Failed To Love You ♥

By missymicie

952 17 8

si Alyanna ay isang babaeng nangarap na magkaroon ng isang lalakeng mamahalin siya ng habang buhay .. will sh... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.1
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29.1
Chapter 29.2
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 *FINAL*

Chapter 32

4 0 0
By missymicie

[ ZEDRICK LOPEZ SIDE ]

"sir, tomorrow you have a meeting with the investors in russsia.."
"cancel that"
"what ? hindi pwede i-cancel to zedrick... importante to"
"I don't care"
"hanggang kelangan ka ba aarte ng ganiyan ha ??"
"pwede ba ate Ella , pagod ako ayoko muna makarinig ng sermon..."
"pwes sakin ka makakarinig ng sermon..."

Napatingin ako sa front door...

"Melanie ??"
"ate ella, pwede bang iwan mo muna kami ?"
"sure..."

Pag alis ni Ate ella...

"kelan ka pa nakabalik ?"
"nung isang araw pa mahal kong pinsan..."
"ganun ba..."
"anong ganun ba , HOI ZEDRICK !! 3 weeks lang ako nawala pero bakit nagka ganito ang company ha ?!! pagbalik ko dito eh sandamukal na reklamo ang bumungad sakin..."
"sakto nandito ka na naman pala edi ikaw na muna ang humarap dun sa meeting ko tomorrow"

Bigla niyang hinagis ung bag niya sakin

"No way !! hindi dahil vice chairman ako dito eh gagawin ko yan... ikaw ang dapat na gumawa niyan at for sure very unreasonable ang ibibigay mo saking rason para i-cancel ang meeting na yan !"

Hindi nalang ako nag salita

"alam mo zedrick, sa kaka ganiyan mo .. babagsak ang kompanya nang dahil sayo.."
"edi mas maganda"
"ano ?!"
"edi bumagsak kung babagsak... mas ok nga yun, para matahimik na ako"

O___O
Napatayo ako

"ANONG GINAGAWA MO !!"
"oh, nagising ka na ba ??"
"bakit mo ako binuhusan ng malaimig ng tubig !!"
"aba ! PARA MAGISING KA DIYAN SA KAGAGUHAN MO!! Umayos ka nga zedrick... lahat napapabayaan mo na ! pati anak mo !!!"

Natahimik ako...

"hindi mo man lang naalala ang birthday ng sarili mong anak.."

O__O
Napatingin ako kay Melanie

"so I am right , huh ?... yesterday is your son's 6th birthday but then wala ka... nandun ka sa bar , umiinom nagpapakasaya mag isa samantalang yung anak mo nandun sa bahay ng mama mo nag aantay na dumating ka"

Napatingin ako sa kalendaryo.. f*ck oo nga pala ..

"alam mo zedrick, hindi ako makapaniwala na nagagawa mong maging mahina sa panahong kelangan maging malakas ka... sana naman zedrick hindi mo ipakita sa anak mo na mahina ka.. umayos ka , ayusin mo buhay mo !"

Sabay alis si Melanie

Napaupo nalang ako...

=======================================

Nandito ako sa mall... gusto ko lang bumili ng makakain dahil nalipasan na ako ng lunch kanina..
After ko makabili napadaan ako sa isang toy store...Napatingin ako sa mga laruan doon at bigla kong naalala si Allen..

Bakit , bakit nakalimutan ko ang birthday ng sarili kong anak ? ... alam ko , palpak ako sa pagiging ama

Pumasok ako sa loob ng toy store

.

.

.

.

.

.

.

After ko manggaling sa mall dumeretso ako sa bahay ni mama

"good evening po sir..."
"si mama ?"
"nasa kitchen po"

Dumeretso ako sa kitchen

"good evening po"
"oh anak, nandyan ka pala"

Nag bless ako sa kaniya

"gutom ka ba gusto mo kumain ?"
"hindi na po , bumili na po ako ng snacks"

Napatingin si mama sa mga dala ko at napangiti siya

"nandun siya sa kwarto niya..."

Umakyat ako papunta sa kwarto ni allen..
Bago pa man ako pumasok.. nakaramdam ako ng kaba at takot... hindi ko alam pero natatakot ako na baka hindi niya ako kausapin... galit ba siya sakin ? sabagay, sino ba namang anak ang hindi magagalit sa ama niya na nagkaka ganito..

Pero naglakas loob pa din akong pumasok..

Pag pasok ko naabutan ko siyang nanunuod ng cartoons... mukhang hindi niya ata narinig ang pag pasok ko.. dahan dahan akong lumapit nang bigla siyang napatingin ... Napahinto ako... ang laki na niyaa ah .. pakiramdam ko halos ilang taon ko siyang hindi nakita

"Daddy !!!!!"

Dali dali siyang tumakbo at yumakap sakin

"bakit ngayon ka lang daddy ??"

Humiwalay ako sa pagkakayakap

"busy kasi si Daddy eh.... Kaya hindi tayo makapag kita..."
"ganun po ba..."

Natawa ako...

"parang dumederetso na ang pagsasalita mo ng tagalog ah ?"
"ofcourse ! lola taught me :D"
"ganun ba... by the way , I have presents for you"
"waaaahh ! really /!!!"

Inabot ko yung mga plastic na dala dala ko at hinalukay niya lahat ng yun..

Ang sarap lang maging bata ule... ung pakiramdam na masaya ka lang sa maliliit na bagay, na hindi mo kelangan intindihin kung anong dapat mong gagawin sa mga susunod na araw .. na hindi mo kelangan makaramdamn ng emotional na sakit

Hinawakan ko ang ulo ni Allen

"sorry anak kung wala ako kahapon sa birthday mo..."
"its ok daddy.. I know that you are so busy and I don't want to disturb you"

Nararamdaman ko ang luha sa mga mata ko

"daddy are you ok ? why are crying ?"

Hinawakan ni Allen ang mukha ko

"daddy is just happy...."
"but why are you crying ??? are you hurt ??"

Niyakap ko nalang siya

"daddy its ok, you're not alone daddy..."

Nagulat ako sa sinabe niya

"lola is here, tita aly, tita Sammy, tito pogi (Luke Barmeho) , tito jenzel , and also ME !!! "

Natawa ako..

"tama ka allen... daddy is not alone right ?"

Tumango siya tapos bigla niya akong niyakap..
Bakit ganun pakiramdam ko may mas Malaki pa akong yakap na nararamdaman ???
Humagulgol nalang ako sa iyak...

Eliza, I miss you ... I really miss you....


[ ALYANNA MONTERO's SIDE ]

"doc, may gusto daw pong kumausap sa inyo..."
"ah ganun ba , sige papasukin mo nalang"
"good afternoon doc.."

Pag lingon ko

"Karen ?"

Ngumiti siya

"buti naman po at naalala niyo pa ako..."
"oo naman... have a seat"

Umupo siya

"so anong maitutulong ko sayo??"

Nanahimik siya sandal at tinignan ako ng seryoso

"dederetsuhin na kita doc.. please leave my boyfriend alone"

Nagulat ako sa sinabe niya

"huh ??"
"I said , leave Brent alone..."
"ba-bakit ? wala naman kaming ginagawa ah ?"
"sa ngayon wala pa... kaya nandito ako at formal akong nakikipag usap sayo na layuan mo ang boyfriend ko"

Bakit niya ba sinasabe yang mga yan ? threatened ba siya ? hindi naman siya dapat mag-alala eh wala naman talagang namamagitan samin =__=

"kaibigan ko ang boyfriend mo at wala ka namang dapat ikabahala eh"
"bakit ba hindi mo naririnig ang mga sinasabe ko !!"

Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw pero kalmado pa din akong nakikipag usap sa kaniya

"pwede bang kumalma ka ? and please , wag kang sumigaw dito sa hospital... baka makaistorbo sayo ng mga pasyente"

Tumayo siya

"layuan mo ang boyfriend ko, kapag hindi ka lumayo , hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"

At lumabas siya...
Napasandal nalang ako sa upuan ko... pumikit ako.. Ano bang problema nun ? wala naman talagang namamagitan samin eh.. napaka selosa naman niya

Biglang nag ring ang phone ko..

Ganda nga naman ng timing nito

"hello ? brent ?"
(aah good afternoon alyanna... naistorbo ba kita ??)
"no not really.. bakit ?"
(gusto ko sana makuha ung phone number ni Lucas ? nag palit kasi ako ng phone and I lost his number ... kelangan ko kasi siya makausap about dun sa mga pictures na pinadala niya)
"aah ganun ba .. sige i-text ko nalang sayo..."
(ok ka lang ba ???)

Minsan humahanga talaga ako dito sa taong to eh , magaling kasi siya makiramdam... maliban nalang sa ginagawa ng girlfriend niya...

"yeah I'm fine, pagod lang siguro"
(magpahinga ka kasi... sa sobrang busy mo sap ag sagip ng buhay ng ibang tao yung sarili mo naman ang baka hindi mo masagip)

Napangiti ako..

"oo na po.. mag papahinga na"

Narinig kong natawa siya

(sige.. antayin ko yung text mo ah ?)
"ok sige... bye"
(bye....)

Napabuntong hininga ako... sabagay, kung ako naman din si Karen mag seselos talaga ako .. pano ba naman kasi masyadong mabait ang boyfriend niya sa ibang tao...

Minsan nga pumasok talaga sa isip ko na kaugali ni Brent si........

Whatever.....

=====================================

"what ? babalik ka na sa U.K ???"
"oo bes eh , needed lang talaga..."
"matatagalan ka nanaman ba ??"
"aww, mamimiss mo nanaman ako ! hahahah"
"oo naman no ! bruha ka =__="

Nandito ako ngayon sa condo ni Samantha at Luke

"mukhang matatagalan, pero nandito naman si Luke eh.."
"sus, anong gagawin ko diyan kay luke no !"
"aba ! ang sakit nun yanna ah ! akala ko ba ako ang best friend mo ah ?!!"
"si Samantha lang BFF ko no !"
"oo nga , mang aagaw ka pa ng best friend eh" – Samantha

Aalis nanaman si Samantha.. at mukhang matatagalan nga siya.. kainis naman oh =__=

"alam mo besss, you can go naman sa U.K no ! mag bakasyon ka dun.. juskoo naman para namang wala kang pera pambili ng plane ticket no"
"hala oo nga no ??"
"ang shunga mo talaga ... wag mo sabihing kahit kelan simula nang magka hiwa-hiwalay tayo eh hindi man lang pumasok dyan sa kokote mon a pumunta ng U.K ???"

Hindi ako nag salita...

"yanna ???" – Luke
"araw araw naiisip ko yan... araw araw sinasabe ko sa sarili ko na pumunta ako ng U.K para Makita kayo at makasama pero palagi nalang ako nakakaramdam ng takot... takot na baka ........"
"Makita mo siya ??"

Tumango ako

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Samantha

"I know... mahirap talagang mag antay pero alyanna, alam nating lahat na kapag pinag nag antay ka gaano man ito katagal eh maganda ang magiging consequence nito... sana"
"siguro nga... pero ayokong dumating ung panahon na mapagod ako at kapag napagod ako baka doon naman siya bumalik.. natatakot ako Samantha.."

Naiyak nalang ako...

===================================

Pauwi na ako ngayon sa condo ko... pagod na ako =__=
Nang biglang nag ring ung phone ko ...

Si Jhena , ung nurse sa hospital..

"hello ? jhena ?"
(hello doc, nasan po kayo ngayon ?)
"pauwi na ako.. bakit ?"
(eeh doc naiwan niyo po itong folder dito sa office niyo po)
"folder ??.... sh*t, oo nga pala... nandyan ka pa ba ??"
(nakaalis na po ako doc eh pero iniwan kop o yun sa nursing counter, kunin niyo nalang po dun sinabihan ko naman po ung mga naka duty dun)
"ganun ba .. salamat jhena"
(walang anuman...)

Nag drive ako pabalik ng hospital.... Pag dating ko dumeretso agad ako sa nursing counter

"aayy doc nandyan na po pala kayo..."

May kinuha ung nurse sa may kabilang table

"ito po ba yung naiwan niyo ?"
"yes... salamat"
"walang anuman po..."

Istorbo naman kasi tong folder na to eh ! >< haaaay nakooo
Habang tinitignan ko kung kumpleto ba yung laman ng folder biglang nag ring ung telephone ng hospital

"hello, Montero General Hospital ?"

Emergency ata to

"nakooo, hindi pwede ... kulang kami sa doctor ngayon.. 3 lang ang naka night duty ngayon eh parehong bus----"
"hello ? this is dra. Montero, pwede ko bang malaman anong status ng pasyente ?"
( critical po dra. !! car accident po)
"ok dalhin niyo siya dito sa hospital"

At binaba ko yung call..

"pero dra...."
"ako ang hahawak dun wag kang mag alala... paki assist nalang ako"

Pumunta ako sa office ko ang nag bihis ng white coat..

Nandito ako sa entrance ng emergency room.. inaabangan ung ambulance

Pag dating ng ambulance.. dali dali nilang binuksan ung likod..
Pero mas ikinagulat ko ang taong bumaba sa likod nito

"Jake ????!"

O__O

"Ms. Alyanna ???"

Binaba na ng mga rescuers ang stretcher.. hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba...
Pag lapit sakin ng stretcher

"Brent ???
"Dra. Critical po ang pasyente... bumababa po ang blood pressure niya pati heart beat niya pahina ng pahina"
"dalhin niyo siya sa bed"

Pag transfer sa kaniya sa bed chineck ko agad siya.. sh*t punong puno siya ng dugo...

=======================================

Lumabas ako ng E.R at nakita ko si Jake na naka upo sa waiting area...

"ok na siya, ililipat nalang siya sa isang private room..."

Napabuntong hininga siya ng malalim
Umupo ako sa tabi niya

"ano bang nangyari ?"
"it's all my fault...."

Napa face palm siya at narinig kong humahagulgol siya
Tinapik ko nalang ang balikat niya

"don't blame yourself, accident ang nangyari diba ??"

(THE NEXT DAY)

"nurse , nandyan na ba yung mga records na pinapa hanap ko sayo ?"
"aahh yung medical records po ni Mr. Brent Savanez ?"
"yes.."

May kinuha ang nurse sa may cabinet

"ito po..."

Tinignan ko yung envelop

"sa branch pa natin ng U.K to kinuha ?"
"opo eh .. kasi po wala po siyang kahit anong medical records dito sa Philippines... and then nag try po ako sa ibang branch natin and by coincidence po eh sa branch natin sa U.K ko siya nakita"
"ganun ba... ok thank you"

Bumalik ako dito sa office ko at binasa ang medical records niya.. mmm... puro lagnat, at pagka wala ng malay lang dahil sa stress ang nandito..

grabeeee naman kasi kung mag trabaho to eh..

eeeeh ???

"TRAIN ACCIDENT ???"

Ano daw ? nagka train accident si Brent ?? Tinignan ko yung date nung accident... matagal tagal nap ala, kung bibilangin simula ngayong taon

8 YEARS AGO ?!

Pinag patuloy ko pa ang pag babasa.. ayon sa medical records niya masyadong Malaki ang impact ng accident sa kaniya na kamuntikan na niyang ikamatay... sobrang damage ang nangyari sa katawan niya lalong lalo na ang mukha niya ...

Kaya nag undergo siya ng surgery...

O___O

Plastic Surgery ???


Continue Reading

You'll Also Like

6M 265K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!