Paraisla i: Pangako

By yukiirisu

22.4K 946 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... More

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- N : 2 -

569 29 6
By yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O2

──────⊱⁜⊰──────



Pagkatapos ng simpleng handaan para sa aking kaarawan, hindi ko namalayan na palubog na pala ang araw. Habang ginagabayan kami ni Kuya Lax papunta sa aming kwarto ni Ina, hindi ko maiwasang makaramdam ng pamilyar na takot. Palipat-lipat ang tingin ko sa bawat pasilyo, hinihintay na sumunggab sa'kin ang isang halimaw.

Ngunit nakahinga ako nang malalim nang imahinasyon ko lang ang lahat.

"Masaya akong pumayag kang dito magdaos ng kaarawan," masayang sabi ng Hari sa akin. Hindi ako sumagot. "Sana nagustuhan mo ang inihanda kanina."

"Nagustuhan ko po," mahina kong sagot. "Salamat."

Ngumiti lamang siya na parang may naaalala sa akin. Siguro'y naalala niya si Ate. Nabanggit ni Ina na malapit daw silang dalawa sa pamamalagi ni Ate noon dito.

"Ninette."

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod. May tumawag sa akin.

"Ninette."

Hindi ako nagkakamali. Boses ni Ate Iris iyon. Boses niya. "Ate..."

"Ninette...Halika," tawag nito mula sa malayo.

Nagsimula akong tumakbo. Nandito si Ate Iris! Gulat na tinawag ni Ina ang aking pangalan ngunit lumiko na ako sa isang pasilyo. Wala akong ibang maisip kundi nandito ang ate kong matagal nang nalayo sa akin. At tinatawag niya ako.

Kailangan niya ako.

"Ninette."

Hindi ko na alam kung gawa-gawa lamang iyon ng aking utak pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang makita. Kahit na... Kahit na...

Muntik na akong lumiko nang may marinig akong boses ng isang lalaki. Halatang galit ito dahil mataas ang kanyang boses. Sumilip ako habang nagtatago sa pader.

"—nang binigay ko sa'yo lahat ng hindi dapat sa'yo—ang pagiging Reyna, ang trono, ang yaman, ang titulo, pati na ang kinababaliwan mong lalaki!"

Nakita ko ang Reyna... si Ate Eyha, sabunot ng isang lalaking mas matanda sa kanya. Val. Oo, natatandaan kong ipinakilala ako ni Ina sa kanya kanina noong selebrasyon. "Kaya magtanda kang malandi ka, na ako ang masusunod sa buhay mo dahil ako ang nagbigay niyan sa'yo!"

Hindi ko nagustuhan ang aking nakikita. Maluha-luha si ate Eyha nang siya'y bitawan ng marahas ng kanyang ama.

"Kung talagang hinihingi mo ang iyong kamatayan, bahala ka anak. Pero pasensyahan tayo kung palitan kita balang araw bilang Reyna ng islang ito-"

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod niyang sinabi.

"Tulad ng pagpalit mo kay Iris."

Si...Ate?

Nagsimulang maglakad palayo ang lalaki at maya-maya'y sumigaw ang Reyna. "Bakit ba kinamumuhian mo ako ng sobra?! Ano bang kasalanan ko sa'yo, ama? Ano bang ayaw mo sa'kin?!"

Inggit ba iyong naririnig ko sa tono niya? Pinagpapawisan ang aking mga palad. Mabilis ang tibok ng aking puso habang inaabangan ang sagot ng kanyang ama.

"Dahil hindi ikaw ang dalagang iyon..." sabi ni Val.

Nang makaalis ito, hindi ko napigil ang pag-uwang ng aking bibig. Bakit...pakiramdam ko'y alam ko na? Alam ko na kung sino ang dalagang iyon?

Napatingin sa gawi ko si Ate Eyha.

Nahuli niya ako. Sa gulat at takot ko ay mabilis akong tumakbo pabalik.



──────⊱⁜⊰──────


Isa akong hangal, malungkot kong isip-isip habang hinahanap ang daan pabalik. Sa dami ng pasikot-sikot dito ay walang dudang ika'y maliligaw. Lalo pa't hindi ko naman ito kabisado. Natatakot ako. Lalo na ngayong ako'y nag-iisa.

Napadaan ako sa isang malaking mga pinto na nakabukas.

Sa loob ay mga matatangkad na lalagyan ng aklat, mga dingding ay may mga larawang ipininta. Patay ang mga ilaw at tanging liwanag lang ng buwan mula sa malalaking bintana ang tanglaw. Siguro'y nagpunta na dito noon si Ate Iris. Hindi ko alam na napatitig na lang ako nang matagal hanggang may marinig akong makapal na boses.

"Ninette?"

Isang boses ang kumuha ng aking atensyon. Nang lingunin ko sa gilid ay isang lalaki na siguro'y mas matanda nang kaunti kay ama kung siya'y nabubuhay pa. Siya din ang lalaki kanina na sumigaw kay ate Eyha- si Val. May baso ng alak sa kanyang kamay at maluwag ang espasyo sa tabi niya sa sopa. Pumasok ako sa loob ng aklatan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, makapal ang boses.

Nagpatingin-tingin ako. "N-naliligaw po ako."

"Halika," tawag niya.

Hindi man sigurado sa nais nito ay lumapit pa rin ako. Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya at ako'y umupo doon, mga isang metro ang layo. Hindi ko makakalimutan ang mga nakita ko kanina. Naamoy ko agad ang amoy ng alak na sumisingaw sa kanyang balat.

"Kilala mo naman ako, hindi ba?"

Blanko ang aking mukha. "Pinunong Val, tama po ba?"

Ngumiti ito bilang sagot.

"Nais mo bang...kwentuhan kita tungkol kay Iris?"

Agad ko siyang tiningnan. "Kilala niyo ang ate ko?"

"Oo naman," pagmamalaki niya. "Sinong hindi makakakilala sa kanyang ganda? Tunay na kahanga-hanga ang dalagang iyon."

Ngumiti ako. "Tunay po. Kilala si Ate Iris ng lahat ng binata sa Rena." Kulang na lamang ay makakita ako ng mahabang pila sa labas ng aming bahay upang hingin ang kanyang kamay.

"Bago ako mapunta sa palasyo ay nakatira ako sa Rena. Ilang beses ko siyang nakikita tuwing mapapadaan ako sa inyong tahanan—kung hindi nagsasampay ay nakaupo sa bubungan."

May saya sa kanyang mata na hindi ko maintindihan. Lumaklak siya sa baso. Tumingin siya sa'kin. "Kilala ko ang iyong ama. Sa kanya namin ibenebenta ang mga pilak at ginto na nakukuha namin sa minahan upang gawing alahas."

Tumango-tango na lang ako, masaya sa mga impormasyon sa bagong kausap. Pakiramdam ko'y nakakakuha ako ng mga pyesa ng buhay ng aking pamilya sa kanya.

"Nalulungkot akong tunay," uminom siya, "sa pagkamatay ng iyong kapatid. Sayang. Napaka-sayang. Malayo sana ang kanyang naabot."

Nawala ang aking ngiti at napalitan ng lungkot.

"Napakaganda pa naman niya. At sa balita ko'y magaling at mabait sa kapwa. Manang-mana sa kanyang inang si Astrid." Umiling-iling ang lalaki. "Walang dudang maganda pareho ang kanyang mga anak."

Umusog ito palapit sa'kin at nakatitig sa'kin ang mga mata. Hindi ako naging komportable sa biglaan niyang paggalaw.

"Ngayong titingnan ko," sinuri niya ang aking mukha. "Maganda ka rin pala. Lalo na kapag ika'y nagdalaga."

Lalo pa siyang lumapit.

"Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina," bulong niya.

Ang isang daliri niya'y pinapaikot-ikot sa aking buhok at nang tingnan ko siya ay pinagpapawisan ito sa templo, mainit ang tingin sa aking balat. Binaybay ng kanyang mata ang aking leeg, at sa dibdib at braso.

"Halika, kumandong ka sa'kin. Nais kong madama ang pagiging ama," aya nito.

"Ayoko po," nanginginig kong sagot.

"Ayaw mo?"

Wala akong sagot.

"Kung ganon, ako'y yakapin mo na lamang."

Lalo siyang lumapit at amoy na amoy ko na ang masangsang na alak sa kanyang hininga. Sa loob ng aking dibdib ay sobrang bilis na ng tibok ng aking puso sa kaba, hinihintay na lang ang pangil na lumabas at ibaon ito sa aking kabilang balikat.

"Wag kang matakot, hindi kita sasaktan," mahina nitong sabi.

Tumaas ang mga balahibo ko nang madama ang kanyang hininga sa aking leeg, ang kamay niya'y binabaybay ang aking braso. Sinubukan ko siyang itulak ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang kapit niya. Sa aking takot, nadama ko ang labi niya sa balat ng aking leeg. Agad kong itinulak ang mukha niya palayo at tumayo mula sa upuan na ikinagulat niya. Tiningnan ko siya na puno ng takot at suklam. "Ano pong inyong ginagawa?!"

Tumawa ito, isang nakakatakot na tunog.

"Wala, naamoy ko lang ang iyong pabango. Galing ba ito sa iyong ina?" nakangiti niyang tanong. "Ginamit din ba ito ng iyong ate Iris?"

Anuman ang itinatago niya sa kanyang ngiti ay hindi ko nagugustuhan. Nagsimula akong humakbang palayo.

"Bakit? Anong problema, Ninette?" humakbang siya papunta sa'kin. "Nagke-kwentuhan pa tayo."

Ngunit ayoko na. Sa mga mata niya ngayon, tila ba nakikita ko ang mga mata ng halimaw na kumagat sa'kin, pati na sa mayabang niyang ngiti. Bago niya ako muling mahawakan ay kumaripas na ako ng takbo palabas, pinupunasan ang leeg gamit ng mga pawisang palad.

Akala ko'y hanggang sa aking pagtakas ay nakasabit pa rin siya sa aking katawan.

──────⊱⁜⊰──────

Continue Reading

You'll Also Like

56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!