The ALPHA MAYOR| (Published) √

By YlCero

1.2M 5.6K 444

•Highest Ranking #1 in Werewolf 10/02/16 Si Lucy ay ang nag-iisang anak ni Señor Edward del Romance, isa sa... More

THE PARADE
BACKGROUND CHECK
RANCH del ROMANCE
HOT PLUMBERMAN
ANNOYED

THE STEPMOTHER

42.9K 1K 47
By YlCero

DarkStone's Medical Center...

LAHAT ng mga doktor, nurses, staffs at mga pasyenteng nasa corridor ng pagamutan ay biglang napahinto nang pumasok sa loob ng building na iyon ang nakamaskarang Alpha Mayor na si Zacria Reid.

Kasunod nito si Vice Mayor/Beta Magnum Sasha habang nasa likuran ang limang matatangkad na pack-warriors ng DarkStone na naka-back up sa dalawang pinuno ng siyudad.

Dumiretso ang tila mga bathalang kalalakihang iyon sa pangalawang palapag, kung saan iniwan kanina ni Alpha Mayor Zacria ang matapang na she-wolf na nadamay sa insidente ng barilan sa mating season's parade.

The brave woman was shot right through her left chest.

Agad na isinugod ito ng binata sa pagamutang iyon at mabilis namang nilunasan ng isa sa pinaka- magaling na doktor ng Medical Center ang babae.

According to Dr.Trece, lumagpas ang bala ng baril sa katawan ng she-wolf.

Hindi naman nadamay ang puso nito, which is the most vital organ sa lahat ng parte ng katawan ng isang asong lobo kaya wala ng dapat ipag-alala pa.

And being a werewolf, the wound will surely heal in no time.

Still, Zacria couldn't help but to feel madly enraged.

Kahit nadakip na ang gun-man half an hour earlier, hindi pa rin maalis sa isip ng binata ang kauna-unahang pagtatangka sa kanyang buhay.

Plus one of the civilians was shot dahil sa kapabayaan ng security team na nasa area ng parada.

Sya ang responsable sa kaguluhang nangyari dahil sya ang Mayor at Alpha ng DarkStone.

Dapat kaligtasan ng nasasakupan nya ang kanyang kauna-unahang priority.

But he failed them.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Zacria Reid sabay hinto sa tapat ng Private Room#25-A.

Awomatikong kumilos si Magnum Sasha upang buksan ang pinto ng silid.

Inayos ni Zacria ang black mask na nasa mukha nya saka humakbang papasok sa loob.

He was surprised to see Dr.Trece and a chubby nurse waiting for them inside the room.

Pero hindi lang iyon ang kumuha sa atensyon ng binata kundi ang empty white hospital bed na nasa gitna ng silid.

"Where is she?!". he growled and asked the doctor feeling a little disappointed.

Ina-asahan nyang makakausap muna at personal na mapapa-salamatan ang she-wolf na syang nag-distract sa gunman sa tangkang pagbaril sa kanya.

Nagkibit-balikat ang manggagamot.

"I've no idea, Alpha Mayor. I was only checking the other patient a while ago but when I came back, she's already gone"

Frustrated na napa-buga ng hangin ang binata.

"Calm down, bro". tinapik ni Sasha sa balikat.

"I want a background check on her. That woman, I haven't noticed her before or seen her around DarkStone, maliban kanina sa parada" namulsa ang Alpha Mayor. "Make sure to send her one of our special invitations. Gusto ko syang makilala ng personal sa Ball".
utos ni Zacria sa Beta.

"Copy, bro!". tugon agad ng second in command.

Satisfied na tumango ang binata.

At least, kahit sa ganoong paraan ay mapasalamatan nya ang babaeng iyon sa ginawang kabayanihan nito sa mating season parade.

*************************

RANCH DEL ROMANCE:

I shifted back into my human form saka kinuha mula sa gilid ng isang puno na nasa likuran ng malaking bahay ng pamilya del Romance ang nakatago kong pang-emergency na damit.

"Juice-ko-pie, naman oh!".

Kalat na ang dilim at ngayon lang ako nakauwi.

Kailangan i-ready ko na ang aking sarili sa mag-inang mangkukulam na tiyak naghihintay na sa akin ngayon.

"Those witchy witch will surely kill me!"

It's been ten hours na akong missing sa rancho.

Meaning, dalawang beses nang hindi ako nakapag-prepare ng pagkain ng mga ito.

I wince.

Seriously, Aunty Selene and Katrina are a major lazy ass!

Walang alam ang mga ito sa buhay kundi mag-paganda, kumain at humilata mag-hapon.

Ang pinaka-libangan lang ng mga ito ay ang utusan at pahirapan ang kawawang si Lucy del Romance na walang iba kundi ako.

Sa taglay na katamaran ng dalawang iyon, tiyak namumuti na ang mga mata ng mga ito sa gutom dahil nungka na maka-isip na mag-luto ang mga ito para sa kanilang sarili.

Tsss!.

Hindi pa man ay alam ko ng matindi- tinding parusa ang isasalubong sa akin ng aking step mom pagpasok pa lang sa loob ng bahay.

I took a deep breath.

Kung may iba nga lang akong maaaring puntahan, sana noon ko pa nilayasan ang mga ito.

Kaya lang, bukod sa mahal ko ang Ranch del Romance, being a low rank werewolf, walang kakayahan ang mga tulad ko na mag-possess ng kahit munting kubol lang.

Omegas are supposed to be just a mere slave, a servant.

Haist!

Sabagay, may iba pang silbi ang mga low-rank na tulad ko.

Iyon ay ang mag-trabaho sa mga bahay aliwan na nasa sentrong bayan. Ang pasayahin ang mga amoy lupa ng male werewolfs.

Gyay!

Di pa ako ready sa ganoong klaseng buhay.

Isipin pa lang na hawakan ako ng isang estranghero, pinananayuan na ako ng balahibo.

I only want my future mate to touch me.

Iyon ay kung mag-kakachance pa akong maka-kilala ng tatanggap sa isang mababang ranggo na tulad ko.

O kung magagawa ko lang na maka-attend sa mating season ball at makakilala roon ng isang prinsepe.

Napailing ako.

Kalokohan!

Huwag na tayong umasa na mag-kahimala at mangyari iyon.

Bukod sa nasa librong pambata lamang si Prince Chraming, marami nga kasing kontra-bida sa buhay ko.

Anyway,.

Thinking back to those Omega entertainers, hindi naman ako against sa mga ito.

Kanya kanya lang tayo ng pinag-daraanan sa buhay.

Paraan lang ng mga ito ang maging taga-aliw upang maging makalaya sa pang-aalipin.

Hindi ko sila masisisi lalo na at karamihan sa mga mayayamang pamilya sa DarkStone ay malulupit sa mga omega.

Tulad na lang ng dalawang bruha na may mga pangalang Selene at Katrina.

Kaya tama na muna ang dada, kailangan ng mag-double time ng lola nyo bago pa ako tuluyang mapalayas sa rancho.

Tinapos ko na ang pagbibihis.

Patingkayad akong humakbang patungo sa backdoor ng bahay kung saan naroon ang kitchen.

Kagat-labing pinihit ko ang seradura ng pinto, ma-ingat na binuksan iyon at walang anumang kaluskos na pumasok sa loob.

Geez!

Napakalakas ng kabog ng aking dibdib.

Halos hindi na rin ako humihinga sa takot na maka-gawa ng kahit anong klaseng ingay na makatatawag sa atensyon ng mga residente doon.

Believe me, malakas kaysa ordinaryong asong lobo ang senses ng aking madrasta.

So I need to be careful!

Kinapa ko sa dinding ang switch ng ilaw at ini- on iyon.

"LUCY DEL ROMANCE! Where have you been, slut?!"

Kabute!

Dumagundong sa buong rancho ang malakas na bulyaw ng aking step- mother.

At halos umabot hanggang sa kisame ang talon ko dahil sa pagka-gulat ng bumulaga sa akin ang mga naka-mud cream na mga mukha nina Aunty Selene at Katrina.

Christ!

I gasped in horror..

Holloween na ba??!

Bakit nakakakita agad ako ng mga zombie-witches?!

Those two creepy women were standing at the door frame na nagko-konekta sa kusina at dinning room.

Both hands akimbo at pawang mga nanlilisik ang mga matang nakatuon sa aking namutlang pigura.

"Care to explain kung bakit ngayon ka lang! Anong oras nah?! Saan ka nanggaling, malandi ka?!" histerical na bulyaw sa akin ng aking step-sister.

Napalunok ako.

Gustuhin ko mang sumagot ay alam kong mas ikagagalit lang ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit ginabi ako ng uwi.

"Alam mo na siguro ang parusa sa ginawa mo, hindi ba?" wika ni Aunty Selene ng ilang segundo ang lumipas ay hindi pa ako tumutugon

Napalunok akong muli sabay tango.

"Yes, Aunty.."

I saw her get the whip that was hanging on the kitchen wall.

"On your back, slut!". utos nito.

Dahil ginamitan ako nito ng superior voice, wala akong nagawa kundi sumunod at tumalikod.

A minute later, maririnig na sa buong rancho ang malakas na hagupit ng latigo at ang impit kong pagdaing dahil sa sakit.

Sa gitna ng pagpaparusa ni Aunty Selene, isang imahe ng lalakeng naka-suot ng itim na maskara ang lumitaw sa aking isip.

Ito ba ang kapalit ng konting pagnanasa ko sa Alpha Mayor na iyon?!

I gritted my teeth as my stepmother hit me with the whip again.

I think it's time, upang gumising na sa katotohanan.

Oras na upang tuluyan ko nang kalimutan ang paghanga ko kay Zacria Reid!


Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...
33.7K 618 20
Queen Bee. For short I rule Everything. Everywhere. I'm mean and also bitchy. Bitch with Class. I'm my mother's daughter after all. I have everything...
1.3M 8.3K 9
Gusto lang talaga niyang magbakasyon Broken hearted kasi siya Niloko siya ng taong pinagkatiwalaan niya ng puso. Kaya naisipan niyang umuwi sa baryo...
555K 14.6K 40
Highest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang tra...