Do Not Disturb [One Shot Horr...

By Kuya_Soju

91K 2K 959

(Short Horror Story) DO NOT DISTURB is about of a group of teenagers who dare to play the Spirit of the Glass... More

Do Not Disturb [One Shot Horror Story]

91K 2K 959
By Kuya_Soju

 AUTHOR'S NOTE: Heto na talaga ang horror story na nirerequest niyo. Enjoy! Comment na din and vote...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maraming nagsasabi na masamang gambalain ang mga multo.

Lalo na at namatay ang multong ito na may galit sa puso nito.

Heto ang kwento ng anim na magkakabarkada na susubukan ang spirit of the glass...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MENTAL HOSPITAL...

"Maari mo bang ikwento kung ano o sino ang pumatay sa mga kaibigan mo?", tanong ng doktor sa akin.

Nanatili akong nakayuko. Gulo ang isip...

"Uulitin ko ang ta-----------"

"Si Hanna!", bigla kong sabi.

"Sino si Hanna?", tanong muli ng doktor.

"Siya ang pumatay sa mga kaibigan ko! Masama siya! Multo siya!!!", nasing malikot ang aking mga mata.

At bumalik sa akin ang lahat- lahat..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Belinda...Eighteen years old.

Isang pangyayari sa buhay ko ang nagpabago ng lahat.

Nang maglaro kami ng spirit of the glass sa lumang bahay na iyon....

Maulan ng gabing iyon. Papauwi na kami sa Manila mula sa Pampanga nang biglang masiraan kami sa daan. Anim kami sa loob ng van. Si Rex ang driver. Ako, si Mariz, Leslie, Marco at Tanya. Friends ko sila since elementary...

"Oh my God, Rex! What happen?!", maarteng sabi ni Mariz.

"I dunno. Wala akong alam when it comes to this! Damn!", hinampas ni Marco ang manibela.

"Lets relax okey...Lets just wait here...", sabi ko.

"Mabuti pa, I'll call someone for help..", suggestion ni Leslie. Dialled on her phone. "Shit..Walang signal. Its no use!"

"Were stuck in here! OMG!", sigaw ni Mariz.

"God! Will you stop for being a brat, Mariz. Kahit ngayon lang!", saway dito ni Tanya.

Lalong lumakas ang ulan. May bagyo pa yata. Nasa gitna kami ng di aspaltadong daan. Nagpuputik sa labas at dahil sa gabi di namin maaninaw kung anong meron sa labas.

Tumataas na rin ang tubig sa labas at malamang kapag hindi pa tumigil ang ulan ay papasukin na ang van namin ng tubig mula sa labas.

"Okey..I seek for help..", matapang na sabi ni Marco.

"Good idea...", si Mariz.

"Wait for me here, guys...", sabi ni Marco bago siya umalis.

Makalipas ang isang oras wala pa rin na Marco na bumalik sa van. Natatakot na rin kami kasi unti- unti nang nagkakatubig sa loob ng van. Alam din namin na lubog na sa putik ang mga gulong nito.

May nakita kaming isang tao napapalapit sa amin. Kinilabutan ako.

"Si Marco!", sabi ni Rex.

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na si Marco iyon. Basng- basa na siya sa ulan.

"Good news! May nakita akong bahay sa di kalayuan dito. Apartment yata yun. Nagsabi na ako dun sa pamangkin nung may-ari na kung pwedeng maki-stay tayo kahit ngayong gabi lang...Pumayag naman siya...", sabi ni Marco.

Hays...Mabuti na lang.

Kinuha lang namin ang mahahalagang gamit namin. Cellphones at ilang damit na binalot namin sa plastic bags.

Tumatakbo kaming sumunod kay Marco hanggang sa makarating na kami sa apartment house na sinasabi ni Marco. Pumasok kami sa loob. Sinalubong kami ng isang dalagita. Mukhang kaedad lang namin siya.

"Heto ang mga kaibigan ko...", sabi ni Marco.

"Ako si Hanna. Maaari kayong tumuloy dito pero dito kayo sa salas matutulog dahil puno na ang mga kwarto dito.", sabi ni Hanna.

"Ganun ba? Okey lang iyon..", sabi ko.

"Maiwan ko na kayo."

Isa- isa kaming nagtungo sa banyo upang makapagpalit ng tuyong damit. Marami ngang nakatira sa apartment na ito. Halos puro estudyante na college.

Naglatag kami ng makapal na kumot sa salas at doon umupo kami ng paikot. Hindi kasi kami makatulog noon.

"Lets talk about something!", sabi ni Mariz.

"Ghost stories...", sabi ni Marco.

Sa lahat ng pwedeng mapag-usapan ito ang pinaka-ayaw ko. Hindi naman sa natatakot ako kundi, hindi talaga ako naniniwala sa mga multo o anumang paranormal na bagay. In short, skeptic ako dahil never pa akong naka-experience ng mga ganyan.

Naunang magkwento si Leslie..

"Hindi ko alam kung naikwento ko na ito sa inyo..Isang gabi, sumakay ako ng taxi. Papauwi na ako galing sa UP. Nagtaka ako kasi...Ilang metro pa lang ang takbo ng taxi nang biglang pabilisin ng driver yung takbo ng taxi. Kinabahan ako..Kinausap ko yung driver, sabi ko..Manong dahan dahan lang baka mabangga tayo...!...Alam niyo ba ang sinabi nung driver...? Ang sabi niya.. Pasensya ka na eneng. Kanina nang tingnan kita dito sa salamin nakita kong may katabi kang tao pero wala siyang laman kundi puro kalansay lang...!"

"Huh! Parang hindi naman totoo eh...", sabi ni Mariz. "Hayz..Ang booring naman dito!", tumayo si Mariz at umalis sandali. Pagbalik nito may dala na itong parang board na square.

"Look at this guys...", excited na bumalik sa grupo si Mariz. Dala pa rin ang board.

"Ano naman yan?", tanong ni Rex.

"Its Ouija Board! Nakita ko dun sa aparador..."

"Ibalik mo nga yan Mariz. Baka mapagalitan pa tayo nung may-ari...", sabi ni Tanya.

"Ayoko nga! Let's play!", nakangiting sabi ni Mariz.

"No..!", pagtutol ko.

"Ayan ka na naman Belinda. C'mon! Guys..Dont be a KJ like Belinda..Hahaha", sabi pa ni Mariz. Nilapag na sa lapag ang Ouija Board.

"I'm in...", sabi nina Rex at Marco.

"Ako rin...I love ghost experiences!", excited pang sabi ni Leslie while touching the creepy board.

Nagkatinginan kami ni Tanya.

Alam kong hindi sasali si Tanya sa ganitong laro.

"Okey..Sali ako..", nagulat ako sa sinabi ni Tanya. "Tama si Leslie..Exciting ito..", nakangiti pang sabi nito.

Nakatingin silang lahat sa akin. Waiting for my answer.

I sighed.

"Sige na nga...!", sabi ko then pinalibutan na namin yung Ouija Board.

Nilagay na namin yung index finger namin sa top ng glass. Then Mariz start chanting...

"Spirit of the glass..Andyan kana ba?", sabi ni Mariz in deep tone voice. Lahat kami ay nagkakatinginan at pinapakiramdaman kung anong mangyayari.

"Spirit of the glass...Andyan kana ba?", Mariz repeated but the glass remain still in a minute.

"Like I told you guys..This is insane!", aalisin ko na sana yung finger ko nang biglang gumalaw yung glass. Pumunta ito sa YES.

"Gumalaw siya! It move!", tuwang- tuwa si Leslie pati na ang iba.

Alam ko gimick lang ang lahat. Malamang ay isa sa kanila ang gumagalaw sa baso. Malamang si Rex kasi yung finger niya ang nas ilalim.

"Anong pangalan mo? Sino ka?", tanong ni Tanya.

Nagsimulang gumalaw muli ang baso.

H

A

N

N

A

"Oh my God! Kapangalan pa niya yung nagpatuloy sa atin dito!", kinilabutan ako sa sinabi ni Rex.

Hindi ito totoo. Niloloko lang ako ng mga ito kasi alam nila na I don't believe in ghost.

"How did you die...?", si Marco naman.

Gumalaw muli ang baso.

T

U

B

I

G

"Nalunod kaba?"

YES

"Where are you?"

Marahang gumalaw yung baso. Sinusundan ko lang ng index finger ko yung paggalaw. Tumapat sa tapat ko yung baso. Nahindik ako. Ibig sabihin kalapit ko yung multo!

Tumayo na ako.

"Ginugudtaym niyo lang ako!", sabi ko. Pero medyo tinablan ako ng takot doon.

"Hey..KJ ka talaga! Skeptic! Let's finish this!", mataray na sabi sa akin ni Mariz.

"No..Matulog na tayo!", sabi ko at humiga na ako. Pero hindi ako makatulog ng gabing iyon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising kaming lahat sa sigaw ni Leslie na nagmumula sa banyo. Dali- dali namin siyang pinuntahan doon. Nakita namin siyang nakaupo sa sahig at sumisigaw habang may itinuturo ito.

"Leslie...What happen?!", tanong ko sabay inalalayan namin siya sa pagtayo.

"I saw a ghost....An o-old woman....Nakakatakot!", nakatakip ang kamay ni Leslie habang sinasabi niya iyon. Niyakap namin siya.

Napasigaw na rin si Mariz nang makita niya ang isang matanda na nakatayo sa pintuan ng banyo. Pati ang mga lalake ay nagsigawan na rin.

"Stop! Hindi siya multo...!", sigaw ko. Alam kong hindi siya multo dahil di ako naniniwala sa ganoon.

"Anong ginagawa niyo dito? Sino ang nagpapasok dito sa inyo?", tanong nung matanda.

Doon na namin sa salas pinapatuloy ang pag-uusap namin...

"Bumabagyo po kasi kagabi kaya nakiusap kami kay Hanna na patuluyin kami dito.", sabi ko doon sa matanda. Napansin ko na namutla siya nung marinig niya ang pangalang Hanna. Hindi rin siya makapagsalita.

"Lola..May problema po ba?", tanong ko ulit sa matanda.

"Papaanong nakausap niyo si Hanna! Matagal nang patay ang apo kong iyon. Nalunod siya nang minsang mag-beach sila ng mga kaklase niya na nag-bo-board noon dito! Nagpunta ako dito sa lumang bahay dahil pagbumabagyo ay tinitingnan ko kung may nasira dito...", hayag ni lola.

Tila gumapang lahat ng kilabot ko sa buong katawan ko sa sinabi ng matanda. Ibig sabihin multo ni Hanna yung nagpatuloy sa amin kagabi. Pero...Hindi totoo ang mga multo!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ngayon, Belinda..Naniniwala ka naba na may multo?"

Napatingin ako kay Tanya.

"Tanya..What happen sa old house na yun ay isang kalokohan! Malamang ay pinaglaruan lang tayo ng mga nakatira doon..", sabi ko.

"Yah, right! Skeptic as ever!", nakatirik ang mga matang sabi ni Mariz.

Niyakap ko na lamang ang hawak kong unan at pinilit makatulog. Ayoko nang makipagtalo pa sa kanila dahil lagi na lang nila akong pinagtutulungan pagdating sa pagiging unbeliever ko sa mga paranormal na bagay. Eh anong magagawa ko kung hindi ako naniniwala.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW...

Palabas na ako sa computer room ng pinag-aaralan kong university ng biglang mabuhay ng kusa yung isang computer doon. Naglo-loading pa yung WINDOWS nanag makita ko. Naisip kong i-unplug na lang pero nagback-out akong gawin iyon dahil baka makasira pa ako ng unit. So hinitay ko na lang na mag-completely load siya before ko siya i-shutdown ng properly...

Muntik na akong mapasigaw ng makita ang wallpaper sa screen. Iang babae na kulay puti ang mata at nakangiti sa akin. Muntik na akong mapasigaw sa nakita ko. It's 6PM na! Nagtatakbo ako palabas ng computer room.

Nakasalubong ko Tanya. Maputla siya at pawisan.

"Belinda...Something terrible happen!", sabi niya sa akin.

I am still catching my breath. "Ano iyon?"

"Si Marco..nawawala! Kahapon pa siya hinahanap ng mga magulang niya..!"

"My God! Baka naman naglayas.."

"It cant be. Walang reason si Marco para gawin iyon. Bago siya mawala ang sabi ng parents niya laging balisa si Marco at parang takot lagi. Belinda natatakot ako..Hindi kaya may kinalaman ito sa spirit of the glass na ginawa natin noon?"

"Wag kang mag-isip ng ganyan! Walang multo!"

"Belinda, ngayon ka pa ba hindi maniniwala? Aaminin ko sa iyo! Nakakakita rin ako! Simula nung pumunta tayo sa lumang bahay na iyon..Sinundan niya tayo! Sinundan niya tayo!"

Niyakap ko na lang siya. Parang unti-unti na akong naniniwala...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagkita- kita kami isang araw sa bahay ni Mariz. Ako, si Tanya, Leslie, Rex at Mariz.

Nagpatawag kami ng isang ispiritista.

Nasa kwarto kami ni Mariz at nakaupo sa sahig in circle. Magkakapit kamay.

Nakapikit...

May dinadasal yung spiritual adviser na kung anu-ano maya- maya ay nagsalita ito..

"Isang espiritu ng babae ang sumusunod sa inyo...Mapanganib siya..!Nagambala niyo siya sa kanyang pamamahinga kaya naghihiganti siya sa inyo.."

Naisip ko, malamang ay yung espiritu na natawag namin nung nag-spirit of the glass kami...

"Ano pong dapat gawin namin?", tanong ni Rex.

"Bumalik kayo kung san niyo naka-engkwentro ang kaluluwang gumugulo sa inyo! Kailangang tapusin niyo ang spirit of the glass na nasimulan niyo. Ibalik niyo siya sa mundo niya!"

"Sa lumang bahay..", naibulalas ni Leslie.

Pagkasabi noon ni Leslie biglang nanlisik ang mga mata niya. Sumugod siya sa akin at sinakal ako. Tila sinasapian siya ng kung anong masamang ispiritu.

"Papatayin ko kayooo!!!", naglalaway na siya at parang lumaki rin ang boses niya. Nahihindik na napasigaw ako.

Inawat siya ng mga kaibigan ko. Hinawakan siya sa noo ng ispiritista at dinasalan. Maya-maya ay nakatulog na siya. Inihiga namin siya sa kama ni Mariz at nagpunta kaming lahat sa kusina para sa isnag meryenda. Habang kumakain ay nangingilig pa rin ako. Andun pa rin ang takot ko...

Umalis na maya-maya yung ispiritista.

"Kelan tayo abbalik sa lumang bahay?", tanong ni Rex.

"Naganda kung bukas..", si Tanya.

"What?! babalik pa tayo doon?", si Mariz.

"Babalik tayo. Nanganganib tayong lahat!", si Tanya.

Napasubsob ako sa mga palad ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang hindi totoo. Akala ko noon hindi totoo ang mga paranormal na bagay pero ngayon...Sinasampal na sa muha ko ang mga patunay na totoo ang mga ito.

Sabay-sabay kaming nagatinginan nang mula sa kwarto ni Mariz ay narinig namin ang malakas na pagsigaw ni Leslie. halos takbihin namaing apat ang kwarto ni Mariz. laking gulat namin nang pagbukas namin ng pinto ay wala kaming nakitang Leslie doon. Naglahong bigla si Leslie...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KINABUKASAN...

5PM...

Nasa salas na kami ng lumang bahay...Nakapasok kami dahil hindi naka-lock ang pinto..

"Ang sabi ng ispiritista saktong ala-sais natin dapat isagawa ang spirit of the glass nang sa gayon ay aktibo ang kaluluwang nais nating makausap...", sabi ni Rex.

"Ang maige pa eh maghintay tayo dito sa salas..Ala-singko pa lamang..", sabi ko.

Makalipas ang kalahating oras...

Biglang tumayo si Mariz.

"San ka pupunta?", tanong ni Tanya dito.

"Sa CR..", sagot ni Mariz.

"Hindi maganda kung maghihiwalay tayong apat!", sabi ni Tanya.

"Kanina pa ako naiihi eh..Sandali lang naman ako!", mataray na sabi ni Mariz at nagtungo na sa CR.

"That brat!", inis na sabi ni Tanya.

"Hayaan mo na siya Tanya..", sabi ko.

Halos isang oras na ang lumipas pero walang Tanya na bumali. Doon na namin napagdesisyunan namin na sundan na siya sa banyo. Ganun na lang ang takot namin ng makita naming tatlo na wala roon si Mariz. Nilibot na namin ang buong kabahayan pero wala pa rin siya.

"Natatakot na ako...", nanginginig na sabi ni Tanya. Nakakapit siya sa braso ni Rex.

"We need to be strong!", matigas na sabi ni Rex. "Simulan na natin ang spirit of the glass...", sabi pa niya.

Umupo kami sa sahig. Nasa gitna namin ang Quija board na ginamit namin noon. Nilagay namin muli ang index fingers namin sa baso.

Nagsalita na si Tanya.."Spirit of the Glass..Andito ka naba?"

"Spirit of the glass...Andito kana ba?", ulit pa niya. Pero wala pa ring nangyayari. Hindi man lamang gumalaw yung baso.

May naramdaman akong mainit na hininga sa aking batok na naging dahilan upang lumingon ako. Halos mawalan ako ng malay sa nakita ko. Isang babaeng duguan at nanlilisik ang mga mata. Gumagapang siya papalapit sa kinaroroonan ko!

Napasigaw kaming lahat..Nagtakbo kami sa kung saan- saan. Nagahiwa-hiwalay kami...

Nagtago ako sa isang aparador na puno ng mga gardening tools. Mangiyak- ngiyak ako. Ito na ba ang katapusan ko? Maglalaho rin ba akong katulad ng iba kong kaibigan? Ilang minuto pa ang lumipas naging tahimik ang buong bahay...

Dahan- dahan akong lumabas sa aparador...

"Tanya...?Rex...?.."

Mahina ang pagtawag o sa mga kaibigan ko. Asan na sila?!

Hindi kaya naglaho na rin sila? Diyos ko! Ibig sabihin ako na lang mag-isa dito?!

Dali- dali kong tinungo ang front door upang lumabas na sa lumang bahay na iyon pero hindi ko mabuksan ang pinto! Tila may malakas na pwersa na pumipigil upang mabuksan ko iyon.

"Ahhhhhhhh...!!!", napasigaw ako ng masugatan ang daliri ko sa pagpipilit kong mabuksan yung pintuan.

Pagtingin ko sa hagdan na pataas sa second floor ng bahay nakakita ako ng dalawang babaeng duguan na pababa. May hawak silang kandila at wala silang mga mukha. Lalo akong napasigaw. Nagtatakbo ako. Pinilit kong buksan ang mga bintana pero katulad ng front door ay hindi ko rin magawang buksan ang mga iyon. Paglingon ko sa likod ko nakita ko doon ang dalawang babae..Halos mabaliw na ako sa sobrang takot!

Ngayon ko lang napatunayan na totoo ang mga multo...Nagpunta ako sa banyo at nagkulong doon. Nanginginig na hinugasan ko ang sugat sa aking daliri. Malalim ang pagkakahiwa noo at maraming dugo. Tinalian ko siya ng pinunit kong damit.

"Hoooooo....Hooooooo...."

Natutop ko ang aking bibig sa narinig. Parang iyak ng isang babaeng nahihirapan! At papalapit sa pinto ng banyo!

 Lakas loob kong binuksan ang pintuan pero wala akong nakita doon. Patuloy ang nakakapanghilabot na iyak ng babaeng iyon...

"Tigilan niyo na akoooooooooo!!!",paulit-ulit na sigaw ko habang nakatakip ang aking mga kamay sa aking tenga. AYokong marinig ang mga iyak na iyon! Mababaliw ako! Mababaliw ako!

Kailangang makaalis na ako sa lumang bahay na ito!

Nagpunta ako sa taas ng bahay kung saan naroon ang aparador ng mga gardening tools. Hinalungkat ko iyon at tila baliw na napangiti ako ng makakita ao ng palakol. Kinuha ko iyon. Sa wakas! Makakalabas na rin ako dito! Sisirain ko ang front door!

Bumaba ako upang puntahan ang front door. Naririnig ko na naman ang iyak. May babae na namang bumababa mula sa hagdan at papalapit na siya sa akin. Pinalakol ko yung front door pero matigas na kahoy yata yari ang pinto kaya halos hindi iyon nagigiba.

Napasigaw ako ng may humawak sa likod ko at tinawag ang pangalan ko..."Belindaaaa....". Ang babaeng duguan!

Itinaas ko ang hawak ong palakol at ubod lakas na pinalakol sa ulo yung babaeng duguan!

Bumagsak siya sa sahig...

Bakit...Bakit siya may dugo?!

Multo lang siya! Bakit nasaktan siya! At nabiyak ng palakol ang ulo niya!

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya...

Nagulat ako ng makilala kung sino iyon..

MARIZ!

Hindi....SI Mariz nga! Diyos ko! Napatay ko siya!

Pero bakit siya nakabihis ng parang multo?!

Makukulong ako! Hindi. Ayaw kong makulong!

Tatakas ako! Tatakas ako!

Pinalakol ko muli yung pinto hanggang sa makalabas ako...

Pagkalabas ko sinalubong ako nina Leslie, Rex, Tanya at Marco!

Natigilan ako. Hindi ba naglaho na sila dahil sa multo?! Ba-bakit andito pa sila?!

"SURPRISE!!!", nakangiting sabi nila.

Ano ito?

Lumapit ako sa kanila.

"M-may----multo sa loob...", tinuro ko pa yung bahay.

"Walang multo, Belinda. Palabas lang namin ito! Yung matanda noon, binayaran lang namin iyon para umarte saka yung si Hanna. Tapos kunwari mawawala kami isa-isa para matakot ka! Nakakatuwa diba? Convincing ang arte namin diba? Ikaw naman kasi..Napaka-skeptic mo. Yan tuloy napagtripan ka namin..", natatawang sabi sa akin ni Leslie.

Unti- unting nag sink-in sa utak ko ang lahat. Palabas lang nilang lahat ito upang takutin ako. Upang maniwala ako sa multo...Pero napatay ko si Mariz....

"Bakit may dugo ka sa damit mo?", tanong ni Tanya. Napansin din nila ang dugo sa kamay at palakol ko.

"Oh my God, anong ginawa mo kay Mariz?!!!", dali- daling pumasok silang apat sa loob ng lumang bahay at narinig ko ang pagsigaw nila. Marahil ay nakita na nila ang bangkay ni Mariz.

Smunod ako sa kanila sa loob. Dala pa rin ang palakol.

 Nakita kong nag-iiyakan sila. Galit na hinarap ako nina Leslie at Tanya.

"You bitch! Pinatay mo siya!", sabay sampal sa akin ni Tanya.

Hindi ako kumilos. Hinayaan ko lang sila.

"Killer! Killer! Makukulong ka! Ipapakulong ka namin!", galit na galit na sabi ni Leslie sa akin.

Marami pa silang sinabi sa akin na hindi ko na maintindihan. Tila nalalagyan ng ulap ang utak ko. Nilaro-laro ko ng kamay ko ang hawak na palakol at pinalakol ko sa leeg si Leslie. Ilang ulit. Matapos noon ay si Tanya. Nasapulan siya ng palako sa mukha at leeg.

Natigilan sina Marco at Rex. Sinamantala ko ang pagkagulat ng dalawa. Tinagpas ko ang paa ni Rex. Hindi ako tumigil hanggat hindi humihiwalay ang paa niya sa kanyang mga binti. Tatakbo pa sana si Marco pero nahabol ko siya at pinalakol ko siya sa batok. Sumirit mula roon ang masaganang dugo. Kikisay- kisay na bumagsak siya sa sahig. Pinalakol ko pa siya sa leeg at tumalsik ang ulo niya sa kung saan.

Binalikan ko ang gumagapang na si Rex palabas ng bahay. Inundayan ko ng palakol ang kanyang mga daliri at naputol ang mga iyon. Napasigaw siya sa sakit...

Hanggang sa hatawin ko siya ng palakol sa ulo. Wala na siyang buhay. Tirik ang mga mata...

Hayop kayo! Nagawa ko ito dahil sa inyo! Kayo ang may kasalanan nito! Kayo!!!

Ayokong makulong...Ayoko..

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MENTAL HOSPITAL...

"Maari mo bang ikwento kung ano o sino ang pumatay sa mga kaibigan mo?", tanong ng doktor sa akin. Ilang beses nang ganito ang nangyayari sa akin.

Paulit-ulit akong tinatanong ng mga doktor kung sino ang pumatay sa mga kaibigan ko.

Paulit-ulit ko ring sinasagot na si Hanna..Si Hanna ang pumatay..ANg multong nagambala namin ng minsan kaming mag-spirit of the glass....

                                -----------------------------------WAKAS-------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

683K 47.9K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
148K 5.6K 14
Ang gusto lang naman niya ay ang makasama ang kanyang lola sa nalalabi nitong buhay sa mundo... Ngunit paano kung sa pananatili niya sa piling ng kan...
2.2K 292 42
Inspired by Eraserheads. Paasa. Update ng favorite mong author sa Wattpad. Crush mong pina-fall ka. 'Yung maliligo ka na sa ulan kaso hindi bumuhos...