The Anatomy of Our Almosts

By MVRastro

240K 8K 1.6K

Sa hindi inaasahan ba mahahanap ang sagot sa mga katanungan? Aasa? Maniniwala? Walang galawan? Maghihintay? More

More than Smiles and Coffee
Almost 1. University of the Philippines
There She Goes Again
Almost 2. Juliet and Juliet
Cigarette Butts and Train Stations
Almost 3. Drizzles and Hurricanes
Almost 4. Narratives and Adjectives
Almost 5. Maturity and Commitments
Almost 6. White lies and Sojourn
Best Friends and Flowers
Almost 7. When We Talk Like Men
We Begin Again
The Antecedent of Nearly Everything
Puppetry and Breaking Free
A Taste of Freedom and Serenity
To Nirvana and Back
Behind Close Doors and Dummying
No Holds Barred
Their Bucket List
Perfectly Fitted Puzzle Pieces
The Life We'll Share
My Lone Star Song, Amazed
The Birth of Jade and Althea
In a State of Temporary Bliss
All's Well that Ends Well
In the Twinkling of an Eye
Blessed of a Life with Denise
BC: Parenting Goals

The Unwanted Side of a Triangle

7.3K 292 71
By MVRastro

Glaiza came to me late last night, crying her heart and balling her eyes out. And it just hurts me to see her like that.

Kagabi ko lang naalalang ang tagal na pala nung huli ko siyang nakitang umiyak, and until now kahit antagal na ganun pa din yung instinct ng katawan, puso at utak ko. Ang kagustuhang protektahan siya, and hearing her tell me that she'll protect me from her family doesn't diminish the calling of protecting her myself.

Alam ko naman kasing kahinaan ni Glaiza din ang pamilya niya, and as much as possible ayoko ng ganito siya sa kanila, kaso si Glaiza na mismo ang nakaalam, at hindi ko na din siya iiwan kahit pa nalaman nilang lahat na bumalik na ako.

"Anak, yung bacon toasted na."

"P-po mom?" tanong ko ng makabalik ang ulirat ko, tama si mommy konti nalang sobrang toasted na yung bacon.

"Kako yung bacon toasted na, bakit ang aga nagluluto ka? Kay Glaiza ba yung isang kotse sa garahe?" tanong naman ni mommy habang inaayos ko yung plates.

"Ahh opo mom, kasi - -" I trailed off.

"Ano Rhian?"

"Nalaman na po ni Glaiza yung totoong nangyari sa mommy at ate niya at sakin dati."

"Kinuwento mo ba?"

"Of course no mom, syempre alam ko namang magagalit siya at maglalayas kung ikukwento ko, kaso narinig niya daw na nag-uusap ang mommy at ate niya kagabe nung di inaasahan na umuwi siya."

"Naku, eh di anong oras na nakarating si Glaiza dito kagabe?"

"Mag-aala una na po ata."

"Anong plano niyo?"

"Hindi ko pa po alam mom, baka magulo pa ang isip ni Cha."

"Basta anak, andito lang ako para sa inyo okay? Kaso dahil ngayon na alam nanaman ng pamilya niya na andito ka na, malamang ikaw nanaman ang kausapin nila lalo na't naglayas itong si Cha."

"Nasa edad naman na po si Cha mom, siguro naman kakayanin na namin pero na harapin yung pamilya niya, okay naman po sakin dati yung Kuya, at Dad niya. Kaso nga lang sobrang kasalungat niyo ni Nadine ang mommy at ate naman niya." Malungkot na tugon ko, agad nama akong nilapitan ni mommy at mahigpit na niyakap.

"Basta andito ako, kami ni Nadine para sayo, at para kay Glaiza okay? Sana nga lang hindi na kayo masaktan pareho. Masyado ng mahaba yung panahon na pinagtiisan niyo para masaktan lang kayo lalo." Sabi ni mom habang hinihimas ang likod ko.

"Sana nga po mom. Ayokong nakikitang nahihirapan si Glaiza."

"At alam kong ganun din si Glaiza sayo. Sige na baka magising na yun, dalhin mo na sa kanya yung niluto mo." Ngiting sabi ni mommy

"Magsanay ka ng maging mabuting asawa." Kindat pa nito, na kinatawa ko naman.

"Mommy, bakit sobrang bait niyo po ano?" iiling iling kong sabi

"Ang sakin lang gusto kong maging tunay na masaya ka na. At alam ko namang kay Glaiza mo yun gustong makuha."

"Sana po lahat ng mommy katulad mo mom, siguro andaming masayang anak sa mundo no?" tango ko naman sa kanya

"Naku! Nambola ka pa, sige na pakainin mo na si Glaiza. Pupunta lang ako kila Nadine." Sabi nito sabay beso sa akin.

"Sige po, ingat kayo mom." Sabi ko naman.

+++

Matapos maihanda ang breakfast namin ni Glaiza, umakyat na ako ulit sa kwarto at sakto namang pagbukas ko ng pinto ay gising na ang aking magandang ninja. Kaso mukang malungkot pa din siya. Nakaupo siya sa kama, yakap ang dalawang binti niya malapit sa dibdib niya at nakapatungo ang ulo niya dun.

"Cha?" Tawag ko sa kanya, agad naman siyang lumingon sa akin, umiiyak nanaman siya.

Mabilis kong nilapag sa bedside table ko ang tray na bitbit ko. At agad na umupo sa tabi niya sa kama, agad naman siyang sumandal sakin, nasa bandang dibdib ko ang ulo niya, at mahigpit siya yumakap sa bewang ko.

"What are you thinking?" tanong ko

"Iniisip ko yung hirap na pinagdaanan mo, kung paano mo hinarap yung nanay at ate ko, yung sakit ng mga salitang binitiwan nila sayo dati, kung paano mo yun natagalan."

"Dahil sayo. Mahal kita eh."

"Can you tell me your side of the story now? Everything please?" Sabi niya sabay ayos ng upo at harap sa akin.

"Well, I first met your ate Cris a day before our first anniversary, alam na niya pala yung tungkol satin, hindi ko lang alam kung kanino niya nalaman, pero ako yung iniisip niyang dahilan kung bakit hindi mo tinanggap ang Yale. Sabi niya layuan na daw kita at masisira ko lang ang buhay mo. Pero Cha, I stood my ground sinabi ko sa ate mo na hindi kita iiwan, lalo nung sumunod na araw na kinantahan mo ako sa tapat ng oble, naisip kong how can I just leave you behind ng ganun ganun na lang kung mahal na mahal kita. Pinili ko na lang hindi sabihin kasi ayoko ngang magkagulo pa kayo ng ate mo, dadagdag naman sa stress mo yun. And then after a year again, katatapos lang ng anniversary natin nun, and busy ka masyado sa mga bago mong gigs and guesting, tapos may natanggap akong text from your number, sabi mo magkita tayo sa pinakamalapit na coffee shop sa UP. Dun din kami unang nagusap ng ate mo. Then pagdating ko dun sila ng mommy mo ang nakita ko..." malumanay na lahad ko kay Glaiza na tuloy ang tulo ng luha habang hawak hawak ang dalwang kamay ko.

"Anong nakapagpabago ng isip mo na panindigan tayo?" bulong tanong niya

"Ayokong masaktan ka Glai, Itatakwil ka daw kasi nila dahil wala silang anak na lesbian. At kung hindi ako mismo ang lalayo, they'll disown you. Natakot ako, hindi ko kayang masaktan ka kung gagawin nga nila iyon. Kaya pinili ko nalang na sakin ka magalit. At least sakin naisip ko nun makakamove on ka. May pamilya kang aalalay sayo. Kaso ang hirap palang magpakatanga na iwan yung taong mahal mo, kaya gumawa ako ng paraan..."

"Ano?"

"Pinakiusapan ko si Patty na halikan ka nung MYX concert - -"

"Ha?"

"Hindi ko kasi kayang iwan ka ng hindi ko nakikita ng dalawang mata ko na makakayanan mong wala ako sa buhay mo, and seeing Patty kissing you that night hurt me, that kept the memory bitter. I'm sorry Cha." Iwas ko ng tingin dahil nahihiya ako sa nagawa ko sa kanila ni Patty.

"No, it's okay, naintindihan ko. Okay lang." Alo niya sakin sabay yakap.

"I'm sorry Rhian." Sabi niya ng bumitiw siya

"Bakit ka ba sorry ng sorry, wala ka namang kasalanan. Ikaw talaga." Ngiti ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya

"Okay na ako, magiging okay na tayo." Sabi ko sabay mabilis halik sa labi niya.

"Wag ka ng mag-alala andito naman ako para sayo." Sabi ko sabay kurot ng malambing sa ilong niya.

"I don't know what to do kung wala ka Rhi. I'm such a mess grabe." Iling niya.

"Pareho tayong naging mess nung iniwan kita, kahit nasa rehearsals ako nun sa Shakespeare Rocks, naiiyak ako kasi miss na miss na kita, pag iiyak na yung character ko dun nabubuhos lahat."

"Nako kaya pala nagbest actress ka pa. nakwento ni Bianca sakin." Kindat naman niya

"Nainlove ka naman sakin lalo, sus maliit na bagay." Yabang ko, na ikinatawa naman niya

"Haaay." Buntong hininga ko

"Oh bakit?" takang tanong niya

"Gustong gusto ko lang naririnig kang tumatawa. Kagabi kasi singhot ka ng singhot." Sabi ko naman sundot sa tagiliran niya.

"Sorry." Sabi niya sabay pout

"Wag ka ng magsorry, kumain nalang tayong breakfast kasi malamig na yung niluto ko." sabi ko saby tayo, pero bago ako makaalis ng kama ay hinatak niya ako pabalik sa kanya upang yakapin.

"Thank you Rhian, thank you kasi mahal mo pa din ako." Bulong niya, agad ko naman siyang niyakap pabalik

"Walang anuman, ninja." Biro ko

"Mahal kita Binibini."

"Mahal din kita."

Matapos niya akong pakawalan ay kinuha ko na ang tray ng pagkain namin. Naging mas okay siya nung nakainom ng coffee, kumain kami at nagkwentuhan na parang walang nangyari kagabi o walang mangyayaring masama mamaya o bukas, na parang ang pinakamahalagang bagay ng mga panahon na iyon eh yung toasted bacon at dark coffee na gawa ko. Na kaming dalawa lang ang tao sa mundo, na walang iniisip basta masaya lang kaming dalawa ng biglang may kumatok sa pinto.

"Rhian?"

"Yes manang bukas po yan." Sagot ko naman ng hindi umaalis sa kama katabi si Glaiza.

"May tao sa labas, hinahanap ka. Kaibigan mo daw siya." sabi naman ni manang ng marahang buksan ang pinto.

"Ay sino daw po?" wala naman kasi akong inaasahang pupunta dito ngayon, andito si Glaiza, tapos kung si Bianca naman iyon panigurado dumerecho na siya dito sa kwarto ko.

"Jason daw." Sagot naman ni manang Tasing, natigilan kaming pareho ni Glaiza, at mejo lumayo siya sakin ng marinig ang panganalang binanggit ni manang.

"Sige po, pahintay nalang sa sala, magaayos lang po ako."

"Sige." Sagot ni manang sabay sarang muli ng pinto.

"Bakit siya andito..." tanong ko sa sarili ko

"Baka aayain kang lumabas?"

"Kausapin ko lang muna ha?" baling ko kay Glaiza

"Sure." Ngiting tango niya.

"Wag kang aalis dito. Di pa tayo tapos." Kindat ko sa kanya

"Oo dito lang ako, gusto mo tali mo pa ako sa kama eh." Biro niya

"Ay sige mamaya pwede naman." Balik ko naman, kaya nabato pa ako ng unan bago ako lumabas.

Pagbaba ko ng sala, nakita ko agad si Jason na bihis na bihis.

"Hi Jase! What's up?"

"Hey Rhi, I was wondering lang if you're free today? I mean hindi ka kasi pwede yesterday dahil sa meeting mo diba? So I was hoping today pwede ka? Labas naman tayo tagal na natin di nakapag hang-out." Ngiting paliwanag naman niya.

+++

"Hello Cess?"

"Hey Glai, nakausap ko na si Emman, sabi niya available daw siya Thursday for the shoot. Ikaw ba?"

"Available din naman ako nun. I'm sure sila Chynna din."

"Can we meet today? Para makapag conceptualize tayo ng magiging takbo ng shoot and other things like the time, place, yung poetry and songs?"

"Sure can do. Mga anong oras tayo magmeet?"

"Mga ala-una? Sa book and borders nalang?"

"Sure, I'll ask Chynna to come by."

"Okay see you Glai."

"Thank you Cess, See you later."

Pagkababa ko ng phone at agad kong sinabihan si Chynna na pumunta sa book and borders mamaya.

----

"Cha?" Tawag ni Rhian pagpasok sa kwarto

"Yes Yon?"

"Okay lang bang samahan ko muna si Jason sa race tracks? Says he wanted us to hang-out since antagal na nung natapos yung project namin." Tanong ni Rhian, I wanted to give her down right cold no. Pero naalala kong hindi pa naman kami, at wala akong karapatan, and kaibigan niya din si Jason, so kahit nagaalangan.

"Ahh sure." Ngiti ko naman.

"You sure talaga?"

"Oo naman Rhian, he's your friend." Tango ko

"Aalis din kasi ako." Sabi ko naman

"Saan ka pupunta?" takang tanogn niya

"I'll meet with Cess after lunch for the conceptualization, for the shoot on Thursday. Pwede ka naman ng Thursday right?"

"Sure, I'm always available for you." kindat naman nito

"I know." Cool kong sabi

"Wow confident." Tawa niya

"Sige na magready ka na, hinihintay ka na ni Jason MO." Biro ko

"Ay? Selos?"

"Sino?"

"Ikaw kaya."

"Huh? Hindi ako nagseselos no!" tanggi ko

"Halika nga dito. Wag ka na magselos baby." Sabi niya sabay hatak sakin papunta sa kanya at halik, nagulat man ay lumaban ako. Na ikinatawa naman niya.

"Ang cute mo. Kaya love kita eh. Sige na anong oras na oh, mauna ka na sa shower at magready ka na."

"Yes baws!" sagot ko naman sabay tayo para pumunta sa banyo

Siguro nga masyado lang akong nagiisip at nagaalala sa presensya ni Jason. Kelangan ko lang talagang magtiwala kay Rhian.

Matapos namin maghanda, kahit nagtataka ay nginitian naman ako ni Jason na naghihintay sa baba.

"Jase, Si Glai pala yung - -" pakilala ni Rhian.

"Girlfriend mo dati?" putol naman ni Jason

"Nice to finally meet you Glaiza. I'm Jason." Sabi niya sabay lahad ng kamay niya

"Nice to meet you too Jason." Sagot ko naman naman kahit nairita ako sa "dati" na sinabi niya

Hindi ko namalayan na matagal na pala kaming nagpapataasan ng ere kung hindi pa nagsalita si Rhian.

"Mahal ko, okay na kilala ka na ni Jason." Bulong niya sakin.

"Ay sorry."

"So tara na Rhi?" baling naman ni Jason kay Rhian.

"Tara?" tanong naman ni Rhian sakin at tumango nalang ako at ngumiti.

Magkahiwalay kaming sumakay ng kotse, ako sa kotse ko at si Rhian sa kotse naman ni Jason. At kinakain na ako ng selos kahit wala namang dapat ikaselos, yung pagbukas palang ni Jason ng pinto kay Rhian, parang isang malaking sampal na sakin kahit hindi ko naman dapat iyon maramdaman. Naunang umalis sila Rhian, mabilis magmaneho si Jason at nawala na sila agad mula sa rearview mirror ko.

Paalis na sana ako ng makita kong umilaw ang phone ko na nasa passenger seat.

From: Rhian

Mag-iingat ka ha? You have nothing to worry about. Okay? I love you. :* Be back later, saan kita pupuntahan?

To: Rhian

Ikaw din. Of course. ;) I love you too. Depende kung anong oras ka pupunta? If it's too late na nasa condo lang ako.

From: Rhian

Okay, I'll be there before you know it. ;)

To: Rhian

Sure I'll leave a key sa lobby nalang. :)

+++

"I'm sure magiging successful tong balak natin." Masayang sabi ni Cess, pagkatapos naming mapagdesisyonan ang lahat ng mga gagawin sa Thursday.

"At talaga si Glaiza pa talaga ang nakaisip nito ah. Galing." Puri naman ni Chynna, habang ako ngingiti ngiti lang sa isang tabi, naghihintay ng text ni Rhian. Kaso tatlong oras na yung last message niya.

"So paano guys, let's meet on Thursday nalang?" Sabi naman ni Emman sabay tayo sa table namin kasama si Cess

"Thank you Cess, Emman ha." Sabi ko sabay beso

"Sure no worries ano ka ba." Ngiti ni Cess

"Una na kami G." Paalam naman ni Emman

"Bye. Ingat kayo." Sabay naming paalam ni Chynna.

Ng makaalis na ang dalawa, bumalik naman ako sa table namin.

"Bakit ang tahimik mo? Si Rhian? Diba dun ka natulog sa kanila kagabe? Anong nangyari ba? At bakit wala siya?" sunod sunod na tanong ni Chynna

"Ang dami mong tanong Chyns." Simangot ko habang matamang hinahagis hagis pataas ang phone ko.

"Ano nga?"

"Ganito kasi, kagabe umuwi ako sa bahay kahit hindi naman dapat talaga ako uuwi, kaso may nakalimutan akong gamit so umuwi ako, mga 10 siguro yun nakabukas pa yung ilaw sa sala, kaya tahimik lang akong naglakad papunta sa pintan tapos nung malapit na ako narinig kong naguusap sila mommy at ate cris about how they terrorized Rhian back then to leave me behind."

"What?!"

"Yes Chynna, they're the reason why Rhian left. They threatened her, said they'd disown me pag hindi ako iwan ni Rhian."

"Wow. That is very... oh tapos anong nangyari?"

"Nagkasagutan kaming tatlo, kasi they're planning to do the same thing nanaman now that's Rhian's back. And then I ran away and agad na pumunta kay Rhian. All this time I was blaming her for the failed relationship, for hurting me, for dropping me like a used napkin, tapos hindi naman niya kasalanan lahat." malungkot na naiinis kong tugon

"Grabe, wow kay Rhian Denise."

"She really is."

"So ano pang kaganapan? Bakit tahimik ka? Kanina ka pa wala sa mood eh."

"She's with her ex now."

"Ex you mean that Jason?"

"Ahuh."

"Oh. Why?"

"What do you mean why? Of course they're hanging out."

"Speaking of hanging-out here he comes..."

"Ano?"

"Hey guys!" Bati ng pamilya na boses ng lalaki mula sa likod namin. Right! Yes Benjamin! You're all that I need now. wow!

"Hi Benji!" kaswal na bati ni Chynna

"Hi." Ngiti ko

"Oh asan si Rhian?" tanong niya, sa tonong kinaiinisan ko

"Ahh kasama si Jason." I said in my coldest tone

"Are they back together that fast?" tanong niya na sobrang pinagsalubong na kilay ko

"Anong pinagsasabi mo Benj? Rhian's clearly in love with Glaiza okay." Chynna answered in my defense.

"Chill, I was just joking." Tawa naman ni Benjamin, for normal days, papalipasin ko lang yun at parang hangin lang sakin ang mga biro niya kaso ngayong araw na ito, ngayon mismo, na hindi pa din ako makapaniwala na nagawa akong saktan ng sariling pamilya ko para sa kagustuhan nila, na wala si Rhian at kasama ang ex niya na kanina pa hindi nagpaparamdam, na kanina pa ako naiinis dahil nagseselos ako, na kanina pa ako wala sa mood dahil namimiss ko si Rhian, eh magjojoke siya ng ganun?!

"Not nice Ben." I said in a hard tone

"Chyns tara na sira na araw ko." sabi ko sabay tayo mula sa table namin. Agad namang humabol si Benjamin, habang naglalakad kami papuntang parking lot

"Hey Glai, I'm sorry okay? It was just an honest joke okay?"

"Yep, we're good, kaso wala na ako sa mood so please lumayo ka nalang." I said without looking back.

No one's going to talk about Rhian with that kind of implication in my presence ever again, may it be a joke or not. She deserves better, no right from the start she deserves the best.

Deredrecho ako sa kotse ko at agad namang sumunod si Chynna.

"Glai."

"Sorry Chyns, nainis lang talaga ako."

"I know and I understand. Tara palamig tayong ulo, mag five na din oh."

"Saan tayo?"

"May gig kami nila Eunice at Kean sa 70s Bistro gusto mo dun nalang?"

"Sige. Kaso paano yung kotse mo?"

"Oo nga pala, sige convoy nalang tayo."

"Okay."

"Chill." Paalala niya sabay tapik sa balikat ko bago bumaba ng sasakyan.

Nakarating kami ng 70s Bistro ng mga ala-syete ng gabi, nagsisimula palang ang mga front acts, kaya kasama pa namin sila Eunice at Kean sa table. I remained silent, with occasional laughs and butting in with their conversations, pero my heart and mind is out there somewhere with Rhian. Who's currently enjoying the time with her ex. Fuck. This isn't healthy.

At ng umalis na sila Eunice, Kean at Chynna para magready sa stage, nagcheck nalang muna ako ng social media accounts ko, I was casually scrolling down my feeds sa Instagram ng makita ko sa isang photo uploaded two hours ago, si Rhian may hawak na babasaging baso ng halo-halo sa loob ng sinehan.

@jasechoachuy: She wanted halo-halo, boyfie instinct kicks in. @whianwamos

So alam mo yung feeling na pinagsakluban ng langit at lupa? Yung kinuha yung puso mo mula sa katawan mo pero nakakabit pa yung nerve ending sa mismong dibdib mo kaya nung pinasagasaan sa kotse yung puso mo naramdaman mo pa kung paano to nadurog?

Ang OA sabi ng utak ko pero, hindi ko maipaliwanag yung kurot na dala nung picture na yun kahit hindi sa camera nakatingin si Rhian at parang nahihiya siya o naiilang, nakangiti pa din siya.

Napaka walang kwenta ng araw na to. Kahit na naririnig ko na yung I Will Wait nila Chynna at Eunice, na dapat naalala ko yung version ni Rhian nung isang araw. My mind is blank.

Naghahalo halo na lahat ng emosyon mula kagabi, hanggang sa paglabas nila Rhian at Jason, hanggang sa pangbabadtrip ni Benjamin sakin, hanggang sa pagkakita ko ng picture.

Napakasama ng araw na ito.

Na bigla nalang gusto ko nalang umuwi sa condo ko.

Na gusto ko nalang mapag-isa.

Hindi pa man din natatapos ang set nila Chynna, pinili ko nalang umalis, umuwi.

To: Chynna

Tsong, uwi muna ako. Pasensya na di ko natapos set mo. Ang sakit na kasi ng ulo ko. See you tomorrow.

To: Rhian

Pauwi na ako sa condo. Mag-ingat ka pauwi. Mahal kita.

Matapos isend kay Chynna at Rhian ang mga mensahe na iyon, mabilis akong nagmaneho pauwi sa condo ko, nakarating ako ng mga alas-diyes, at hindi ko nakalimutang magiwan nalang ng susi sa lobby kahit malabo ng dumating pa si Rhian.

Pagpasok ko sa unit ko, mabilis akong nagshower at nagpalit ng pantulog saka humiga sa kama, at hindi namalayang nakatulog na pala ako agad.

I woke up around 8 in the morning; I was facing the left side of the queen size bed. I reached for my phone at may text si Rhian.

From: Rhian

Nakauwi na ako. Mahal din kita.

Binalik ko ang phone ko sa bed side table, at dahan dahang pumihit sa kabilang side ng kami, dahil naramdaman ko na ang sakit ng balikat ko.

Hindi ko naman napigilang mapangiti ng makita ko ang tulog na tulog na pigura ng isang maganda babaeng may pulang buhok sa tabi ko. napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan siyang matulog.

Tama si Rhian.

Nakauwi na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

61.9K 2.1K 43
This is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos
15.7K 154 17
paano kung ang isang mataas at kilalang babAe ay mahulog sa may asawa at magiging martir ito handa na kaya syang ibAbA ang sarili para sa sariling...
325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...
71.8K 2.8K 32
True love is selfless. It is prepared to sacrifice.