Paraisla i: Pangako

By yukiirisu

22.3K 920 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... More

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 2 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- E : 3 -

721 29 2
By yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Ikalawang Libro: Eyha

O3

──────⊱⁜⊰──────



Tatlong bisita ang narito ngayon sa hardin kasama ko.

Halos mag-away kami ni Lax kaninang umaga upang palabasin niya ako dito. Hindi naman ganun kalakas ang pag-ulan ng nyebe. Kung tutuusin, perpekto ang araw na ito upang magpalamig sa labas at pagmasdan ang mga batang anak ng mga lingkod na maglaro habang balot na balot ulo hanggang paa.

"Ina, nagpapasalamat talaga akong pumayag kang bumisita." Sumandal ako sa kanyang balikat. "Kahit na ayaw mo siyang makita." Tinutukoy ko ang aking ama.

Ngumiti siya, ang mga guhit sa kanyang mukha ay nagpapakita. "Hindi ko naman hahayaang mag-isa dito sa palasyo ang anak ko sa kanyang ikawalong buwan. At sa magiging huli."

Hindi maitatanggi ang pagkagulat ni Ina sa buto't balat kong pangangatawan kanina pagbaba niya sa barko. Ako'y nagpapasalamat na lang na wala na siyang sinabi patungkol dito.

"Ninette, anak! Halika nga rito sandali," tawag ni Astrid na nakaupo sa aking kanan sa mahabang kahoy na upuan. Sa di kalayuan, gumagawa ang labing isang taong gulang na si Ninette ng taong-nyebe kasama ng ilang batang lingkod.

Alam kong mahirap kumbinsihin ang batang si Ninette na lumabas sa kanilang bahay at lumayag kasama ng ina dito. Ngunit kaarawan kasi nito ngayon at nagdesisyon si Astrid na dito sa palasyo na lang ganapin ang pagdiriwang. Mabuti na lang at kahit papano ay nakikipaglaro siya ngayon sa ibang bata.

"Hindi ka pa pormal na nakakapagpakilala sa Reyna," sabi ni Pinunong Astrid sa bata nang makalapit ito.

Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko ngunit nanatili lang na sarado ang kanyang bibig at walang emosyon ang mga mata. Ako na ang unang nagsalita, "Maligayang kaarawan, Ninette! Alam kong lalaki ka bilang isang napakagandang dalaga."

Tumango lamang ito at napapatingin lang sa aking malaking tyan. Napansin ko ito at itinago ang pagkabagabag sa isang tawa.

"Pasensya na, Kamahalan, at hindi pa siya lubusang... maayos," sabi ni Astrid.

"Walang problema, Pinuno." sagot ko.

Nakaramdam ako ng kamay sa aking tyan at nakita ko si Ninette na nakatitig dito habang hinahaplos ang aking tyan. Pagkatapos ng misteryosong galaw na ito, mabagal siyang ngumiti at tumingin sa mga mata ko. "Sabik na akong makita siya."

Bumuka ang aking bibig sa gulat ngunit bago pa ako makapagsalita, tumakbo na si Ninette palayo at bumalik sa kanyang taong-nyebe.



──────⊱⁜⊰──────


Nakapaligid ang lahat sa isang keyk na inihanda sa mesa. Ikinatuwa ng mga batang lingkod na maimbitahan sa isang selebrasyon at makakain ng mga handa na niluto mismo ng mga magulang. Ako ang nag-isip nito dahil nawari kong mas masaya kapag mas maraming batang kasama si Ninette kesa sa aming matatanda.

Ngunit hindi ata masaya sa ideyang ito ang aking ama at si Cixi.

"Maligayang bati," nagsimulang kumanta ang lahat habang sinisindihan ni Astrid ang mga kandila sa keyk. Lahat ng nakikita ko ay mga ngiti at mga lobo at mga masasayang tawanan. Naisip ko tuloy na si Lianne ang nasa gitna na nagdidiwang ng kaarawan. Siguro'y masaya iyon.

Inakbayan ako ni Lax at nagkatinginan kami ng masaya kasabay ng pag-ihip ni Ninette sa kandila. Nagpalakpakan ang mga bata lalo na nang i-anunsyo ni Astrid na maaari nang kumuha ng pagkain. Pumila agad ang mga batang lingkod ng palasyo.

"Hindi ba't naaalala mo noong ganito ka pa lamang kaliit at naging lingkod ka na dito?" tanong ko kay Lax na nagmamasid lamang sa mga bata.

"Oo," tumawa siya at idinikit ang ilong sa aking buhok. "Ngunit hindi ganito kabait ang Reyna upang isama kami sa mga selebrasyon."

Napukaw ang atensyon namin ni Lax ng tatlong bata na maingay at sabik na sabik na nakatanaw sa unahan ng pila. Nagbabangayan ang dalawang lalaki, edad siguro ay labing-tatlo.

"Ano bang mas masarap? Yung pasta o yung pansit?" tanong ng isang uhuging bata, laging pinupunasan ang sipon sa kanyang damit.

Kumunot ang noo ng isa pang batang lalaki. "Malamang, yung pasta!" Sobrang puti ng kanyang balat at iisipin mong dayuhan ang ama. Ay, baka nga.

Sumingit naman sa usapan ang nasa gitna nilang babae. "Basta ako, kukuha ako ng ay...ays...ano ba yun?"

"Ice cream," sagot ni Lax na lumuhod sa harap nilang tatlo. Tuwa ko silang pinanood habang hinahaplos ang aking tyan. Yumuko naman ang tatlo sa presensya ng Hari at ilan pang bata sa malapit ang gumaya. Nagpasalamat sila sa imbitasyon at tinawanan lang sila ni Lax. "Sa lahat ng magiging selebrasyon, iimbitahan ko kayong mga bata."

Ayan nanaman siya, inaalala ang sariling kabataan bilang lingkod.

"Kamahalan," sabi ng uhuging bata na ang pangalan pala ay Haki. "Marunong po ba kayong humawak ng espada?"

"Oo naman!" Tumaas ang kilay ng aking asawa. "Bakit? May interes ka ba?"

"Wag niyo po siyang pansinin, Kamahalan. Nag-iilusyon lamang siya na maging lingkod-kawal mula sa kwento ng mga dayuhan," balita ni Dalia, ang batang babae na gusto ng ice cream. Ka-edad lamang niya ang mga batang lalaki.

"Lingkod-kawal? Dayuhan? At sino naman ang dayuhan sa inyo?" Agad na tumingin si Lax kay Rowan, ang maputing bata. "Ikaw siguro iyon, munting binata?"

Saglit na namula ang pisngi ni Rowan sa pagkakatawag ng binata sa kanya. "Ang ama ko po'y dayuhan na manlalayag ngunit wala na po siya."

Tahimik na tumango si Lax, hindi na nagkomento sa sinabi ng bata. Nais ko mismong yakapin ang bata ngunit wala naman itong ipinakitang lungkot para sa ama. Siguro'y bunga siya ng isang...

"Alam niyo ba? Magbubukas na ang paaralan ng mga kawal sa Rena ngayong buwan," sabi ni Lax, isang ngiti sa kanyang labi. Sabik na nanlaki ang mata ni Haki.

"Paaralan? Para sa... kawal?" tanong nito, sumisinghot-singhot.

"Oo. Nais niyo bang pumasok? Kung papasok kayo, ako mismo ang magtuturo sa inyong tatlo," masayang saad ni Lax. Natawa ako nang tahimik. "At kayong tatlo ang magiging personal kong kawal kapag nasa tamang edad na kayo."

"Talaga po?!" gulat na sabi ni Dalia at napatingin sa mga bata sa pila.

"Iyon ay kung magiging mga magagaling kayong mga kawal. Magagawa niyo ba?" natatawang sagot ni Lax.

"Ngunit mapapalayo ako sa aking ina," sabi ni Dalia na nakanguso.

"Ako na ang bahala. Ipapadala ko kayo sa Rena at hahanapan ko ng trabaho ang inyong mga magulang doon," inilapit ni Lax ang bibig sa kanilang mga tenga. "Ngunit isikreto niyo muna iyon sa ibang bata. Baka mainggit sila at alam niyo na."

Kinindatan niya ang mga bata at tumangu-tango naman ang tatlo.

Tinapik niya si Haki at Rowan sa mga likod nang mahina. "Sige na, makakaabala pa tayo sa mga nakapilang iba na gusto nang kumain." Hinaplos niya ang ulo ni Dalia. "Mauna na ako."

"Paalam, Kamahalan!" masaya silang kumaway habang naglalakad na pabalik sa'kin si Lax. Tinaasan ko siya ng kilay at mapang-asar na ngumiti.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Daan-daang ala-ala ang nakita ko sa mga mata niya.

"Tulad ni Naven, tulad ng pagtuturo niya sa'kin sa pakikipaglaban noong bata pa ako... Nais ko ding magturo sa mga batang tulad nila," masaya niyang sagot.



──────⊱⁜⊰──────


Nang matapos ang munting selebrasyon ng kaarawan ni Ninette, tahimik akong bumalik sa aking kwarto upang magpahinga. Pinauna na ako ni Lax dahil nais niyang personal na ihatid si Ninette at Astrid sa mga kwarto nila. Matagal din niyang hindi nakita si Ninette kaya hinayaan ko na lang.

Hindi ko inaasahan ang pigura na nakatayo sa tapat ng aking pinto. Napalunok ako ng maraming beses, inihahanda ang sarili sa mangyayari kapag kaharap ko na siya.

"Anak," bati nito na parang normal kaming mag-ama.

"Ama," sagot ko, walang saya sa tono.

"Bakit ganyan na lang kaputla ang iyong mukha?" Naglagay siya ng palad sa aking pisngi at umiling. "Napakapayat mo na. Kung gaano ka kaganda noon ay siya na ngayong kapangit ng iyong itsura."

Inilayo ko nang marahas ang aking mukha sa hawak niya at tinitigan siya nang masama sa mata. Agad niya itong napansin at tinaasan ako ng kilay.

"Anong tingin iyan, Kamahalan?" natatawa niyang sabi. "Sisigawan mo ba ako tulad nang nangyari noong isang araw? Hihingiin mo ba ang aking respeto?"

"Ano bang ginagawa niyo dito? Bakit hindi na lang kayo magpahinga?" pagod kong tanong. Wala ako sa huwisyo upang makipagtalo sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "Nais ko lang malaman kung sinong nagdala ng babaeng iyon dito."

"Ang babaeng iyon na iyong tinutukoy ay iyong asawa at aking ina," may banta sa aking boses. "Baka nakakalimutan mo na, ama."

"Ah, hindi. Hindi ko nakalimutan, mahal kong anak."

Kumukulo na ang aking dugo sa kanyang ngiti. Nais ko iyong sapakin gamit ng aking kamay hanggang mawala ang lahat ng kanyang ngipin. "Kung ganon, anong problema?"

"Sumugod lang naman siya sa'kin kanina at galit na inaakusahan ako bilang may kasalanan sa iyong..." tiningnan niya na may halong pandidiri ang aking itsura "...kalagayan. Sabi ng babaeng iyon na ako raw ang may gawa niyan sa'yo." Tumawa siya. "Para naman isa akong mangkukulam sa kanyang paningin."

Bakit, hindi ba't malapit ka na din doon?

"Bukas na bukas ay kakausapin ko si ina tungkol dito ngunit ngayon, nais ko nang magpahinga-" Dadaanan ko siya ngunit nahuli niya ang aking braso at hinila pabalik, inis sa kanyang mukha. "Ama, masakit!"

Binitawan niya ako.

"Hindi pa kita tapos kausapin, Reyna." Talagang may diin doon. "At nais kong ipaalala ang aking mga plano para sa'yo."

Matama ko siyang tinitigan. "Hindi ko ipapalaglag ang anak ko!"

"Pwes, mamamatay ka!" galit niyang sigaw. Kung naging isang mapagmahal din siyang ama tulad ng iba, napagkamalan ko na ang sinabi niya bilang pag-aalala sa aking buhay. "Ano pa bang kailangan kong sabihin sa'yo upang magising ka sa kahibangan mong pinapatay ka na ng halimaw na yan?!"

"Hindi siya halimaw! Anak ko siya-"

"Wala akong pakialam kung anak mo ang halimaw na yan pero isa lang ang sinisiguro ko: Kapag hindi mo yan inalis sa sistema mo, mamamatay ka--"

"Nag-aalala ka ba para sa kaligtasan ko? O sa kaligtasan ng kapangyarihan at kontrol mo sa trono?"

Nanggagalaiti siyang tumawa. "Hindi ka pwedeng mamatay. Hindi pa tapos ang mga plano ko para sa'yo--"

"Pwes, palitan niyo ko gamit ng mga babaeng nilista mo!" sigaw ko.

Mabilis kong nadama ang palad ng aking ama sa aking pisngi. Pagkatapos niya akong sampalin, kinuha niya ako sa buhok at pinigilan kong lumuha sa sakit ng hawak niya. "Bastos kang bata ka. Baka nalimutan mo nang binigay ko sa'yo yang koronang gustong-gusto mo!"

Nanginginig ako sa galit ngunit di ako makapagsalita. 

"Baka nalimutan mo nang binigay ko sa'yo lahat ng hindi dapat sa'yo-- ang pagiging Reyna, ang trono, ang yaman, ang titulo, pati na ang kinababaliwan mong lalaki! Kaya magtanda kang malandi ka, na ako ang masusunod sa buhay mo dahil ako ang nagbigay niyan sa'yo!"

Marahas niya akong binitawan.

"Kung talagang hinihingi mo ang iyong kamatayan, bahala ka anak." Pagkasuklam lang ang naririnig ko sa kanyang boses, kumakalat na parang lason. "Pero pasensyahan tayo kung palitan kita balang araw bilang Reyna ng islang ito." Tinalikuran niya ako. "Tulad ng pagpalit mo kay Iris."

Iris. Si Iris nanaman.

Nagkaroon ng matinding emosyon sa'kin-- inggit, galit, lungkot-- at bago siya tuluyang makaalis sa harap ko, agad kong sinigaw. "Bakit ba kinamumuhian mo ako ng sobra?! Ano bang kasalanan ko sa'yo, ama? Ano bang ayaw mo sa'kin?!"

Saglit siyang napatigil at hindi man lang niya tiningnan ang mukha kong basa sa luha. Pinasadahan lang niya ang buhok gamit ng kamay.

"Dahil hindi ikaw ang dalagang iyon..."

At iniwan niya ako sa malamig na pasilyo na nagtataka sa kanyang mga sinabi. Sino ba ang tinutukoy niya? Sino ang dalagang iyon?

At bakit ganun na lang ang kagustuhan ni ama na sana ako na lang siya?

Napalingon ako sa aking likuran at nagulat nang makita ang maliit na pigura ni Ninette, nakatitig lamang sa'kin na para bang isa akong bugtong na di niya masagot.

Ngunit bago pa ako makapagtanong kung bakit hindi niya kasama sina Lax, agad siyang lumisan at hindi ko na siya nakita.

──────⊱⁜⊰──────

Continue Reading

You'll Also Like

Hacker By โ™ช

Teen Fiction

3.2K 331 15
[COMPLETED] Started: July 15, 2019 Ended: September 15, 2019
21.9K 875 40
P.s. Now available at Psicom App. ( Completed )How do you keep going when quitting? Will meeting Past and Future be her edge to keep going? Or, will...
98K 1.6K 46
PUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?
2K 71 33
Phillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Ma...