Akala Ko. [One Shot]

By TalkingPanda

24.8K 787 136

date edited: july 14 More

Akala Ko. [One Shot]

24.8K 787 136
By TalkingPanda

Ikaw. Ikaw ang tanging lalaki sa school natin na hindi nagkakagusto sakin. Lahat sila gusto ako, bukod tangi sayo.

Kadalasan, kapag ako ang dumaan sa harap nila, lahat sila napapanganga dahil nga maganda ako. I am everyone’s dream—maliban sayo.

Ikaw, kapag andito na ako, wala kang gagawin. Nakatingin ka lang sa labas o kaya naman ay nagigitara ka o kaya naman ay may kausap kang iba.

Just when I thought I had them under me, andyan ka. Ikaw na walang pakielam sakin.

Akala ko, wala kang taste—hindi mo kasi ako nagustuhan. Akala ko, bulag ka dahil hindi mo ako pinapansin. Akala ko, ayaw ko sa’yo… Yun pala hindi.

Ikaw yung lalaking hindi pansinin kung ikukumpara sa ibang nanliligaw sakin na sobra sa hangin. Ikaw yung hindi palasalita pero once na bumuka ang bibig mo, aasahan ko ng may sense ang sasabihin mo. Ikaw ang lalaking hindi ko aakalaing gugustuhin ko.

Pero wala, nagustuhan kita. Ano pa bang magagawa ko? Masakit lang isipin na ikaw na pinili kong magustuhan, hindi naman ako magawang tignan.

“Miss Go, nakikinig ka ba?” nabalik naman ang tingin ko sa teacher sa harap. Tumango naman ako, ngumiti at bumalik na siya sa pagdidiscuss. Bumalik na din ang mata ko sa’yo. Napabuntong hininga naman ako.

Kung pwede lang ay maglagay na ako ng malaking banner sa ulo ko para pansinin mo.

Akala ko hindi mo ako napapansin dahil matagal na kitang tinitignan pero hindi mo manlang ako magawang tignan. Sana isang araw, ngitian mo naman ako.

Akala ko lang pala.

Kasi tinignan mo ako at nginitian pa.

Sa ilang segundo na ‘yun, feeling ko kompleto na ako.

Tumayo ka na at lumabas na ng room. Uwian na pala, hindi ko napansin. Masyado kasing occupied ang utak ko ng kilig dahil sa unang pagkakataon, tinignan mo na ako—at nginitian pa.

Pagkalabas ko, lahat sila sinabing ang ganda ko ngayon, lahat sila nginitian ako, lahat sila tinignan ako. Pero kahit anong gawin nila at puri nila, wala paring tatalo sa ngiti mo kanina.

Dahil nga gulong gulo ang isip ko, nabunggo kita. Hindi ako nakatingin sayo ng derecho sa mata. Just when I thought you would just ignore me, bigla mo akong nginitian ulit at sinabing, “Sorry Sandra ha.”

Akala ko hindi mo ako kilala…

Akala ko lang pala.

--

Kinabukasan, hindi ko aakalain na magiging partner tayo sa isang project. Kailangan natin ilista ang mga bagay na akala natin noong nakita natin ang isa’t isa. Kumbaga, ililista natin yung mga first impression natin.

Napatingin naman ako sayo habang nagsusulat sa notebook mo. Napansin ko, lagi mong hawak hawak ‘yan. Sana ako na lang ang notebook na ‘yan, no?

Nagulat ako ng tinignan mo ako at sinabing, “Ano nga ba ang akala mo sa’kin?”

My heart skipped a beat. “H-ha?”

Tumawa ka. Tawa na parang musika sa pandinig ko. Nakakakilig, napakaganda, nakaka..inlove.

 

“Akala ko… hindi mo ako pinapansin at hindi mo ako gusto…” lakas loob kong sabi sa’yo. Napatigil ka sa pagtawa. Nginitian mo ako at sinabi mong, “Akala mo lang yun…”

--

Isang araw, pumasok ako ng mugto ang mata dahil nalaman ko na maghihiwalay na ang mga magulang ko… Kung akala nila na perpekto ang buhay ko, hindi nila alam na sa bahay, impyerno ang nararamdaman ko. Walang araw na hindi ako umiiyak dahil nagsisigawan ang mga magulang ko…

Pumunta ako sa ilalim ng bleachers at doon umupo para walang makakita sakin.

Umiyak ako ng umiyak…

Hanggang bigla na lang may nag-abot sakin ng panyo. “Sandra, umiiyak ka?”

Inangat ko ang ulo ko at nakita kita…

Akala ko lahat ng nasa buhay ko ay mali at magulo.

Akala ko lang pala.

--

Simula nun, naging close tayo. Palagi na tayong magkasama. Palagi na tayong nagtatawanan at lagi mo akong prinoprotektahan sa mga aggressive na tao at turing mo sakin ay parang batang kapatid. AYaw mong may nanliligaw sakin—imposible. Ikaw na tagadala ko ng mga regalo at sumasalo ng mga nakakamatay na tingin mula sa iba kong manliligaw.

Akala ko hanggang dito na lang tayo.

Akala ko lang pala.

Kasi isang araw, bigla mo akong hinila kung saan. Sabi mo, ayaw mo na ng ganito tayo.

Akala ko galit ka.

Akala ko lang pala. Kasi sabi mo, “Pwede ba kitang ligawan?”

--

Isang taon na ang nakalipas. May mga araw na hindi tayo nagkakasundo pero agad naman nating napaguusapan kaya naagapan. Buti na lang.

Pagkatapos ng 3 buwan mong panliligaw sakin, sinagot na kita. Dahil sabi nga nila, ang relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw. Hinihintay kita ngayon sa park dahil napagkasunduan natin na dito magcelebrate ng monthsarry.

Akala ko magiging masaya tayo.

Akala ko lang pala.

Kasi sabi mo hindi ka makakapunta. May aasikasuhin ka. Sabi mo dumating na ang mga magulang mo sa bansa kaya busy ka.

Naiintinidihan ko naman eh.

--

Lumipas ang isang linggo, hindi ka nagpakita. Akala ko busy ka kasama ang magulang mo. Pero nakita kita, kasama yung isang babae.

Hindi ko na pinansin kasi akala ko pinsan mo yun o kaibigan.

O baka naman akala ko lang?

--

Tatlong araw pa, hindi ka pumasok. Hindi ka nanaman nagparamdam. Hindi mo sinasagot ang tawag ko at mga text ko. Naiiyak nanaman ako. Namimiss na kasi kita. Pero ayos lang naman… baka may ginagawa kang importante

Akala ko ayos lang sakin, akala ko hindi ako masasaktan. Akala ko ayos na…

Akala ko lang pala.

--

Hindi ko na kinaya. Pinuntahan na kita sa bahay. Andun ka naman pala. Nilapitan kita pero hindi mo naman ako kinausap.

“Anong problema?” tanong ko sayo. Pinipilit kong hindi magalit at magtampo.

“Wala.” Was all your answer. I frowned then tried my best not to cry. I know, hindi tayo ayos. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito.

Bigla namang may pumasok sa kwarto mo na babae. Siya rin ata yung kasama mo nung isang linggo. Tinignan niya ako at nginitian. Hindi ako nagpakaplastic para ngitian siya pabalik kaya imbes na magtagal, nagpaalam na ako.

“S-sige, alis na ako ha,” sabi ko sayo. Hindi ka sumagot. Pero napansin ko, hawak mo ang notebook mo.

--

Kinabukasan, mabigat man ang pakiramdam ko ay pumasok ako. Nagulat ako ng nandun ka na. Back to normal. Nagigitara ka at hindi mo ako pinansin. Hinayaan ko na lang kasi akala ko normal lang na magalit ka nanaman sakin.

Pero mas nagulat ako ng nakita ko ang notebook na lagi mong gamit ang nasa desk ko. Pero may nakalagay na note, ‘Sandra ko, mamaya mo na buksan ha.’

 

Binalik ko ang tingin sayo. Iniwas mo ang tingin mo sakin at bumalik na sa ginagawa mo. Napangiti naman ako. Akala ko hindi mo nanaman ako tinitignan.

Akala ko lang pala.

--

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto para tignan kung ano ang nasa laman ng notebook. Ito na kaya yung diary mo? Matagal na kasi kitang kinukulit kung may ganto ka ba. Sabi mo, oo.

Pagkabuklat ko sa first page, lumabas ang pop out na picture ko. Napangiti naman ako. Sa tagal ng inakala kong hindi mo ako gusto, eto pala ang totoo.

Pagbuklat ko ng sumunod na pahina, nakalagay ang pangalan ko at ang mensahe mo: “para to sa babaeng nag-akala na hindi ko siya gusto.”

Hindi ko alam pero kusang bumaba ang luha ko at tuluyan ng bumilis ang tibok ng puso ko. Patuloy kong binuklat ang mga pahina ng notebook mo.

Hello, Journal.

 

Masaya ako kanina. Nakita ko siya nakatingin. Akala ko hindi niya ako pinapansin. Akala ko lang pala.

 

Naalala ko to. Ito yung time na nginitian mo ako ng unang pagkakataon. Akala ko…

Magkapartner kami. Ito ang 10 bagay na akala ko ugali niya:

 

1.) Maarte—kung titignan mo siya, aakalain mong hindi mo siya makakausap.

2.) Palangiti—lagi siyang masaya. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko dahil madaming nakabuntot sakanya.

3.) Hindi ko kayang pakisamahan.

4.) Mapangmata

5.) Hindi palakaibigan.

6.) Snob

7.) Maldita.

8.) Laitera

9.) Hindi ako gusto.

10.) Mahal ko na pala—Inakala ko na mamahalin ko siya sa unang tingin ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit. Pero sana ganun din ang nararamdaman niya.

 

Hindi ko na natuloy ang pagbabasa dahil basing basa na ang mata ko at wala na akong maaninag. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nagulat na lang ako ng biglang may nahulog na CD mula sa notebook. Agad ko itong pinulot at nakita ang note na nakalagay ay ‘Play me, Sandra’ Sulat mo yun, hindi ako magkakamali.

Agad ko naman itong plinay sa CD player at bumungad sakin ang muka mo at ang gitara mo.

“Hi Sandy! Wag kang umiyak ha. Alam kong kinikilig ka sa mga nakalagay dyan!” sabi mo at tumawa ng mahina.

“Gusto mong kantahan kita, diba?” tanong mo sakin at napa-tango naman ako kahit hindi ikaw mismo ang kinakausap ko.

 

“There's a shop down the street,

where they sell plastic rings,

for a quarter a piece, I swear it.

Yeah, I know that it's cheap,

not like gold in your dreams,

but I hope that you'll still wear it.”

 

Pumikit ako dahil alam kong babagsak nanaman ang luha ko. Naalala kita… at nung nilalagawan mo pa ako.

“Ang tagal mo naman akong sagutin!” sabi mo sakin at inakbayan ako.

“Bakit? Nagtanong ka ba?”

“Akala ko…” sabi mo pero pinutol ko.

“Akala mo lang yun!”

“Yeah, the ink may stain my skin,

and my jeans may all be ripped.

I'm not perfect, but I swear,

I'm perfect for you.”

Hanggang sa naging tayo. Naalala ko ang unang beses na nag-away tayo.

“Hindi nga kasi ako makakapunta,” sabi ko sa’yo. Sabi mo, may battle of the bands at sasali ka. Malas naman dahil kasabay nun eh ang general practice ng isang pageant na sinalihan ko.

“Ganyan ka naman eh.”

“Ako nanaman,” pagmamaktol ko.

“Sayang, hindi mo maririnig ang kanta ko. Para sayo pa naman yun,” sabi mo sakin at nagpangalumbaba. Alam kong galit ka na niyan.

“Ano bang title?” tanong ko at tinaas ko ang muka mo.

“Endlessly,” nakangiti mong sabi.

Dun ko naalala… Ito pala ang kanta na ’yun… Ang kinakanta mo ngayon.

 

“..And there's no guarantee,

that this will be easy.

It's not a miracle ya need, believe me.

Yeah, I'm no angel, I'm just me,

but I will love you endlessly.

Wings aren't what you need, you need me.”

 

 

Tumigil ka sa pagkanta. Nilapag mo ang gitara mo kung saan at nagsalita ka. “Malamang ngayon ay nasa airport na ako. Pasensya na, Sandra ha… Aalis na ako…”

Ngumiti ka pa. Habang ako, iyak ng iyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo… Hindi ko alam kung bakit ako nagsisisi.

“Pasensya na hindi kita kinausap nung isang linggo ha. 'Yung kasama ko? Pinsan ko 'yun. Inayos namin yung dokumento ko paalis. Ayokong sabihin sa'yo to harapharapan. Ayoko lang kasi na masaktan ka pag sinabi ko sayo ng harap harapan na aalis na ako tungong Korea. Ayoko kasi ng umiyak ka sa harap ko mismo. Ayokong makitang nasasaktan ka…”

 "Pero mahal kita..." 'yan ang huli mong sinabi. Hindi ko na kinayang sundan ka. Para san pa kung alam kong hindi rin naman kita maabutan?

Dahil sa simula pa lang... alam kong pangarap lang kita. Akala ko lang na tayo. Akala ko lang na magiging masaya ako. Akala ko magiging maayos ang lahat. Akala ko... forever.

O baka naman, akala ko lang 'yun?

--

"Ma'am eto na po 'yung pinapakuha niyong pictures sa attic," sabi sa'kin ng katulong at agad naman akong ngumiti at inabot ito. I swiped the dirt off using my palms. 

nakita ko yung CD na binigay mo sa'kin. I hugged it even though marumi siya. Hindi ako mandidiri dahil alam kong sa'yo to galing. 

 Akala ko makakalimutan kita. Akala ko magiging masaya ako sa piling ng iba. Akala ko magkakaroon ako ng ibang paningin sa pagmamahal. 

Pero hanggang ngayon, akala ko lang 'yun. Dahil kung inaakala mo na titigil ako sa pagmamahal sa'yo.... Mali ang akala mo. Dahil kahit anong akala ko na may iba ka na, ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko. Bakit nga ba ganito?

Maraming lalaki ang dumaan sa buhay ko, maraming nanligaw, muntik na nga akong ikasal. Pero hindi ko tinanggap. Dahil alam ko ang totoo. Na kahit anong akala ko na nakamove on na ako, mahal parin kita.

Ikaw na inakala kong forever ko.

Then the doorbell rang and Manang immediately got it. I sighed for the nth time. Ganito na lang ba ako? Forever umaasa at nag-aakala na babalikan mo?

 "Yeah, I'm no angel, I'm just me, but I will love you endlessly."

Bakit ganito? Feeling ko nakakarinig ako ng kung ano ano. Epekto ba 'to ng pag-aakala ko?

"Sandra..." biglang may yumakap sa'kin alam kong ikaw nga 'yun. Pero bakit? Akala ko nakalimutan mo na ako.

I tried composing myself and I faced you. Ikaw nga. Hindi ka nagbago. Katulad ng nararamdaman ko. Gusto kong magmatigas nung lumapit ka at binulong mo sa'kin ang mga salitang gusto kong marinig.  "Mahal kita."

I shook my head in disapproval. Ayokong maniwala dahil alam kong mag-aakala nanaman ako. Walang kwenta ang pag-aakala kong 'to.

"Kung inaakala mo na maniniwala ako..." hindi mo ako pinatapos.

"Sorry, pero oo. Akala mo lang 'yun... Dahil alam mo? Mahal parin kita."

"At hindi lang akala... dahil alam kong mahal mo rin ako."

Kung akala ko na hindi ka na babalik, mukang dito pa ata ako magkakamali.

-FIN-

Continue Reading

You'll Also Like

726K 25.4K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
846K 29.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]