~~Arisa (unedited)
Nakangisi parin si Bea pero Hindi ko nalang pinansin .
Kanina pa siya ganyan Simula ng pumasok ako .
Ang creepy pa naman ng ngiti niya ! Nakaka-panindig balahibo !!
" Gusto mong malaman why I'm smiling? "
tanong niya pa at ngumiti ng malapad ..
Bored ko naman siyang tiningnan at ibinalik ulit ang atensyon ko sa teacher namin sa gitna ...
" Bakit ko naman aalamin ? "
pagtatanong ko sakanya .
Oh ! Pustahan oh ! Paniguradong naka pout nayan !!!
Ang childish talaga ni Bea !
Hindi man lang nag mature ng konti ..
" Because, its masaya and interesting .!! "
she beamed and even clapped her hands !
PSH! Pag kaharap mo talaga si Bea, para kang kumakausap sa 5 years old na bata ! At promise !!! Hindi iyon nakakatuwa !!!!
" I don't care Bea , get a life ! "
I rolled my eyes at her ..
Hinampas niya ako sa braso bago magsalita ..
" Nakita ko that you're with a gwapong guy !! Is he special to you Arisa ?? "
napa kunot naman ang noo ko .
Sinong tinutukoy niyang SPECIAL ko kuno ??
Si Febo lang naman ang kasama ko kanina .
At Hindi naman special yung taong yun saakin since kakakilala palang namin nun kanina !!
Binatukan ko si Bea .
" Gaga ! Kakakilala ko lang sa tao bibigyan mo na agad ng malisya ! abnormal ka talaga !!
pero imbis na masaktan tumawa lang ang gaga at pinadilatan ko naman siya ng mata .
Tumigil naman siya at humarap sa kabilang side para siguro mapigil ang pagtatawa niya !
God!! Anong nakakatawa ??!!
Naiinis akong lumipat ng upuan para maiwasan ang mapang-asar na mukha ni Bea .
Mahirap na baka mapaslang ko yung baliw nayun !!
Mawalan pa ako ng best friend !
Nag ring na ang electric bell at tumayo na ako para magligpit ng mga gamit ko ..
Nakita ko naman si Bea na papalapit saakin at nginitian niya nalang ako .
Sabay na kaming lumabas ng room at pumunta ng parking lot para hintayin ang mga sundo naming .
Naunang dumating ang sundo ni Bea kaya naiwan akong magisang hinihintay si manong .
Peste ! Ba't ang tagal niya ?!!
Nakita ko naman ang isang Chevrolet Camaro SS competition , na papalapit sa kinatatayuan ko ??
Teka ??? Kelan pa naging chev. Ang limousine naming ???????
Hindi ko naman maaninag ang tao sa loob kasi tinted ang sasakyan .
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa Hindi malamang dahilan ...
" Hop in ! "
Nagulat ako ng makita ko si Febo na nakasilip sa bintana ng sasakyan niya ..
Tumingin naman ako sa kaliwa , kanan , taas , baba ko para masigurong ako ang kinakausap niya .
Abah!! Hindi naman kami close para kausapin niya ulit ako noh!!
Nagkataon lang yung sa library kanina !
Mabuting tao lang siya na aware sa mga nagyayari sa paligid niya ...
" Silly ! I'm talking to you ! "
nagsalita siya ulit at ngumiti ..
" P-pero , may sundo ako ... " pagdadahilan ko naman sakanya at napasimangot naman siya .
God!! He is really cute !!!
" Kahit sabihin kong please ?? "
nagmakaawa effect pa siya at napa buntong-hininga nalang ako ...
Hindi naman siguro magagalit sila Kuya kung sasama muna ako sakanya.
I tetext ko nalang si manong na wag na akong sunduin ...
Sumakay na ako sa passenger's seat at ngumiti naman si Febo ...
Binuhay niya na ang makina at nag drive papunta sa Hindi ko Alam ...
" Saan tayo pupunta ?? "
tanong ko pero Hindi naman niya sinagot ..
Nice!! Nasayang lang laway ko !
Naka concentrate siya sa daan ng mabilis niya akong tiningnan at kinonotan ng noo .
" Basta! "
sabi niya at tumahimik nalang ako ....
Sure naman akong kahit ilang ulit ko pang itanong sakanya kung saan kami pupunta , BASTA lang ang isasagot niya !!
Napansin ko ang mga stall ng street foods na nagkakalat sa paligid .
Pati narin ang mga bangketa ng gulay karne at iba pa !!
TEKA!! Wag niyang sabihing dinala niya ako sa PUBLIC MARKET??!!
Parang nabasa niya naman ang mga thoughts ko o sadyang halata lang ang pagka digusto ko dito sa lugar nato !
Oo ! Ako na maarte !
Ano bang aasahan mo sa katulad kong mayamang brat ??!!
Mag shopping at magpasyal dito ?!!
Yuck ! Kadiri kaya !!
Sobrang init kaya at madaming lamang lupa at lamang dagat !!
Goshh!!
Dwende , tikbalang , kapre , tyanak , Engtanto , sugpo , hipon , alimasag , balyena , tsoykoy , at iba pa !!
Gawwd !!
Tumigil siya at sandaling tiningnan ako at lumabas .
Pinagbuksan niya rin ako ng pinto at nung mapansin niya na wala akong balak lumabas at hinatak niya ako !!
" God! Don't tell me, pakakainin mo ako ng mga yan! "
i protested at tiningnan niya ng ako ng masama ...
Sa ngayon hihiramin ko muna ang famous pout ni Bea .
God!! Its ridiculous !!
I feel stupid and unladylike at the same time ...
Wala akong nagawa noong hinatak niya ako sa stall ng kwek-kwek ..
Naalala ko noong last kong kumain niyan ( accidentally ) dahil Hindi naman ako sinabihan noon ni Sev kung anong klaseng pagkain yun , at ako naman si TANGA basta galing sakanya sige lang ng sige !!Hindi ko na naisip kung anong ang mga magiging consequences noon ..
Tumusok siya ng limang piraso ng kwek-kwek at tinapat yun saakin ..
Umiling-iling naman ako sakanya ..
" Can you just bring me kahit sa KFC man lang ? "
I suggested at him pero napasimangot naman siya .
Totoo naman eh!!
Alam kong mayaman siya bakit dito niya pa ako dinala sa nakakapesteng public market at papakainin ako ng nakakadiring --- UGRRHH !!
OK fine tama na ang kaartehan !!
Muling tinapat Niya saakin ang hawak niyang stick ng kwek-kwek .
Palipat-lipat naman ang tingin ng nagtitinda saakin at Kay Febo ...
" Abutin mo ! Nangangalay na ako . "
napabuntong hininga nalang ako at inabot ang kwek-kwek ..
Pero tiningnan ko lang yon habang siya naman ay nilantakan na ang kwek-kwek niya ...
" Masarap yan ! Try mo rin kasi minsan kumain ng pang mahirap na pagkain! Hindi healthy ang puro sosyal at pangmayaman! "
binigyan ko lang siya ng makakamatay na tingin at nginitian niya naman ako ...
Tumigil siya sa kalalamon ng kwek-kwek niya, at parang hinihintay na kainin ko yung akin !!
Hayyyss!! Bahala na si batman !!
Kung malason Ka at magka LBM arisa , alam mo na kung sino ang salarin !!
Dada ng utak ko ...
Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kwek-kwek at Kay Febo ...
* buntong-hininga! *
Napapikit Kong kinain at dahan-dahang nginuya ito ..
Punakapiramdaman ko ang sarili ko at INFAIRNESS!!
MASARAP !!!!! LOL
Ngumiti ako Kay febo at kinain naman yung isa hanggang sa masundan ng masundan !
Tinitingnan niya lang ako the whole time pero Hindi ko nalang pinansin ..
And before I knew it ! Naubos ko na ang binigay niya saakin ...
" Gusto mo pa ?? "
tanong niya at tumango-tango nalang ako ...
Tumusok naman siya ulit ng limang piraso para saakin at para rin sa sarili niya ...
Matapos niyang bayaran iyon ay hinila niya naman ako papunta sa isang stall na naman ng buko ..
Bumili siya ng dalawa at inabot ang isa saakin ...
Naupo siya sa may pavement at nakigaya narin ako ...
For the first time that I didn't care how I acted and look like ...
Nagsimula na kaming kumain at nagkwento ng mga walang kwentang bagay ...
Napagkaalaman ko ding allergic siya sa magagarbong restaurants and such ! Maspipiliin niya pa daw ang street foods kesa doon ...
Nagkwentuhan pa kami at Hindi ko namanlayan ang oras ..
Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko Kay Febo to think of na bago lang kami nagkakilala .
Siya kasi yung tipo ng taong masayahin at may magaang aura na suot palagi ..
Unlike saakin na laging nakasimangot at nakataas ang kilay ...
Madami pa kaming kinain ..
First time ko rin nakakain ng Dirty ice cream , Halo-halo( na di espesyal ) suman , kamote Cue , at iba pa na nakalimutan ko na sa sobrang dami .
Feeling ko matatae ako neto mamaya eh ..
Gabi na rin ng maisipan naming umuwi na ..
Hinatid niya ako at natatawang nagpaalam kami sa isa't-isa ...
Matapos gawin ang mga ritwal ko ay napa hinga na ako sa kama ...
Sobrang napagod ako sa gala naming ni Febo .
Napangiti naman ako noong maalala ang mga nangyari kanina ...
Nagulat ako ng tumibok ng kusa ang puso ko at Hindi lang iyon basta-basta lang .
Mabilis ito at tila hinahabol ako ...
Bumalik ako sa katinuan ng mag ring ang cellphone ko ???
Teka ba't iba ang ringtone ???
Wake-up( the vamps ) ang ringtone neto .
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog .
Nanggaging iyon sa damit na sinuot ko kanina ...
"Ahuh!! GOTCHA !!!"-nasabi ko ng makuha ko ang isang iPhone 6s sa bulsa ng palda ko ...
Napakunot-noo naman ako ng maalala Kong Hindi ko pa pala naibabalik ang phone ni Febo na pinatago niya muna saakin dahil wala siyang bulsa ...
Calling Kate ❤ .....
" WHAT THE F*UCK !!"
Napamura nalang ako ...
And that how my beautiful night ends!
Lovely right ??