Paraisla i: Pangako

By yukiirisu

22.4K 946 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... More

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- N : 3 -

621 27 3
By yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O3

──────⊱⁜⊰──────


"Wala ka namang lagnat, anak. Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni Ina nang mapansin niyang hindi ko man lang ginagalaw ang aking pagkain.

"Wala po," sagot ko.

Dalawang araw mula ng aking kaarawan at ang engkwentro kay Val, nanatiling sikreto ang gabing iyon mula kay Ina. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. At isa pa, baka hindi niya rin ako paniwalaan. Basta't isa lang ang alam ko: Ayoko nang makita pa ang matandang iyon kahit kailan.

Ilang beses kong sinasabon ang aking mga braso sa tuwing ako'y maliligo upang tanggalin ang mga ala-ala nung gabing iyon.

Ayoko na. Ayoko na talagang bumalik pa sa Paraisla. Lahat na lamang ng ala-ala doon ay masama.

"Ah," sabi ni Ina at lumapit sa'kin. "Ngayon pala ang dating nila."

"Dating nino?"

Ngumiti siya nang malapad. "Ngayon ang dating ng Hari sa Rena at ang tatlo mong kalaro na pag-aaralin ni Lax."

Pumantig ang tenga ko. Si Rowan, Haki at Dalia. Dadating sila dito? "Talaga?" sabik kong tanong. Nagkaroon ako ng pag-asa na makakalabas na rin ako upang maglaro kasama nila.

"Oo, nais mo ba silang salubungin?"



──────⊱⁜⊰──────


"Dalia!"

Tumakbo agad ako palapit kahit hindi pa siya tuluyang nakakababa sa metal na hagdan ng barko. Nagtatawanan kaming nagyakapan. "Sinalubong mo pa talaga kami?" Nakangiti nang malapad si Dalia sa'kin habang nakasimangot naman ang maputing lalaki sa likod niya.

"Bilisan niyo nga, wag kayong humarang sa daan." Masungit itong nakiraan kay Dalia at umapak sa lupa. Anong problema nun? Hindi ko siya pinansin.

"Ito pala ang Rena!" rinig kong boses. Nang tumingin ako sa taas ng hagdan ay nakita ko ang sipunin na si Haki, sukbit ang kanyang tahi-tahing bag sa balikat. "Ibang-iba sa Hana. Malinis ang hangin!"

Nagtawanan na lang kami ni Dalia habang papalakad na palayo.

"Wag masyadong magpakalayu-layo mga bata! Ihahatid ko pa kayo sa inyong tutuluyan!" masayang tawag ng Hari sa amin.

"Opo, Kamahalan!" Tumakbo kaming tatlo papunta sa isang malapit na parke habang nag-aalangan namang sumunod si Rowan. Malamig ang hangin at balot at parke ng nyebe. Umupo kaming tatlo nila Haki sa seesaw.

"Meron pala nito dito?" tuwang sabi ni Haki. "Akala ko'y walang ganito sa Rena."

"Wala noon, pero dahil sa Hari..." tumuro ako sa iba pang palaruan, "Meron na."

"Napakabait niya talaga, ano?" sabi ni Dalia. "Alam mo ba, Ninette, dito na kami titira sa Rena at mag-aaral. Lahat sagot ng Hari!"

Tumawa ako. "Edi maganda. Para hindi na ako pumunta pa sa Paraisla para lang makita kayo. Makakapaglaro na tayo araw-araw!"

"Oo nga!" sang-ayon ni Haki.

"Anong laro? Narito tayong tatlo para mag-ensayo, hindi makipaglaro sa nyebe kasama ng babaeng iyan," masungit na sabi ni Rowan. Tiningnan ko siya at nakitang nakabusangot ang gwapong mukha nito. Gwapo sana ngunit ang lamig ng ugali.

"Masungit ba talaga siya?" bulong ko kay Dalia.

Humagikgik naman ito at bumulong pabalik.

"Sa'yo lamang, Ninette."

Ibinalik ko ang tingin kay Rowan, na siyang nakatitig naman sa malayo-- sa paaralan ng mga kawal-- at pinanood ang ugat sa kanyang panga na gumalaw sa lamig. Namumula nang kaunti ang kanyang mga pisngi at ilong. Wala kasi siyang suot para sa kanyang ulo.

Agad ko namang tinanggal ang bonnet ko, tumayo sa seesaw, at lumapit sa kanya. Gulat niya akong tiningnan lalo na nang tumayo ako sa mga daliri ng aking paa upang pantayan ang tangkad niya. Saka ko isinuot ang bonnet kong itim sa kanyang ulo.

"Taglamig. Dapat magsuot ka ng sapat," paalala ko.

Kumunot ang noo niya. "Edi ikaw naman ang nalamigan."

Tatanggalin niya sana ang bonnet ngunit- "Marami ako niyan. Sa'yo na."

Bago siya makapagprotesta ay narinig namin ang pagtawag ng Hari. Tumakbo palapit sina Dalia at Haki. Nginitian ko nang totoo si Rowan at saka sumunod sa dalawa.



──────⊱⁜⊰──────


Bumaba ako ng hagdanan ng aming tahanan na nakapaa. Sa bintana, nakikita ko ang madilim na kalangitan habang bumabagsak ang nyebe. Kay lungkot ng itsura ng mundo. Sa kusina, nakatalikod si Ina sa akin at naghahanda ng makakain.

Paglingon ko naman sa lamesa ay nagulat ako sa taong nakaupo.

"Mag-almusal ka na, Ninette," masayang bati ni Ama kasama ng kanyang ngiti, ang tanso niyang buhok ay nagliliwanag sa maputlang sikat ng araw.

Ngumiti ako nang malapad. "Magandang umaga, Ama."

Laging ganito. Laging nangyayari ito sa aking panaginip. Umupo ako sa kanyang tabi at sumilip sa kanyang dyaryo. Gumapang ang kilabot sa aking balat nang makita ang balita: Patay na si ate Iris. Sa litrato pinapakita ang madugo nitong katawan, buka ang tyan. Marahas akong napatayo at tumumba ang upuan.

"Anong ginagawa mo, anak? Kakain pa tayo ng almusal," sabi ni Ina, masyadong masaya para sa nangyayari. Inihain niya ang plato sa mesa na may karne.

Nanginginig ko silang tinitigan-- puno ng takot, ng di pagkapaniwala, ng pagkalito. "Kumain ka na," yaya ni ama. Lumapad hanggang tenga ang kanyang ngiti at mabilis niyang dinilaan ang kanyang labi na puno ng gutom. "Masarap ang karneng iyan."

"Hindi..." bulong ko habang papaatras.

Hindi ikaw si Ama. Hindi ko kayo kilala.

Mga halimaw.

May humawak sa aking balikat. Sa ibabaw mismo ng peklat ko. "Ninette, hindi magandang isipin ang mga salitang iyon."

"Ate!"

Pagtalikod ko ay mabilis niya akong sinakal at piniga ang aking leeg. "Ate..." pagmamakaawa ko, ngunit nakangiti lang siya, ang kanyang kahel na buhok ay nakatakip sa kanyang mukha.

"Anong pakiramdam..." tanong nito na mahinahon. "Na namumuhay sa pamilya ng mga halimaw?" Tumawa siya. "Masaya ba?"

Hinawakan ko ang mga kamay niya upang subukang tanggalin. Ngunit gaya ng mga nakaraan kong bangungot...Hindi ko ito magawa. Lumuha ako habang pinagpapawisan, bumababaw na ang aking paghinga.

"Sagutin mo ako, masaya ba?"

Bago ako mawalan ng hininga, nakita ko si Ate Eyha sa likuran ni Ate Iris, taimtim ang titig sa akin, magkahalong lungkot at kalma.

Nagising ako sa mga kalampag sa pintuan. Dumapo agad ang mga kamay ko sa aking leeg at pakiramdam ko'y sakal pa rin ako ni ate Iris. Lumakas lalo ang mga kalampag sa pinto. Hinawi ko ang kumot at dali-daling bumaba ng hagdan, naramdaman ang pamilyar na takot nang makita ang dilim ng kalangitan sa labas ng bintana.

Ngunit naroon na si Ina sa pintuan, sa harap niya'y si Dalia-- umiiyak.

Bago pa man ako makapagtanong ay sinabi nito sa garalgal na boses, "Patay na siya, Ninette. Patay na ang Reyna."

──────⊱⁜⊰──────

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 544K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...