Tammara as :The Instant Wife

By mah_bhejaykee

24.1K 686 70

(COMPLETED) Tammara Bonchial - mala-anghel ang mukha,makinis,matangkad,almost perfect na sana siya sa tingin... More

Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
EPILOGUE

Chapter 12

1.3K 35 2
By mah_bhejaykee

Napasandal si Tammara sa pintuan ng kwarto habang pinapakalma ang sarili. Her mind can't reject the image she saw a while ago. Chester and Clarisse were kissing!

'Ang mga hudyo! Hindi man lang nagkaroon ng delikadesa sa mga sarili!' galit na saad niya.

Pinipilit niyang iwaksi ang nakita subalit tila nakapagkit na ito sa isip niya. Wala naman talaga siyang karapatang magselos subalit ang nasaksihan niya kanina ay talagang nakapagdudulot sa kanya nang matinding panibugho. Her mind can't think well on what to do next while she's still here at the Casa. Hindi naman siya maaaring umalis dito dahil magtataka si Chester kung ano'ng dahilan nang paglisan niya. Ngunit mas lalong hindi siya komportable na mamalagi pa sa Casa ng ilang araw  kasama ang babaing linta. And shes right, Chester and Clarisse aren't just merely friends.

'Kaya pala hindi mapakali ang hudas na iyon kanina dahil nandito pala ang kalandian niya! Virgin pa kamo. Mukha niya! Gigil na saad ni Tammara sa sarili.

"Tammara? Gising ka pa ba? Maaari ba tayong mag-usap?" sunud-sunod na katok ni Chester sa labas ng kwarto ni Tammara.

'And speaking of the devil. Bahala nga siya sa buhay niya!' aniya sa sarili nas mas piniling humiga sa kama.

"Tammara please talk to me. I need to tell you something." Pagpupumilit parin na saad ni Chester sa kanya. "Kung hindi mo ito bubuksan I'll get the master key."

Dahil sa sinabi nito ay napilitan ding bumangon ang dalaga para pagbuksan si Chester. Nakalimutan niyang pagmamay-ari pala ng binata ang Casa.

"What do you want?" asik niya kay Chester.

"Look. What you saw earlier ay walang i-."

"Wala rin akong pakialam. So maaari bang umalis kana? I need to rest."

"Gusto ko lang namang ipaalam sa iyo na iyong nakita mo kanina ay lahat kagagawan ni Clarisse. I didn't expect na hahalikan niya ako." Pagpapatuloy parin ni Chester.

"You didn't expect? Talaga lang ha?"

"Yes!At pinaalis ko na sa Casa si Clarisse."

"Bakit mo naman siya pinaalis? Sayang, dahil wala kanang kalandian ngayon." Aniya sa binata. Batid niya na nabigla ito sa kanyang sinabi ngunit wala siyang pakialam sa damdamin nito ngayon. "You know what? Even if we're just pretending, sana man lang magkaroon kayo ng delikadesa dahil hindi lang naman kayo ang nandito." Dugtong pa na saad niya sa binata.

"Oh come on! Speaking of delikadesa, sa tingin mo meron ka non?" ani Chester sa kanya na mas higit niyang ikinabigla.

"W-what did you just said?" aniya na nag-uumpisa nang mag-init ang kanyang mukha dahil sa sinabi ni Chester. 'Ang ibig ba nitong sabihin ay ang pagkawalang delikadesa ko dahil ibinigay ko sa kanya ang pagkababae ko nang basta-basta?' ani Tammara na naguguluhan sa sinabi ni Chester.

"You flirted with Mike kanina sa pool. You laugh with him there and even displayed your body! What do you think was that huh?" galit na saad ni Chester sa kanya.

"You don't know what you're talking about! Hindi ako nakipagflirt sa kaibigan mo!"

"Hindi nga ba Tammara? Kasi sa tingin ko'y may gusto ka sa kanya!"

"Hindi totoo iyan!" sigaw na saad niya rito.

"Yes it's true kasi never pa kitang narinig na tumawa nang ganun kahit magkasama tayo. Bakit? Dahil mas gusto mo siya kaysa sa akin that's why you flirted with him ha?"

"Tumigil ka na! Ikaw itong may ginagawang masama tapos ipapasa mo sa akin?How dare you!"

"Bakit Tammara? Hindi paba ako sapat para sa iyo? Kahit na pagpapanggap lang Tammara, hindi ba sapat yong nangyari sa atin sa kagabi ha? Why? You still want to do that with Mike and be his instant wife as well?!" ani Chester sa kaniya. Mga katagang tila dumudurog sa kanyang puso't pagkatao.

"You bastard!" aniya at isang malakas na sampal ang ipinakawala niya. "So that's what you really think about me ha? Hindi porke't kaagad kong ibinigay sa iyo ang pagkakabae ko'y may karapatan ka nang husgahan ako! Ibinigay ko iyon ng kusa Chester at wala akong hinahangad na kapalit!" aniya at ang kanina'y mga namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata'y umagos nalang basta-basta.

"T-Tammara."

"Ang hirap sa iyo, masyado kang mapanghusga! Bakit? Hindi naman yang kayamanan ninyo ang habol ko ah!Ito ba ang kapalit nang pagtulong mo sa papa ko? Pumayag akong magpanggap na maging fiancé mo, pero hindi kasali doon na yurakan mo ang pagkatao ko!" mahabang saad niya sa pagitan ng pag-iyak.

"But I-I saw you with Mike kanina at napakasaya mong tingnan." Mahinahong saad ni Chester sa kanya.

"I quit." Matipid na saad niya sa binata.

"What?N-no!" ani Chester sa kanya. "Please think it over Tammara. Sa darating na linggo na ang kasal natin."

"Wala na akong pakialam sa kasal na iyan! If you want, dalhin mo sa altar ang malanding Clarisse na iyon!" at pagkasabi niyon ay walang lingon-likod na iniwan ni Tammara si Chester.

"T-Tammara saan ka pupunta? Don't do this to me!" pasigaw na saad ni Chester sa kanya.

Nasa labas na ng Casa si Tammara at kasalukuyang naghahanap ng kosteng masasakyan pauwi sa kanila nang maabutan siya ni Mike.

"H-hey. What happened?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Give me your keys."

"What?"

"Just give me your keys. Please." Aniya kay Mike.

"No."

"Give me your keys o babasagin ko itong sasakyan mo?" pagbabanta niya rito.

"O-okay." Ani Mike at kaagad na ibinigay sa kanya ang susi. Nang ganap na mapasok ang dalaga sa kotse ay kaagad niya itong pinaandar at pinaharurot palabas ng Casa. Hindi na niya narinig pa ang pagtawag sa kanya ni Chester.


"Bakit hindi mo pinigilan si Tammara?" galit na saad niya kay Mike. Huli na nang maabutan niya ang dalaga dahil palabas na ang kotseng gamit nito sa Casa. Ang akala niya'y magpapahangin lang ito kung kaya't hindi niya ito sinundan kaagad.

"Woah! Easy man. Ano bang nangyari?" tanong sa kanya ni Mike.

"Nothing." Saad niya dito. He lied to Mike dahil napakababaw na rason lamang ang dahilan nang pag-aaway nilang dalawa.

'Mababaw na rason lamang ba Chester?' aniya sa isip.

"Nothing? So bakit mugto ang mga mata nun? I guess it's damn serious." Ani Mike sa kanya.

"Okay, okay! Kasalanan ko!" napipikang saad niya rito.

"And you won't do anything for her? Dahil kung wala kang gagawin, susundan ko si Tammara. Its fucking 1:00 am in the morning!" galit naring saad ni Mike sa kanya.

Gusto man niyang sundan si Tammara, subalit wala naman siyang mukhang maihaharap dito dahil sa mga binitiwan niyang mga salita kanina. He's so stupid to let his jealousy run over his mind.

"Fine!You know you can't eat that fucking pride of yours!" ani Mike bago pumasok sa family van nila at iniwan si Chester na nakatulala habang tanaw ang papalayong kaibigan.

'And there goes my everything. Ako itong fiancé pero iba ang sumunod sa iyo Tammara. Ngunit papaano kita mahaharap at mapapamo ulit kung mismong ang sarili ko ang nakakapagdulot nang sakit sa iyo?' aniya sa sarili at laglag ang mga balikat na bumalik sa loob ng Casa.


Matapos ang halos dalawang oras na pagmamaneho'y tanaw na ni Tammara ang bahay nila. She didn't realized how fast her driving was dahil ang tanging gusto niya'y lumayo kaagad sa Casa. Away from Chester.

Nasa harapan na siya ng bahay nila nang may humintong ibang kotse at iniluwa doon si Mike.

"M-Mike? What are you doing here?" takang-tanong niya sa binata.

"Sinundan ko ang kotse ko." Nakangising saad nito sa kanya.

"Then you can bring it now."

"Silly. Sinundan kita dahil baka mapano ka pa sa biyahe." Anito sa kanya.

"Well thank you pero okay na naman ako."

"Are you sure?"

"Yes. By the way, ihahatid ko nalang itong kotse mo."

"Don't mind it. Kukunin ko nalang ito bukas okay? Sige pasok kana." Saad ni Mike sa kanya na sinunod naman niya. She's too exhausted para makipagkwentuhan pa sa binata.

Dahil madaling-araw na at lagi namang umaga kung magising ang kanyang ama, hindi nahirapan si Tammara na pumasok sa kanilang bahay. Hindi rin siya napansin ng kanyang ama na noon ay papalabas sa may kusina nila papuntang likod-bahay. She was grateful to know na nakapasok siya ng kanyang kwarto na walang ibang nakapansin sa kanya.

She's now lying on her bed nang muling maalala ang naging sagutan nilang dalawa ni Chester. Until she felt her tears freely rolling down to her cheeks.

'Bakit mo ba iniiyakan ang taong kagaya niya Tammara?' ani sa isip niya. She was hurt. Deeply hurt by his words. Hindi niya aakalain na ganoon kaliit ang tingin ni Chester sa kanya.

Nasa ganoong sitwasyon si Tammara hanggang sa makatulugon niya ang pag-iyak kasama ang sama ng loob na nararamdaman para kay Chester.

Napukaw ang mahimbing na tulog ng dalaga ng mahihinang katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Tammara anak? Nandiyan ka ba sa loob?" narinig niyang saad ng kanyang ama.

Dahil sa narinig na boses ng kanyang ama ay bigla siyang nakaramdam ng pananabik na makita ito. Subalit hindi niya gustong makita siya ng kanyang ama na ganito ang kanyang ayos.

"Papa lalabas po ako mamaya. Maliligo lang po muna ako." Aniya sa ama.

"Sige. Maghihintay kami sa iyo para sa pananghalian." Anito sa kanya saka niya narinig ang mga yabag nito na papalayo.

Matapos maligo't magbihis ay kaagad na lumabas si Tammara sa kanyang kwarto. Masayang nag-uusap ang buo niyang pamilya kasama ang kanyang ina nang pumasok siya sa kusina. Hindi niya aakalain na totohanin ng kanyang ama ang sinabi nito noon bago siya umalis ng kanilang bahay.

"A-anak, maupo kana." Saad ng kanyang ina. Ramdam niya dito ang pag-aalinlangan at ang limitasyon sa mga ikinikilos nito.

"Tammara, saan nga ba kayo nagpunta ni Chester?" tanong ng kanyang kuya Eric nang makaupo na siya.

"N-nagbakasyon lang kuya." Kaya pala wala siyang mga mensaheng natanggap mula sa pamilya niya dahil alam ng mga ito na magkasama silang dalawa ni Chester.

"Malapit ka na palang ikasal anak. Iiwanan mo na kami dito sa bahay." Malungkot na saad ng kanyang ama sa kanya.

Bigla rin siyang nakaramdam ng lungkot nang banggitin ng kanyang ama ang kasal nilang dalawang ni Chester.

"Wala na pong kasal na magaganap ngayong linggo papa." Pag-amin niya sa ama na ikinatahimik naman ng lahat.

"Nag-away ba kayo ni Chester?" tanong ni Nathan sa kanya. Nang walang makuhang sagot mula sa kanya ay si Mang Cadio ang nagsalita.

"Hayaan na muna natin ang kapatid ninyo. Tammara, kumain kang ma-."

"Walang kasal na magaganap dahil pawang kasinungalingan lahat ang nasaksihan ninyo papa." Napahagulhul na saad ni Tammara.

"A-anong ibig mong sabihin anak?" naguguluhang tanong ni Mang Cadio sa kanya.

"H-hindi totoong nobyo ko si Chester at hindi totoong buntis ako. Gawa-gawa lang yong lahat ni Chester para pumayag akong maging asawa niya upang makuha ang kayaman niya." Aniya na ikinagulat ng lahat lalung-lalo na si Mang Cadio.

"Nong araw na inatake po kayo sa puso, nag-alok si Chester na magbayad sa lahat ng gastusin ninyo sa ospital kahit walanng anumang kapalit. Subalit hindi maaatim ng puso ko na basta-basta nalang tumanggap nang tulong mula sa iba kaya minabuti kong pumayag na maging asawa niya." Pagpapatuloy ni Tammara. "Sorry po papa kung nagsinungaling po ako sa inyo."

"So sis hindi rin totoong kasamahan mo si Chester sa trabaho?" hindi makapaniwalang tanong ni Nathan sa kanya.

"H-hindi kuya. Siya ang isa sa may-ari ng SaHe."

  At natahimik naman ang lahat dahil sa rebelasyong iyon ni Tammara.

"Tammara wala naman akong hinanakit sa iyo anak tungkol sa bagay na iyan subalit bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad?" saad ni Mang Cadio sa kanya.

"Papa, wala naman ho tayong malaking halaga para sa operasyon mo at alam ko rin na kaya ko ang sarili ko. After three months matapos kaming maikasal, we will then file an annulment." Paliwanag niya sa ama.

"Alam mo anak, nasa tamang edad kana at alam kong hindi ka gagawa ng bagay na ikapapahamak mo hindi ba? Ang sa akin lang, ang kasal ay isang sagradong bagay na hindi dapat pinaglalaruan ng ganyan Tammara. Kahit pa na fixed marriage yan o tatlong buwan lamang, kayo ay ipinagbuklod na may basbas ng Maykapal." Ani Mang Cadio sa kanya. "Ngunit sabi ko nga, ikaw ay nasa tamang edad na. Ngayon, eh bakit hindi na matutuloy ang kasal ninyo?"

"Cadio, bakit hindi natin bigyan muna ng panahon si Tammara." Narinig niyang saad ng kanyang ina kung kaya't tiningnan niya ito. Sa unang pagkakataon simula noong iwan sila nito'y ngayon pa niya ulit naramdaman ang pag-aalala nito sa kanya bilang isang ina.

"Siya sige. Nandito lang kami anak kung kailangan mo nang karamay." Saad sa kanya ni Mang Cadio na tinanguan naman niya. Sa kabila nang nangyari sa kanilang dalawa ni Chester ay nagpapasalamat parin siya dahil naiintidihan siya ng kanyang pamilya. Kahit hindi pa siya handang tanggapin muli ang kanyang ina, wala rin siyang magagawa kundi pakisamahan ito nang maayos para sa kanyang ama.


"How is she?" tanong ni Chester kay Mike nang tawagan niya ito.

"I bet she's okay. Galing ako sa kanila kanina dahil kinuha ko yong sasakyan." Anito sa kabilang linya.

"Ganun ba?" napabuntonghinga niyang saad dito.

"Talaga bang hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Tammara? Sa darating na linggo na iyon ah."

"I guess so." Matipid na saad niya rito. "Sa tingin mo, magbabago pa kaya ng isip si Tammara kung aalukin ko siya ng kasal ulit?"

"You'll never know if you won't try."

"I don't want to be rejected again."

"Alam mo dude, okay lang naman iyang marejected ka 'coz you'll certainly learn from it. Teka nga muna, bakit nga ba nag-away kayo ni Tammara?" kapagdaka'y tanong nito sa kanya.

"It's a long story and I rather not tell."

"Hmmm... ikaw ang bahala. By the way, I need to go dahil may meeting pa ako sa SaHe."

"Okay, balitaan mo nalang ako kung anong mga napag-usapan niyo. I can't attend for now."

"Ciao!" anito sabay putol ng linya.

Nang matapos ang tawag ay ang paghampas ng alon lamang ang tanging naririnig ni Chester. Nasa dalampasigan siya upang balikan ang masasayang araw na iyon sa kanilang dalawa ni Tammara sa Casa.

How time really flies. Kung alam lang niya na maging ganito ang kahihinatnan ng lahat, sana hindi nalang niya dinala si Tammara sa Casa. But damned it, hindi niya hawak ang mga pangyayari dahil kung nagkataon, hinding-hindi niya pakakawalan ang dalaga.

'Napakasimple lang naman kasi ng problema mo.' Saad ng isang bahagi ng isip niya.

Yes, it's too simple pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Nasaktan na niya nang lubusan si Tammara dahil sa mga pinagsasabi niya.

And because of his fear. The feeling's eating him right now. Takot siyang sundan ang dalaga't amuhin ito and still get nothing.

'I don't want to be rejected and end up like a sore looser.' Aniya sa sarili. Kahit na wala siyang kaalaman sa pag-ibig at sa mga babae, hindi parin niya kayang makipaghabulan para dito.

Yes, he loves her too much but his pride is quite too big for his love. Ito siya, ang totoong Chester Save.Mapride na tao. Kaya nga hindi niya matanggap na pagsalitaan siya nang ganun-ganun ni Tammara dahil alam niyang hindi naman totoo ang mga pinagsasabi nito.

'Ngunit totoo rin ba ang mga pinagsasabi mo sa kanya?'aniya sa isip.

"Damn this!" galit na saad niya sabay sabunot sa kanyang buhok. He really can't stand this situation anymore kung kaya't naisipan niyang maglasing nalang. Kung hindi babalik sa kanya si Tammara, maybe sooner or later ay makakalimutan rin niya ang dalaga.

For now, he's too tired to think of anything else and doing stupid things para sa kanilang dalawa. Let his millions be transferred to charities. Wala na rin siyang pakialam dito kung hindi lang din naman si Tammara ang mapapangasawa niya.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 100 15
May mga tao nga naman na mapanghusga, kung ano ang makita nila ayun na ang papaniwalaan nila. Hindi ba dapat alamin muna nila ang buong istorya ng b...
6.6K 57 6
Guys, attention please. Sa mga babasa po nito, binabalaan ko na po kayo na may mga pangyayarnng hindi pwede sa mga inosenteng mga utak. Don't repor p...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...