Paraisla i: Pangako

De yukiirisu

22.3K 920 105

𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... Mais

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- N : 5 -

581 27 3
De yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O5

──────⊱⁜⊰──────



Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi talaga.

"Magandang umaga," bati niya kasama ng isang ngisi. Nagtanggal siya ng kanyang sambalilo. "Hindi ba ako nanghihimasok?"

Narito siya. Sa harap ng aking mga mata. Si Val.

Nanginig ang mga kamay ko at nais kong tumakbo ngayon paakyat ng hagdan at magtago. "Pasok ka," sabi ni Ina at saka siya pinapasok. Nagbaba ako ng tingin at piniga ang aking bestida. Umupo siya sa sopang kaharap ko.

"Kamusta, Ninette?" bati nito.

Hindi ako tumingin. "A-Ayos lang...po."

Nagbalik ang mga ala-ala ng paglapat ng labi niya sa aking leeg. Agad dumapo ang aking kamay sa lugar na nahalikan niya sa pandidiri. Naaalala ko nanaman...

"Narito na ang mga hiniling mong papeles, Astrid."

"Salamat. Ngunit bakit personal ka pang pumunta dito?"

"Nais ko lang bumisita..." ngumiti siya sa'kin at tumaas ang mga balahibo ko. "Masama ba iyon?"

Kalmado lang ang boses ni Ina. "Gusto mo ba ng maiinom? Tubig? Tsaa?"

"Wag na, ako'y napagod lamang sa paglalayag. Nais ko lang maupo."

Bumuntong hininga si Ina. "Kung ganon, ako na lang ang pupunta at tatawag sa Punong Tagapagsanay sa paaralang pangkawal. Dito ka na muna at magpahinga."

Agad kong tiningnan si Ina na puno ng takot. Wag... Wag mo akong iwan kasama niya—

"Mabuti pa nga," ngumiti ito ng malapad. "Salamat sa konsiderasyon, Astrid."

Wag, Ina. Wag mo akong...

"Sige, ako'y aalis na."

"Ina—"

Ngunit nakalabas na si Ina sa pintuan, naiwan ako sa sala kasama ng lalaking ito. Mistulang nabalot ako ng nyebe sa lamig. Lamig ng takot at kaba.

"Hmm," binaybay niya nanaman ang aking katawan gamit ng mga matang iyon. Saka mabagal at kalkuladong ngumiti. "Sa wakas at nagkita tayong muli. Bigla ka kasing umalis nang hindi pa natatapos ang ating kwentuhan."

"Ah," maliit lang ang boses ko. "Um, aakyat na po ako sa kwarto."

Mabilis akong tumayo at naglakad-tumakbo papunta sa hagdan. Ngunit naramdaman ko na lang ang kamay niya mula sa likod ko na tumakip sa aking bibig, isang kamay naman ang nakahawak nang mahigpit sa aking braso. Nilapit niya ako sa kanyang katawan at saka siya suminghap.

"Aalis ka nanaman?" mahina siyang tumawa. "Bakit mo ba ako tinatakasan?"

Sinubukan kong kumawala ngunit masyado siyang malakas. Hindi din ako makasigaw sa higpit ng busal niya sa aking bibig. Ina...Ate...Kahit sino... Parang awa niyo na.

"Napakabango mo talaga," inamoy nito ang aking batok at nais kong sumigaw hanggang mamaos ako. "Wag kang lumayo."

"Mmm!" maluha-luha akong nanlaban.

"Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong masaktan!" marahas niyang bulong.

Idinikit niya ako sa pader, ang pisngi ko'y nakadiin doon at nagsimula siyang humalik sa aking batok papunta sa likod ng aking tenga.

Parang awa niyo na...

Mahina siyang tumawa habang humahalik pababa sa aking balikat, sa gilid ng leeg at wala akong magawa. Wala akong magawa laban dito. Umiiyak ako at wala akong magawa.

"Wala pa bang nakakagawa nito sa'yo?" tuwang-tuwa niyang bulong.

Pakiusap...

"Kung ganon, ako pala ang nauna."

Sa loob-loob ko, alam kong hindi naman ako ang dapat nandito. Dahil ibang tao ang kanyang tunay na hangad. Isa lamang akong kapalit. Dahil...wala na ang babaeng gusto niyang molestiyahin. O sa tingin lang niya.

Ate Iris... Pakiusap.

May tatlong katok sa pintuan.

Napatigil ang lalaking ito sa kanyang ginagawa. Sa wakas. Iaalay ko pa ang aking buhay sa taong dumating sa oras na 'to...

"Ninette? Tao po?" tawag ng boses.

Rowan!

Iniharap ako ni Val sa kanya ng marahas at dinuro ako. "Sandaling magsumbong ka sa kahit kanino, titiyakin kong mawawala rin sila sa'yo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Lumuluha lamang ako.

At saka tumango. Inayos niya ang gulo kong buhok at bestida saka pinunasan nang marahas ang mga luha sa mukha ko. "Ayusin mo ang sarili mo," galit nitong utos. Saka pumunta sa pinto at binuksan ito.

Bumungad ang nakasimangot na mukha ni Rowan ngunit nang makita niya si Val ay nanlaki ang mata nito. "Pinuno!" Yumuko siya agad sa paggalang.

"Anong kailangan mo?" nakangiting tanong nito.

Nagtama ang mga mata namin ni Rowan at kumunot ang noo nito. Inilayo ko agad ang aking tingin. "Maayos lang po ba ang lahat?"

Tumingin sa'kin si Val. "Ah, oo. Pinag-uusapan lang namin ang kanyang yumaong na kapatid kaya maluha-luha siya."

"Magpapatulong po ako kay Ninette tungkol sa isang bagay," dahan-dahang sabi ni Rowan habang nakatingin sa'kin. "Maaari po bang pumasok?"

Tahimik na iniuwang ni Val ang pinto at habang ito'y nakatalikod, agad na itinuro ni Rowan ang hagdan. Dali-dali akong umakyat habang nasa likuran ko siya. Nang makarating kami sa loob ng kwarto, napatitig na lang ako sa sahig. Sinara at ni-lock ni Rowan ang pinto.

Ang mga halik ng lalaking iyon sa katawan ko...

Ang kamay niyang humawak sa'kin—

Pumikit ako at pinilit na wag alalahanin. Kailangan kong magpanggap na—

"Nanginginig ka," sabi ni Rowan.

Bumukas ang mga mata ko. Kumapit ako sa aking bestida upang pigilan iyon.

"Hi-Hindi," bulong ko.

Pumunta sa aking harapan ang maputing lalaki. Saka seryoso akong tinitigan habang hawak ang baba ko. "Anumang segundo pa'y iiyak ka na. Nanginginig din ang labi mo."

"Bitawan mo ako—"

Ngunit hindi niya ako binitawan. At nalaman kong ayaw kong bitawan niya ako.

Bumigay ang mga tuhod ko at sinalo ako ni Rowan bago ako sumalampak sa sahig. Saka ako umiyak. Binaon ko ang aking mukha sa dibdib niya upang hindi marinig ni Val ang mga hagulgol ko.

"Shh," bulong ni Rowan, walang pagkasungit sa tono. "Alam ko. Alam ko, Ninette. Patawad. Alam ko..."

Niyakap niya ako't hinaplos ang aking buhok hanggang sa mawala ang pagnginig ko. Hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako iniwan tulad ng iba...



──────⊱⁜⊰──────


Kulay kahel at rosas na ang liwanag sa aking kwarto buhat ng paglubog ng araw ngunit magkatabi pa rin kami ni Rowan sa sahig, nakasandal sa dingding. Yakap ko ang mga tuhod, siya nama'y naka-ekis ang mga binti sa ilalim ng mga hita.

Naroon pa rin sa baba si Val ngunit kasama na niya ang aking Ina, pinag-uusapan ang mga proyekto ng palasyo.

"Si Dalia? Pakiramam ko magiging magaling na taga-pana ang babaeng iyon," kwento ni Rowan upang libangin ako at wag isipin ang mga kaganapan kanina. "Ngunit si Haki..."

"Anong problema?"

Ngumisi ito. "Yung pangarap niyang maging lingkod kawal, tingin ko'y laru-laro lang para sa kanya. Nakakalungkot man, ngunit nasa huli siya ng klase sa pakikipaglaban."

"Talaga?" alala kong tanong.

"Noong pinahawak siya ng pekeng espada at nakipag-dwelo, tumalsik lang ang espada mula sa kanyang kamay. Tumawa kaming lahat sa kanya," natatawa niyang sabi.

"Ngunit kahit papano'y wala na siyang sipon," sabi ko.

Nagulat naman ako nang tumawa bigla ang masungit na lalaki. "Tama ka!"

Napatitig lamang ako sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Tumaba ng kaunti ang kanyang pisngi at sumingkit ang mga mata niya. Napakaganda ng ngiting iyon.

Ngunit nawala din ito agad nang mapansin niya akong nakatulala sa kanya.

Umubo siya ng kaunti. "Bakit?"

"W-Wala. Ngayon lang kasi kitang nakitang... ngumiti." Yumuko ako.

Iniwas naman niya ang kanyang tingin. "Ah, talaga?"

"Palagi ka kasing nakasimangot. Subukan mo namang ngumiti minsan."

Tumingin siya sa akin at mahinang pinitik ang aking noo. "Ah!"

"Ikaw?" nagtaas siya ng kilay. "Lagi kang nakangiti, minsan sumimangot ka naman. Nakakasuray na eh."

Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Ayan, ganyan." Ngumisi siya—isang ngisi na malapit na sa ngiti. "Para hindi ako masilaw."

"Ano?" takang tanong ko.

Umiling lang siya habang tinatakpan ang kanyang bibig. At bigla siyang napatingin sa ilalim ng kama ko. Gumapang siya papunta dito at huli ko nang naisip kung ano ang natagpuan niya doon.

"Ano 'to?" Hawak niya ang bote ng gamot sa kanyang kamay.

Mabilis ko iyong hinablot. "Wala."

"Gamot ba iyan?"

Bumalik kami sa pagkakasandal sa pader. Hawak ko sa mga kamay ang bote ng gamot. Parte sa'kin ay nais nang sabihin sa kanya. Parte din sa'kin ay ayaw ipaalam. Baka kasi... Siya din ay iwan ako kapag nalaman niyang isa akong babaeng may depresyon at trauma na nakakaranas ng bangungot.

"May sakit ka ba?" ingat niyang tanong.

Tiningnan ko ang mga mata niya at nakita ang isang emosyon doon—pag-aalala.

"Wala," mahina kong sagot.

"Kung ganon, para saan iyan?"

Nilaro-laro ko ang bote. "Rowan, nagkakaroon ka din ba ng mga bangungot?"

Saglit siyang natahimik. "Minsan, sa pagkamatay ng aking ama."

Malungkot akong ngumiti.

"Kung ganon, anong pinagkaiba ko?" bulong ko sa aking sarili.

"Ninette," sabi nito. "Kung anuman ang tinatakasan mo, naiintindihan ko."

At sa mismong sandaling iyon, nakita ko ang isang peklat na tulad ng akin sa likod ng kanyang braso na sumisilip upang ipaalala sa'kin na hindi ako nag-iisa.

"Iyan ay..."

Tumango siya at tumitig sa palubog na araw sa bintanang kaharap namin.

"Mm, tulad mo may mga sugat din akong dinadala mula sa nakaraan." 

Ngumiti ito na malungkot.

Kaya alam ko. . . Alam natin, Ninette."

──────⊱⁜⊰──────

Continue lendo

Você também vai gostar

34.2K 1K 30
Dalawang taong pinaglayo. Isang puso ang nais bumalik sa kaniyang pagkatao. Isang pusong sakim. Isang pusong papatay. Isang pusong puno ng pag-ibig. ...
39.4K 2K 30
Kamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kani...
29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.