Caught Between I Love You and...

By JayneRoese

19 0 0

Caught Between I Love You and Goodye Imagine that you were caught in a difficult situation where you need to... More

PROLOGO
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR

CHAPTER THREE

4 0 0
By JayneRoese

ZACH'S POV

Maaga akong nagising. Halos wala nga akong tulog. Hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Gusto ko kasing titigan magdamag ang mukha ni Yen pero pinigilan ko ang sarili. Kaya paggising ko ay 'yon ang pinaka-una kong ginawa. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Siya yata ang pinaka-cute na nakita kong tulog. Nakayakap siya nang mahigpit sa unan habang nakabaluktot ang katawan. Natatabunan ang katawan niya ng kumot, ulo lang ang nakalabas. Kung titingnan mo para lang siyang unan na tinakpan ng kumot.

Hindi ako magsasawang tingnan ang itsura niya habang tulog. Ang cute kasi. Maliit na nga siya, lalo pang lumiit tingnan. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang buhok niyang mahaba na alon-alon na nakasabog sa kama. Idagdag pa ang kulay ng buhok niya na brown na kapag nasinagan ng araw ay parang tanso ang kulay. Mukha siyang isang diyosa.

''Yen kung alam mo lang kung gaano kita ka....'' Bigla siyang gumalaw at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

''Zach...'' medyo husky ang boses niya dahil bagong gising. Para bang inaakit niya ako.

''Good morning Yen.'' nakangiti kong bati sa kanya.

''Morning.'' bumangon siya at naupo patalikod sa akin.

''Kanina ka pa gising?'' tanong niya.

''Oo. Bakit nakatalikod ka?''

''Alangan namang magtanggal ako ng muta sa harap mo.'' bigla siyang humarap. ''Ibig sabihin pala kanina mo pa ako pinapanuod na matulog?''

''Siguro.'' pagkatapos kong sabihin 'yon ay binato niya ako ng unan. ''Ano ba?''

''Nakakainis ka.'' iyon lang ang sinabi niya sabay labas ng kwarto.

Naiwan akong nagtataka.

''Anong nangyri sa kanya?''

*************************

YEN'S POV

Abnormal talaga ang lalaki na 'yon. Tama bang panuorin ako habang natutulog? Maganda na sana ang gising ko dahil ang gwapo mukha niya ang nasilayan ko. Kaso ng malaman ko na kanina pa niya ako pinagmamasdan habang tulog ay nainis ako. Pero teka lang.....bakit nga ba ako naiinis dito? Matagal naman na kaminng magkaibigan at sanay na ako sa kanya. Madalas naman na ganon siya, dati pa.

''Ang aga-aga nakabusangot ka.'' puna ni Nanay Azon.

''Nay.'' galing sa kwarto ay dumiretso ako sa kusina. Doon na ako nagmumog. Hindi ako naghihilamos sa umaga at hindi ako nagsusuklay. Ipinupusod ko lang diretso ang buhok ko. ''Nasaan po si Tatay?'' tanong ko.

''Nagpapakain ng mga ibon sa labas.'' mahilig kasi si Tatay sa mga ibon, lalo na sa love birds at kalapati. ''Si Zach tulog pa ba?''

''Kanina pa ho gising.''

''Tawagin mo at mag-aalmusal na tayo. Pupuntahan ko lang ang tatay mo sa labas para sabay-sabay na tayong kumain.''

''Opo.'' maliit lang naman ang bahay na 'yon kaya maririnig lang ni Zach kapag sumigaw ako mula sa kusina. ''Zach, kain na.''

''Ang ingay mo naman.'' napakislot ako. Nasa likod ko na pala siya.

''Huwag mo nga akong gulatin.'' reklamo ko.

''Hindi kita ginulat.'' hindi ako sumagot naupo lang ako. ''Simba tayo.''

''Gusto mo pa lang magsimba dapat kanina mo pa ako ginising.''

Hindi 'yong pinagmamasdan mo pa akong matulog. Gusto ko sanang sabihin pero hindi na lang.

''Ayokong gisingin ka dahil alam kong pagod ka. Pwede pa tayong humabol sa third mass ngayong umaga.''

Pwede pa nga kaming humabol 7:30 am pa lang naman. Mag-uumpisa pa lang naman ang second mass 9:00 am pa ang simula ng third mass.

''Magsi-simba ba kayo?'' biglang sumulpot si Tatay sa kusina.

''Opo.'' mabilis na sagot ni Zach.

Aba't ang loko, hindi pa nga ako pumapayag.

''Maligo muna kayo bago kumain. Hindi pa naman nakakapaghain eh. Hihintayin namin kayo.'' sabi ni Tatay.

''Mauna ka nang maligo Chey. Matagal kang maghanap ng damit na isusuot eh.'' sabi ni Nanay.

Pahamak talaga 'to si Zach. Hanggat maaari pa naman ay ayaw kong makasama siya na kami lang dalawa kaya nga nagmamadali akong umuwi ng Bulacan. Naguguluhan na kasi ako sa nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

''Pasensya na Zach isa lang ang banyo.'' turan ni Tatay.

''Okay lang po, Tay.''

''Kumilos ka na Chey para makapag-almusal na tayo at makaalis na kayo.'' utos ni Nanay Azon.

Bago ako kumilos ay inirapan ko si Zach. Ngumiti lang siya sa akin na tila ba inaasar ako kaya lalo lang akong nainis.

*******************************

''Peace be with you.'' sabi ni Zach sabay halik sa noo ko. Iba na naman ang naramdaman ko kagaya kagabi nang mag-goodnight siya sa akin.

''Galit ka pa ba sa akin?'' tanong niya. Hindi ko kasi siya kinikibo simula pa kanina. Wala. Trip ko lang. ''No.''

Ngumiti siya.

''Mabuti naman.''

''Huwag mo na kasi ulit gawin 'yon.''

Ang tinutukoy ko ay ang pagtitig niya sa akin habang natutulog ako.

''Ang alin?'' kunot-noong tanong niya.

Hindi ko na siya nasagot dahil nagsalita na ulit ang pari. Hindi na rin naman siya nagtanong ulit. *************************

ZACH'S POV

Ano kayang sinasabi niya na huwag na ko nang ulitin? Nawi-wirdohan na ako sa babaeng katabi ko ngayon. Para kasing may nag-iba sa kanya. Hindi siya masyadong madaldal. Parang iniiwasan niya ako o guni-guni ko lang 'yon?

''Punta tayo sa wishing well.'' aya ni Yen sa akin na ipinagtaka ko.

Tinataasan lang niya lang ako noon ng kilay kapag nag-aaya akong pumunta sa wishing well.

''Himala at narinig ko 'yan mula sa iyo. Sigurado ka ba?''

''Sigurado ako.'' hinila niya ako papunta doon. Katatapos lang kasi ng misa kaya kasalukuyan kaming gumagala sa paligid.

''May barya ka ba?'' tanong niya pagdating namin sa wishing well.

Napailing ako.

''Ang lakas ng loob mo na mag-aya dito wala ka naman palang barya.''

''Bibigyan mo ba ako o hindi?'' iritadong tanong niya.

Kung ibang babae pa siguro ang kaharap ko ngayon ay baka napatulan ko na. Daig pa kasi niya ang buntis sa tindi ng mood swings. Binigyan ko na lang siya ng barya para wala nang away.

''Thanks.'' nakangiti niyang turan.

Kahit na siguro sungitan siya nito habang buhay okay lang basta makita kong ngumiti siya. Pagkatanggap niya sa barya ay agad siyang pumikit. Napakaganda niyang tingnan habang nakapikit at nililipad ng hangin ang buhok niya. But she doesn't know how beautiful she is. She doesn't know that many guys wanted her. I'm so d*mn lucky to be one of her friend.

''I'm done. Ikaw?'' Umiling ako bilang sagot.

''Why?'' kunot-noong tanong niya.

''Hindi ba natutupad 'yong wish mo kaya tumigil ka na sa pagwi-wish?''

''Hindi ko sinabing tumigil na ako. Pinauna lang kita.''

Pumikit ako at nagwish pagkatapos ay hinagis ko ang mga barya.

''Anong bang wish mo?'' tanong niya sa akin.

''Secret lang 'yon.''

''Ang daya mo talaga. Ang tagal mo na kayang nagwi-wish sa balon na 'yan pero wala ka namang nababanggit sa akin na gusto mong mangyari o kaya may natupad na sa wish mo.''

Naglakad na kami palayo sa wishing well.

''Secret nga eh.''

''Meron bang natupad sa mga wish mo?'' pangungulit niya. Bumalik na ang kadaldalan niya.

''Isa lang ang wish ko at natupad na 'yon pero gusto ko pa ring hilingin palagi kahit na ibinigay na Niya sa akin.''

''Napaka-importanye siguro nun sayo.'' Tumango lang ako.''How about you?''

''How about me?'' balik-tanong niya.

''Bakit ka nag-wish? Tinataasan mo nga lang ako ng kilay kapag ginagawa ko 'yon dati.''

Tumigil siya sa paglalakad.

''Yumuko ka nga.''

''Why?'' takang tanong ko.

''Basta yuko ka lang. Ang tangkad mo kasi hindi kita ma-reach.''

Kahit nagtataka ako ay ginawa ko na lang ang sinabi niya. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong halikan sa pisnge sabay yakap sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'yon sa akin. Ganyan talaga siya kapag naglalambing.

''Do you have a problem?'' Umiling-iling siya.

''Payakap lang.'' Niyakap ko na lang din siya. Wala akong pakialam kung maraming nakatingin sa amin. Wala naman kaming ginagawang masama.

*************************


Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 255 57
Nagka-crush ka na ba? Nagmahal ka na ba? Naging sigurado ka na ba sa nararamdaman mo sa isang tao? Pano mo ba masasabing sigurado ka? Kung nagugul...
45.5K 1.5K 21
Read this, baka may maitutulong ako sa pagsulat ng story niyo. :) PS. Completed na po 'to, kaya pwede na basahin ng walang hinihintay na matagal na u...
297 1 36
Hey guys! Well this is my first time na gumawa ng story. Kaya pasensya na kung medyo hindi pa gaano kahaba nung bawat chapter and nangangapa pa talag...
134 17 5
Posible nga bang mainlove ka sa kachat o katext mo? Well read this story pero bago ninyo basahin ito, basahin niyo po muna ang book 1 para masaya ^_^...
Wattpad App - Unlock exclusive features