Vanished Love Affair (Complet...

Por terelou1220

3.5M 75.3K 2.4K

Sometimes even the greatest love has to end so your destiny can begin. This is the story of Alexander Almonte... Más

Prologue
Chapter 1 part 1
Chapter 1 part 2
Chapter 2 part 1
Chapter 2 part 2
Chapter 3 part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4 part 1
Chapter 4 part 2
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6 part 1
Chapter 6 part 2
Chapter 7 part 1
Chapter 7 part 2
Chapter 8 part 1
Chapter 8 part 2
Chapter 9 part 1
Chapter 9 part 2
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 11 part 1
Chapter 11 part 2
Chapter 12 part 1
Chapter 12 part 2
Chapter 13 part 1
Chapter 13 part 2
Chapter 14 part 1
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16 part 1
Chapter 16 part 2
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
Chapter 18 part 1
Chapter 18 part 2
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20 part 1
Chapter 20 part 2
Chapter 21 part 1
Chapter 21 part 2
Chapter 22 part 1
Chapter 22 part 2
Chapter 23 part 1
Chapter 23 part 2
Chapter 24 part 1
Chapter 24 part 2
Chapter 25 part 1
Chapter 25 part 2
Chapter 26 part 1
Chapter 26 part 2
Chapter 27 part 1
Chapter 27 part 2
Chapter 28 part 1
Chapter 28 part 2
Chapter 29 part 1
Chapter 29 part 2
Chapter 30 part 1
Chapter 30 part 2
Chapter 31 part 1
Chapter 31 part 2
Chapter 32 part 1
Chapter 32 part 2
Chapter 33 part 1
Chapter 33 part 2
Chapter 34 part 1
Chapter 34 part 2
Chapter 35 part 1
Chapter 35 part 2
Chapter 36 part 1
Chapter 36 part 2
Chapter 37 part 1
Chapter 37 part 2
Chapter 38 part 1
Chapter 38 part 2
Chapter 39 part 1
Chapter 39 part 2
Chapter 40 part 1
Chapter 40 part 2
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 14 part 2

38.7K 877 17
Por terelou1220

Chapter 14 part 2

"Sir, katatawag lang po ng assistant ni Mr. Tsukamoto pinapareschedule ang meeting ninyo may emergency daw sa planta." Pagbibigay impormasyon ng sekretarya ni Xander.



Napabuntong hininga na lamang si Xander. "I want you to fix my schedule regarding this...kailangan ko si Mr. Tsukamoto para sa pinaplano kong pagtatayo ng hotel sa Japan." Isa sa mga dahilan ng pag-uwi niya dito sa Pilipinas ay ang makausap ang matandang negosyante ngunit napakahirap makakuha ng appointment dito. Tulad na lamang ngayon, pinacancel niya ang lahat ng appointment sa buong araw just to accommodate him kaya naman dismiyado siyang hindi matutuloy ang meeting nila.




Bago tuluyang lumabas ang sekretatya ni Xander ay biglang may naalala. "Ah sir, tumawag din po pala si maam Ella pinapasabi niya na after lunch na lang daw po kayo pumunta sa mansion."




Napakunot ang noo ni Xander bigla siyang naghinala sa inaakto ng kapatid. Pakiramdam niya ay may nangyayari na hindi niya nalalaman. "What's my schedule for today?" Gusto lamang niyang siguruhin na wala siyang makakaligtaang meeting.




"Actually sir free na po ang schedule niyo sa buong maghapon. Puwede namang bukas na ninyo pirmahan ang mga documents from accounting department."




"That's great! Magpadeliver ka ng lunch sa mansion." Nakangiting tumayo na si Xander, gustong niyang makasabay sa pananghalian ang mga magulang.



Samantalang sa mansion ay seryoso pa ring nag-uusap sina Emer at Lynette sa library si Ella naman ay tahimik lamang na nakikinig sa dalawa. Hindi alam ni Lynette kung ano ang itutugon sa gustong mangyari ng matanda.




"Lynette hija, trust me kakampi mo ako. Hindi kita hahayaang masaktan." Pangungumbinsi ni Emer sa dalaga. Mula noon ay ito talaga ang gusto niyang makatuluyan ng anak ngunit dahil sa hindi magandang pangyayari ay nagalit si Xander sa dalaga. Nang malaman niya mula sa anak ang tungkol sa ginawa ni Lynette noon ay nakaramdam din siya ng galit dito ngunit napag-isip niya na dala lamang ng kabataan kaya nagawa ni Lynette ang bagay na yun.




"Bigyan po ninyo ako ng ilang araw para pag-isipan ito." Hindi kaya ni Lynette na ipahiya ang ginang kaya maingat ang bawat salitang binibitawan niya.




Napangiti si Emer sa narinig, nagkaroon siya ng pag-asa na sa pamamagitan ni Lynette ay mapaghihiwalay niya sina Xander at Bernadette.




"Mama, titingnan ko lang kung ano ang hinahanda nilang lunch natin." Putol ni Ella sa seryosong usapan ng dalawa.




Paglabas ni Ella sa library ay muntik pa siyang mapasigaw ng mabangga ang kapatid. "K-Kuya w-what are you doing here?" Kandautal na tanong nito.



"Akala ko ba pinapupunta ako nina mama ngayon?" Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Xander. Nahalata niya rin ang pagkataranta ng kapatid, kilala niya ito kapag may itinatago sa kanya. 



"Sabi mo after lunch ka pa makakarating." Mabilis ang kabog ng dibdib ni Ella ng mga sandaling yun. Natatakot siya na baka malaman ng kapatid ang pinaplano ng ina at nasisiguro niyang malaking gulo ito sa pamilya.




"My meeting with Mr. Tsukamoto was cancelled kaya napapaaga ako. Nasabihan ko na rin ang cook natin na huwag ng maghanda ng pananghalian nagpadeliver na ako. Nasaan sina papa at mama?" Napadako ang tingin niya sa nilabasang pinto ni Ella.




Mabilis na nahawakan ni Ella ang kanang braso ni Xander at iginiya papuntang dining room. "Kuya, ano ang mga pinadeliver mo?" Pilit niyang pinasigla ang boses para hindi nito mahalata ang kabang nararamdaman. Umaasa rin siya na sana umalis na lamang agad si Lynette para hindi na sila magpang-abot ng kapatid.




"Siyempre mga paborito niyo." Sabay kindat sa kapatid bago binalingan ang isang katulong. "Manang pakitawag sina papa at mama pakisabi sa ready na ang dining room and we're waiting..." Hindi pa natatapos magsalita si Xander ng bumungad si Dennis.




"Nasaan ang mama ninyo?" Nakangiti nitong tanong.




"Nasa library."Maikling tugon ni Ella. Alam ng kanyang ama kung sino ang kausap ng ina ngayon ngunit wala itong kaalam-alam sa mga plano nito.



"Ang mabuti pa Xander puntahan mo na ang mama mo para makakain na tayo." Utos nito sa panganay.



"Papa, pinuntahan na ni manang." Mabilis na sabad ni Ella.



"Hindi pa ba tapos ang pinag-uusapan nila ng ate Lynette mo?" Bale walang tanong ni Dennis kay Ella.




"Nandito si Lynette? Anong pinag-uusapan nila ni mama?" Nagtatakang tanong ni Xander kay Ella. Ngayon niya napagtanto ang kakaibang ikinikilos ng kapatid mula kaninang dumating siya.



"May business proposal lang ang mama kay ate Lynette." Pagsisinungaling ni Ella.



Si Dennis naman ay napapailing, sinadya niya ipaalam kay Xander ang tungkol sa pakikipag-usap ni Lynette kay Emer dahil may sarili siyang dahilan. "Ang mabuti pa Xander ikaw na mismo ang mag-imbita kay Lynette na saluhan tayo sa pananghalian. And I want you to treat her properly."



Bago tumalikod si Xander ay narinig niya ang huling sinabi ng ama ngunit hindi na tinugon ito. Nasalubong niya ang ina sa dulo ng hagdan.



"Anak, napaaga ka yata?" Nakangiting bungad ni Emer.




Hinalikan ni Xander sa pisngi ang ina ngunit hindi dito nakatuon ang atensiyon niya. May pilit na hinahagilap ang paningin niya ngunit hindi makita.



"My meeting was cancelled kaya dumiretso na ako dito." Palingon-lingon si Xander. Nang malaman niya na nandito muli sa mansion nila si Lynette ay may pananabik siyang naramdaman na muling makita ito ngunit ngayon naman ay kahit anino nito ay hindi niya maaninag. Bigla siyang nagduda kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ng ama o baka nakaringgan niya lamang ito dahil nitong mga nakaraang araw ay okupado ni Lynette ang kanyang pag-iisip.

____________________

A.N.

Guys start ito na yung hinihintay ninyo :D

Enjoy reading :P

Please don't forget to vote and leave your comments :D Thank you



Seguir leyendo

También te gustarán

33.7K 1K 61
Stephanie crisel drieloc A cold girl and expressionless but not a heartless girl.
11.4M 125K 55
Noon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman...
Silent Lover Por KD

Ficción General

318K 5.8K 22
I, Jacob Ian Mendez.. Promised to marry Carla Javier..