Kenji's POV
I'm not so fan of K-pop since Japanese ako. Pero dahil gusto or mas masasabi ko na adik siya sa kanila, so I'll try to be one. Malay natin, may magandang idulot . Start with the hair style. Ang pinakasikat ayon sa google ay si Lee Min Ho. As for me pangit ung hairstyle niya sa Boys Over Flowers, akalain mo iyon, kulot? Laughtrip lang eh. Astig siya sa City Hunter. Hindi ko naman sinasabi na pananood ko ang mga dramang ito, ayon lang naman iyon kay Google. My hair is not that short, I mean kasi hindi ko bagay ang clean cut ever since. Medyo may kahabaan na nga at talagang kelangan na ng hair cut.
"Iwan muna kita, C.R. lang ako." - Paalam ko kay Anne, nasa loob kami ng sinehan, boring ung palabas. Hindi ko pwedeng sabihin na sa salon ako pupunta. I wanted to surprise her.
Pagpasok ko sa salon, napatingin ung mga bading at mga customers nila. I'm not someone who is famous enough para tumingin sila BUT I'm a guy whom you called head turner. Catchy and handsome enough para pagpantasyahan.
Umupo ako sa vacant seat at lumapit ang isang bading. Lalake siya tignan pero may pagkabading.
"How can I help you, sir?" tanong nito.
"I want a hair cut like Lee Min Ho on City Hunter."
"Lee Min Ho?" tanong niya, marahil ay hindi rin siya k-pop fan.
"This is the brochure where you can find the hairstyle. Sorry. I don't know who he is."- aniya saka nagkibit balikat.
"Ok." Iyon lang ang nasabi ko kasi iba ung aura niya, parang professional talaga.
Nung makita ko ung pinakamalapit na hairstyle sa buhok ni Min Ho. Itinuro ko iyon.
"This one but no color for now, babalik na lang ako pag may time. Nagmamadali rin kasi ako."
"Ok. Don't worry it'll take less than 10 minutes." - Inumpisahan niya ang paglalagay ng kapa para hindi magkalat ang buhok sa damit ko. He looked closely on the pic. Then started trimming my hair. . Palihim ko siyang inorasan. mabilis nga siya manggupit. 8 minutes tapos na.
"done!" anya saka bri-nush ung mga remaining hair sa leeg ko.
"Here, babalik ako for hair color, ok?" Inabot ko ung bayad.
Paglabas ko ng salon, sinuot ko ung shades na nakasabit sa damit ko. Mas lalo atang nadagdagan ang mga napapatingin.
Pagbalik ko sa sinehan, naisipan ko mag CR muna.
Si Anne ba iyon? Bakit pasilip-silip siya sa cr nga mga lalake. Pasaway.
Hindi lang maghintay sa loob.
"miss," tawag ng isa sa mga lumabas.
"Bakit po?" tanong ni Anne.
"Are you with someone?" tanong ng lalake a kanya.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila.
"Wifey, what are you doing there?" tanong ko sa kanya saka ko inakbayan.
Unti-unting lumayo ung lalakeng kausap niya kanina.
Nang mapansin ko si Anne, nakakunot na naman ang noo niya. I bet she's trying to recognize me.
"Kenji?"
"Yeah."
"Ngaun ko lang nalaman na sa salon na pala ang CR ngaun." sarcastically said.
"Hindi mo ba nagustuhan ang hairstyle ko?"
"Hairstyle mo? HINDI MO BA ALAM NA KANINA PA AKO PARANG TANGANG NAGHIHINTAY SAYO?!"
"Calm down, OK? Pinagtitinginan tayo ng mga tao." - medyo napalakas kasi ang pagkakasabi niya.
"They're NOT looking at me! They're looking at YOU!"
"Pasensya, gwapo ang asawa mo. Anong magagawa ko. Kanina pa sila actully nakatingin."
Napatigil kami sa pagsasagutan nang may biglang may magsalita sa aming harapan.
"Ka look-a-like ni Kim Hyun Joong." anang iang dalaga.
"Sino daw?" tanong ko kay Anne.
"Kim Hyun Joong."
"Huh? Si Lee Min Ho ang ginagaya ko." saka nag pout na gaya ng ginagawa ni Min Ho. Inayos ko ung bangs.
Ngumiti si Anne. Finally! Sana lang hindi na siya galit.
"Pati ba naman manerisms niya kelangan gayahin mo?" -Anne.
"Manerisms?Like?" Kahit alam ko naman na sadyang ginagaya ko. haha
"Yang ginagawa mo!"-Anne
"Ahh. hehehe"
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Sa park, parang gusto ko kumain ng isaw eh."
"Bet ko yan! Halika na!" Then hinawakan niya ang kamay ko.
Sa lahat ng madaanan namin, mapabata man o matanda napapatingin. Ganun ba talaga ako ka-gwapo?
"UY!" ani Anne.
"Yes?" tinignan ko siya ng may blankong ekspresiyon sa mukha. Bigla niya akong sinuotan ng gas mask.
ANNE's POV
"Kunwari na lang may sakit ka."
"Madaya naman eh. Paano ako kakain nito?" tanong niya.
Bahala siya sa buhay niya. Eh bakit naman kasi naisipan niyang magpagupit ng parang kay Lee Min Ho. Mas lalo tuloy siyang naging catchy sa mga babaeng nadaraanan namin.
"Kasalanan mo yan! Bakit kasi ang gwapo mo?" hahaha
"Fan ka ng Lee Min ho na un, tama?"
"Saan mo naman nakuha ang trivia na yan?"
"Dami mo kaya posters niya sa room mo!!"
"Hahaha wala kaya siya dun! Super Junior, Lee Seung Gi, JYJ at si Yamapi lang nandun."
"Eh bakit sa google, si Lee Min Ho ang pinakasikat na korean actors?"
"Ang totoo niyan, hindi niya ako super fan, para gawin mo ang pagpapagupit ng kagaya niya. May balak ka atang sumali sa kalokalike ng Show time?"
"Mangarap ka na lang!"
Hanggang sa marating namin ang bentahan ng isaw, hindi na siya nagsalita. Bakit kaya?
"Kenji?"
"Oh?"
"Bakit nanahimik ka jan?"
"Uwi na tayo."
"Sabi mo kakain ka ng isaw?"
"Nagbago na isip ko." Gumana na naman ang pagkasaltik niya.
Then I saw him glance to a girl na nasa dulong bahagi ng park.
"Sino iyon?" tanong ko sa kanya.
"Si Karla, one of my ex's." nang namataan siya ng babae ay lumapit ito sa amin.
"Kenji!" anito nang nakangiti.
"Hi!" Bati ni Kenji rito.
"Are you with someone?" tanong niya.
Siguro ang tingin niya sa akin anino.
"Ako lang naman ang kasama niya." singit ko.
"Karla, this is Anne. This is Karla." - pagpapakilala niya.
"Asawa niya ako." dugtong ko sa sinabi niya, kulang kasi eh.
"What?! Kelan ka kinasal? Pinikot ka ba ng babaeng ito?" - Karla.
Sumama ang timpla ko sa narinig kong sinabi ni Karla.
"Ehem." nanggagalaiti na ako sa galit. Pero tinignan ko lang siya.
"She's not one of your kind, Karla. And I ask you to RESPECT my wife."- Kenji, diniinan talaga ang word na respect. Wala ata kasi sa kukote ng babaeng ito ang salitang iyon.
"Ok." Tumalikod na ito. "Kung may free time ka Kenji, nasa bahay lang ako." - pahabol pa ng babaeng iyon.
Tinignan ko lang si Kenji. Bahala na siyang mag interpreta ng ibig sabihin ng tingin na iyon.
"Oh, kung may free time ka daw pumunta ka sa bahay niya!"
Grabe talaga ang babaeng iyon mas matindi pa sa sikat ng araw ang kapal ng mukha.
"Selos ka?"- Kenji.
"Ako? NagSESELOS?! SAAN BANDA?! Malayo ang agwat ko sa babaeng iyon! Tignan mo!" -saka ako nag chin up at tinignan ang babaeng palayo.
"Yeah. Malayo nga. Malayo ang agwat ng height. haha" - Kenji na nang-aasar na naman.
"Ano?!"
"Uwi na tayo." - Kenji saka hinawakan ang kamay ko.
Habang nasa daan kami pa-uwi.
"Ilang ex mo pa ang makikila ko, Kenji?" - seryosong tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam."
"Lahat ba sila naikama mo?"
"Hindi ko alam."
"Mahal mo talaga ako?"
"Hindi ko alam." sagot niya ulit.
Napatigil ako sa paglalakad at binitawan ang kamay niya. Nangilid na rin ang luha sa aking mga mata.
"Anne?"
"EWAN KO SAYO!!!"
Nauna na ako sa paglalakad. Pinili kong manahimik hanggang marating namin ang bahay.
"Wifey?" Napakamot siya ng ulo. Hindi ko siya sinagot. Bahala siya sa buhay niya!
"Anne?!!"
"Matutulog na ako." pagkasabi ko nun ay umakyat na ako sa aking kwarto.
Hindi niya alam.
Hindi niya alam.
Hindi niya alam.
Hindi niya alam.
Hindi makausap ng matino.
A/N:
Next Chapter : HINDI KO RIN ALAM
~~ hahaha bahala sila. Hindi ko rin alam.. Basta comment and vote na lang.. hehehe
THANKS :)