ARTHUR's POV:
May 2, 2006
Andito na ako sa Galleria at hanggang ngayon, bangang pa rin ako sa panaginip ko kahapon. Hindi man lang siya nagparamdam. Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip nang kung ano ano. Tatanungin ko siya ngayon. Gusto ko malaman kung bakit siya umalis kahapon. 10 am ulit pasok ko kaya nandito na ako ng 9:30 am. Alam kong 'di niya day off ngayon at sabay kami ng duty.
Pagkarating ko sa restaurant ay nakita ko na agad siyang naglilinis ng mga baso sa counter. Narinig kong tumunog ang bell sa may pintuan pagkapasok ko at alam kong nakita niya akong pumasok. Tuloy tuloy lang ako sa locker room at napasuntok na lang ako sa sobrang inis. Bakit kasi 'di niya ako pinapansin? Nakakainis!
Ayan makalipas ang walong oras at wala kaming pansinan. Kahit break time nga 'di kami nagpansinan e. Wala naman akong ginawang masama sa kanya a? Ano ba kasi ginawa ko? Maliban lang sa may kasama akong babae noong nakaraan at sa loob pa mismo ng bahay pero alam kong wala naman kaming ginagawang masama.
Napansin ko na nagmamadali siyang pumunta nang locker room. Sa locker room pala namin ay may CR for boys and girls. Kaya pumasok na rin ako sa locker room at hinantay ko siya sa labas mismo ng CR ng girls.
Mga ilang saglit ay lumabas na siya at halata mo sa kanya na nagulat nang makita ako. Pero agad na nawala iyon at napalitan nang lungkot na hindi ko alam kung bakit. Nagtuloy tuloy lang siya sa pag-aayos nang gamit sa tapat ng locker niya. Sige na, Pride. Ibaba mo na sarili mo. Tanungin mo na. Nagbuntong hininga ako at saka ako nagtanong sa kanya, "Ano ang problema nating dalawa?" tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanya. Siya naman ay nag-aayos pa rin ng gamit pero napansin ko sa mukha niya na malungkot siya.
"Wala," sabi nito habang hindi tumitingin sa akin.
"Wala pero bakit 'di ka namamansin? 'Di ka rin nagtetext kahapon?" sabi ko naman
"Hindi ka rin naman nagtetext sa akin kahapon e. Kaya akala ko galit ka sa akin," sabi niya at bigla siyang humarap sa akin na umiiyak na. Shit! Ayaw ko pa naman na may umiiyak na babae sa harap ko.
"O sorry na. Hindi ka rin kasi nagtetext e. Tahan na," sabi ko at niyakap na lang siya para tumahan na pero hindi e, bigla siyang humagulgol. Pakiramdam ko may dinadala pa siyang problema na hindi ko alam.
"HOY KAYO---" naudlot ang sigaw ni Luis na kakapasok pa lang sa locker room at binigyan ko na siya nang masamang tingin. At buti nanahimik at umalis na lang. Biglang kumalas si Margaret sa pagkakayakap namin. "Ay sorry," sabi niya habang pinupunasan niya yung mga luha sa mata niya.
"Wala iyon. Ano okay na?" tanong ko at ngumiti na lang ako pero pekeng ngiti lang 'yon. Pakiramdam ko kasi may hindi pa siya sinasabi sa akin. Ngumiti naman ito sa akin. So, okay na nga kami. Kung okay nga ba?
"Tara na. Out na tayo," aya ko sa kanya. Hindi na ako nagpalit ng uniform, inalis ko na lang yung vest na black para magmukhang nakat-shirt lang ako. Nagpaalam na kami kay Luis na duty ngayon hanggang gabi. Lumabas na kami sa restaurant na hindi kami magkaholding hands at napansin kong 'di rin niya akong tinatawag na Bhe. Okay.
"Tara Toms World muna tayo," aya ko sa kanya at hinawakan ko na siya sa kamay. Pagkadating namin doon. Bumili ako ng 50pesos na tokens at binigay naman sa akin nang nasa palitan ng tokens ay sampung piraso. Hinila ko na si Margaret sa Basketballan, race cars, baliran at kung saan saan pang sulok ng Tom's World na iyon. Pero ang napansin ko sa kanya ay parati siyang malungkot. Malungkot ba akong kasama?
"Kung gusto mo nang umuwi tayo, tara na," sabi ko habang hinihila ko na siya papunta sa escalator pababa. Nang makasakay na kami ng jeep pauwi, tahimik pa rin ito. Nakakabingi ang katahimikan na nagmumula sa kanya ha? KAKAINIS NA!
Pero sa halip na pairalin ko ang inis ko ay nagkwento na lang ako. "Bumalik na pala si Patrick. May sinabi siyang trabaho sa akin. Balak kong pumasok doon para makaipon din ako para sa sarili ko," kwento ko na lang sa kanya habang nakatingin ako sa iba't ibang tao na pasahero sa jeep.
"A, talaga umuwi na pala siya? Sige try mo. Malay mo makaipon ka doon talaga," sabi niya na pautal utal pa.
"Okay lang sa'yo yun?" tanong ko and this time nakatingin na talaga ako sa kanya. Nakita kong 'di siya nakatingin sa akin.
"Oo naman masaya ako dahil may mahahanap ka ng ibang trabaho," sabi nito pero mukhang 'di naman siya masaya. Hindi ko na lang pinansin. Pagkatapos ang pag uusap na 'yon ay 'di na kami umimik pa hanggang sa makarating na kami nang Palengke. Yung tipong magkasama nga kami pero 'di mo maramdaman ang presence niya. Pinasakay ko na lang siya ng tricycle at ako naman ay naglakad na lang. Ayaw ko siyang kasabay ngayon dahil pati ako e naapektuhan sa asta niya. Wala naman siyang imik noong sinabi ko na sumakay na lang siya. Wow talaga. Hindi din niya ako tinatawag na BHE.
Habang naglalakad naman ako, naisip kong i-text na si Pat-pat para masabing papayag na ako sa alok niya. Kinuha ko yung calling card niya sa pitaka ko at nagtext. Mga ilang sandali ay biglang may tumawag sa akin.
Calling..
(+63) 917 000 1111
"Hello. Sino sila?" sabi ko noong sinagot ko.
[HOY KAIRO KAKATAWA KA! KARESPETADONG RESPETADO ANG PAGBATI MO SA AKIN A!] Kilala ko na ito kung sino. E paano ba naman 'di ko pa naman sinasave ang number niya tumawag na siya agad.
"Hindi ko pa kaya nasasave number mo sa maganda kong cellphone." 3210 po ang cellphone ko. Maganda na 'to para sa akin.
[YUNG 3210 mong cellphone? Pare, magpalit ka na!] Tumawag ba ito para mang-asar?
"GAGO KA TALAGA! Ano, pwede pa ba doon sa sinasabi mo sa akin?"
[Sure ka na a? Wala ng bawian yan a?] pagtatanong pa nito.
"Oo na, sigurado na ko."
[Sige, magpasa ka ng resume sa akin, ako nang bahala sa'yo, text na lang kita sa schedule mo. Kita tayo bukas sa Galleria. Date tayo Kairo.] seryoso sabay tawa? Yung totoo, baliw ata ang kausap ko.
"Sige Pre, pakiss bukas," sabi ko naman. Hindi mawawala sa amin yan.
[Adik sige na.]
"Sige." End ko na yung call. This is it! Aalis na talaga ako sa restaurant na iyon. Buo na talaga ang desisyon ko.
__________________________
PATRICK's POV:
Kababa ko lang ng phone. Kausap ko kasi kanina si Kairo. Nagbuntong hininga na lang ako. "Eto ba talaga ang gusto mo? Tama ba talaga itong ginagawa namin?" sabi ko sa sarili ko.
Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap sa computer. Pinapagawa kasi ako nang Management ng business proposal para sa restaurant nga na magbubukas next month. Baka daw kasi may bago akong naisip na strategy to gain customers.
Ako nga pala si Patrick Kairo Buenavista. Same kami ng name ni Kairo. Kaya nagpaimbestiga ako sa mga kilalang investigators kung sino talaga si Arthur Kairo Buenavista. Alam ko kasi ang past ni Kairo e pero hanggang ngayon ay wala pa ring lead sa totoong pagkatao ng kambal ko.
Hindi ko alam kung kapatid ko siya, pinsan, o isa sa kamag anak. Pero kung isa siya sa Buenavista tatanggapin ko talaga siya ng buo. Para kasing kapatid ko na talaga yan si Kairo kaso sa ginagawa ko ngayon ay para akong nanloloko ng kapatid. Sana sa ginagawa ko, naming dalawa, walang masaktan na kahit na sino.
Napabuntong hininga na lang ako sa dami kong iniisip. Matawagan na nga lang si Ma'am Navasco, ang anak ni Sir Richard. 6 months na siyang nakauwi dito sa pilipinas. Nauna siyang napunta dito keysa sa akin dahil nga siya yung nakatoka sa paghahanap nang lugar ng restaurant. Sariling business na niya itong restaurant. Ako ang ginawang assistant lang ni Sir para daw mabantayan ko din si Ma'am dito sa pilipinas. Hindi ko pa nga siya nakikita personally pero sa picture nakita ko na siya and i can say that she's beautiful.
Dinial ko na ang number ni Ma'am Navasco at sinimulan ng tawagan siya. "Hello Ma'am Navasco. It's me Patrick Buenavista."
[Oh yes, patrick? What can i do for you?]
"Ma'am i had a friend who wants to be part of our kitchen crew. He's a highschool graduate but has a certificate in commercial cooking from TESDA."
[Oh I see. Sige pabigay na lang ng resume. Kulang din tayo nangg isang chef. Wala kasi akong mahanap e.] Halatang dismayadong dismayado ito sa pagkakasabi niya.
"Thanks Ma'am."
[By the way, I need you to visit the restaurant. Tignan mo kung may kulang pa. Naloloka na ako sa design at tsaka kakaisip kung ano ang kulang. Naiiyak na nga ako e.] Wow. Akala ko masyadong professional yung anak ni Sir Richard.
"A sige Ma'am. Tomorrow po ako pupunta." Ngayon lang ako makakapunta sa restaurant a pero alam ko ang address. Binigay sa akin ni Sir Richard.
[Ma'am? po? I know that we're in the same age.] Yup, alam ko din na parehas kami ng edad kaso naman respetado ang pamilya nito sa amerika kaya siyempre mabait ako sa kanila.
"Sige po ma'am ay este. Then what should i call you from now on?"
[Call me Rian.]
"Okay Rian. See you tomorrow."
[Okay Thanks Patrick.]
Binaba ko na ang phone ko at humiga na ulit sa kama. Nagiisip kung ano kaya ang mangyayari sa amin. Sana sa plano naming dalawa. Wala talagang masaktan. Sana nga wala. Pero bakit pakiramdam ko may masasaktan sa gagawin naming dalawa?