Beneath The Sakura Tree

By GwynthChitoge

122 5 1

Naniniwala ka ba sa iyong mga kaibigan? Tapat ba sila sayo o hindi? Sinasamahan mo lang ba sila para may masa... More

Beneath The Sakura Tree
Chapter 1: Ang pagkilala sa isa't-isa
Part 1 of Chapter 1
Part 2 of Chapter 1
Chapter 3: Ang Katotohanan
Chapter 4: The Reason
Chapter 5: Ang Lihim
Part 1 of Chapter 5
Part 2 of Chapter 5

Chapter 2: The Conflict

7 0 0
By GwynthChitoge


Kinabukasan...

*Kring kring kring*

Ombre: Anong oras na ba? *Sabay tingin sa oras*  Hala, mag seseven na pala late nakooo!!!! Ma, hindi mo ako ginising.

Mama: Ginigising kita ayaw mo tumayo sa kama.

Ombre: Minamagnet nya ako ma.

Nagmamadaling nag-aayos ng mga gamit si Ombre papumta sa school.

Ombre: Ma, alis na po ako.

Mama: Oh sige anak mag-ingat ka.

*Kaloleng kaloleng*

Ombre: Sino kaya to aga aga nagtetext.

*Christian: Hi! Goodmorning.*

Ombre: Ano ba naman yan mamaya na malalate nako.

Nagmamadali ng pumunta si Ombre sa school ng biglang....

Blue: Ombre! Ombre! Ombre!

Tumingin sa likod si Ombre.

Ombre: Oh? Oh bakit? Blue?

Blue: Bakit ka nagmamadali?

Ombre: Eh kasi anong oras na malalate nako.

Blue: Ah ganun ba sige sabay na tayo.

Ombre: Sige sige. Omg! Kasabay ko si Blue pumunta sa school baka mamaya kung anong isipin nila Girlie at Erica kapag nakita nila kami.

Blue: Blue ayan na nakasabay mo na sya kausapin mo na sya wag kang mahiya, kausapin mo na sya.

Blue: Ah, eh, Ombre.

Ombre: Ano yun?

Blue: May bagong laro ngayon, ah alam mo ba yun?

Ombre: Anong laro? Sa pc ba yun nilalaro o sa cellphone lang?

Blue: Pwedeng sa pc, pwede ring sa cellphone.

Ombre: Ah, hindi ko alam yun eh sorry.

Blue: Download mo na lang mamaya pangalan nun "Osu!stream."

Ombre: Ah sige sige.

Blue: Yayain ko ba sya na sabay kami umuwi? Saan kaya sya nakatira? Nasan ba kasi si Nishiki?

Ombre: Blue! Blue! Blue!

Blue: Ay, oh bakit?

Ombre: Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ba ako naririnig?

Blue: Ah eh hindi eh hahaha.

Ombre: Wag mo na syang isipin hindi ka mahal nun tsaka walang forever hahaha.

*Sabay tawa si Blue*

Ombre: Malalim siguro iniisip mo kaya hindi mo ko naririnig.

Blue: Oo Ombre, malalim iniisip ko, kasing lalim ng pagtingin ko sayo.

Ombre: Oh sya mauuna na ako sayo Blue, dito na yung classroom ko eh salamat sa pagsama sakin kanina papunta dito. *sabay ngiti kay Blue* dodownload ko yung laro na sinasabi mo basta link mo na lang sakin mamaya kung anong name. *sabay ngiti ulit*

Blue: Hahaha wala yun, parehas naman kasi tayong pupunta sa school eh, sige sige link ko na lang sayo mamaya.

Ombre: Sige sige.

Girlie: Oh I see, close na close talaga kayo ni Blue.

Erica: Sabay pa sila pumunta dito.

Ombre: Nakasalubong nya kasi ako tapos sabi nya sabay na raw kami pumunta sa school, eh di pumayag nako.

Girlie: Hay, sana ako rin.

Erica: Nga pala, hiningi ni Blue at Nishiki mga number natin.

Ombre: Oh tapos?

Erica: Syempre, binigay namin magpapabebe pa ba ako? Pati number mo kinuha nila.

Ombre: Ah ganun ba, sige lang.

Girlie: Walang emosyon yun lang? Akala ko pa naman kikiligin ka kasi may humingi ng number mo.

Erica: Eh hindi naman crush ni Ombre si Blue o kaya si Nishiki eh bakit kikiligin yan?

Girlie: Sabagay.

Erica: Alam mo naman yan puro Fictional Characters lang yung mga crush.

Ombre: Dapat hindi malaman nila Girlie at Erica na crush ko si Blue kahit konti lang yung pagkakacrush ko sa kanya.

Habang nagklaklase nasa tabi ng bintana si Ombre ng biglang.... Sumilip si Blue sa bintana.

Blue: Nagklaklase kayo?

Ombre: *Lumingon sa bintana nagulat* Oh shocks! Anong ginagawa mo jan?

Blue: Wala ginugulat ka lang hahaha.

Ombre: Baliw ka, makita ka ni Mr. Santiago jan.

Blue: Sige sige mauna nako.

Ombre: Sige sige. Parang baliw naman to si Blue wala sigurong mapagtripan pero ang cute nya ah.

Mr. Santiago: Ok class dismiss.

Erica: Girlie, balita ko may crush pala si Blue eh.

Girlie: We?! Kanino mo nalaman? Sino raw?

Erica: Kay Nishiki pero hindi pinapasabi ni Blue kung sino eh.

Ombre: Oh akala ko ba ayaw nya magkagirlfriend? Nagsalita ang hindi hahaha pero seryoso sino kaya yung crush ni Blue? Malay mo ako diba? Ay assumera si Ombre oh, kahit kailan hindi mangyayare yun.

Girlie: Alam mo kasi Ombre, kahit crush man lang dapat meron ka "YUNG TOTOO, HINDI FICTIONAL CHARACTER!!!!!!"

Ombre: Aray ah, kailangan ipagsigawan?

Biglang dumaan sila Blue at Nishiki.

Nishiki: Bakit ka sumisigaw Girlie?

Girlie: Eh pano kasi tong si Ombre lahat ng mga crush puro mga fictional characters.

Nishiki: Eh di parang si Blue din pala yang si Ombre.

Blue: Hahaha hindi lang pala ako nag-iisa dito.

Ombre: Akala ko nga ako lang nagkakacrush ikaw din pala?

Blue: Oo eh, minsan kasi mas magaganda pa at mas nakakaattract yung mga ugali ng mga fictional characters.

Ombre: True, sinabi mo pa.

Nishiki: Mukang magkaparehas yung mga gusto nila ah diba Girlie at Erica?

Erica: Tch edi sila na mga anime lovers.

Nishiki: Oh bakit parang apektado ka?

Girlie: Blue, pansinin mo naman daw si Erica.

Blue: Ah eh sige, bakit parang ayaw mo yata sa mga anime lovers?

Nishiki: So, ibig sabihin ayaw mo kay Ombre?

Ombre: Ha?

Erica: H-hindi naman sa ayaw ko kay Ombre, ayoko lang talaga sa mga ganun.

Nishiki: Edi ayaw mo rin kay Blue?

Erica: Wala naman akong sinasabi na ayaw ko kay Blue eh, ang ayoko lang ay ang mga anime lovers kasi para silang weird, sa tuwing may na eencounter akong mga anime lovers para akong naweweirduhan at nandidiri sa kanila, lalo na kapag nagcocosplay sila, ano bang makukuha nila dun? Anong bang masaya dun? Sa pagbabasa nila ng mga comic at panunuod ng mga anime para silang bata na ewan, nagpupuyat dahil lang sa panunuod ng mga ganyan, pinapaasa lang naman sila ng mga yan crush nila, tapos ano makaka-usap ba sila nyan? Ewan ko ayoko talaga sila.

Girlie: Uy, Erica tumahimik ka nga.

Erica: Totoo naman sinasabi ko eh, ayaw ko sa kanila.

Ombre: So, ibig sabihin ayaw mo samin ni Blue?

Erica: Si Blue gusto ko, pero kasi ikaw oo ayoko sayo.

Girlie: Uy, Erica tumahimik ka na nga.

Erica: Syempre joke lang, kayo naman hindi ba halata na kanina pa oa yung mga pinagsasabi ko?

Ombre: Excuse cr muna ako.

Blue: Kung ayaw mo sa mga anime lovers ok lang, hindi naman kawalan samin na magkaroon kami ng ganyang kaibigan na katulad mo. 

Biglang naglakad si Blue.

Nishiki: Uy Blue, saan ka pupunta?

Sinundan ni Nishiki si Blue.

Girlie: Erica naman eh, nakakadisappoint ka, akala ko ba sating dalawa lang yung nararamdaman mo?

Erica: Wait cr tayo naiihi ako.

Habang naglalakad sa cr biglang...

Ysabelle: Oh, hindi yata kayo magkasama ni Ombre?

Girlie: Eh kasi nauna sya samin kaya ayun.

Ysabelle: Ah ganun ba sige mauuna nako.

Erica: Sige sige.

Habang papunta na sila sa cr nakasalubong nila si Ombre.

Girlie: Uy Ombre, sorry kanina sa mga pinagsasabi ni Erica kanina ah, wag mo na lang isipin yun ganun lang talaga si Erica.

Erica: Sorry Ombre ah.

Ombre: Ayos lang sige mauuna nako baka nandun na yung teacher natin.

Erica: Sige sige.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa cr.

Girlie: Diba sabi ko naman sayo, wag na wag mong ioopen yung nararamdaman natin sa tuwing kasama natin si Ombre. 

Habang nag-uusap sila hindi nila alam na nasa isang cubicle lang si Marie nakikinig, Pumasok si Erica sa katabing cubicle na ginagamit ni Marie.

Erica: Hindi ko napigilan yung sarili ko eh, totoo naman kasi ayoko syang kasama natin sya, bakit ba kasi sumasama sya satin? Kung tutuusin hindi naman sya belong sa group natin eh. Hindi naman kasi sya tulad natin, dapat nakikisama sya sa kapwa weird nya din.

Girlie: Oo nga pero sana hindi mo sinabi, andun pa naman si Blue baka mahurt mo si Blue sa mga pinagsasabi mo kanina, tandaan mo parehas silang anime lover, tsaka tandaan mo din na ginagamit lang natin si Ombre para maging close kay Blue.

Erica: Alam ko naman yun Girlie ,since 2nd year pa lang kinlose nanatin si Ombre at chinat para lang makaclose natin si Blue pero kasi Girlie hindi ko na kaya ayoko ng nakakarinig ng mga anime anime na yan, kung gusto nya makisama satin baguhin nya sarili nya maging tulad sya satin.

Girlie: As if naman na mangyare yun Erica.

Erica: Eh di kung ganun, wag syang sumama satin, sumama sya sa mga grupong weird katulad nya halika na.

Girlie Tara.

Umalis sila Girlie at Erica.

Marie: Hindi naman sa nanghihimasok ako sa friendship nila, pero dapat kailangan malaman ni Ombre lahat lahat ng mga narinig ko.

Nakarating si Marie sa kanilang classroom.

Marie: Ysabelle may sasabihin ako sayo.

Ysabelle: Ano yun?

Marie: Tungkol kay Ombre.

Ysabelle: Kay Ombre? Kanina nakita ko sila Girlie at Erica papunta daw silang cr nagtaka ako bakit hindi nila kasama si Ombre, sabi nila nauna raw pumunta ng cr.

Marie: Yun nga eh eto kwekwento ko sayo.

Hanggang sa sinabi na lahat ni Marie ang kanyang narinig.

Ysabelle: Grabe ka naman, dapat umalis kana lang hindi yung pinakinggan mo pa, pero ok lang na nagstay ka dun atleast alam mo na ganun pala ugali nila Erica at Girlie.

Marie: Balak ko nga sabihin lahat lahat kay Ombre yung mga narinig ko eh.

Ysabelle: Tama yang naisip mo pero siguro bukas or after class na lang natin sabihin yan kay Ombre.

Marie: Kaso hindi ko alam kung pano natin sasabihin at pano natin sisimulan.

Ysabelle: Alam ko na.

Pumunta sila kay Ombre.

Ysabelle: Ombre.

Ombre: Oh bakit Ysabelle? Himala ano kaya kailangan netong mga to sakin.

Marie: Alam mo bang Doughnut day ngayon?

Ombre: Ay oo nga pala no may discount sila diba?

Ysabelle: Oo 25% yung discount nila.

Ombre: Kahit anong doughnut shop yan diba?

Ysabelle: Oo sama ka?

Ombre: Oh sige ba, wait yayain ko sila Erica at Girlie.

Nagtinginan sina Ysabelle at Marie sa isa't-isa.

Ombre: Erica, Girlie Doughnut Day pala ngayon.

Erica: Oh anong gagawin natin?

Ombre: Sa tuwing Doughnut Day nagdidiscount sila, 25% discount nila ngayon sa kahit anong doughnut shop.

Girlie: Talaga?

Ombre: Oo, gusto nyo sumama?

Erica: Hindi ako pwede eh, may gagawin ako.

Girlie: Ako din eh tsaka hindi ako mahilig sa mga sweets, baka tumaba lang ako jan.

Ombre: Grabe hindi naman.

Erica: Kung gusto mo ikaw na lang.

Ombre: Sige sige.

Ombre: Ayaw nila Girlie at Erica eh, sige sasama na lang ako sa inyo.

Ysabelle: Sige after class may gagawin ka ba?

Ombre: Wala naman may papanuorin lang akong mga anime series hahaha.

Marie: Parehas na parehas talaga kayo ni Blue.

Ombre: Hahaha hindi naman nagkataon lang na anime lover kami.

Ysabelle: Sige sige mamaya ah after class.

Ombre: Sige sige.

Bumalik tayo sa umalis si Ombre at si Blue, hinabol ni Blue si Ombre.

Blue: Ombre, ayos ka lang?

Ombre: Ha? Ako? Sa totoo lang hindi eh, para sakin ang sakit nung mga sinabi ni Erica.

Blue: Ganun naman din sakin eh, teka sa cr ka ba talaga pupunta?

Ombre: Hindi, sa canteen ako pupunta sinabi ko lang sa cr para hindi nila ako sundan.

Blue: Hayaan mo na sila, wala eh ganun talaga tingin nila sa mga anime lovers na katulad natin, ay weird tayo, eh ano naman kawalan ba sila? Alam mo kung ako sayo kung ganyan lang din yung mga kakaibiganin ko mas maganda ng humiwalay at lumayo nako sa kanila kasi, kung ganyan lang naman pala tingin nila sakin para sakin, hindi sila tunay na kaibigan.

Ombre: Oo nga eh, teka nga bakit parang ikaw pa yung mas apektado?

Blue: Ah eh kasi... kasi parehas tayo diba anime lover din ako. Phew... muntik nako dun ah apektado ako Ombre, dahil ayokong nakikita kang nasasaktan.

Nishiki: Oh andito ka lang pala Blue kasama mo pala si Ombre. *Tumingin kay Blue sabay ngiting tagumpay.*

Blue: Bakit pre?

Nishiki: Wala naman ano bibilhin nyo?

Ombre: Tubig lang.

Nishiki: Ombre, ok ka lang?

Ombre: Ako? Oo naman bakit mo naitanong?

Nishiki: Feeling ko kasi nasaktan ka dun sa mga pinagsasabi nila Erica at Girlie eh.

Ombre: Ate pabili po ng tubig.

Ate: Eto oh 10php.

Ombre: Eto po oh, salamat po.

Blue: Baliw ka Nishiki, malamang nasaktan si Ombre pati naman din ako eh.

Nishiki: Wow, pati ikaw nasaktan?

Blue: Oo, kasi nasaktan si Ombre, kaya nasaktan din ako. Nako, patay nasabi ko yung nasa isip ko.

Ombre: Hahaha. Baliw ka Blue? Corny ah.

Nishiki: Hahaha. Ganyan talaga yan si Blue mapagbiro.

Blue: Hahaha. Wala eh joker eh.

Ombre: Oh sige mauuna nako sige Nishiki at Blue.

Blue: Sige sige.

Naka-alis na si Ombre sa canteen.

Nishiki: pre, nadulas ka kanina no?

Blue: Oo nga eh, buti hindi nya nahalata, sana isipin nya joke yun.

Nishiki: Baliw ka eh.

Blue: Matanong nga kita, bakit ngiting tagumpay ka nung nakita mo kami ni Ombre na magkasama?

Nishiki: Eh kasi pre, akala ko aamin kana sa nararamdaman mo para kay Ombre.

Blue: Baliw ka, sa ganung sitwasyon hindi ko gagawin yun nasaktan na nga yung tao tapos yun pa yung gagawin ko, edi parang ang labas napaka-selfish ko namang tao.

Nishiki: Kung sabagay tama ka, pero pre aminin mo kinakabahan ka nung kasama mo sya no?

Blue: Oo naman, ikaw ba naman hindi kabahan sa ganung sitwasyon, kotongan kaya kita jan, akala mo hindi nya pinagdaanan yung ganun.

Nishiki: Syempre pre inaalala ko lang yung nararamadaman mo, syempre binata na yung utol ko kailangan kong subaybayan ang pagiging adolescence nya hahaha.

Blue: Ewan ko sayo, kung anong anong pinagsasabi mo halika na nga umakyat na tayo baka nandun na si ma'am.

Sa kabilang banda.... Habang papunta sa room nila si Ombre kinikilig...

Ombre: May gad ano kaya ibig sabihin ni Blue sa sinabi nya? Totoo kaya yun o hindi?

Nang makabalik na si Ombre sa classroom niyaya sya nila Ysabelle at Marie na pumunta sa isang doughnut shop, pumasok na si Ms. Cirera at nagdiscuss ito.

Ms. Cirera: Our assignment for today is answer page 35 to 36 write your answer on your 1 whole sheet of paper ok class dismiss.

Erica: Girlie, may pupuntahan ka ba ngayon?

Girlie: Wala naman bakit?

Erica: Papasama sana ako sayo bumili ng damit sa mall.

Girlie: Ah ganun ba sige tara as in ngayon na ba?

Erica: Hindi naman, uuwi muna ako sa bahay magpapalit tapos tetext na lang kita kapag aalis na tayo, ikaw Ombre sasama ka?

Ombre: Hindi eh may pupuntahan ako kasama ko sila Ysabelle at Marie.

Girlie: Ah sige sige text mo na lang ako.

Ysabelle: Ano tara na Ombre?

Ombre: Tara.

Habang naglalakad sa hallway...

Nishiki: Oh Ombre bakit hindi mo kasama sila Girlie at Marie?

Ombre: Ah kasi magmamall sila tsaka Doughnut Day ngayon may 25% discount sila.

Nishiki: Ah ganun ba? Edi kung ganun tara Blue punta tayo.

Blue: *Naglalaro* Oh?

Nishiki: Sama tayo kila Ombre.

Blue: *Naglalaro*  Ha? Ano yun?

Nishiki: *Kinuha yung cellphone*  Tengeneng kasing yan mamaya ka na maglaro.

Tumawa ng malaks si Ombre.

Blue: Oh anong nakakatawa? Mananalo na nga ako eh kung hindi lang kinuha netong g*g*ng to ano ba kasi yon?

Ysabelle: Doughnut Day ngayon may 25% discount sila.

Ombre: Ano sasama ka?

Blue: Sino-sino ba kayo?

Ombre: Ako, Ysabelle at Marie.

Blue: Sama ka Nishiki?

Nishiki: Oo malamang papasalubungan ko si Bea.

Blue: Oh sige sama ako.

Ombre: Tara na.

Bumulong si Marie kay Ysabelle.

Marie:  Pano natin sasabihin ngayon kay Ombre yun?

Ysabelle: Akong bahala.

Nauuna sila Ombre, Ysabelle at Marie sa paglalakad habang ang dalawa naman ay nahuhuli.

Nishiki: Pre, ayan na yung pagkakataon oh kausapin mo na si Ombre.

Blue: Naghahanap pako ng itotopic namin.

Nishiki: Tanong mo kung anong gusto nyang mga anime series.

Blue: Ah sige sige.

Blue: Ombre, may tatanong ako sayo?

Ombre: Ano yun?

Blue: Anong gusto mong genre sa anime series?

Ombre: Ako? Romance, School, Slice of life, Fantasy, Shounen, Comedy kung minsan Drama ikaw?

Blue: Ah ganun ba, ako kasi Action, Virtual Realtiy, Super Natural, School and most of all comedy.

Ombre: Ah ganun ba.

Blue: Eh ano naman favorite mong mga anime series?

Ombre: Ako? Amagi Brilliant Park, Gekkan Shoujo Nozaki-kun, Golden Time, Isshukan Friends, Sukitte Ii na yo, Death Parade at higit sa lahat Ao Haru Ride ikaw?

Blue: Ah ako, My Little Monster at Gintama, ang dami kasing nakakatawang scenes at moments dun eh dami ko tawa dun,  napanuod ko din yung Isshukan Friends, at Ao Haru Ride.

Ombre: Ano ba kwento nun?

Blue: Ang Gintama ay tungkol sa tatlong baliw na nagkakilala sa iisang syudad ng Edo, bumuo sila ng grupo na tumatanggap ng kahit anong trabaho, ang tawag sa kanila at Yorozuya or Odd jobs sa English, panuorin mo na lang, ayaw ko kasi maging spoiler eh.

Ombre: Eh ano naman yung My Little Monster?

Blue: Tungkol naman ito sa isang babae na sobrang luklok sa pag-aaral, grades nya na lamang ang inaatupag nya, pero aksidente syang nakapagpadala ng lesson notes kay Yoshida Haru na kinumbense syang maging kaibigan. Hindi nag tagal nagconfess ng damdamin si Yoshida ngunit si Shizuku ay isang cold-heartes an babae, uulitin ko ayoko maging spoiler kaya panuorin mo na lang.

Ombre: Ah ganun ba, bali binasted sya ni Shizuku?

Blue: Ah oo binasted sya ni Shizuku, pero ipinagpatuloy parin nila ang kanilang pagkakaibigan.

Ombre: Pero walang gusto si Shizuku kay Yoshida?

Blue: Meron, nung hinalikan ni Shizuku si Yoshida sya naman ang nagconfess kay Haru Yoshida, ngunit si Haru naman ang nagreject sa kanya.

Ombre: Ang tanga naman ni Shizuku.

Blue: I know right.

Ombre: Napanuod mo rin pala yung Ao Haru Ride.

Blue: Oo eh.

Ombre: Grabe si Kou no mahal na mahal nya si Futaba, iniingatan prinoprotektahan nya si Futaba, nagbago man si Kou at lumipat ng ibang school, pero yung nararamdaman nya kay Futaba hindi nagbago ganun pa rin mahal nya pa rin si Futaba,

Blue: Oo lumipat sya, pero bumalik ulit sya sa dati nyang school at nagpalit ng apelido.

Ombre: Oo pero kahit na nagpalit sya ng apelido nakilala pa rin sya ni Futaba, at hinintay din ni Futaba si Kou parehas nila gusto ang isa't-isa, sana ako din may Kou.

Blue: Wag ka mag-alala may Kou ka rin makikilala mo rin sya soon.

Ombre: Sus, as if naman may Kou talaga sa totoong buhay.

Blue: Meron nga kasi makikilala mo sya soon.

Ombre: Eh Detective Conan nanunuod ka?

Blue: *Tulala kay Ombre* Maghintay ka lang raw kasi Ombre, pagpasensyahan mo na kung torpe yung Kou mo at hindi masabi-sabi yung nararamdaman nya, pero alam ko may takdang panahon para masabi ko rin yung nararamdaman ko para sayo.

Ombre: Blue! Blue! May dumi ba sa muka ko? Bakit nakatitig ka sakin?

Blue: Ah eh kasi may iniisip kasi ako eh may sinasabi ka ba kanina?

Ombre: Diba sabi ko naman sayo, wag mo ng isipin yun hindi ka mahal nun hahahaha oo kanina pa kung nanunuod ka ba ng Detective Conan.

Blue: Oo anong season mo na?

Ombre: Ako? Mga season 12 ikaw?

Blue: Season 15 na hahaha naunahan kita bleh.

Ombre: Maaabutan din kita soon hahaha. Ang cute ni Blue may gad, bakit ba ako kinikilig ng ganito? Natitigan nya pa ako, tapos nagcute face pa sya sakin ako na ba ang pinakaswerteng babae ngayon? Tama na Ombre nagiimagine ka nanaman na hindi mangyayare, alam mo kung anong tawag sayo? Ilusyunada assumera hahaha.

Ysabelle: Andito na tayo.

Nishiki: Kami na ni Blue maghahanap ng upuan.

Ombre: Sige sige kami na lang mag-oorder, teka ano bang gusto nyo?

Blue: Kung ano na lang inyo yun na lang din samin.

Ombre: Sige sige.

Marie: Ano raw sa kanila?

Ombre: Sabi nila kung ano na lang yung satin yun na lang din sa kanila.

Ysabelle: Alam mo feeling ko, wala silang hilig sa doughnut para bang sumama lang sila, parang may feeling ako eh.

Ombre: Ano?

Ysabelle: Basta feeling ko may purpose sila kaya sila sumama.

Ombre: Ano naman kaya yun.

Marie: Malay natin.

Habang nag-oorder sila eto yung nangyayare...

Nishiki: Ano na pre, ano na pinag-usapan nyo?

Blue: *Ngumingiti si Blue habang nagkwekwento*  Ah yun, wala lang yun, tungkol lang yung sa mga anime series, tinanong ko kung anong mga genres pinapanuod nya at kung anong mga anime series ang mga gusto nya tapos ayun na, pero alam mo Nishiki, nung time na yun parehas na parehas yung mga sinasabi nya sa text, buti nga hindi nya nahahalata na ako yung Christian eh, pero alam mo pre nung mga time na nagkwekwentuhan kami napatitig ako sa kanya grabe pre, ang ganda nya talaga simple lang sya, wala syang ka make-up make-up sa muka tanging pulbo lang nakita ko.

Nishiki: Pre, hindi na crush yan tinamaan kana, inlove ka na kay Ombre.

Blue: Oo nga pre eh, halata ko rin sa sarili ko, masyadong malalim na yung pagtingin ko sa kanya.

Nishiki: Sabi na nga ba eh, oh pano yan liligawan mo ba si Ombre?

Blue: Oo pre, sa takdang panahon.

Nishiki: Tengeneng takdang panahon yan, wag kang sumunod sa uso pre, ano to? Aldub?

Blue: Pero kasi iniisip ko kung magiging kami ni Ombre baka layuan sya nila Girlie at Erica.

Nishiki: Pre, makakahanap din sya ng mga bagong kaibigan, ang tunay na kaibigan kahit anong negative attitudes mo tatanggapin nila pwera na lang kung hindi ganun sila Girlie at Erica kay Ombre diba? Tengeneng mo pre, ang daming nagkakagusto sayo na magaganda tapos kay Ombre ka lang pala matotorpe?

Blue: Wala eh ganun talaga eh.

Ysabelle: Sorry kung natagalan.

Nishiki: Ayos lang.

Blue: Oh ano tara na kainan na.

Marie: Guys nagawa nyo na ba yung assignment kay Mam Cirera.

Nishiki: May assignment kayo?

Ysabelle: Oo eh, kayo?

Nishiki: Wala eh.

Marie: Hays, buti pa kayo.

Nishiki: Marie, pwede magtanong?

Marie: Ano yun?

Nishiki: Nagkokopyahan ba kayo ni Ysabelle?

Ysabelle: Hindi ah, sadyang ganun lang talaga yung mga scores namin.

Nishiki: Ah, hindi ba kayo nagsasawang mag-aral?

Blue: Ano ba namang tanungan yan Nishiki.

Nishiki: Pake mo ba? Eh di gumaya ka, ayan oh kausapin mo si Ombre, kanina pa kayo tahimik jan eh.

Blue: Baliw.

Nagkatingin sina Marie at Ysabelle sa isa't-isa.

Ysabelle: Ah Ombre, tapos ka na ba kumain?

Ombre: Oo kanina pa bakit?

Marie: Pwede ka ba namin maka-usap?

Ombre: Sige sige.

Ysabelle: Dun tayo sa comfort room mag-usap pwede ba?

Ombre: Bakit hindi ba pwede dito?

Marie: Pang girls talk to eh.

Ombre: Ah ganun ba sige.

Ysabelle: Oh guys maiwan muna namin kayo ah may pag-uusapan lang kami.

Nishiki: Bakit hindi na lang dito?

Marie: Pang girls lang kasi.

Nishiki: Bakit girls naman kami ah.

Blue: Lol, umayos ka nga jan Nishiki, sige pag-usapan nyo na yan kung ano man yan, wag nyo ng intindihin si Nishiki baliw lang to.

Nakapunta na sina Ombre, Ysabelle at Marie sa comfort room.

Ombre: Tungkol saan ba yung pag-uusapan natin?

Ysabelle: Eh kasi Ombre, may narinig si Marie tungkol sayo, at nanggaling pa mismo sa mga kaibigan mo.

Ombre: Ano yung narinig mo Marie?

Marie: Minsan ba nagtatanong sila tungkol kay Blue?

Ombre: Oo palagi, bakit?

Ysabelle: Minsan ba tinatanong nila kung anong mga anime series ang mga pinapanuod ni Blue?

Ombre: Hindi lang madalas eh palagi pa, tsaka bakit ba puro tanong kayo ng tanong? Akala ko ba may sasabihin kayo?

Ysabelle: May narinig kasi si Marie tungkol sayo kwento mo nga Marie.

Marie: Wag ka mahuhurt sa sasabihin ko Ombre, hindi ko intensyon na marinig yung usapan nila, pumasok sila sa cr, tapos ako nasa isang cubicle umiihi, then napag-usapan ka nila.

Ombre: Ano sinabi nila tungkol sakin?

Marie: *Napatingin kay Ysabelle* Sinabi nila na ginagamit ka lang daw nila para maging close nila si Blue, matagal ka na nilang ginagamit since 2nd year pa.

Ombre: Hindi totoo yan, sinisiraan nyo lang sila.

Ysabelle: Totoo ang lahat ng yun Ombre, hindi namin sila sinisiraan maniwala ka samin.

Ombre: Alam nyong hindi totoo yan, dahil simula pa nung 2nd year sila na ang nakaintindi sakin at tanggap nila ako kung ano ako.

Marie: Kung tanggap ka nila. Bakit ganun na lang sya magsalita sayo kanina?

Ombre: Nagjojoke lang yun si Erica.

Ysabelle: Hindi joke yun Ombre, kitang-kita sa mata nya na totoo ang mga sinasabi nya at ayaw nila sayo.

Marie: Kung ayaw mong maniwala samin, sige ok lang, hahayaan namin na ikaw mismo ang makatuklas nyan, hahayaan ka namin marinig ang mga salitang yun at galing pa mismo sa mga bibig nila ng maniwala ka samin.

Ombre: Sige, sa ngayon hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi nyo, pero once na nalaman ko at nanggaling sa kanila yung mga salitang yun, saka lang ako maniniwala sa inyo.

Ysabelle: Sige, pero sana Ombre satin-satin lang to walang makakalabas.

Marie: Oo, kasi kapag nalaman nila Girlie at Erica baka mag-away kami ng wala sa oras.

Ombre: Oo satin-satin lang to.

Ysabelle: Pasensya Ombre, kung may nasabi kaming hindi maganda kanina.

Marie: Ako rin Ombre, humihingi ako ng tawad kung may nasabi man akong hindi kanais nais.

Ombre: Hahaha ok lang yun, at least narinig mo at sinabi mo sakin kaagad, oo satin-satin lang yun, hindi ko ipagsasabi kahit kanino.

Marie: Sige salamat Ombre.

Ysabelle: Tara na?

Omrbe: Tara.

Habang paalis sila sa cr eto ang nangyayari sa kabilang banda.

Nishiki: Ang tagal naman yata nila.

Blue: Ayan na sila.

Ysabelle: Sorry kung natagalan.

Blue: Ayos lang.

Ilang minuto lang ay may biglang nagtext...

*sa text* *Bea: Baby, asan ka? Kasama mo ba si Blue? Mamaya umuwi ka na ah, ingat sa pag-uwi I love You.*

Nishiki: Oh pano ba yan pinapauwi nako ni Bea.

Ysabelle: Sino si Bea?

Blue: Girlfriend ni Nishiki.

Marie: Ah, akala namin ni Ysabelle walang girlfriend yang si Nishiki.

Ombre: Yan? Sa mukang yan walang girlfriend? Imposible, gwapo gwapo ni Nishiki eh.

Nishiki: Kuha mo rin Ombre.

Ysabelle: Kung sabagay.

Blue: Eh ako Ombre, gwapo rin ba ako?

Ombre: Ikaw? Hindi eh. *Sabay tawa*

Blue: Grabe ka naman sakin, alam mo ba ikaw lang ang nagsabi sakin na hindi ako gwapo.

Marie: Oo nga naman Ombre.

Ombre: Syempre joke lang yun, kayo talaga gwapo naman din si Blue eh.

Blue: Yun oh.

Nishiki: Hindi ka ba sasabay Blue?

Blue: Sasabay, kayo hindi pa ba kayo uuwi?

Marie: Uuwi na din, halika na Ysabelle.

Ysabelle: Tara Ombre.

Ombre: Sige.

Habang pauwi na sila....

Ombre: Marie san ka nakatira?

Marie: Malapit lang kila Ysabelle.

Ombre: Ysabelle san ka nakatira?

Ysabelle: Malapit sa San Diego.

Ombre: Ah.

Nishiki: Ikaw, Ombre san ka nakatira?

Ombre: Ako? Jan lang sa may Kalayaan B. ikaw?

Nishiki: Sa may Don Antonio.

Ombre: Eh ikaw Blue?

Blue: Jan lang sa may Kalayaan B. ikaw?

Ombre: Kalayaan B. lang din.

Blue: Eh di kung ganun sabay na tayo, ok lang ba?

Ombre: Sige parehas lang naman pala tayo ng way pauwi eh.

Ysabelle: Oh sya dito na kami ni Marie.

Nishiki: Jan kayo nakatira?

Marie: Baliw hindi, papasok pa.

Nishiki: Ah sige sige.

Ombre: Ingat kayo pauwi, Ysabelle at Marie.

Ysabelle: Sige kayo rin.

Marie: Ingat.

Ilang minuto lang...

Nishiki: Oh Blue at Ombre, dito na ako sasakay.

Blue: Sige sige pre, ingat.

Nishiki: Ingatan mo yan si Ombre ah.

Blue: Oo iingatan ko yan.

Ombre: Mga baliw tong mga to, sige ingat.

Nishiki: Sige sige.

Naiwang naglalakad sina Blue at Ombre pauwi...

Blue: Ombre pwede bang magtanong?

Ombre: Ano yun?

Blue: Bakit mo nahiligan ang mga anime series?

Ombre: Dahil kasi yan sa kaibigan ko, nung grade school kami, lagi syang nagkwekwento tungkol sa mga anime series na yan, hanggang may pinanuod sya sakin at nagustuhan ko yung plot, tapos recommend pa sya ng recommend ng iba pang mga anime series dahil dun naadik nako, ikaw?

Blue: Nishiki, kay Nishiki kaya ako naadik sa mga anime series since preschool magkaclassmate na kami 'til now kagaya ng sayo, lagi syang nagkwekwento ng mga anime series, kung napanuod ko ba raw yung Pokemon hanggang sa pinilit nya ako na panuorin yung mga pinapanuod nya hanggang sa naadik na ako sa mga anime series.

Ombre: Adik pala rin yan si Nishiki sa mga anime series akala ko hindi eh.

Blue: Half Japanese kasi sya so, dun sya pinanganak sa Japan at dito lang sya nag-aral hanggang ngayon.

Ombre: Kaya pala ganun panglan nya kakaiba, oh sya Blue andito na bahay namin.

Blue: Dito pala kayo nakatira.

Ombre: Oo eh, salamat nga pala sa paghatid *Sabay ngiti kay Blue* link mo na lang sakin yung pinapadownload mong laro.

Blue: Wala yun, syempre parehas na tayo ng way pauwi, sige link ko na lang sayo.

Ombre: Sige sige salamat ulit, ingat ka sa paguwi mo. *Ngiti ulit*

Blue: Sige. *Ngumit kay Ombre sabay lakad*

Blue: Ang ganda nya talaga, at ang cute nya pa ngumiti, napakasimple nya, di tulad nila Girlie at Erica na nagmamake-up, sya hindi tanging pulbo lang nakita ko sa muka nya, wala rin syang arte, walang duda pasok sya mga tipo kong babae.

Ombre: Hays makapagpahinga na nga.

Pumasok si Ombre sa bahay nila dumiretso sa kwarto nya at agad itong nagbihis ng damit at nagpahinga.

Ombre: Himala hindi sya nagtext, hays ang swerte ko naman hinatid ako ng heartthrob namin sa school at parehas pa kami ng way ng uuwian, san kaya sya nakatira? Sana malapit lang dito, para kapag bibili ako may chance na pwede ko syang makita. Mamaya ko na gagawin yung assignment kay Mam Cirera matutulog muna ako.

Hanggang sa napasarap na ang tulog ni Ombre at hindi na ito nakapaghapunan tumungo tayo kila Nishiki at Blue.

Continue Reading

You'll Also Like

9.9K 248 37
Paano kung isang araw mawala ang kaibigan mo, ang bestfriend mo...ang mahal mo? Paano mo itutuloy ang buhay mo ng wala siya? Paano kung may pangako k...
10.4K 660 40
Sabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing...
5.4K 77 12
Anong gagawin mo kung bigla ka nalang may naramdaman na napakaweird towards your best friend? Sasakyan mo pa rin ba ang feeling na 'to or you'll just...
3K 54 24
Naranasan nyo na bang mainlove sa best friend nyo? Aaminin mo ba sa kanya ang feelings mo kung alam mo na nakasalalay dun ang friendship nyo? Pano k...
Wattpad App - Unlock exclusive features