngayon seafood na. Malasa kasi yung seafood flavor tsaka may nagrereport na naman and I'm not allowed to speak tagalog. But that doesn't mean anything to my story neither to this chapter. :)

After that tastless breakfast, my mom gave me a towel soaked in lukewarm water. Then I applied the wet towel to my body, rubbed it to every part including the private parts of my body. I still feel weak though I feel refreshed and I think, I can make my way to school.

My school is very far from home. I;m in college and a BS Accountancy student. My blockmates are very intelligent and dilligent. some of them are just like me, they are just damn cool. YEAH. XD

And that's all, ayoko na mag-english. 

Tapos na ko kumain, its time for my favortie past time!!

ANG PAGTAE.

Nanghihina pa ako ngayon. Pero kinaya ko pa din ang pagtae, masarap naman sa pakiramdam tszka my mom insists. Dapat daw mailabas ko yung init sa loob ng aking katawan.

Ugali ko na ang tumae sabay ligo. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako maliligo. May lagnat ako eh, remember?

Taena, ang hirap magisip ng isusulat. Halo-halo yung nasa ulo ko, minsan ikaw, tapos ikaw, tapos ikaw ulet. Hahaha. Pasensiya na, back to pagtae!

*******

At sa aking pagtae,

Bawal akong gumamit ng malamig na tubig. Baka daw mabinat ako.

Habang ako ay umuupo na sa aking trono...

Bago pa ako makaupo ay bigla na lang lumabas ng hindi ko inaasahan ang aking tae.

Can you imagine that? That's gross right? Hahaha.

Hindi siya nashoot sa bowl. San napunta? Sa sahig siyempre.

Konti lang naman yung lumabas, grabe, naghihina pa din ako.

Sarili kong tae, di ko makontrol? Oh well, nangyari na ang nagyari, wala na akong magagawa ( ikaw din wala, hindi mo naman tae yun eh )

Isa yung pagkakamali, dahil sa mahina pa ako..

Sa mga panahong iyon, naalala pa din kita, medyo kadiri nga lang pero alam ko na hindi ako nagkamali sa pagmamahal sa'yo.

Kailangan ko lang maging malakas para sa'yo..

..para maprotektahan ka at para mapatunayan ko sayo na mahal kita...

At naniniwala ako na walang tama o mali sa pag-ibig, dahil laging tama ang tunay na pag-ibig.

(ako yan.hindi yan si Bruno.gulat ko noh? ako din si Bruno eh. HAHA. Di ko maexplain basta intindihin mo na lang itong kadramahan na to. Wag kang kumontra...

kase kapag kumontra ka,

obvious na obvious,

BITTER KA. :)) HAHAHA.)

*******

Naghugas at binuhusan ko na yung tae. Maayos na ang lahat except dun sa taeng nasa sahig. Anung gagawin ko dito?

" Buhusan mo. " sabi ni Bruno

" Ganun lang? Panu kapag may natira? " Sabi ko.

" Buhusan mo na lang kaya? Yan ang problema sayo eh. Wala kang tiwala. " sabi ni Bruno

" Oo na. Oo na. Nagsisimula ka nanamang magdrama eh. " sabi ko.

Binuhusan ko na nga. weee, naputa yung tae sa sink! Kaso may natira, binuhusan ko ulet.

Wala na, hahaha. Galing ni Bruno, akalain mo yun. May utak din pala si Burno :P

Parang ang tagal ng oras diba? Ang dami kong naisip, tapos nakusap ko pa si Bruno.

Fast Forward? Wag na. Mabilis lang to promise. Hahaha. Nagbihis na ako. dahil nga sa hindi ako naligo, pinili ko yung suot na hindi ako agaw pansin pero hindi naman ako lalayuan.

Yun simple lang.

Ganun naman talaga ako magusot.

Charcoal Black na Transformers Shirt.

Jeans

At Chucks.

Ayun. Mukha naman akong papasok basta nakabag ako eh. Humingi na ako kay Papa ng allowance. At ang aking allowance ay... secret!! Binibigyan din kasi ako ni Lolo ng pera kapag good mood siya.

Eh ngayon, may sakit ako.

( Lumabas yung bumbilya na may ilaw sa taas ng ulo ko)

" Anung plano? " Singit ni Bruno.

" Ano pa nga ba? Magmumukha akong kawawa para bigyan ako ng malaki ni Lolo. Hahahahaha!" Sabi ko.

" Kaw nag-isip niyan? Korni mo. " sabi ni Bruno.

" Osige nga ikaw mag-isip. Kapal ng mukha mo eh. : Sabi ko.

" Teka lang. " sabi ni Bruno.

" WAAAAGGG!!! " -----?

Isang boses ang narinig namin ni Bruno. Familiar. Sobrang Familiar. Pero baket ganun, di ko maalala? Boses ko din pala yun.

" Hindi niyo na ko kilala? Hmpf. Ang sama niyo T.T "

OHMY! Si Caloy! He is my another conscience. Wooooh! Nagbalik na siya. :D

Actually, kakagaling lang niya sa Paris eh. Ewan ko kung anung pinuntahan niya dun, bigla na lang siya umalis. Nagpaalam naman siya ng maayos sa amin ni Bruno. Pero siya iba na ang meron dalwang konsensiya diba? Hahaha.

Kung ikukumpara.. si Caloy ang aking light side at si Bruno ang dark side. Basta ganun. Madalas magpayo si Bruno ng mga kalokohan tapos kokontrahin ni Caloy. Tapos mag-aaway na sila. At ngayon, mag-aaway nanaman sila >_<

 B: Badtrip. Ba't bumalik ka pa?

C: Eh kelangan ako ng amo ko eh. Ikaw naman yung umalis.

B: Ayoko nga. Okay na sana si Travis sa guidance ko eh. Makikugulo ka nanaman. Tsk.

C: Sus. Mali ka pa din! Mali yung iniisip niyo!

B: At bakit? Totoo naman na may sakit siya eh!

C: Oo nga, bakit pa kailangan magpanggap na nakakaawa? Mukha ka kasing pera eh.

B: Baliw! Yung pera na yon para yung sa pag-ibig ni Travis!

C: Hangal! HIndi naman niya kailangan ng pera eh. Kailangan niya lakas ng loob para makausap si Lucy!

B: Anung lakas ka diyan? Mas malakas ang kapangyarihan ng libre sa kapagyarihan ng usap usap lang!

C: Hindi naman nabibili ng pera ang pag-ibig eh. Palibhasa kasi broken-hearted ka! Nakooo. Travis! Anu na?

Hmmmmm.... Lumapit na ko kay Lolo. Kinamusta ko na siya.

" Oh. Travis, my boy! " bati niya.

" Hello. Lolo. Ah sige alis na po ako. " sabi ko sa kanya. ( nung time na yun nakaangry face na si Bruno tapos tumatalon sa tuwa si Caloy )

" Teka lang iho. Alam kong may sakit ka ngayon. Hindi mo lang pinapakita sa akin sa mahina ka. And that's a good sign of being a MAN. Good job. Oh eto. Pandagdag sa baon mo. "

OH YEAAHH! HAHAHA. Caloy wins! :P

1-0

Nagthank you na ako kay Lolo. As always. He smiles back at me bago ako pumasok. Great start for a great day!

nakadilihensya na, anu pa? edi lalarga na.

nakalabas na ako ng gate namin. ang sarap talaga kapag umaga. Ang lamig (nanginginig na boses). Tapos yung paligid kulay dark blue. kapag ganto, nasasarapan ako pumasok. Feeling ko ang aga ko. Makakasabay ko kaya siya sa pag pasok? Siya pa lang ba ang tao sa room? Yan agad ang nasa isip ko. Pina-plano ko na kung anung mga sasabihin ko, kung anung topic. Iniisip ko kung pwede ko i-apply yung sa text e. kaso ang panget naman sabihin ng...

"goodmorning U (na may dalawang kulangot sa taas), gawa mo?"

mas maganda kung eto diba..

"uy lucy, good morning sayo, andito ka na pala*, teka naramdaman mo ba yon?"

* kung mapapansin nyo dinerechohan agad ng tanong na "naramdaman blahblah"

alam mo kasi ung nakakainis na pambara? ung HINDE, HINDE WALA PA AKO DITO, KAYA NGA NAKIKITA MO AKO EH! 

nakakainis lang kase, kapag ganun parang wala ka ng masasabi. subukan naten..

"uy lucy, good morning sayo, dito ka na pala!"

pambara: hinde hinde wala pa ako dito, kaya nga nakikita mo ako eh!

"o sige, uy lucy, good morning sayo!"

pambara: hinde hinde, good morning sa kanya, ako lang ang nandito diba?

"aay. uy lucy, good morning!"

pambara: hinde hinde, good evening. kaya nga may araw e.

"uy lucy!"

pambara: hindi ako si lucy. ako si cylu.

"             "

NAKAKA-ASAR LANG DIBA, PARANG ANG GUSTO NILA MAWALAN KA NG SASABIHIN? 

Anyway, itutuloy ko na nga pala ang sasabihin ko. Eto nga pala ang posible maging pag-uusap namin.

siya: "ha? anung naramdaman?"

ako: "parang lumindol e."

siya: "hindi ah."

ako: "ah hindi pala lumindol, so you just rocked my world."

siya: "talaga? sige pakasal na tayo" (wishful thinking ulet, baket daydream ko toh e)

HAHAHAHAHA! umagang umaga bumabanat na ako. Sana lang nasasabi ko kase diba.

Nakarating na ako sa sakayan, naka-ngiti mag-isa.

kasi iniisip kita. :)

di ko na ikukwento yung iniisip ko, baka kiligin ka din eh.

so nakasakay na ako ng LRT. Ang bilis noh? E mabilis talaga e. Ano  gusto mo? Ma-late ako?

ayun na nga. nakasakay na ako diba? nakaupo ako sa sahig ng tren. trip ko e, inggit ka?

kahit masikip pa sa LRT. nakaupo pa din ako sa sahig. bida-bida ako e. tapos gumagawa pa ako ng assignment ko sa accounting,  yung problem 4-6, 4-7 at 4-9. alam mo mga sagot dun? pa-compare(pakopya) ah?

habang gumagawa ako ng assignment ko, kinailangan ko ng ruler. buti na lang yung ate sa harap ko ay engineering student. obvious naman e. may dala sya nung kanyon, yung mga weapon nila, kadalasan ata Staedler brand nung mga pandigma nila. syempre. imposible namang walang ruler yun. eh engineering nga diba?

at ayun na nga. kinapalan ko na mukha ko. humiram ako kay ate ng ruler. pero di nya ako pinahiram. akalain mo yon?!

biglang nagsalita si Bruno:

"Hangal ka! mamamatay ka din!"

eto naman si Caloy, kinontra na naman si Bruno:

"Ano ba yan Bruno? Matagal pa yung oras nya eh. Ang bata pa nya oh.. tutulungan pa nya yung pamilya nya, iaahon nya sa hirap ang nanay at tatay nyang nasa probinsya na nagtatanim lang ng kamote."

at ayun. di na nagsalita si Bruno.

(but that day. may narinig ako sa balita, may isang babaeng engineering student daw ang naaksidente at namatay dahil nabangga sya ng isang jeep sa harap ng isang LRT station..)

1-1

let's just pray for her soul..

so ayun na nga. balik na sa kwento..

di ko na tinapos yung homework ko kasi di pwedeng di straight yung mga line sa homework eh at makkikipag-compare(kopya) na din ako ng sagot para sure. :)

ayan.. tumigil na yung tren. inayos ko na yung gamit ko at bumaba na ako ng LRT station.

naglalakad na ako ngayon papuntang school..

eh sa mga gantong oras eh inaasahan kong makasabay ko sa paglalakad yung mahal ko, kahit hanggang sa room lang.

so ayun.. tingin ako ng tingin sa likod, sabi kasi kasi ni Caloy:

"ang di tumingin sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan."

syempre nakinig ako dun. sya yung mabait e.

pero sabi ni Bruno sa harap na lang daw ako tumingin, don't ever look back daw.

pero kay Caloy pa din ako nakinig. kasi baka bigla akong i-surprise ng mahal ko galing sa likod eh. tapos kiligin pa ako?! di ako ready dre!

*wishful thinking*

so eto na nga, round 3 na nila Bruno at Caloy..

so what really happened?

eto:

nung tingin ako ng tingin sa likod.. bigla akong may narinig na nagsalita. and parang familiar yung voice..

BOSES PALA NG MAHAL KO!!

so hinanap ko sa likod. wala talaga! so nagpasya na akong tumingin sa harap.. and.. SIYA NGA! OH MY! TAMA SI BRUNO!

eto sabi ni Bruno after that:

"di naman kailangan na laging tumingin sa pinanggalingan eh, minsan kasi nasa harap mo na yung hinahanap mo, tingin ka pa ng tinigin sa pinanggalingan mo. sayang naman yung opportunity."

1-2

so ayun na nga.. gusto ko syang sabayan kaso..

may kasabay syang iba, and isa syang lalaki! ouch! </3

nakahawak pa sa braso nya yung mahal ko! ARAY! may bf ba si Lucy?

bakit di ko alam? :(((

parang gumuho na yung mundo ko nun..

hanggang dito na lang ba ako?

wala na ba akong magagawa para sa mahal ko?

masasabi ko pa bang mahal ko siya?

paano na yung sa pagtae ko, ikaw pa din ba yung isispin ko?

pero sa bawat pagsara ng pinto, may bubukas na bago..

ayan oh..

bukas yung pinto ng classroom namin.

nandito na pala ako.

T_T 

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 457 18
In which a girl named Sana always receives letters from her obsessed secret admirer but her heart already belongs to someone else- but fate always ha...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
86.2K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...