My Naughty Boastful Boss (Fre...

By Ice_Freeze

9.1M 193K 18.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical... More

READER'S GUIDE
Freezell #2: My Naughty Boastful Boss
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
EPILOGUE
MNBB UNDER PSICOM

Thirty-four

150K 3.4K 324
By Ice_Freeze

AVREIN

"AVREIN!"

Kasunod ng pagtawag sa pangalan ko ay siya namang pagdapo ng isang malakas na sampal sa pisngi ko. "Come back to your senses! Hindi natin kailangan sa ngayon iyang pag-iyak mo! We need to think kung nasaan nila dinala ang anak mo!" sigaw ni Fria sa akin ngunit nanatili lamang akong tahimik.

Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.

"Hindi n'yo ako naiintindihan," bulong ko. "HINDI N'YO NAKUKUHA NA NGAYON KO LANG ULIT NAKASAMA AANG ANAK KO PERO BIGLA NA NAMAN SIYANG INAGAW SA AKIN! ANO BANG NAGAWA KONG MALI?"

I never imagined that I could cry like this.

I felt the arms that wrapped around me. "I'll do everything to save our son, I promise."

"Hindi ko kayang mawala muli sa akin ang anak ko. Ikakamatay ko."

"I know. You just have to trust me,."

Naputol ang eksena namin nang humahangos na pumasok si Kuya Claw. "I'm sorry. Natraffic ako sa paghahatid kina Ayler at Ayce sa Isla Cassandra," anito at tumabi kay Ate Aiyie.

Narito kami ngayon sa opisina. Ako, si Vience, Aeickel, Fria, Daddy Vic, Lola Cass, Daddy, Mommy, Kuya Claw, Ate Aiyell, Vance, at Luis.

"Pinak mabuti nating gawin ay hintayin ang tawag nila. That way ay mata-track natin kung saan manggagaling ang tawag," dinig kong wika ni Ate Aiyell.

"That's right," ani Luis at masamang tingin ni Vance ang sumalubong sa kaniya. "I wouldn't be here if I knew to myself that I'm guilty."

"What if you're just pretending para malaman mo ang susunod naming hakbang? At sino ba kasi ang nagpatuloy sa 'yo ito, ha!?"

"I did." Napatingin kaming lahat kay Aeickel nang magsalita siya.

"And to clear myself, I won't do such kind of thing. I'm not a retard! I knew how to forgive and forget. Revenge isn't in my vocabulary. Revenge is just for the immature ones! Want to know why am I here? I just want to know if Eirin is still alive! If she still exists because some fucking human involved her innocent name in this goddamn situation!" galit na anas ni Luis, saka pa siya napahilamos sa mukha niya.

"Enough." isang maotoridad na tinig ang nagpatahimik sa aming lahat. "Now plan." That was Lola Cassy.

Hindi ko alam pero tila may nagtutulak sa akin na ilayo pansamantala si Aeickel at kausapin ukol sa pagparito ni Luis.

Ginawa ko ang sa palagay ko ay tama. I dragged Aeickel out of the scene. Nakita man nila ay hindi na nila pinansin. Siguro alam din nila na kailangan naming mag-usap na dalawa. Narito kami ngayon sa veranda ng opisina ni Vience.

"Why did you bring him here?"

"Luis isn't the master mind and he is not even involved here. All he knew was about Denelle's lies, and Denley's plans of making you and Vience separated. That's all he knew. He's also clueless about Eirin's existence."

"You got him investigated, aren't you?" she nodded.

"Are we done? 'Cause I need to go back in there to check if their plans are according to my own plan."

"You have your own?"

"Of course."

Bumalik na kami sa inuupuan namin kanina at nadatnan namin na tila patapos na silang magplano sa magaganap.

Isang tunog ng telepono ang pumukaw ng Atensyon naming lahat—it was my phone.

Unknown Number Calling...

Ito ang number na madalas magtext sa akin.

Agad ko itong sinagot. Sinenyasan naman ako ni Vience na i-loudspeaker ko.

"Hi there!"

"H–hello." utal na tugon ko.

"Bakit kailangang naka-loud speaker?" anito, saka pa nito sinundan ng nakakalokong tawa.

Kapwa kami nagulat sinabi nito. "N–nakikita mo kami?" Fria asked.

"May inilagay akong cctv diyan sa opisina ng gagong 'yan kaya't nakikita ko ang bawat galaw niyo at naririnig ang lahat ng sinabi at napag-usapan niyo."

"Shit!" I heard Vience cursed.

"Don't cuss, Montealegre. You might scare your own child."

"DADDY! MOMMA!"

"Axel!" Hindi ko napigilang matuliro matapos kong marinig ang tinig ng anak ko.

"I'm giving you until eight in the evening para mahanap kung nasaan kami. If you don't find us, this child will surely die."

"NO! PLEASE! I'M BEGGING YOU!"

"Na track mo ba, Aei?" tanong ni Vience.

"Yeah I did," tugon nito pero parang may iba kay Aeickel. Masama ang tingin niya pero hindi ko matukoy kung kanino.

"Saan?"

"Sa lumang lote malapit sa LY'ARÉ bar."

Lahat kami ay napatingin kay Vance dahil miski siya ay nagulat sa sinabi ni Aeickel. Pagmamay-ari niya ang bar na iyon. "GOSH! HUWAG NINYO AKONG TIGNAN NG GANIYAN! Hindi ako traydor!"

Tumingin ako kay Aeickel and I saw her smirked. I didn't know what that was for.

     

NAKASAKAY kami ngayon ng van at patungo na kami sa bakanteng lote na sinabi ni Aeickel. All this time ay si Aei lamang ang katabi ko. Hindi ko alam pero sa kaniya lang talaga ako nagtitiwala nang lubos sa mga oras na 'to. Maybe because it was always Aeickel who I was with and she never betrayed me?

Kapwa walang nagsasalita sa amin. Lahat kami ay tahimik lang sa loob ng van nang huminto ito. Ako, si Viece, Vance, Kuya Claw, Fria, Luis at Aeickel ang magkakasama. Ang mga naiwan ay naka-abang lang sa opisina ni Vience.

Nang makababa kami ay sabay-sabay kaming pumasok sa bakanteng lote. Wala namang kaduda-duda rito not until we passed through the big gate.

Bumungad sa akin ang anak ko na nakatali sa isang silya, may piring at may busal sa bibig gayundin ang katabi niyang isang babae. Ang pinagtatakhan ko lang ay tila may isa pang anino na nakaupo sa likod ni Axel. Sino 'yon?

"Anak. . . ."

"EIRIN!" Buhay siya!

Pagkasabi ni Luis niyon ay tinakbo niya ang pagitan nila ng babaeng nakatali ngunit isang malakas na putok ang pumailanlang kaya't napahinto si Luis.

"Diyan lang kayo. Wala pa akong sinasabing lumapit kayo," wika ng isang tinig sa madilim na parte ng lote.

"WHO ARE YOU? SHOW YOURSELF!" sigaw ni Vience.

"DAMN IT! SHOW US YOURSELF!" sigaw naman ni Luis.

At biglang may suminding ilaw sa kaliwang parte kung saan nakatali si Axel at lumabas doon ang hindi ko inaasahang tao.

"N–Nina?" gulat na anas ko.

"A–ate Nina?" ani Luis na hindi rin makapaniwala.

"Silvestre."

"You know her!?" tanong ni Vance.

"She's our officemate na sinesante ni Sir Vience dahil sa ginawa nilang pagkulong kay Avrein sa basement noong time na bumabagyo," sagot ni Fria.

"She is Eirin's elder sister," tugon naman ni Luis na ikinabigla naming lahat.

"H–how? Eirin is an only child!" ani Vience.

"Dahil pinaampon nila ako! Dahil anak ako ni Mama sa pagkadalaga! Dahil hindi ko ama ang ama ni Eirin! Nakuha n'yo?" galit at iritadong wika nito.

"P–pero bakit mo ginagawa 'to, Nina?" tanong ko.

Ngumisi siya sa akin na animo nanghahamak. "Ayaw kong maging masaya si Vience samantalang kami ng kapatid ko ay miserable!"

"There's a deeper shit about it, right?" malamig na saad ni Aeickel na ikinatawa ni Nina.

"I want to kill Vience and his happiness! Ganoon na lang ba 'yon? Pagkatapos niyang pagsawaan ang katawan ko ay itatapon niya na lang ako na parang isang basahan? I don't forgive nor forget."

"I never had sex with you!" sigaw ni Vience rito.

"Of course you didn't have sex with Nina. But you ruined Eiranina Silvestre Buenafrancia's body. Does the name ring a bell?"

"Eira. . . ." halos bulong lang na ani Vience pero sapat na upang maintindihan ko na may naaalala nga siya.

"I was your bed partner! I was the first but you chose Eirin over me just like what our mother did to me!"

"Ikaw ang lumayo sa akin. You were the one who hid."

"Sino ba naman ang magpapakita pa pagkatapos ng ginawa mo? I even changed my face to fool you. Pumasok ako sa kompanya mo para patayin ka. Ang dami ko pang kinuntiyaba para lang mapatay ka nang walang makakaalam—si Audrey, Delia at Ryan. Pero sa tuwina na lang na magkaka-chance ako na patayin ka ay susulpot 'yang si Avrein! To the point na napaalis pa ako sa kumpanya dahil sa kaniya!"

"Go straight to the point, what do you want?" I asked.

"I want Vience Kent Montealegre dead!" aniya at itinutok ang baril niya kay Vience.

"Si Kuya Vience lang pala." Nagulat ako nang magsalita si Aeickel. "So pwede na kaming umalis? Not unless, gusto mo na rin itutok sa amin ang baril na kanina mo pa hawak, Kuya Claw?"

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Aeickel at napatingin kay Kuya Claw. He was now pointing his gun towards us.

"K–Kuya Claw?" utal na saad ko.

Hindi siya sumagot, sa halip ay nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

"At first, nagdududa pa ako kung tama nga ba ang hinala ko, but then napatunayan ko nang marinig ko ang isang tinig over the phone. It was your son—Ayce, right, Kuya Claw? I assumed na kaninang humahangos kang dumating sa opisina ni Vience ay doon nila kinuha si Ayce at b-in-lackmail ka. Sa palagay ko rin, ikaw ang nagsabi sa kanila na sa bakanteng lote na 'to dalhin ang mga bihag nila."

Nakarinig kami ng palakpak at tawa na nakakaloko. "Grabe ang talino mo naman, Aeickel," ani Nina.

"And I also knew na nasa likod mo lang si Ayce at nakatali rin pero wala siyang busal sa bibig dahil alam mong hindi niya ipapahamak ang Daddy niya dahil matalino siyang bata. I'm so sorry to say na matalino nga talaga siya, dahil kaninang pinakausap mo si Axel kay Ate Avrein, I overheard his voice. It sounded just an echo but it wasn't. Imposibleng magkaroon ng echo ang isang open space na lugar. It was his voice telling us to save them."

"Patayin n'yo silang lahat!" galit na sigaw ni Nina.

Napahawak ako sa braso ni Vience nang may lumitaw na apat na lalaking may dalang baril at maging sina Delia, Ryan at Audrey na may baril din.

"B–bago n'yo kami patayin, s–sino ang totoong bumangga sa akin?"

"I–It was me, Avrein. Someone texted me at that time that I'll saw Eirin if I engage you in a car accident," pag-amin ni Luis na ikinabigla ko. "I–I was too hopeless and desperate, I'm sorry."

"Tama na ang drama!" tila demonyong wika ni Nina. "O baka gusto n'yo munang makakuwentuhan ang kapatid kong gaga bago kayo mamatay?" anito, saka inalis ang pagkakapiring at busal ni Eirin.

"Ei. . . ." bulong na sabi ni Luis. Bakas na bakas sa kaniya ang pangungulila.

Ngumiti muna ito nang matamis sa amin bago nagsalita. "I missed you, Luis and Vience," nanghihinang wika nito. "H–hi, Avrein, your son is such a bibo kid. He told me a lot of story about you kahit daw recently lang kayo nagkita."

"Eirin, don't talk kung hindi mo na kaya." nanginginig na sabi ko. May kaniya-kaniya kasing baril na nakatutok sa amin. Ang baril ni Kuya Claw ay nasa ulo ni Aeickel.

"Ilang beses kong ipinupuslit ang telepono ni Ate Nina para balaan ka na layuan mo na muna si Vience dahil balak siyang patayin ni Ate but you never got my real message to you hanggang sa nahuli niya ako at kinulong. Everytime I tried making you aware, Ate Nina always interfere—" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.

"Such a disobedient sister, Eirin."

"A–Ate Nina, stop this! W–wala kang makukuha rito!"

Habang nag-uusap ang magkapatid ay nagkatinginan kami ni Aeickel dahil sigurado akong hindi lang ako ang nakapansin n'on. Tumango siya sa akin bilang tanda na alam niya ang tinutukoy ko.

In an instant, sabay-sabay nagtumbahan ang apat na lalaking nakaumang ang baril sa amin.

Iyon ang napansin namin ni Aei—there were snipers around us. Sa palagay ko, si Lola Cass ang nagpadala sa kanila since they were wearing a black suit with a logo of Phyrric Organization. Pinapadala lang sila ni Lola kapag alam niyang tagilid ang laban namin. They were rarely seen because Lola don't usually call for their service.

Natira na lamang sina Audrey, Delia at Ryan na kapwa nanginginig ang kamay dahil sa nakitang pagbagsak ng mga kasama.

"A–ayoko na!" ani Delia, saka itinapon ang baril niya na sinundan na rin nina Ryan at Audrey. Sabay-sabay silang tumakbo palabas ng lote.

"You're done," wika ni Fria kay Delia na ngayon ay tila natataranta.

"NO!" aniya at iniumang kay Axel ang baril na hawak niya.

Axel . . .!

"Iputok mo, pasasabugin ko rin ang ulo mo!" sigaw ni Kuya Claw na ngayon ay sa kaniya na nakaumang ang hawak nitong baril.

May hinatak bigla si Nina at nakita namin si Ayce na malamig ang tingin sa amin. "Why don't you just shot my head to end this drama?" malamig na tugon nito na animo walang baril na nakatutok sa ulo niya.

Nang ipuputok na ni Nina ang baril ay bigla na lamang niyang iniba ang direksyon nito patungo kay Kuya Claw. Ngunit bago pa man tuluyang umabot kay Kuya Claw ng bala ay hinarang ito ni Ayce na ikinagimbal naming lahat.

"AYCE!" sigaw ni Kuya Claw at dinaluhan ang anak na naliligo sa sarili nitong dugo.

Lahat kami ay natuod sa nangyari ngunit si Nina ay muling nagpaputok ng baril sa gawi ni Axel na lalong ikinaguho ng mundo ko.

"AXEL!" Tumakbo na ako ngunit may tumulak sa akin na dahilan ng pagtaob ko sa lupa.

Dalawa ang narinig kong putok na baril at sa dalawang putok na 'yon sabay bumagsak sa lupa sina . . . Nina at Vience.

"NO!"

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Continue Reading

You'll Also Like

349 96 72
❝ kelan kaya ulit darating yung panahon na ikaw ang maghahabol sa akin? ❞ ━ in which a girl wishes to be chased again by her ex. 「 bam...
971K 14.9K 75
mahal na mahal ni autumn ang kanyang kuya. para sa kanya, siya ang the best kuya in the whole world. at para naman sa bestfriend niya, ang kuya niya...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
349 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...