Paraisla i: Pangako

Por yukiirisu

22.3K 920 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... Mรกs

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- H : 4 -

580 28 0
Por yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ikatlong Libro: Henrieta

O4

──────⊱⁜⊰──────



"Ano kamo?" gulat na tanong ni Gweneld. "Nahihibang ka na ba, Henrieta?!"

Seryoso ko silang tinitigan isa-isa. Sa wakas ay natanggap na rin ni Winona ang katotohanan kaya't nandito siya sa kwarto ng Prinsipe pati na rin sila Daniel at Astrid. Ngunit ngayon naman ay kasama ni Winona ang lingkod niyang galing Rena. "Sino siya? Bakit mo siya sinama?!"

Yumuko naman si Winona. "Narinig kong may plano ka tungkol sa pagtakas, kaya't sinabi ko sa-"

"Sinama mo ang kung sino sa isang sikretong pulong!"

"Pinagkakatiwalaan ko siya!" sagot naman ng dalaga. Tiningnan ko ang kasama nito, isang simpleng lalaki na walang imik magmula kanina pa. "Pakiusap, Henrieta. Mapapagkatiwalaan si Leif."

Inikutan ko na lang siya ng mata at umiling.

"Tama ang narinig niyo. Gumagawa na ng pagkilos ang ate ko at ang asawa niya para wakasan ang dinastiya ng mga lilang dugo," balita ko. "Nais nilang kunin ang trono."

Nagpasada sa buhok si Gweneld. "Kung ganon, ibibigay ko sa kanila mismo ang trono. Para saan ba ang pagtakas-"

"Sa marahas na paraan, Prinsipe." sabi ko. "Nais nilang kunin ang trono at patayin lahat ng mga lilang dugo."

Nagkaroon naman ng katahimikan sa buong silid. Naghawak kamay si Astrid at Daniel at nalukot naman ang mukha ni Winona.

"Lalaban tayo," bulong ni Gweneld.

"Hindi maaari," sabi ko. "Masyado silang marami."

Ang problema sa pagkakaroon ng anak ng mga lila ay isang problema na hindi maintindihan ng maraming henerasyon ngunit ngayon, napagisip-isip na ng mga pulang dugo na nahigitan na pala nila ang kabilang angkan sa dami.

"Mas marami ang kawal na pulang dugo," paliwanag ko. "At tiyak na papayag ang mga ito nang walang alinlangan na sumama sa pagkitil ng inyong lahi."

Napuno ng galit si Gweneld. "Pero kami ang namumuno sa kanila!"

"Hindi na kapag napatay ka nila," matalim kong sagot. Agad naman siyang napaupo at sumuko. Tiningnan ko sila Daniel. "Kailangan niyong lisanin ang palasyo sa lalong madaling panahon. Wala akong alam kung kailan ang pag-atake. Kaya't mamayang gabi-"

"Mamayang gabi?!" gulat na sabi ni Astrid.

"Oo, mamayang gabi. Lumisan kayo papuntang Rena. Ikaw na ang bahala," tinanguan ko si Leif. "At doon kayo magpalit ng itsura at magbago ng mga pangalan kung gusto niyo. Magsimula kayo ng normal na buhay na tulad ng gusto niyo."

Walang nagsalita. Tanging mga kinakabahang puso lamang ang naririnig ko. Pati na ang tensyon.

"Paano ka?" tanong ni Gweneld.

Pumantig ang puso ko nang tingnan niya ako. Lumunok ako.

"Dito lang ako," sagot ko. "Sisiguruhin kong hindi na kayo masusundan ng mga kawal ng ate ko. At ang mga legal na dokumento niyo'y susunugin ko at papalitan ko para sa inyong bagong katauhan."

"Ngunit, Henrieta-" protesta ni Daniel. "Paano kung malaman nilang kaanib ka namin?"

Ngumiti lamang ako. "Hindi na ako magpapakita sa inyo kahit kailan. Tulad ng ipapalabas ko, ituturing ko na kayong patay. Ako na ang bahala sa sarili ko, maging maayos lang kayo."

"Kung ganon," biglang tumayo si Gweneld. "Maiiwan ako dito kasama mo."

"Gweneld!" nabahalang sabi ni Winona at lumapit sa kanya.

Sa harap ko'y kinuha ni Gweneld ang mga pisngi ni Winona at sinabing magiging maayos lang ang lahat at saka humalik sa kanyang noo. Iniwas ko ang aking tingin. "Hindi makakaya ni Henrieta ang mga iyon ng mag-isa. At sigurado akong hangga't hindi nila ako napapatay, hindi sila titigil na hanapin ako." Ngumiti siya sa'kin. "Kaya't mananatili ako dito."

"Pero mamamatay ka!" sigaw ko.

Kaya nga... Kaya nga pinlano ko ang mga ito ay para makaligtas ka din, Gweneld. Bakit?

"Mamamatay naman tayong lahat isang araw," kalmado niyang sabi. "Ngayon, nahanap ko na ang rason ko para dito, wala akong pagsisisihan."



──────⊱⁜⊰──────


Eksaktong hatinggabi, ginabayan ko silang lahat sa bangka. Nang makaupo na silang apat, lumapit ako kay Astrid at Daniel. Kinuha ko ang kamay ni Astrid, tinanggal ang isang pilak na singsing na may lilang dyamante at ipinatong sa palad niya.

"Ano 'to?" takhang tanong niya.

"Isang regalo," bulong ko at sinilip si Daniel na nakangiti sa'kin. "Paalala galing sa isang kaibigan."

Tinitigan niya ang dyamante. "Ang ganda."

"Amethyst," sabi ko sa dalaga. "Amethyst ang pangalan ng dyamanteng iyan. Katulad ng mga mata ni Daniel. Sana'y magkaroon ng maraming lilang dugo dahil sa inyo."

Hindi ako nakapaghanda sa pagyakap ni Astrid sa'kin. Mabilis din niya akong pinakawalan at tumulo ang mga luha niya. "Hindi man kita lubusang kilala, nagpapasalamat ako nang marami sa'yo. Para sa pagbigay sa'min ng kalayaan at ng panibagong buhay..."

Ngumiti na lamang ako at pinipilit na wag maluha tulad niya.

"Sige na, kailangan niyo nang umalis." nagmamadali kong sabi. Pagkatapos magpalitan ng halik ni Gweneld at Winona, sabay kaming nanuod ni Gweneld sa papaalis na bangka hanggang sa maliit na lamang ito sa aming paningin.

Umihip ang malamig na hangin.

Pinanood ko ang mga kaibigan na umalis tungo sa bago nilang buhay at makalaya sa impyernong isla na ito. Ngunit ako, ako'y narito pa rin sa buhay na hindi ko na alam ang patutunguhan.

Pinunasan ko ang mga luha.

Saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik. Ngunit may kamay na pumigil sa aking braso. Nabuhay ang lahat ng aking pandama kasabay ng sakit sa aking puso. "Henrieta."

Pumikit ako at tumulo muli ang mga bagong luha.

"Maraming salamat," bulong nito.

Hindi ko siya hinarap nang bitawan niya ako. "Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang lingkod."

"Hindi ka lang lingkod para sa'kin," mahina nitong sabi kaya't nilingon ko siya. Nanginginig ang mga labi nito habang nakatitig sa'kin. "Ayokong... Ayokong maniwala ka na lingkod ka lamang para sa'kin."

Kung hindi, ano? Ano, Gweneld?

"Isa akong kaibigan, hindi ba?" malumanay kong tanong.

Oo. Iyon ang tamang sagot niya.

Huminga siya ng malalim. "Madami akong nagawang pagkakamali sa buhay. At madami din akong nakasamang babae. Alam mo iyan."

"Ano bang hindi ko alam," sarkastiko kong sabi.

"Hindi mo alam na higit pa sa isang lingkod o isang kaibigan, pinapahalagahan kita nang lubos."

Para bang dumami ang tinik sa aking lalamunan kaya't di ako makapagsalita.

"Ikaw ang tanging pagkakatiwalaan ko ng aking buhay, higit sa kahit sino. Ang mga oras nating magkasama sa mahabang mga taon-- lahat iyon ay aking ipinagpapasalanat."

Marahan ko siyang nilingon at may mga bahid ng lungkot sa kanyang mukha.

"Ipinagpapasalamat kong ikaw ang tumayo sa aking tabi mula umpisa," ngiti niya. "Henrieta."

Tila sasabig ang aking dibdib sa mga emosyon na aking nadarama. Totoo, ni minsan ay hindi niya ako mamahalin na tulad nang pagmamahal ko sa kanya ngunit...

Para sa kanya, ako ay...

Gumalaw ang aking mga paa at mabilis ko siyang nilapitan. Sumiil ako ng halik sa kanyang labi na kanyang ikinagulat.

Ako ay isang hindi mapapalitang kaibigan.

Nang kumalas ako'y walang galit sa kanyang mga mata, tanging pag-unawa. Tumulo ang aking mga luha.

"Masaya akong... mapaglingkuran ka, Gweneld." Nabibiyak ng aking boses. Sa mga narinig, sa kaalamang wala nang tadhanang naghihintay sa aming dalawa. "Wala akong pinagsisisihan."

Wala akong karapatang lumigaya. Alam ko na iyon, ngunit hindi maiwasang maisip kung bakit napaka-daya ng mundo kung minsan...

"Henrieta, maaari bang humiling sa'yo?"

"Kahit ano."

"Kapag wala na ako para sa anak ko, maaari mo ba siyang iligtas?" Napigil ang aking hininga. "Kapag nagkaroon na siya ng normal na buhay at sakaling nahanap nila ang anak ko, maaari mo ba siyang iligtas?"

Yumuko ako.

"Maaari mo din bang siguruhin na ligtas pati sina Daniel at Astrid? Magagawa mo ba?" Magkadikit na ang aming mga noo.

"Pangako, Gweneld," bulong ko. "Ako ang tapat mong lingkod."

Ngumiti nang malapad si Gweneld. "Maraming salamat--"

Naputol iyon nang makarinig kami ng mga boses sa malayo at makakita ng mga sulo na papalapit.

──────⊱⁜⊰──────

Seguir leyendo

Tambiรฉn te gustarรกn

39.4K 2K 30
Kamatayan, yan ang maaaring naghihintay sa kanila kapalit ng katotohanan.. Oo, hindi sila pangkaraniwan pero ano pa bang mysteryong bumabalot sa kani...
43K 1.3K 14
3RD CASE of "THE CASE" SERIES May habilin si Lola Belinda para sa kanyang mga apo. Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Isa kayang sikreto na sa wakas...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
29.2K 1.2K 44
๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #2 of Paraisla Trilogy. -Isang naging kalahati, kalahating mabubuong muli. - Nagkahiwalay si Iris at si Naven matapos an...