Wonderful Days

By faithtolove

24.4K 716 225

One of the hardest things to do in life is walk away from someone you love. But sometimes, you have no choice. More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 26

525 16 2
By faithtolove

Problema

Matapos ang magdamag na pictorial ay hindi ko na nakita si Patrick. Tinutukso nila akong lahat na para bang ginusto ko ang nangyari.

"Sus! Kinikilig ka pa rin kay Sir?" Tanong ni Edgar. Binalingan ko siya. Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng gamit ko.

"Ikaw ke'lalaking tao mo napaka'tsismoso mo!" Umirap ako sa kanya. Sinusubukan ko lang maging mataray para mawala na ang tukso nila sa akin.

Nakakahiya naman kasi. Iniwan ako ni Patrick sa ganitong sitwasyon. Naguguluhan pa talaga ako kung bakit niya ginawa iyon.

"That's end for today. See you tomorrow." Paalam ni Crizza sa kanila.

Nagsialisan na sila matapos ayusin ang mga gamit nila. Napagod talaga ako dahil sa nangyari. Kahit pala nakatutok lang ang camera ay talagang nakakapagod. Nakakapagtaka ang mga artista kung bakit natitiis nila ang humarap sa camera magdamag.

"Apple, sabay na tayo." Niyaya ako ni Crizza. Hindi na mahagilap ng mata ko si Liro. Siguro napagod na iyon sa panggugulo.

"Yung kanina..." Bigla akong natigilan sa paglalakad.

"Anong ibig sabihin no'n?" Kumunot ang aking noo bago umiling.

"I don't know. Ayokong pag-usapan." Hindi ko naman kasi alam ang sagot. Maging ako ay naguguluhan.

Kibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik naman akong sumunod.

Pagkarating sa suite namin ay may narinig kaagad akong tawanan. Dinig na dinig ko ang tawa ni Lian.

"Ang pangit mo!" Natatawang tukso ni Lian kay Liro.

Natahimik naman sila ng makarating kami ng suite. Nag-iinuman sila sa loob ng suite. Really? Bakit hindi sila lumabas?

Hindi pa ako nakakapasok ay naabutan na ng tingin ko si Patrick. Katabi niya si Lian na panay ang akbay sa kanya. Gusto kong mainis tuloy sa ginawa niya kanina.

"Hi babes!"

"Putulin ko yang dila mo, gusto mo?" Mataray na hamon ni Crizza kay Liro. Umupo na si Crizza sa couch. Nilipat na din nila ang mesa sa tabi ng couch at ginawang lagayan ng alak at chichirya.

"Apple! Kumusta ang pictorial?" Masiglang tanong ni Lian. Maybe, she doesn't know anything. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Patrick. Agad siyang umiwas ng tingin. I felt betrayed. Iniiwasan niya ako after ng nangyari. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko, eh.

Ngumisi si Liro habang nakamasid sa amin. Agad ko siyang binalaan. Baka kasi masabi niya iyon tapos mag-aaway sina Lian at Patrick. Yes, I love him but I'm not a selfish bitch.

"Okay lang." Sagot ko bago umupo sa kama at kumuha ng maisusuot. Green sleeveless ang napili ko at pajama. Kahit na inaantok ako ay mukhang hindi agad ako makakatulog dito.

Makikiinuman ako sa kanila? This is crazy! I don't want to be with him pretending nothing happened. Hindi ako manhid.

Nang magpalit ako ng damit ay niyaya nila ako. Hindi ko alam kung tatanggi ako o hindi. Napalingon ako kay Brix na tahimik sa sulok habang nagmamasid sa amin. Napakamisteryoso din pala ng taong ito.

"Sige na light lang naman ito, e." Pangungulit ni Lian. Nakangiti ito sa akin. Yumakap ulit siya kay Patrick. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Si Patrick naman ay tahimik habang tinutungga mag-isa ang bote ng alak. Ni hindi niya ako kayang tapunan ng tingin.

Narinig ko ang katok mula sa labas kaya natigilan kami. Tutal ako na ang nakatayo kaya naglakad na ako para buksan iyon.

"Mark!" He's on timing! Ngumiti ako dahil makakaligtas ako sa kanila. Nakangiti si Mark sa akin.

"Hi." Sabi nito. Kumaway pa siya sa mga kasama ko.

"Hello." Halos sabay na bati nila. Tanging si Patrick lang ang hindi namansin at tumigas ang aura ng makita si Mark.

"Ah guys una muna ako ha! M-may usapan kami ngayon ni Mark. Sige!"

"H-ha?" Hindi ko na pinatapos si Mark dahil agad ko na siyang hinila palayo ng suite. Hawak ko ang kamay niya at hinihila pa rin iyon papunta ng dalampasigan.

Natigilan ako ng marinig ko siyang tumatawa. Kumunot ang noo ko saka siya hinarap. "What's funny?"

"You." He chuckled.

"And why?" I crossed my arms and creasing my brow.

"Because you're funny." He laughed. Really hard. Hawak nito ang tiyan habang tumatawa. Napasimangot ako ay hinampas siya sa braso.

"It's just a joke, okay? I just want you to be happy." Tumigil na siya at seryoso na ang mukha. Sinapin ko ang tsinelas at umupo doon. Naramdaman ko naman na umupo din siya.

"Anong meron sa inyo ni Sir?" Wala sa loob na humarap ako sa kanya. Hindi na siya nakangiti ngayon kaya kinabahan ako. Ayokong maungkat ang ugnayan namin ni Patrick.

"Typical boss and assistant." I shrugged.

"Liar. Obvious naman na meron."

"He has a girlfriend and I know how much he loves her. I don't want to ruin their relationship." Niyakap ko ang aking tuhod saka pinanood ang paghampas ng dagat.

"Exactly. That is why I like you." Bigla kong tinagilid ang aking ulo saka humarap sa kanya.

"Mark.."

"I know. Hindi kita minamadali. I just want to know you better. Please, let me enter in your heart. Susubukan kong buksan ang puso mo."

"Sira!" Natatawang sabi ko sabay hampas sa kanya.

"I'm serious here! From now on, I'll court you."

"H-hindi-"

"Yes. Wala ka ng magagawa doon." Hindi na ako nakaimik. Tama na siguro ang kahibangan ko. Alam ko naman na wala ng chance na maging kami ulit dahil may mahal na siya.

Isa pa, I want to be happy. Masyado ng malungkot ang buhay ko para ikulong ko pa ang aking sarili.

Hindi ko namalayan na matagal na pala kami sa oras at lumalim na ang gabi. Masarap naman kasing kausap si Mark. I admit, he is a nice guy.

"Naku it's already time. May work pa tayo bukas." Sabi ko. Tumayo siya saka inilahad ang kamay sa akin para alalayan akong tumayo.

He is sweet and gentleman. Sana kaya kong buksan ang puso ko sa kanya.

Habang naglalakad ay tumatawa pa rin kami. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Hindi naman pala masama kung maging open na ako sa iba. Tanging kina Sissy at Cedrick lang kasi ako nag-o-open.

Lumalamig na ang hangin kaya tinanggal ni Mark ang jacket niya saka pinasuot sa akin. Ngumiti ako sa kanya sa niyakap ang aking sarili gamit ang jacket na bigay niya.

"Thank you, Mark." Nakangiting sabi ko ng nasa harap na ako ng suite.

"It's my pleasure. Thanks anyway, for accepting my offer."

"Huh? Di ba nga liligawan kita." So seryoso pala siya doon akala ko joke lang.

"By the way, you look hot kanina." Bigla akong namula. Of all description na gagamitin niya 'hot' talaga?

Ngumiti na lang ako at tumango. "Good night."

"Goodnight." Hinawakan niya ako sa ulo saka ginulo iyon. Tumawa siya ng makitang nakasimangot ako.

"See you tomorrow." Kumaway siya habang nakangiti. Pinanood ko muna siyang makaalis bago ako papasok sa loob. Nang malayo na siya ay tumalikod na ako para makapasok na.

"Enjoyed?" Napatalon pa ako ng kaunti sa sobrang gulat. Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang kaba.

Nakasandal si Patrick sa wall malapit sa pinto. Anong ginagawa niya dito? Hinihintay ba si Lian? Luminga ako pero wala naman si Lian sa paligid.

"S-sir kayo pala..uhm papasok na po ako." Humarang siya sa pinto ng buksan ko iyon. Iniba niya ang posiyon namin. Ako na ang nakasandal sa malamig na dingding habang hawak ang palapulsuhan ko sa ibabaw ng aking ulo.

Sinikap kong manlaban at pakawalan ang sarili pero malakas siya. Lumapit siya ng konti kaya naamoy ko ang alcohol sa kanyang hininga.

"You always want to seek attention. Gusto mo sayo lahat nakatingin lahat ng lalaki at sambahin ka!" Madiing bigkas niya.

Mabigat ang hininga nito habang nakapako ang paningin niya sa akin.

"N-nagkakamali ka." Giit ko at pilit na pumapalag mula sa pagkakahawak niya. Nilapit nito ang mukha niya halos isang dangkal na lang ang layo namin.

"At ano ang tama? Ang maraming lalaki? Ang makipag-flirt harap harapan?" Nanlilisik ang mga mata nito. Namumula na iyon dahil sa kalasingan.

"H-hindi kita maintindihan-" It was cut because he claimed my lips. Tinikom ko iyon dahil sa pagkabigla.

He tried to enter inside my mouth. Dahil na rin sa sensayong nararamdaman ko ay nagpaubaya ako. I close my eyes and responds to his kisses. I never thought it will happen again. I missed his damn lips. Ganoon pa rin ang pakiramdam.

He was succeeded when he entered his tongue inside my mouth. Para akong nilalagnat na ewan sa ginagawa niya. Halos hindi ko na maramdamam kung nakaapak pa ako sa semento o hindi. Namanhid ako at naging okupado ng halik niya ang isip ko. Hanggang ngayon wala pa rin pagbabago ang feelings ko kapag hinahalikan niya ako.

Napaungol ako ng bigla siyang humiwalay. Dumilat ako at nagtama ang tingin namin.

"Damn!" Usal niya bago ako tinalikuran at umalis na. I was left again dumbfounded.

Para akong laruan na 'pag naisahan ay iiwan na lang ng ganoon. Nahihiya ako mismo sa sarili ko dahil wala na akong katiting na pride man lang sa aking sarili.

Sige lang Apple, saktan mo pa ang sarili mo para ikaw na mismo ang sumuko.

Second day ng shooting at okay naman ang nagaganap. Nakapag-adjust na ako sa pagharap sa camera.

Sina Liro at Crizza ay nagbabangayan na naman. Hindi ininda ang mga nakatingin sa paligid. Si Brix ay nasa sulok at nakamasid sa akin. Malalim ang titig nito. Kung hindi ko lang alam na may asawa na siya ay iisipin kong may gusto siya sa akin.

"Cut! Perfect!" Dinig ko na sabi sa akin ni Steve. Sumunod naman si Wilson para sa solo pictorial niya.

Naglakad ako para sumilong. Nadatnan ko sina Patrick at Lian na kumakain na sa kubo. Gusto kong umatras ang kaso napansin na ako ni Lian.

"Kain na tayo. Baka pagod ka na." Nakangiti pa rin si Lian. Ang masakit lang kasi hindi maldita si Lian kaya nai-insecure ako. Parang nanliit ako habang kaharap ko siya.

She is kind, sweet, caring, perfect..and the bottom of this...I'm not.

Nakita kong natigilan si Patrick at umiwas ng tingin sa akin.

Aaminin ko nasasaktan ako dahil iniiwasan niya ako. Na para bang malaki akong kahihiyan at kasalanan ang ginawa ko.

Umupo ako at kumuha ng slice ng pakwan saka buko juice. Wala akong balak kumain dahil nakikita ko sila.

"Ang ganda mo." Puri ni Lian sa akin. Nakayakap ang braso nito kay Patrick.

"Thank you. Mas maganda ka." Sumubo ako ng isang slice ng pakwan at pilit na nilunok iyon.

"Asus! Humble ka masyado. Ay, yan lang kakainin mo?" Kahit si Patrick ay nagkunot ng noo sa akin. Uminom ako ng buko juice.

"Oo. Wala akong gana."

"Baka magkasakit ka niyan." Natawa ako sa sinabi ni Lian na ipinagtaka nilang dalawa.

"Buti kapa concern ka sa akin. Don't worry kung mamatay man ako wala naman iiyak." Yes, I'm bitter. Masama ang loob ko. Galit ako sa mundo kaya ganito ako.

Nakita kong nag-igting ang panga ni Patrick samantalang si Lian ay natahimik bigla sa sinabi ko.

"Buti nga kayo ang saya niyo eh. You love each other." Pag-iiba ko sa usapan.

"Yes. I love this man. Maswerte nga ako at dumating siya sa buhay ko." Nanikip ang lalamunan ko sa aking narinig.

Sige Apple patayin mo ang sarili mo. Ilang buhay na ang napatay mo? Parang lahing pusa ka. Tibay mo.

"Alam mo nagpapasalamat pa nga ako dun sa babaeng walang kwentang nanakit sa kanya. Kung hindi sa kanya wala si Patrick ngayon sa akin." Halos mangilid na ang luha sa gilid ng aking mata. Ayokong tingnan si Patrick baka mapaiyak na ako.

"You don't know her that's why you don't have the right to judge her. Lahat tayo may pinagdadaanan kaya maswerte ka ikaw ang mahal ni Sir ngayon." Ngumiti si Lian sa akin. Parang wala siyang alam sa mga nangyayari.

"Anyway, ang mahalaga ang ngayon. Uhm, I have to go. Excuse me."

"Wait, Apple okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lian sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapalingon kay Patrick.

"I need to be okay. I have to. Don't mind me, ayokong may nag-aalala para sa akin." By that, I smiled and left them. Hindi ko alam kung saan pupunta. Basta nagpakalayu layo ako.

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili kaya tumulo na ang luhang nagbabadyang kumalas kanina.

"You still love him." Natigilan ako ng marinig ko si Brix mula sa aking likuran.

"Who?" Pinunasan ko ang tumakas na luha sa pisngi ko.

"Kilala na kita, Apple. Walang masama kung ilabas mo iyan baka sumabog ka na lang bigla ng di mo namamalayan." Sinikap kong ngumiti sa kanya habang nakatanaw sa dalampasigan.

"Ayoko ng gulo, Brix." Bulong ko habang nakatanaw sa dagat.

"Magmula ng umalis ka nagulo na lahat. Hindi mo iyon matatakasan habang buhay." Mataman siyang nakatitig sa akin na parang binabasa ang nasa loob ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala na ang dating Apple na laging nakangiti. Yung Apple na matatag kahit na may problema. Bakit nag-iba ka?"

Huminga ako ng malalim sa sinabi niya. "People change." Kibit balikat na lang ako.

"Nakausap mo na ba si Faith?" Umiling ako. Matagal ko ng di nakikita si Faith at wala na akong balita sa kanya.

"Nasa probinsiya siya. She's pregnant."

"What?"

"I'll give her number to you. Fix yourself you look miserable." Ngumisi siya pagkatapos. Hindi ako makaimik sa inakto niya.

Sa kanilang tatlo si Brix ang ideal guy ko. Crush ko nga siya noon, eh. Masungit siya at ayaw sa babae. Ang kaso iba ang tinibok ng puso ko.

"Seryoso, 'pag kailangan mo ng kausap andito lang ako." Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Thanks." Sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko saka tipid na ngumiti bago ako tinalikuran.

Seriously? What is the problem of my hair? Lagi nilang ginugulo nakakabanas!

Huminga ako ng malalim saka tumanaw ulit sa dagat. I need to be strong, as always.

Matapos ang pictorial ay nagpahinga na kami. Si Mark ay todo bantay sa akin. Para nga siyang assistant. Lagi siyang nasa tabi ko habang nasa work ako. Minsan binibigyan ako ng bottled water. Minsan naman pinupunasan ang pawis ko.

Si Patrick naman ay patuloy sa pagiging masungit pero kapag si Lian ang nagkukwento ay napapangiti siya. Masaya silang nagbibiruan mula sa kubo. Hindi ko na kailangang maging bitter.

Nang magluch kami ay tumabi agad si Mark sa akin. Si Patrick at Lian ay magkatabi sa harapan namin. Katabi nila sina Crizza at Liro. Si Brix naman ay nasa gawing kanan ko. Kasama din sina Owen, Steve, Fredie at ang ibang kasamahan namin.

Kitang kita ko kung paano kaalaga si Patrick kay Lian. Binibigyan niya ito ng pagkain sa plato niya. Ngumiti naman si Lian at nagpasalamat.

Here we go again. I want to die.

"0-1" Ani Liro. Hindi ko maintindihan kaya binalewala ko na lang.

"You want shrimps?" In-offer sa akin ni Mark. Napalingon ako sa kanya.

"Ah-"

"No. May allergy siya sa hipon." Singit ni Patrick sa usapan namin. Wala sa loob na napalingon ako sa kanya. Hindi man siya nakatingin ay alam kong nakikita niya ako.

Narinig ko ang pagsipol ni Liro malapit sa kanila.

"All one." Bulong ni Crizza saka sila naghagikgik ang dalawa. Para silang crazy couple. Mag-aaway tapos magkakasundo.

"Ha? Paano mo nalaman, babe?" Usisa ni Lian.

"Alam ko lang. She's an old friend." Pahayag niya habang nakayuko at naghihiwa ng pusit.

"Oh? Magkakilala na kayo dati pa?" Tanong niya ulit.

"Hindi lang kilala. Kilalang kilala." Singit naman ni Crizza. Tinagilid ko ang aking ulo upang makita siya. Ngumisi lang siya sa akin.

Ang mga kasamahan naman namin ay nagtatanong ang mga mata. Buti na lang wala ng nagtanong pa.

"Oh, I'm sorry. Ito na lang." Inabot niya sa akin ang inihaw na pusit. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Thanks." Sabi ko.

Nang magtama ang tingin namin ni Patrick ay seryoso ang mukha na wari handang pumatay. Hindi ko alam ang nasa isip niya. Nawala lang ang emosyon niya ng subuan siya ni Lian. Umiling ito na nagpanguso kay Lian.

Nagkantiyawan ang mga kasamahan namin.

"2-1!" Sigaw ni Liro. Si Crizza ay nakangisi. Nagkunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

Ano ba ang tumatakbo sa utak ng dalawang ito?

Habang kumakain kami ay napapasulyap ako sa kanila. Nakangiti ito habang kausap si Lian.

He's happy now and I need to be happy for him. Atleast sa aming dalawa may isang masaya kaya okay na iyon.

"Kainis ka talaga!" Reklamo ni Lian habang nasa dalampasigan sila. Si Crizza naman ay may kausap sa phone kaya nakasimangot si Liro. Baka iyon ang isang manliligaw ni Crizza na sinasabi ni Brix.

"Okay ka na?" Tanong sa akin ni Mark. Ngumiti ako at nagpaakay sa kanya. Hapon na iyon kaya lumamig na ang hangin. Nilibot namin ni Mark ang buong resort. Buti na lang may nakita kaming nagtitindang isaw sa labas ng resort.

"I missed this! Sarap!" Nakangiting sabi ko. Mataman akong tinitigan ni Mark na para bang may dumi ako sa mukha.

"Walang mali sayo. Masyado ka lang maganda." Biglang namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkagat ng isaw.

Isang oras na siguro kaming naglilibot ng tawagin kami ni Edgar.

"Tawag kayo doon. Nagkagulo na naman."

"Ha? Bakit?" Kinabahan ako bigla baka may nag-away.

"Basta tara!" Halos patakbo kaming bumalik sa resort. Hawak ni Mark ang kamay ko habang tumatakbo kami.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanila. Nagkakairingan na kasi sila at nagugulo na.

"Si Patrick gustong ulitin lahat ng ginawa natin!" Inis na bulalas ni Owen.

"What? Bakit daw?" Nagkatinginan kami ni Mark.

Ano bang problema ni Patrick?

Continue Reading

You'll Also Like

98.8K 1.1K 33
A story about love, family and friends. What if the person you love loves you back? What are the circumstances or obstacle that you will go through...
177K 3.8K 61
Love is like a game of chess, one wroNg move then your game is all mesSed up. One Wrong Move every thing will Change. So What is The Best Thing To U...
10.7K 142 19
Letting go from a painful serious long term relationship and suddenly falling in love so fast. Is it possible? Read the story and let us see.
Wattpad App - Unlock exclusive features