Paraisla i: Pangako

By yukiirisu

22.3K 920 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... More

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- N : 1 -

698 29 1
By yukiirisu




──────⊱⁜⊰──────

Ika-apat na Libro: Ninette

O1

──────⊱⁜⊰──────


Nakaupo ako sa damuhan sa tapat ng puntod ni ate Iris habang pinagmamasdan ang mga pinitas kong dilaw na bulaklak sa paligid. Alam kong isang malaking kasinungalingan lamang ang puntod, ngunit pakiramdam ko'y kahit papano nakakasama ko si Ate dito.

Alam kong hindi pa siya patay. Narito lang siya sa malapit, siguro'y nasa kabilang isla. At kung sinuman ang kumuha sa kanya'y nag-aalaga sa kanya ngayon.

"Ate," niyakap ko ang puntod na marbol. "Nasaan ka na ba?"

Tahimik na mga luha ang aking ipinatulo kasabay ng sakit sa aking dibdib na hindi mawala. Kahit anong gawin ko, hindi iyon mawawala. Pati na ang mga bangungot ng palasyo, ng Paraisla na minsan kong pinangarap, mga halimaw na bumabaon ang ngipin sa balat ng tao.

Agad akong napahawak sa aking balikat, kung saan naroon ang peklat ng bangungot.

Hindi ko makakalimutan ang mukha ng halimaw na iyon.

Babaunin ko hanggang sa pagtanda ang itsura niya. Kahit na ayaw ko. Kahit na kinasusuklaman ko iyon.

"Meron akong sikreto, ate Iris," bulong ko sa bato. "Nais mo bang malaman?"

Ngumiti ako at tumingin sa mga bulaklak na dilaw.

"Matagal ko nang alam," bulong ko. "Na isa lang akong ampon."



──────⊱⁜⊰──────


Sa paglaki ko'y pinaniwala ko ang aking sarili na anak ako ni Ina. Itim na buhok at berdeng mata, parehas na parehas kami. Kung tutuusin ay magkamukha pa nga kami ni Ina ngunit sa paglaki ko'y naiintindihan ko na.

Wala naman akong galit sa kahit kanino, kahit sa kapatid ni Ina na aking totoong magulang. Sadyang binawi na siya ng langit dahil sa kanyang karamdaman kaya naiwan ako sa kanyang kapatid na si Astrid.

"Anak ka namin, Ninette," sabi ni Ama. "Hindi sa dugo, kundi sa puso." At saka niya hinaplos ang aking itim na buhok.

Kaming tatlo lang nila ama ang nakakaalam. Si Ate Iris ay lumaki na itinuturing akong bunso at sariling kadugo. Masaya ang aming pamilya. Tunay na masaya. Ngunit dahil sa Pagkalap—

Dahil sa Pagkalap—

"Talaga?" masaya kong tanong nang marinig na nagpasa na ng aplikasyon si Ate. "Sasali ka sa Pagkalap?"

"Oo, Ninette." sagot nito. "Tapos mabibilhan na kita ng mga bestidang pangarap mo. Yung mga katulad sa Vena! Tapos maraming, maraming masasarap na pagkain!"

"Pero mas gusto kong makasama ka," pagmamaktol ko.

Tumawa naman siya at inakbayan ako habang nakaupo kami sa bubungan at nakatanaw sa linyang nagkokonekta sa dagat at langit. "Ano ka ba, dadating din ang panahon na makakapasok ka din. Bata ka pa kasi kaya bawal pa sa'yo. Pag naroon ka na rin sa palasyo, magkakasama na tayo."

"Tuturuan mo ba akong maglagay ng kolorete? Tsaka tamang paglakad?" inosente kong tanong.

"Oo naman—"

"Iris! Ninette!" tawag ni Ina. "Nasaan kayong dalawa?"

Humagikgik kaming dalawang bumaba sa likuran at nagpanggap na naglaro lang sa labas. Ayaw kasi ni Ina noon na umaakyat kami.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa puntod ni Ate at tinitigan ito na parang lalabas siya nang ilang segundo pa. Ngunit wala. Wala siya.

"Bumalik ka na," bulong ko.

Tanging hangin lamang ang sumagot.



──────⊱⁜⊰──────



"Maligayang kaarawan, anak ko!" masayang bati ni Ina.

Umagang-umaga ay nasa tabi siya ng aking kama, inaalog ako upang gumising. Bilib man ako sa pagiging malakas niya sa sitwasyon ay nakaramdam ako ng inis dahil sa pang-iistorbo ng aking tulog.

Tulad noong dati. Parang normal lang ang lahat.

"Ano ba, Ina. Salamat pero matutulog muna ako," napasilip ako sa bintana at pasikat pa lamang ang araw.

"Hindi pwede, kailangan mo nang bumangon at maligo."

Hinawi nito ang kurtina at pumunta sa aking tokador kung saan naghanap siya ng ilang bestida at mga coat na makakapal. Nagkusot ako ng mata. Hindi niya napansing nawawala na ang mga kinupit ko na kolorete sa kanya.

Tinapon ko na ang lahat ng iyon.

"Ano po bang magaganap?" inaantok akong umupo sa gilid ng kama.

Ngumiti si Ina sa'kin at nagpakita ng isang asul na bestida. "Dahil kaarawan mo ngayon at nakakalungkot na tayo lamang dalawa ang nandito, maglalayag tayo papunta sa Paraisla."

Agad akong nanlamig at nabato sa aking pwesto. Paraisla. Biglang nagbalik ang mga apoy, mga dugo at sigawan, ang mga halimaw. Pumikit ako at umiling-iling. Nalaglag ni Ina ang bestida at lumuhod sa harap ko.

"Anak—"

"Ayoko!" iyak ko. "Ayokong bumalik doon! Ayoko!"

Niyakap niya ako habang nakabaon ang aking mukha sa mga palad at bumulong na magiging maayos lang ang lahat. "Maraming mga batang tulad mo doon! At ang Hari at Reyna, nais ka nilang makita. Nagpahanda na ako ng selebrasyon..."

"Ayoko," diin ko.

Inalis ni Ina ang mga palad niya sa aking mukha at tinitigan ako. Ngumiti siya habang hawak ang mga kamay ko. "Hindi kita iiwan, anak. Hindi ko bibitiwan ang kamay mo."

Hindi ako nagsalita.

"Hindi kita iiwan doon mag-isa. Pangako," bulong niya sa'kin. Saka ako hinalikan sa noo at pisngi. "Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yong masama."

Kahit kumikirot ang puso ko dahil alam kong apektado din siya sa pagkawala ni Ate Iris, nakaramam ako ng saya dahil pinapadama niya talagang anak niya ako. At hindi isang ampon.

"Walang gagalaw sa'yo," sabi ni Ina. "Walang mangyayari sa'yo."



──────⊱⁜⊰──────


Ang hardin na puno ng nyebe ang pinaka-nagustuhan ko.

Pagdating na pagdating ko sa Paraisla ay wala na ang nakakatakot na apoy na minsan kong nasaksihan. Gumanda lalo ang Paraisla sa mga pagbabagong ginawa dito. Hawak ni Ina ang aking kamay at nang madaanan namin ang hardin, nakita ko ang mga batang tulad ko na naglalaro sa nyebe. Marami sila, at nagtatawanan.

Nakaramdam ako ng lungkot. Sa tagal kong hindi lumabas ng bahay dahil sa mga naranasan ko'y hindi na ako nakapaglaro tulad ng iba.

"Ina?" tawag ko.

Tumingin siya sa'kin. "Ano iyon, anak?"

"Maaari bang maglaro kasama nila?" turo ko sa mga bata na nagbabatuhan ng nyebe. Lumuhod naman si Ina sa harap ko at ngumiti.

"Oo naman."

Binitawan niya ang aking kamay at nakaramdam ako ng panandaliang takot. Ngunit nakita ko siyang umupo sa isang mahabang upuan. "Dito lang ako, anak."

Lumapad ang aking ngiti at saka ako tumakbo papunta sa mga bata. Ngunit pagdating ko sa kanila'y masyado silang abala sa pagbabatuhan at hindi ako napansin.

"Etong sa'yo!"

"Hahaha! Duling!"

Natamaan ako ng isang batang lalaki sa braso. At natigilan silang lahat nang mapansing may estrangherong nakisali. Ngumiti ako. Maputi ang batang lalaking nakabato sa'kin at nagtama ang aming mga mata.

"Maari ba akong sumali?" tanong ko sa kanya.

Masungit niya akong tinitigan. Saka bumaling sa isa niyang kalaro. "Ano sa tingin mo, Haki?"

"Ting-Tingin ko-" pasinghot-singhot ito "-mas magan-maganda kapag marami!"

Kumuha ito ng nyebe at ibinato sa'kin.

At dahil doon, bumalik ang sigla ng mga bata at nagbatuhang muli. Hindi ko man naiintindihan ang laro ay kumuha na rin ako ng nyebe at bumato. Ngunit hindi ko alam kung bakit lagi na lang akong pinupuntirya ng maputing bata. Nakakainis na, ha!

"Urgh!" Binato ko siya ng buong lakas at sa sa gulat niya, hindi niya ito nailagan kaya't deretso sa kanyang mukha.

"Ah! Hahahaha! Kawawang Rowan!" asar ng isang batang babae.

Inis na nagpagpag ng mukha si Rowan at masama akong tinitigan. "Tumahimik ka nga, Dalia! Ikaw kaya batuhin ko!"

Bumelat naman si Dalia at saka ako siniko nang mahina. "Galing!"

At nagbatuhan nanaman kami. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay napagod na ako kaya't niyaya naman ako ni Dalia na gumawa ng taong nyebe. "Palakihan tayo, ano?"

"Sige," masaya kong sabi at nagsimula na rin sa'kin.

Nang makabuo na ako ay bigla akong tinawag ni Ina. "Ninette, anak! Halika nga rito sandali." Nang ako'y lumingon, nakita kong may kasama na pala siyang isang babaeng matanda at isang babaeng payat na payat na parang sinipsip ang lahat ng kanyang dugo palabas.

Nag-aalangan akong lumapit dahil sa isip ko'y baka isa silang halimaw tulad ng nasa bangungot ko. "Hindi ka pa pormal na nakakapagpakilala sa Reyna," sabi ni Ina.

Nginitian ako ng babaeng payat at hindi ako nakapagsalita. Napatitig lang ako sa kanyang pangangatawan, iniisip kung paano ito nagkaganiyan. "Maligayang kaarawan, Ninette! Alam kong lalaki ka bilang isang napakagandang dalaga," bati niya.

Tumango lamang ako at napapatingin sa kanyang malaking tyan. Buntis siya. Ganyan ba ang nangyayari kapag buntis ang isang tao? Narinig ko na lang ang pagtawa ng babae.

"Pasensya na, Kamahalan, at hindi pa siya lubusang...maayos," sabi ni Ina. Magsasalita sana ako tungkol doon ngunit wag na lang. Walang saysay kung dedepensahan ko pa ang sarili.

"Walang problema, Pinuno." sagot ng Reyna.

Hindi ko maalis ang tingin sa tyan ng babaeng payat kaya naman biglang gumalaw ang aking kamay. Hinawakan ko ito at hinaplos. Kapag lumabas na ang sanggol, siguro'y makikilala ko siya. At mararanasan ko ding maging ate tulad ni Ate Iris. Ngumiti ako.

"Sabik na akong makita siya," mahina kong sabi.

Saka ko naalala si Dalia, ang aking kalaro, at tumakbo ako upang ituloy ang aming kompetisyon sa paggawa ng taong nyebe. 

──────⊱⁜⊰──────

Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 673 27
๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #2.5 of Paraisla Trilogy. - Liwanag ay kapalit ng dilim; dilim na kahalili ng takipsilim. - Hindi matatapos ang mga lihim...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book ๏ผƒ1 || Not your ordinary detective story.
464K 10.2K 52
The story of a man who lives in the slumber area underworld, it's no different from what you can imagine it's a real life hell that exist in this wor...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...