Paraisla i: Pangako

Bởi yukiirisu

22.3K 920 105

𝓬𝓸𝓶𝓹𝓵𝓮𝓽𝓮𝓭 | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... Xem Thêm

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- N : 4 -

632 31 4
Bởi yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O4

──────⊱⁜⊰──────


Nakasuot siya ng isang puting bestida, mga perlas sa kanyang buhok, kulay rosas ang mga pisngi. Payat man ay nakikita pa rin ang ganda sa kanyang mukha na dating malaman kapag ngumingiti. Sa mga kamay niyang nakatupi sa tyan nakaipit ang kumpol ng mga puting tulips at pulang rosas. Pinanood ko, pati na ang mga tao sa paligid ko, lahat ng iyon na ibaba sa ilalim ng lupa.

"Eyha," hagulgol ng isang matandang babae habang inaakbayan ng Hari. "Anak."

Ang paligid ay puno ng itim na payong at puting nyebe. Ang hangin ay makapal sa lungkot at pagkawala. Hawak ako ni Ina sa balikat, habang nakatitig ako sa bumababang kabaong sa butas sa lupa. Dumako ang tingin ko kay Kuya Lax, na dati lang ay puno ng ngiti noong ako'y nagdaos ng kaarawan.

Ngayo'y tulala lamang siya na parang hindi makapaniwala.

Pagkatapos ng seremonyas ay iginaya ako ni Ina upang umalis. Ngunit hindi ako gumalaw. "Ninette, halika na."

"Mauna na kayo." Nakatitig lamang ako sa lupa. "Mauna na kayo, Ina."

Hindi siya nagsalita at nag-aalangang binitawan ang aking balikat upang akayin ang umiiyak na ina ni ate Eyha. Lumapit ako sa lugar na pinaglibingan, kung saan nakatayo din si kuya Lax.

Matagal kaming hindi nagsalitang dalawa.

"Wala na siya."

Isang pangungusap na kapag hindi nailabas ay parang walang resolusyon sa nangyari. Lumabas iyon sa bibig ng Hari na walang emosyon. "Wala na siya. Nagkakamali lang ba ako?"

Tiningan ko siya, may mga nyebe na sa kanyang buhok.

"Hindi ko man lang siya nasamahan sa huling sandali," sabi nito. "Wala ako doon para samahan siya. Naghirap siguro siya... Siguro'y napakasakit ng dinanas niya..."

Lumuhod ako sa lupa, sa nyebe, at tumingin ng deretso sa tinabunang lupa. Wala akong maramdamang emosyon. Ang pagpapapakita ni ate Eyha sa panaginip ko ay hindi ko pa rin maintindihan. Siguro'y nalaman ko na...

Simula pa lang alam ko nang mamamatay siya dahil sa kanyang anak.

"Ate," bulong ko. "Alam ko na ang kasagutan sa tanong mo."

"Bakit ba kinamumuhian mo ako ng sobra?! Ano bang kasalanan ko sa'yo, ama? Ano bang ayaw mo sa'kin?!"

"Mabuti nang wala ka na dito upang marinig ang sagot," bulong kong muli. "...Hindi mo magugustuhan kung nalaman mong hindi ka niya minahal. Na hindi siya masayang ikaw ang nakuha niya."

Tumingin ako sa Hari na nalulunod na sa kanyang mga sariling luha at hinanap ang isa pang lalaki na dapat nandito. Ang ama ni ate Eyha.

Balik sa puntod. "Ngunit tingin ko'y sa loob-loob mo, alam mo nang si Ate lang talaga ang may karapatang sumaya. Hindi ba?"



──────⊱⁜⊰──────



Dalawang puting bilog ang nasa kamay ko, naghihintay na aking isubo at lunukin. Para magawa na nila ang kanilang silbi: Ang labanan ang trauma at depresyon ko. Para namang ganun kadaling mawala iyon. Sa maraming buwan magmula nang ibigay ito ng mga doktor sa akin ay hindi pa rin nawawala ang problema ko.

Hindi ba sila masyadong masahol na pilitin nila ang batang tulad kong uminom nito? Hindi naman ito ang kailangan ko. Alam kong hindi ako mapapalimot ng mga gamot na ito.

Ngunit ininom ko pa rin ang mga ito. Baka sakaling... Ito na ang araw na tama ang mga sinabi nila. Na makakatakas na rin ako sa mga bangungot ko.

"Ninette?" tawag ng isang boses sa labas ng aking kwarto.

"Pwede ba kaming pumasok?" isang lalaking boses naman. Nalaman ko kaagad kung sino ang mga iyon kaya madali kong tinago ang bote ng gamot sa ilalim ng kama at tumakbo sa pinto. Bumungad ang ngiti ni Haki at Dalia.

"Ah, ang ganda naman ng kwarto mo!" tuwang tuwa at walang pakundangang tumakbo si Haki sa aking kama at tumalon doon.

"Haki!" saway ni Dalia ngunit sinabi kong ayos lamang iyon. Pinaupo ko din siya sa aking kama. "Pasensya ka na ha, hindi kasi ganito kaganda ang kwarto namin sa pasilidad."

"Ngunit mas pipiliin ko iyon kaysa sa kwarto namin sa palasyo," sabi naman ng lalaki na napansin kong hindi na sinisipon.

Lumungkot naman ang mukha ni Dalia. "Isang linggo na pala ang nakakaraan."

Alam ko na ang kanyang iniisip. "Oo nga."

"Mabuti ka pa at nakapunta ka sa libing ng Reyna," niyakap ni Dalia ang kanyang mga tuhod. "Nakausap ko siya ng isang beses, at nayakap na parang ina. Siya lang ang nakapagbigay ng yakap na iyon na matagal kong hinanap simula nung..."

Pinutol siya ni Haki. "Dalia naman, hindi tayo nagpunta dito para pag-usapan iyan." Tumingin sa'kin ang lalaki na humihingi ng patawad. "Talagang...may mga taong sadyang tapos na ang oras sa mundo."

Natahimik naman kaming dalawa sa sinabi nito. Ganun na lang ba? Kapag tapos na ang silbi mo sa mundong marahas na 'to, maaari ka nang mamatay? Kung ganon, nararapat bang mawala na lang ang mga walang silbi? Niyakap ko ang sarili ko.

"Ah, oo nga pala!" Balik na ang masiglang si Haki. "Mabuti at patapos na ang taglamig. Tingin ko kasi'y mahihirapang magsanay niyan si Rowan kapag tuloy pa rin ang nyebe—"

"Si Rowan?" agad kong tanong. "Bakit, ano bang nangyari?"

Ngumisi naman nang mapagmalaki si Haki. "Siya ang lumabas na pinakamagaling sa paghawak ng espada nitong nakaraang lingguhang pagsusulit."

Lihim naman akong napangiti. Siya ang pinakamagaling, huh?

"Alam mo bang suot-suot niya iyong bonnet na binigay mo noon? Siguro naging swerte niya iyon kaya naging maganda ang resulta niya," ngiting sabi ni Dalia.

"Talaga?" Hindi ko alam kung bakit sumasaya ako ng sobra sa balitang 'yon. "Nasaan siya ngayon? Bakit hindi niyo siya kasama?"

Humiga si Haki sa aking kama at tumitig sa kisame. "Ayaw ka raw niyang makita. Mas gugustuhin pa daw niyang magwalis ng nyebe."

Lumungkot ako. "Ah..."

Ngumiti naman si Dalia nang mapansin ang pagsimangot ko. "Wag mo nang pansinin iyon! May pagka-masungit lang talaga siya tsaka hindi pa kayo ganun masyadong nagkakasama kaya—"

"Ayos lang," tipid kong sagot. "Masasanay din ako."

Nagpatuloy ang kwentuhan nina Haki at Dalia habang dala ko pa rin ang lungkot. Tumayo ako at tumingin sa bintana. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Rowan.

Sa gulat niya, bigla siyang tumakbo nang mabilis palayo ng bahay.

Gaano siya katagal tumayo sa labas?

"Huy! Para kang nakakita ng multo dyan!" asar ni Haki na tumatawa.

Dinala ko ang mga kamay ko sa aking bibig at pinanood ang tumatakbong pigura ni Rowan. Saka nagsimula akong tumawa, kumakalat ang saya sa aking dibdib. Nalilito akong tinitigan nila Dalia.

"Oo nga, isang multo ang nakita ko," ngiti ko.

Iniisip ko pa rin ngayon kung ano ba ang silbi ko sa mundo bago ako itapon nito.

Iniisip ko pa rin ngayon kung ano nga ba ang gamot ko.

Iniisip ko pa rin kung ano bang halaga ng buhay ko para sa mga tao. Ngunit habang tumatawa ang mga kaibigan ko sa aking tabi, alam kong malapit na ako sa mga sagot. Kahit hindi ngayon, siguro... balang araw.

Makakalabas na rin ako sa anino ni Ate Iris.

Makakawala na rin ako sa gapos niya.



──────⊱⁜⊰──────



"Magkapatid tayo," sabi niya gamit ng napakagandang mukha, napakagandang mga labi, napakagandang mga mata. "Kaya dapat naroon tayo para sa isa't-isa."

Kasinungalingan.

"Anong ako ang mas maganda? Mas maganda ka kaya kaysa sa'kin!" tawa niya, isang musika para sa tenga ng lahat.

Mali ka.

"Balang araw, mananalo ka din sa mga patimpalak gaya ko. Tapos mapipili ka din sa Pagkalap, Ninette."

Hindi.

"Ipinagmamalaki ka namin, Iris! Hangang hanga kami ng ama mo sa'yo," sabi ni Ina habang pinagmamasdan ko lang sa tabi kung gaano kaganda at kasaya ang kanilang pamilya. Aming pamilya. Ngunit tumingin ako sa salamin at tuwing nakikita ko ang aking repleksyon, naaalala kong...

Hindi pala ako parte ng pamilyang 'to.

"Tingnan niyo naman ako," bulong ko sa sarili.

Ngunit hindi. Ako pala ang mabuting anak.

Iyon ang dapat kong gampanan. Hindi dapat ako mainggit. Dapat mahalin ko si Ate Iris, dahil siya ang kapatid ko. Kahit na...

Kahit na...

"Lagi tayong magkakasama, Ninette," sabi niya habang yakap-yakap ako. "Hindi kita iiwan."

"Opo, Ate Iris."

Ngunit hindi ko alam kung masaya ba ako doon o hindi.

"Masaya ka ba?" tanong niya noong bata kami. Tumingin siya sa'kin gamit ng mga lilang matang iyon.

Dapat lang. Dapat lang na maging masaya ka. Dahil utang mo sa amin ang iyong buhay. Ngumiti ako sa kanya. "Lagi."

"Hindi tayo magkakahiwalay?" tanong niya.

"Pangako."

Sakal akong muli ngayon ni Ate Iris sa aking bangungot, ang matamis niyang ngiti ay wala at hindi ko makita sa likod ng kanyang kahel na buhok. Sa likod niya, si Ate Eyha ay nakatayo at seryoso ang mukha. Nakatingin siya sa'kin.

"Alam ko na, ate Eyha," nakangiti kong sabi kahit humihigpit pa ang kapit ni Ate Iris sa leeg ko. Umubo ako ng dugo. "Alam ko na ang iyong nararamdaman."

Para siyang manikang hindi nagsasalita.

"Alam ko na, noon pa."

Pumasok sa lalamunan ko ang mga daliri at kuko ni ate Iris. Napapikit ako sa sakit.

"Dahil tulad mo, lahat ng mahal ko ay siya lang ang mahal."

Lumuha ako kasabay ng aking paggising.

──────⊱⁜⊰──────

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

43K 1.3K 14
3RD CASE of "THE CASE" SERIES May habilin si Lola Belinda para sa kanyang mga apo. Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Isa kayang sikreto na sa wakas...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
2K 71 33
Phillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Ma...
The Fusion Of Two Worlds Bởi Mathealogy

Khoa Học Viễn Tưởng

7.9K 221 14
Isang babaeng pinangalanang Sithya ang nadisgrasya dahilan ng pagkawala ng kanyang memorya, hindi niya alam kung paano mamumuhay ng walang kaalam ala...