God is with us

By June1298

86 1 0

More

God is with us

86 1 0
By June1298

si Gina ay isang empleyado sa isang mall bilang saleslady sa mandaluyong.siya ay maganda ngunit may pagkamahiyain din.umaga siyang pumapasok at Gabi kung umuwi.maliit lang ang kanilang bahay dahil dalawa na lang sila ng Kanyang ina.dadaanan mo muna ang masisikip na eskinita bago mo marating ang kanilang tahanan. naglalakad Lang sI Gina pauwi sa kanilang bahay dahil malapit Lang naman yung mall kung saan siya nagtatrabaho. minsan isang araw,umuwi na siya pasado 11:45 ng gabi.wala na siyang nakikitang mga taong dumadaan, pati ang mga sasakyan ay wala na rin siyang matanaw.siya lang ang nag siyang naglalakad sa kalye kaya naman ay nakaramdam siya ng takot.sa nais na mapabilis ang pag uwi niya sa kanilang bahay ay dumaan siya sa isang shortcut na daan.nang nasa kalagitnaan na sya ng kalye ay may nakita siya sa dulo ng lalake na nakasandal sa isang kotse na parang nag aabang ng mabibiktima. nagdasal nang nagdasal habang naglalakad si Gina papalapit dun sa lalake. bigla siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang mga tagiliran.At nang nasa harapan na niya ang lalake ay wala namang ginawang masama sa kanya ito kaya naglakad na siya pauwi.matapos ang 20 minuto nung dumaan siya sa shortcut na kalyeng iyon,nabalitaan niya na may nagahasang babae na dumaan din doon.alam niya na ang lalakeng nakasandal sa kotse ang gumawa nun sa babae.naglakas loob si Gina na nagsumbong sa mga awtoridad.nang nahuli na ang suspek ay agad niya itong pinuntahan.sinabi ni Gina na nung 20minuto bago niya gahasain yung babae ay dumaan din siya sa kalyeng iyon, at tinanong niya kung bakit hindi siya ginawan ng masama nito.sagot ng lalake,"dahil may kasama kang dalawang lalake na nasa tabi mo".pagkatapos tanungin ni Gina ang suspek ay umuwi itong masaya.

Continue Reading
Wattpad App - Unlock exclusive features