Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VI : No way out

144K 6K 2.3K
By Serialsleeper

Author's Note: Hello, kung nabasa mo na ang chapter 6 at 7 last june, please read this chapter again since may mga binago ako :) May mga binago rin ako sa first few chapters, you can read them if you want but they're just really minor details.

Sorry pala if this story has been paused for while, I'm hitting the green light now :)


CHAPTER VI:

"NO WAY OUT"

CIELO


"T-teka sandali!" Humahangos na sambit ni Shem kaya tumigil kaming tatlo sa pagtakbo. Lahat kami hingal na hingal at duguan. Lahat kami pagod na pagod at nahihirapan nang huminga.


"Tara na! Baka nandito pa si Boris!" Giit ni Raze sa bawat paghangos niya.


"R-raze sa ginagawa natin, pagod ang ikamamatay natin!" Giit ni Shem na nakayuko na habang nakasandal ang mga palad sa kanyang mga tuhod. Nagkakahalo-halo na ang umaagos na dugo at pawis pababa ng mukha niya.


"Raze ang layo na ng tinakbo natin. Let's just rest for awhile." Sabi ko na lamang at inabot sa kanila ang water bottle mula sa bag ko.


Kahit marumi, napasandal na lamang ako sa pader at paulit-ulit na huminga ng malalim. Napakasakit parin ng buo kong katawan at hilong-hilo pa ako pero hindi parin maalis sa isipan ko ang pagtawag sakin ni Boris ng Amelia. Sino ba si Amelia? Ba't nila ako pinagkakamalang si Amelia?


"Cielo okay ka lang?" Tanong ni Raze kaya umiling-iling ako. I was pinned down, dragged and almost killed by Boris, of course I'm not okay! Ang sakit pa ng buo kong katawan!


"Wait where's Dana?!" Bulalas ko nang maalala ko siya.


Sa isang iglap hindi nakapagsalita si Raze kaya lalong nanlisik ang mga mata ko. Iniisip ko pa lang anong maaring nangyari kay Dana, gusto ko nang sapakin si Raze.


"Raze nasaan sina Dana at Harper?" Tanong naman ni Shem.


Nasapo ni Raze ang kanyang ulo at napabuntong-hininga, "Mahahanap rin natin sila. Hindi pa sila nakakalayo." Giit niya pero hindi ito sapat para mawala ang takot at pag-aalala ko.


"What the fuck Raze?! You know how fucking dangerous Drayton has become! I told you to stay with them!" Bulyaw ko sa kanya at nasapo ko na lamang ang noo ko.


"And what? Let you die?!" Bulyaw niya pabalik sakin, "Mahahanap rin natin sila! Marunong silang mag-ingat, magiging ligtas sila!" Giit pa ni Raze pero hindi ito sapat para mapalagay ako.


"Shh! Wag kayong sumigaw! Baka marinig tayo ni Boris!" Sigaw sa amin ni Shem.


"'Wag ka ring sumigaw!" Sigaw ko kay Shem.


"Sumisigaw ka—"


"S-sandali..." Mahina at nauutal na sambit ni Raze habang nanlalaki ang mga mata kaya kapwa kami natahimik ni Shem.


"Oh shit." Mahinang sambit ni Shem at napalunok na lamang nang mapagtantong may baril na ngayong nakatutok sa gilid ng ulo niya.


"What the—" Hindi na ako nakapalag pa nang maramdaman kong may nakatutok narin sa likod ng ulo ko.


"Isa pang sigaw at pasasabugin namin ang mga ulo niyo." Narinig kong may nagsalita mula sa likuran namin. Lalake, mukhang matanda na at napakalalim pa ng boses niya. Hindi siya nag-iisa kasi may naririnig rin akong isa pang pares ng mga paa sa likuran namin.


"T-teka sandali, kalma lang, wag kayong magpapaputok." Natatarantang sambit ni Raze saka itinaas ang mga kamay niya. Sinenyasan kami ni Raze na itaas ang mga kamay namin kaya ginawa nalang namin ito.


Sa totoo lang hindi ako natatakot na matutukan ng baril sa ulo. This is actually okay since being shot in the head is fast and efficient. Yes, the odds of survival are smaller than Johnny Bravo's dick but at least it's not that painful unlike being stabbed with a kitchen knife. It's also not as painful as being crushed by Boris.


"Jack, Franco, ibaba niyo ang mga baril niyo. 'Wag niyo silang takutin." Nagulat ako nang makita ko ang isang may edad nang lalake sa likuran ni Raze, gaya namin napakarumi narin niya pati narin ng batang lalakeng nakayakap sa bewang niya. May kasama rin siyang isang may edad nang babae at kilala namin kung sino ito, si Ms. Emma, History teacher namin noong highschool. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Ms. Emma nang magtama ang mga tingin namin.


"Mayor napakaingay nila, baka mamaya sila pa ang dahilan ng kamatayan natin." Giit ng lalakeng nasa likuran ko.


"M-mayor?" Nauutal na sambit ni Raze at bigla na lamang napalingon dito. Wait, siya pala yun?


"'Wag kayong mag-iingay." Banta ng isa sa mga lalakeng nakatayo sa likuran namin bago ibinaba ang baril na nakatutok sa ulo ni Shem.


"Oo, oo, sorry, hindi na." Natatarantang sambit ni Shem na tango ng tango sa sobrang takot.


****


Sinundan namin sila hanggang sa makarating kami sa isang maliit ngunit napakaruming silid na siyang nagsisilbing taguan nila dito sa imburnal.


"Ito ang anak kong si Pip," Pakilala ni Mayor Calderon sa anak niyang nakayakap parin sa kanya. Sa tantya ko mukhang 7 or 8 years old pa ang bata. Takot na takot ito at parang hindi na nagsasalita. Na-trauma na siguro. I can't blame him.


"Ito naman ang mga gwardya kong sina Jack at Franco." Sabi pa ni Mayor sabay turo sa lalaking kalbo at sa lalaking mukhang basketball player sa sobrang tangkad.


"Teacher Emma..." Mahinang kong sambit bago pa man siya maipakilala samin ni Mayor Calderon.


Si Teacher Emma, wala siyang ipinagbago. Maganda parin siya katulad ng dati ngunit kung manamit, animo'y gustong takpan ang buong katawan. Napakahaba ng suot niyang paldang may bahid ng dugo at putik at pati narin ng suot niyang blusa na kulay dilaw. Suot parin niya ang mga salamin niyang may maliit na crack sa kaliwang lente.


"Cielo Snow.." Biglang bulalas ni Teacher Emma na parang gulat paring makita ako. Wow, mas matindi pa yata reaction niya kesa sa mga naging kaibigan ko dito.


"K-kailan pa po kayo nagtatago dito?" Tanong ni Raze.


"Hindi na namin alam. Madami kami pero unti-unti kaming nabawasan dahil sa kanila." Nanlulumong sambit ni Mayor Calderon.


"Ano ba talagang nangyayari?! Ba't bigla silang nagkakaganun? May Zombie outbreak ba?!" Tanong ni Shem na mangiyak-ngiyak sa hapdi habang pinupunasan ni Teacher Emma ang mga sugat sa noo at likod ng ulo niya.


"Bumalik na sila..." Mahinang sambit ni Teacher Emma kaya napatingin kaming lahat sa kanya.


"Sinong sila?" Tanong pa ni Shem habang iniinda ang hapdi ng paggamot ni Teacher Emma sa kanya.


"Ayan na naman siya sa kabaliwan niya!" Inis na sambit nung guwardyang matangkad na mahigpit parin ang hawak sa baril niya, siya yata yung Franco.


"Sa maniwala kayo o hindi, nagbalik sila! Nagbalik na ang mga Fergullo!" Giit ni Teacher Emma at bigla na lamang napatingin sakin dahilan para muling dumaloy ang matinding kilabot sa sistema ko.


Ang mga Fergullo... Naalala ko sila sa mga kwento ni Lolo noong bata pa ako. Galit na galit si Lolo sa kanila dahil ayon sa kanya, kampon ng kadiliman ang mga Fergullo.


"F-fergullo?" Nauutal na sambit ni Raze.


"Once we die, our bodies become empty shells and that's when they come in! Sumasanib sila sa mga katawang wala nang kaluluwa para maghiganti at upang mapasakanila ulit ang bayan ng Drayton! Alam niyo kung ano ang ibig kong sabihin, kayo mismo, nakita niyong maging halimaw ang mga kaibigan at—"


"Tama na! Teacher Emma tumahimik ka na! Yang mga multo at sapi, hindi yan totoo! Maaring may epidemya lang o di kaya may nalanghap silang kung anong kemikal kaya sila nagkaganun! There's a logical explanation to this!" Giit ni Mayor Calderon na mas hinigpitan ang yakap sa anak na ngayo'y iyak na naman ng iyak.


"Papa si Mama at kuya.. Papa balikan natin sila.." Iyak ng iyak ang bata sa pagitan ng kanyang mga hikbi dahilan para matahimik kaming lahat lalo na si Teacher Emma.


Namalayan ko nalang na pati sina Shem umiiyak na.


Sa loob ng ilang araw, napakarami nang nawala at nasaktan. Lahat yata ng mga nakatira dito ay nawalan na ng pamilya pati na kaibigan, at ang masaklap, walang kasiguraduhan kung may buhay pang makakaalis sa lugar nato.


"You have guns, why can't you just fight your way out?" Sarkastiko kong sambit sa kanila. Come on! They almost shot us, why not use their guns for those fucking skunks?


"Iilang bala nalang ang natitira, wala kaming kalaban-laban lalo na't napakarami nila at walang paraan para makalabas ng Drayton." Paliwanag nung Franco kaya nagkatinginan kaming tatlo nila Shem at Raze.


"Anong ibig niyong sabihing walang paraan para makalabas? Nasa downtown area na tayo! Malapit na tayo sa borderline ng gubat papunta sa kabilang lungsod!" Giit ni Raze at nagulat kami nang manlaki ang mga mata nung Jack.


"Teka sinusubukan niyo bang umalis?!" Gulat nitong sambit dahilan para lalo kaming maguluhan.


"O..oo. Yan ang binabalak namin... Bakit may masama ba?" Naguguluhang sambit ni Raze.


"Namamatay ang lahat ng mga nagtatangkang umalis. Ang usok... May napakakapal na usok. " Natigil sa pagsasalita si Mayor Calderon nang tuluyang umagos ang luha pababa ng mga mata niya, "Hindi ko alam pero nang dumaan ang mga kasamahan namin sa usok, bigla silang nawala na parang bula, na para ba silang kinain ng usok." Dagdag pa nito.


"Pero nagawa kong makapasok dito sa Drayton! May nakita akong mga hamog ba 'yon o usok pero manipis lang 'yon, nakadaan nga ako ng walang kahirap-hirap!" Giit ko dahilan para magkatinginan sina Mayor at ang mga gwardya niyang naguguluhan at para bang ayaw akong paniwalaan.


"Look, I'm telling the truth!" Sabi ko na lamang kay Raze na naguguluhan rin.


"Walang makakaalis. Yan ang gusto nila. Uubosin nila ang lahat hanggang sa mahanap nila ang matagal nang nawawala" Bulalas ni Teacher Emma na ngayo'y nakatingin na lamang sa kawalan.


"Anong hinahanap nila?" Kunot-noong tanong ni Shem idinadampi ang isang tela sa ulo niya.


"Hindi ano, Sino." Giit ni Teacher Emma at muling napalingon sa direksyon ko.


"May iba pa ba kayong kasama?" Biglang tanong ni Mayor kaya sa isang iglap ay muli akong tinamaan ng matinding takot at kaba nang maalala ko sila. Sa sobrang takot ko ay unti-unting umagos ang luha ko, bagay na matagal ko nang hindi nagagawa.


"S-sina Dana... Raze sina Dana! Baka magtangka silang umalis! Mapapahamak sila!" Napasigaw na lamang ako.


*****


DANA


"Nakita mo na ako noon?" Naguguluhang tanong nitong lalakeng may bitbit na palakol.


"From Cielo's sketches! But this doesn't make sense." Napailing-iling ako. Pilit akong nag-iisip ng mga logical explanation pero wala akong pinatutunguhan. How could this guy look like the way he was years ago? Hindi naman siya si Edward Cullen para maging forever young. What the hell is going on.


"Babaeng may asul na scarf? Teka ba't mo sinusundan si Cielo?" Naguguluhang sambit naman ni Harper.


"Kilala niyo siya? Nasaan siya?" Natataranta niyang sambit kaya mas lalo tuloy akong naguluhan.


"Skunk!" Biglang sambit ni Harper at nang maulinigan namin ang mga yapak na patungo sa kinaroroonan namin ay dali-dali kaming nagtatakbo palayo. Takbo kami ng takbo pero muli naming napansin na may naglalakad patungo sa direksyon namin at mukhang makakasalubong namin kaya lalo kaming nataranta.


"Sa ilalim!" Giit nung lalakeng may hawak paring palakol sabay turo sa isang malaking truck kaya naman dali-dali kaming gumapang at nagtago sa ilalim nito.


Tahimik. Napakatahimik. Wala sa aming tatlo ang nagsasalita habang nagtatago kami sa ilalim ng malaking truck. Gamit ang mga kamay kong napakalamig at nanginginig parin, tinakpan ko ang bibig ko kasi baka mamaya makagawa pa ako ng kung anong ingay dahil sa takot ko.


Napakadilim ng paligid kung hindi lang dahil sa napakalaking buwan sa kalangitan.


Makaraan ang ilang sandali ay nakita naming dumaan ang mahigit sa limang skunks sa kinaroroonan namin. Normal sila kung maglakad pero naaninag namin ang hawak nilang mga kahoy na may apoy. It seems like a torch or something, a thing used by people from the old centuries.


Nang tuluyan silang makalayo ay para kaming nakahinga ng maluwag at pare-pareho kaming nagsibuntong-hininga.


"Nasaan yung babaeng may asul—nasaan si Cielo?" Muling sambit ng lalake na parang alalang-alala talaga kay Cielo.


"Harper balikan natin sila!" Giit ko.


"Dana, Boris could still be there! The best thing we can do is leave this place and call for help!" Muli nitong giit.


"Our friends are there!" Giit ko at dali-dali akong gumapang paalis pero laking gulat ko nang muli akong kinaladkad ni Harper at nung lalake. Mapapasigaw sana ako dahil sa gulat pero mabuti nalang at tinakpan agad ni Harper ang bibig ko.


Napapikit na lamang ako nang mapagtanto kong may iba pa palang paparating na skunks. Kung tuluyan akong lumabas, siguradong patay ako.


Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo akong natatakot. Lalo akong naiiyak.


"Dana..." Mahinang sambit ni Harper nang mapansin niyang iyak ako ng iyak.


Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong pinipigilan ang luha ko. Pilit akong tumatahan pero hindi ko magawa. Sadyang napakabigat ng nararamdaman ko ngayon. These past few days has been hell for us... for me. My parents are now dead and I have no family now. How the hell am I going to live if I happen to survive this hell?


Ni minsan hindi ko inakalang mangyayari 'to... Na aabot sa ganito ang lahat...


Naalala ko ang mga sinabi ni Mira nang gabing 'iyon... Hindi ko maiwasang maipagtagpi-tagpi ang lahat sa isipan ko. Kasalanan ba talaga namin ang lahat ng 'to? Kami ba ang naging dahilan sa pagkamatay ng mga kaibigan at mahal namin sa buhay?


Ang nangyari nang gabing iyon... Iyon ba talaga ang naging dahilan ng lahat?


Isa nga lang ba talaga yung urban legend o totoong sumpa?



END OF CHAPTER 6.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
4.3K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]