Huwag ka nang Humirit || JADI...

By facetiouslyfab

7.6K 388 916

[COMPLETED] Meron ka bang pangit na pangalan? Puwes feel kita! Huhu Kung pangalan mo ba naman ay Nakakaloka... More

Huwag ka nang Humirit
#Introduction
#Friends
#Bad Luck
#Mt. Everest
#1st worst study time
#Beep2 Pam2
#Worst Day
#Joke?
#New Friend?
#Close
#Groupmates
#Science Project
#The Girl
#New Mother
#My Brother
#His Laugh
#Sleep Over
#Boredom
#KamPam?
#The Hug
#LOVE
#Maganda
#Blanket
#ChitChat
#Revelation
#Mommy
#We're Friends
#Partner
#Make Up
#Wedding
#Confession
#Merong Pag-Ibig
#Surprised
#Round 2&3
#Hotdog
#Weird
#Condition
#Crush
#His Girl?
#Pain
#December20
#I Love You
#Family
#Hurt
#Space
#Break
#1 1/2Year
#The Offer
#Irritating Day
#Annoying
#Best Friend
#Free day!
#Louie
#Disapproved
#Fiesta?
#Spaghetti
#Ferris Wheel
#He's back
#Duet?
#His Secret
#Girlfriend
#Saved
#Song
#This Time
#Dead
#Shocked
#Happiness
#The End

#Lokador

103 4 7
By facetiouslyfab

Nandito na ako ngayon sa room nakaub-ob. Napagod kasi ako kakabuhat sa mga libro ko, na wala man lang may tumulong sakin. Kahit pagpasok ko dito sa room walang may naging gentleman man lang. How dare they? Dagdagan mo pa 'tong mga kaibigan ko. Humanda talaga sila. Last subject na lang ngayon para sa umaga at nalaman kong may quiz kami. Hahaha

"Good Morning everyone. Let's have a quiz."bungad samin ng AP naming teacher. Narinig ko namang nagbulungan 'tong mga kaibigan ko.

"Okay lang yan, nandyan naman si Kaye eh." sabi ni bakla at tumingin sakin. Kakairita sila, porket ang ganda at ang bait ko? Gaganon-ganon na lang? No way! Lalo na at hindi niyo ako tinulungan?

"Orally." dagdag ni ma'am. Nagstretching kaagad ako. "If I caught you cheating, I'll mark you zero." sabi pa ni ma'am. Nagworry naman kaagad sila. Naku ma'am salamat talaga. Hahaha

"Kaye." sabi nilang tatlo with those pleading eyes. Naku, 'yokong magpadala. Bahala sila diyan. Tumingin na lang ako sa left side ko, nang nakalimutan kong ang pangit pala ng view.

"You're surely confident Ms. Lokador." sabi niya at nagsmirk. Pambihirang kambing na may bangs, tinawag pa niya ako using that?

"Cause I know I can, Mr. Heralgo." sabi ko at nagsmile.

"Let's see."

"Okay then, Let's start." sabi ni ma'am na may ngiti.

"Ang pagkakatuklas ng mga tectonic plate ang lalo pang nagpatibay sa isa sa mga teorya ukol sa pinagmulan ng Daigdig." Napangiti ako sa narinig ko, simula pa lang ng tanong. Binabalik lang niya ang tanong. Parang pang Grade 7/8 'tong tanong na 'to. At nagpapasalamat ako dahil todo study at pagmemorize ang ginawa ko kagabi.

Hindi na ako nagpatumpi-tumpi pa, inisa ko na ang aking kamay ngunit nagkasabay kami ni Pambee. My Gosh! Uunahan pa yata ako nito eh.

"CONTINENTAL DRIFT THEORY!" sigaw naming dalawa. Buwisit, sumabay pa. Akin lang yung puntos na yun. Akin lang. Haist!

"Very Good!" sabi ni ma'am sa aming dalawa. Para sakin lang yun dapat eh.

"Ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?"

"Mount Everest! Ito ay may taas na dalawang po't siyam na libo at tatlong po't limang talampakan o walong libo, walong daang limang po't na metro." sunod-sunod na sabi ko.

"Pfft. Ganon pala yun kataas? Ang taas pala ng buhok mo ah. Hahaha" mahina niyang saad. Nakakabuwisit siya.

"5 points for that. Total of 10. Next."

Umupo ako at dinilaan si Pambee. Ano ka ngayon? Hahaha! Pero ang mokong nagsmirk lang. Buwisit talaga siya.

"Ano naman ang kinikilalang pinakamalawak na kapatagan sa Daigdig?"

"North European Plain ang pinakamalawak na kapatagan sa Daidig na may sukat na humigit-kumulang isang libong milya, mula sa kanlurang bahagi ng baybayin ng France hanggang Ural Mountains sa Russia." sabi niya at umupo. Kinompleto talaga niya?

"Very Good Mr Heralgo."

" See, I can be as confident as you are Ms. Lokador." sabi niya at nagsmirk.

"Wala akong pakialam. Saka puwede ba? Huwag mo nga akong tawagin gamit yan?" pagalit na saad ko.

"Hahaha. You're not the boss of me." sabi niya at tumingin na sa harapan. Haist! Ayoko na magpatalo. Ayoko na. Tumingin na ako sa harap at nagfocus ulit. Akin na 'to. Akin lang.

"Sino ang tagapagsulong ng continental-----"

"ALFRED WEGENER!" sabay ulit naming isinigaw. My Gosh! Kung hindi siya nauuna sumasabay pa. Haist! Tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa 'to eh.

"Huwag ka ngang sabay ng sabay." irita kong sabi.

"Feeling mo ah." sabi niya.

"Take it easy. Mr. Heralgo and Ms. Kaye." sabi ni ma'am pero talagang mainit ulo ko. Lahat na lang kontrabida 'tong mokong na 'to.

Magsisimula nang magtanong si ma'am ng ininterrupt siya ni Vitch.

"Why don't you use her surname Miss? It's more appropriate." sabi niya ng mahinahon at tumingin bigla sakin.

Surname? Walang nakakalam sa surname ko bukod sa Inwinx, kay daddy, at sa mga friends ko. At tiningnan ko yung mga kaibigan ko. Nakita kong nakayuko sina Spelly at si Ghal. Ano ba ang nangyayari?

"A-ah. M-miss E-Evans---" sa boses pa lang ni ma'am alam kong nag-aalala siya sakin.

"Come on Kaye, tell us your surname." sabi niya sabay ng pagtayo. Bakit pa umabot sa ganito 'to? Diba nagkoquiz lang kami? Huwag naman sana niyang ipamukha sa iba na ang pangit talaga ng surname ko. Ayoko nun. My eyes is filled with tears that I'm suppressing to come out. Ayokong malaman nila. Ayokong madagdagan pa ang nakakalam.

"P-pasensya na. P-pero----"

"Lokador." Bigla niyang putol sakin. Hindi ko na mapigil yung mga luha ko. Sinabi na niya, sinabi na niya, at nagtatawanan na sila ngayon at sa harapan ko pa. Paano niya ito nalaman?

"Nakam Kaye Lokador. Pfft. Gandang name ah." sabi niya at muli silang nagtawanan. Kanina pa sila sinusuway ni Miss pero hindi sila nakikinig.

"Lokador? Hahahahahaha! What kind of surname is that? Hahaha Gross!"sabi nung kabarkada niya.

Nangyari na yung kinakatakutan ko. Nangyari na yung hindi ko gustong mangyari. I can't believe this. Pinagtatawanan nila ako ngayon, pinagtatawanan nila yung surname ko. Hindi ko na matiis at tumakbo papuntang rooftop. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa mga railings.

Sana palagi na lang first days, para mabaguhan pa lang sila sakin, hindi ako pinapakialaman. Sana hindi na lang ako nagtransfer para hindi pa dumagdag ang nakakaalam. Minsan iniisip ko, sana hindi na lang ako ang anak ni daddy.*smirk* Ang sama ko, pati si daddy idadamay? Don't get me wrong, I'm proud to be his daughter, I'm proud that he's my father. Pero sa sobrang sakit na nararanasan ko dahil sa apelyidong ito, pati si daddy sinisisi. Pinahid ko yung luha ko, bakit ganito sila? Napaka judgmental. Why can't they mind their own businesses? Instead of others, instead of mine?

Tumungtong ako sa ibaba ng railings at tumingin sa baba. Kung tumalon kaya ako dito?Magiging masaya ba sila? Na ang isang lokador, ay loka-loka? Kung tumalon ako, magiging okay ba lahat? Magiging masaya ba ako sa kabilang mundo? Walang taong nangjujudge? Kung gawin ko 'to ngayon, marami bang magbabago?

"If you're planning to commit suicide, then I'm right. You're weak." tumingin ako sa kanya. Bakit siya nandito?

"Bakit ka nandito?" sabi ko habang yung buhok ko kinakalat na ng hangin. Pero imbis na sagutin ako, nagpatuloy lang siya.

"Madali ka lang magpadala, kahit sa simpleng bagay."

"Hindi yun simple---"

"Kung tatatalon ka ngayon, may magbabago ba? Diba wala naman? Mas lalo ka lang madidismaya. Kasi kung mamatay ka man, mauukit yung pangalan mo sa Grave, forever. Kesa kung ipatuloy mo yung buhay mo ngayon, mababago pa yung apelyido mo. In what way? Marriage. Lahat naman ng tao dumadaan dun diba? Kaya sa babae, walang forever na apelyido. Pasalamat ka na lang." sersyoso niyang sabi habang nakapamulsa at nakatingin sakin.

Nababaguhan ako sa kanya. Bakit parang bigla siyang naging concern?

"Hindi ako concern, if that's what you are thinking. I'm just telling you this to give you a wake up call. Akala ko ba matalino ka? Ba't hindi mo yun naisip? Tsk." sabi niya at ngumisi.

"Bakit mo ako sinasbihan ng mga 'to?" bigla kong tanong.

"Para nga maalimpungatan ka. Sayang yung buhay mo, kung sasayangin mo lang ng ganon. Hindi ka pa naawa sa maglilinis sa baba sa duguan mong katawan kung sakali.Haha" sabi niya. At nagawa pa niyang magbiro ah.

"Pambihira ka talaga." sabi ko.

"Nakakaloka ka naman." sabi niya habang tumatawa.

Nasambit na naman niya yung word na yun. Biglang lumungkot mukha ko. Naalala ko na naman. Alam na pala ng lahat. Napansin siguro niya na lumungkot ako kaya siya tumigil.

"I forgot, sorry." sabi niya. Agad naman akong napaangat ng ulo. Nagsorry siya?

"Did you just say you're sorry?" gulat kong tanong. Mas nagulat siya knowing na nagsorry siya. Hahaha! Grabe nakakatawa talaga.

"Why? I'm just guilty." sabi niya.

"Oo na lang. Teka ba't ka nandito?" tanong ko ng hindi pa bumababa.

"It's Lunch time." sabi niya. Lunch na? Ba't hindi ko narinig yung bell?

Nagulat ako ng bumukas ng malakas yung pinto at sumalubong samin yung mga kaibigan ko at yung Inwinx at tumakbo patungo sakin.

"Good thing you stopped her dude." sabi ni Harry sabay pat sa balikat ni Pambee.

"Yeah, sure. Whatever Dude." masungit na sabi ni Pambee.

"Don't worry Kaye, I'll talk to my sister." sabi ni Alexander. Astig ah. naging close na kami dahil lang sa project na yun. Or feeling close lang talaga sila? Buwisit! Yun pa talaga naisip ko? Hahaha

Nagulat na lang ako ng binuhat ako ni Ghal pababa sa railings. Pambihira hindi na lang sinabi na bumaba na ako. Pero mas nakakagulat ng yakapin nila ako ni Spelly at sabay na nagsabi ng "Sorry". Naguguluhan ako sa kanilang dalawa, paulit-ulit binabanggit yung salitang yun. Ano bang problema?

"O-okay lang? Teka ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanilang dalawa na hanggang ngayon hindi pa rin umaalis sa pagkayakap.

"H-hindi. Hindi okay Kaye." naguguluhan na ako sa kanilang dalawa. Umiiyak na eh.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" mahinahon ko pa ring tanong despite the confusion.

"Ito kasing si Bruha eh. Nadulas pa. Yan tuloy! Kumalat. Kasalanan mo 'to eh." sabi niya kay Spelly. Ngayon umiwas na sila sa yakap at nagharapan.

"Sorry ah. Linasing kasi ako eh. Alam mo naman kung nalalasing ako nagiging madaldal." sabi ni Spelly habang umiiyak. Ano bang nangyayari?

"Eh, kahit hindi ka naman lasing ang daldal mo pa rin eh." sabi ni bakla.

"Buwisit ka talaga kahit kailan."

"Could you please tell me what is going on?!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Kaye. Sorry~" sabi nila at yinakap na naman ako. Hindi lang ako nagsalita at nakinig na lang sa kanila." K-kami ang may kasalanan kung bakit nalaman yun ni Vitchy. Sorry talaga Kaye." sabi ni Ghal. "Linasing kasi nila ako Kaye eh. Kaya ako nadulas. Sorry talaga. Patawarin mo ako." sabi ni Spelly.

S-so. Sila ang nagsabi? Dapat ba akong magalit? Aksidente lang yun eh. Huwag kang ganyan Kaye. Huwag mong isisi sa kanila. Hindi nila 'to kasalanan.

"O-okay lang." sabi ko na lang.

"Talaga?" sabay nilang sagot. Sunod-sunod naman yung pagtango ko.

"Thank you Kaye. Salamat talaga. Thank you. Thank you." sabi nila at yinakap ako.

Ayoko talagang sila yung sisisihin ko sa mga nangyayari ngayon. Alam ko namang hindi nila ito kasalanan kaya hindi dapat.


Pumasok ako sa sasakyan ni daddy ng namumugto ang mga mata sa kakaiyak. Paano ba. Pagbukas ko palang ng Locker. Sumalubong kaagad sakin ang sandamakmak na mga letter na puno ng panlalait. Lahat sila pinagtatawanan na ako.

"Oh. Bakit ganyan yung mga mata mo? Umiyak ka ba?" tanong ni daddy habang nagdadrive.

"Wala 'to dad. Huwag niyo na pong pansinin." sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana.

"Well, dapat wala na yan sa Saturday ah." sabi ni daddy. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit naman po?" tanong ko.

"Ipapakilala ko na siya Nak." sabi niya. Literal na napanganga ako sa sinabi ni daddy.

"Ipapakilala ko na ang future mother mo."

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
49.2K 571 23
Meet Charmaine. An ordinary girl na naniniwala sa fairytales at happy endings. She was happy with her boyfriend, Sean because she believes that it's...
94.2K 3.1K 27
STORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another m...
1.3K 29 14
Sa mga rom-com, pansin nyo ba ang best friend ng leading lady? Ang comic relief? Yung parang walang buhay sa labas ng mga bida? Pag nagkita sila ni l...
Wattpad App - Unlock exclusive features