TNPR Book 2: Love will lead u...

By Mjlovesberry13

217K 4.7K 472

What will you do if both of you will see each other again? Aminadong hindi ka kinalimutan ng taong minsan ka... More

TNPR Book 2: Love will lead us Back
Chapter 1. [She's back]
Chapter 2.[The feelings]
Chapter 3.[Reunited?]
Chapter 3.1 [Drunk]
Chapter 4.[The Decision:Gonna win her back]
Chapter 5.[The Call: Date me or i'll blackmail you]
Chapter 6.[The Date]
Chapter 7.[Unwanted]
Chapter 8.[Terrence]
chapter 9.[Him or Him?]
Chapter 10.[Burst out]
Chapter 11.[flashbacks]
Chapter 12. [He still loves me]
Chapter 13.[kidnapping]
Chapter 14.[Confessions]
Chapter 15.[Day1/Explaination]
Chapter 16.[In the right time]
Chapter 17.[Third day]
Chapter 18.[The wish]
Chapter 19.[Complicated]
Chapter 20.[Sparks]
Chapter 20.1 [A day with kian]

Chapter 21 [Not giving up]

7.1K 172 112
By Mjlovesberry13


Sa totoo lang hindi ko na maiiwasan ang kiligin ng totoo sa mga sinasabi ni kian sakin. I can feel na sincere siya sakin. Ipinapakita niyang hindi na siya si kian migs monticillo noon at ibang kian na ang nakikita ko ngayon. He changed a lot at ngayon ko lang narealize na lahat ng pinapakita niya sa akin ay walang halong biro. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko kaya't napapikit ako at hindi ko mapigilan mapangiti.

Kumalas na rin si kian sa pagkakayakap sakin.

"So you're saying I got the second chance from you right?" nakangiting tanong ni kian sakin.

Natatawang umiling ako. Bigla naman nawala iyong ngiti ni kian at pinalitan ng matinding pagtataka.

"W-hat?" Look at his face! He's so cute when he's nervous! Ha ha ha

Pinipigilan kong matawa pero alam kong nahahalata niya naman.

"At ngayon pinagtatawanan mo ako." na ikinakunot ng noo nito. Bakas sa mukha nito ang nagtatampo.

"ha ha ha toh naman! I'm just kidding,okay? Okay you win kian. You beat me." I said smiling at him.

Iyong kaninang itsura niya nagtatampo ay bumalik na sa pa ngiti ngiti nito.

"R-eally? Oh.." tila gulat nitong sabi at ewan ko ba at niyakap niya nanaman ako tapos humiwalay rin agad. Hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat." Y-ou don't know how happy I am Pam."

"J-ust don't do it anymore kian.. Don't waste the chance I'm giving you."

"I will Pam. I will. Now this girl standing in front of me is giving me another chance...My efforts, strength and courage were all worth it because of you. Hindi ako naghinayang sa pagsuyo sayo and that's because I mean that I love you damn much." Ngiting ngiti na sabi ni kian.

"At alam ko naman na muli kang bibigay sa isang kian migs monticillo." Dagdag nitong sabi at talagang kinindatan pa ako.

Pinalo ko naman siya sa braso. Napahalakhak naman ito at hinuli ang kamay ko.

"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Mayabang ka pa rin!" I said while rolling my eyes.

Pinagpatuloy namin ni kian ang aming date. Which is ako nagyaya kaya kahit saan kami nagpupumunta. We both enjoy the day. After we watched the sunset,Nagyaya na rin ako para umuwi na. Naihatid naman ako ni kian ng maayos sa bahay. I waved at him sa papalayong sasakyan ni kian at pumasok na ako sa loob. Dumiretso na rin ako sa kwarto at nagbihis. Agad rin akong sumampa sa malambot kong kama at niyakap ang isa kong unan. Hindi ko pa rin mapigilan mapangiti sa nangyari ngayong araw. So ganito pala ang pakiramdam pag okay na kayo at wala na iyong galit na nararamdaman mo sa puso mo. The guy I hated the most.. Now this guy is the reason why I am smiling again.

Sa kakaisip sa buong araw na magkasama kami ni kian ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

--

Morning came...

Maaga akong gumising at kakauwi ko lang sa bahay dahil nag jogging ako. Winarm up ko lang ang katawan ko. Kelan ba ang huling nag jogging ako? Hindi ko na rin matandaan.

Kasalukuyan ako nasa kwarto at naglalaro ng Dota sa laptop ko. Sa katunayan, Hindi ko alam paano laruin ito pero unti unti ko rin naman natutunan. Busy ako sa pakikibakbakan sa mga allies ng kalaban ko ng may biglang kumatok sa pinto ko.

Paniguradong si melay nanaman ang kumakatok.

"Pasok." Pasigaw kong sabi. And before I knew, Si Melay nga.

"Goodmorning ma'am. May bisita po kayo sa baba."

Binalingan ko naman siya ng tingin at pinause muna tong nilalaro ko.

"Sino?"nagtataka kong tanong sakanya.

"Si Ma'am Cassy po."

Napataas naman ang kilay ko. Ang aga aga naman ata bumalabog itong babaeng toh? Gees. Pakiramdam ko may ichichismis toh oh di kaya may dalang balita.

"Pakisabi saglit lang at papatayin ko muna tong mga kalaban ko. Give her something to eat Melay.Thankyou." At muli kong itinuon ang atensiyon ko sa nilalaro.

Kinse minutos lang rin naman ang itinagal ng laro dahil talaga naman magagaling ang kasama ko at hindi ako makapaniwala na nanalo pa kami.

Iniligpit ko muna ang laptop ko at saka nakapagdesiyonan na puntahan na si Cassy.

Pababa na ako ng hagdan na madatnan kong kumakain ng sandwich si cassy.Napatingin rin naman ito agad sa gawi ko.

"ang tagal mo ah!" nakasimangot nitong sabi.

"hehe sorry naman!"naglakad naman ako papalapit sakanya at nakipag beso sakanya. Umupo na rin ako sa tapat nito.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa Pam..I want to tell you something really important." She giggles at halata naman sa mukha nitong ang excitement.

"oh ano iyon?" naexcite na rin ako sasabihin niya. She raised her hand in front of me na talagang ikinagulat ko. She has a ring on his finger.

Napatutop naman ako sa bibig ko.

"Oh my gee!" tili ko. Cassy is so happy at sobrang saya ko rin sa kaibigan ko. Agad akong tumayo at ganun din naman siya kaya agad ko niyakap si cassy. Para nga kaming mga bata nagtitilian.

"kelan lang?" Masaya kong tanong kay cassy.

"Yesterday." She giggle. " ang totoo niyan,nagkaroon rin kami ng tampuhan dahil akala ko nambabae na siya. Naging cold kasi si Owy sakin at madalang nalang kami nagkikita tapos sobrang busy pa niya sa office. I confronted him at inaway ko siya...Hindi ko alam na may nag aantay palang sopresa sakin nun.iyon pala ang pinagkakaabalahan niya from the past 2 weeks. He's sweet proposal. You know I can't say no to him. I really love Owy so much."

"Owy is a perfect catch. Bagay kayo at Mahal na mahal ka ni Owy. Ramdam ko naman iyon noon pa. I'm glad mauuwi na rin sa kasalan ang lahat." Nakangiti kong sabi sakanya. "So kelan ang kasal?" excited kong sabi.

"2 months from now.Nagmamadali ang isa eh. Ayaw na talaga akong pakawalan! Ha ha ha"

"At wag mo na rin hayaan makawala pa si Owy sayo.Mahirap na ang gwapo pa naman ng fiance mo."

"Gusto mo ba mapanood iyong video kahapon?It's here in my Ipad! Ang bilis maka edit ng videographer eh!" excited akong tumango at inilabas ni Cassy ang kanyang Ipad. Sabay namin pinanood ang video hanggang sa umabot na lumuhod si Owy na Umiiyak at nag propose kay Cassy. Ang Swerte talaga ni cassy kay Owy. They really love each other.

"Oh natahimik ka na.May problema ba pam?" nagulat naman ako na magsalita si Cassy. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

Umiling ako. "Wala naman."

"kamusta na nga pala kayo ni Kian?" nakangising tanong ni cassy sakin.

Nagkibit balikat lang ako at napasandal sa upuan.

"Okay naman kami." Tipid kong sagot.

Napanguso naman si Cassy at parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"eh bat ka ganyan makangiti? Binanggit ko nga lang ang pangalan ni Kian. Ang lawak na ng ngiti mo." Panunukso ni cassy sakin. Napatigil naman ako at napahawak sa mga pisngi ko.

"Err.. I don't know.. it's just that...Binigyan ko na ng second chance si kian."

This time si cassy naman ay iyong hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"totoo?!"gulat nitong sabi.Natatawang tumango naman ako. "Hindi lang ako makapaniwala kasi diba... alam ko naman ang sitwasyon niyong dalawa. Grabe talaga si kian, Pinaglaban niya talaga ang nararamdaman niya para sayo."

"Narealize ko naman kasi na totoo lahat ang pinapakita niya cass at sa tingin ko naman there's no harm in giving him the second chance that he always beg for."

"Mahal mo na ulit noh?" nakangising tanong ni cassy sakin at talagang sinundot niya pa ako sa tagiliran.

Napangiti lang ako.

"S-iguro?Ewan ko ba cass. There's a part of me na sinasabing Oo mahal ko na ulit si Kian at meron ring natatakot pa ako mahulog sakanya at baka di ko siya masalo." Nalulungkot kong sabi. Tinapik naman ni cassy ang balikat ko.

"Girl, hayaan mo muli makapasok si kian diyan sa puso mo." Turo nito sa dibdib ko. "Wag niyo na nga pahirapan ang mga sarili niyo."

"Alam mo bang na may sakit si tito carlos?"

Namilog naman ang mga mata ni cassy."He's s-ick?" hindi makapaniwalang sabi nito. "P-aano nangyari?"ikinuwento ko naman ang nangyari ng mga panahon na iyon pero siyempre maingat kong hindi masabi na ipana kidnap ako ni Kian ng mga panahon na iyon. Mahirap na baka masugod ni cassy si kian sa kabaliwan nitong ipa kidnap nga ako.

"After that...Tito wants me to do a big favor to him.Hindi lang ako, kasali rin si kian."

"At ano naman ang hinihiling ng daddy ni kian?"

"He wants us to get...married."

"WHAT?!"

"I'm serious cass and I'm so scared at baka..." napahinto ako sa pagsasalita ng biglang hinawakan ni cassy ang kamay ko at iginaya ito sa dibdib ko.

"Pakiramdamin mo ang puso mo Pam.. Close your eyes at damhin mo kung anong isinisigaw ng puso mo. Minsan naman kasi hindi puro utak ang gamitin natin.Paminsan dapat si Puso rin."nakangiting advice sakin ni cassy. How can I live without cassy? Kung wala siya hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

"Susundin ko ang payo mo cass.Salamat!" sabi ko at niyakap si cassy.

"Balitaan mo nalang ako sa inyo ni kian. I know kian very well Pam. He'll fight for you no matter what happen. Mahal ka ni kian at sana wag mo na pagdudahan ang pagmamahal na binibigay niya sayo. " then cassy winks at me. Hindi rin nagtagal at umuwi na si cassy dahil doon kakain si Owy sa bahay nila. Inimbitahan naman ako ni cassy pero tumanggi ako at sinabing sa ibang araw nalang. Mas gusto ko kasi sa bahay nalang muna at mag relax.

Paakyat na sana ako sa kwarto na marinig ko ang boses ni Melay na todo sigaw kaya lumabas ako sa bahay.

"MA'AM PAM! MA'AM!JUSKO PO!" sapo ni melay ang tuhod nito at halata nga naman na hinihingal ito.

"A-nong nangyayari? Bat ka tumatakbo?"nag aalalang tanong ko sakanya.

"EH KASI MA'AM...Ay ayan po!" pagtitili nito. Nakita ko naman na kinakausap ng gwardiya iyong sampung delivery boy at may hawak hawak itong mga iba't ibang bulaklak. Iyong iba naka bouquet, iyong iba naman naka basket.

Napakunot-noo akong bumaling ng tingin kay melay. Nakuha naman nitong ang ibig kong sabihin kaya nagsalita na ito.

"Delivery po iyan ma'am pam para sa inyo..kung tatanungin niyo po sakin kung saan galing ay hindi ko alam.Naexcite po kasi ako kaya agad ako tumakbo para hanapin kayo." Natutuwang sabi nito.

Kanino naman galing ang mga ito?

Ilang sandali naman nakalapit na iyong mga delivery boy at sa tingin ko talaga ang mamahal nito.Feeling ko tuloy masyado akong importante sa buhay ng taong nagpadala nito sakin.

"Magandang araw ho po sa inyo ma'am. Kayo po ba si Ms. Pam Chua?" tanong nito sakin. Tumango naman ako.

"Ako nga iyon. Is this all for me?" nakangiting tumango naman iyong delivery boy at inabotan ako nito na dapat kong pirmahan.

"Special delivery po iyan ma'am. Napag-utusan lang kami. Pasensya na po sa abala at tutuloy na po kami."

"S-alamat." Pigil hininga kong tinanaw at hinawakan ang mga nag gagandang bulaklak sa harapan ko. Agad ko naman inisa-isa ang mga bulaklak at nagbabakasaling may letter. Nakalimutan ko kasing itanong kong sino ang nagpadala. Hindi naman ako nahirapan at na agaw pansin ko ang isang pink na papel. Agad kong kinuha iyon at binasa.

To the most beautiful woman I've met.

Truly yours,

Your Kian

Napangiti ako at alam ko ng mga sandaling ito sobrang pula na ng mukha ko. Aysh! Si kian naman kasi eh! Ibang klase magpa kilig! Talagang pang one time eh! Napatingin ako sa mga bulaklak. Ang gaganda talaga! Huhuhu

"Ayeee si ma'am kinikilig! Galing ho ito kay Sir kian noh?" kinikilig nitong tanong at talagang pinagdiskitahan niya ang mga bulaklak ko dahil isa isa niya itong pinag aamoy. Napailing nalang ako.

"Yes kay kian nga galing to." Nakangiti kong sabi at kinuha ko naman iyong isang bouquet na naka agaw pansin sakin. "Patulong naman paki akyat ng mga bulaklak sa kwarto ko melay. Humingi ka nalang ng tulong sa mga katulong. "Sinunod naman ni Melay ang utos ko at gumayak na ako sa kwarto. Ipinasok na rin nila ang mga bulaklak ko sa loob.

"Ako na bahala mag ayos nito Melay. Salamat." Nakangiting nag thumbs up lang ito sakin at lumabas na ito sa kwarto ko. Habang nag aayos ako sa mga bulaklak na ipinadala ni kian ay narinig kong tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman agad iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Napangiti ako at napakagat sa lower lip ko.

kian... *bulong ng puso ko*

"H-ello?kian.."

"Hi gorgeous." Kian naman eh! DUG DUG DUG

"Ahmm.. b-at ka napatawag?Aren't you busy?" tanong ko sakanya. Sa sobrang kaba at mukhang sasabog na ang puso ko ay itong kuko ko nanaman ang kinagat ko.

"I just want to ask If nagustuhan mo ba ang pinadala ko?" He asks.Sa tono ng boses nito he's really making sure kung nagustuhan ko nga.

"Sobrang gaganda nito kian at talaga naman nagustuhan ko."

"t-alaga?" I know he's smiling right now. I chuckled.

"Walang halong biro." Natutuwa kong sabi. Eekk! Naman kasi eh!

"Look outside your window."

"huh? B-akit?"

"Just follow what I've said."

Naglakad naman ako papunta sa may bintana ko. Ang likod kasi ng bahay namin ay matatanaw mo na agad iyong daan. Sa tingin ko may pakulo nanaman tong si kian sakin.

Hindi nga ako nagkamali dahil may hawak hawak si kian na mga balloons sa kamay nito. Natawa nalang ako kasi ang dami tapos mukhang nahihirapan pa siya hawakan ito.

"K-ian..Anong meron? Hindi ko naman birthday eh." Naguguluhan kong sabi sakanya.

"Hindi nga." Nakita ko naman siyang ngumiti sakin.

"Watch this okay?Don't hang up your phone.I'm not yet done talking to you." at malagkit na tumingin si kian sakin.

"O-kay."
Nagulat nalang ako dahil isa isa nitong pinakawalan ni kian ang mga balloons.

"t-eka kian..Bat mo pinapaka----" napasinghap ako na makita kong may naka tiklop na puting tela at ng tuluyan na nga nakawala ang mga lobo sa kamay ni kian ay tumambad sakin ang nakasulat sa telang iyon.

I love you so much Pam <3

Wala talaga akong masabi ngayon...Sa mga sandaling ito, sobrang lakas ng tibok ng puso ko na pati puso ko gusto ng lumabas sa dibdib ko.

"W-hy are you doing all of this things kian? A-lam ko naman na busy kang tao diba?"

"I told you right that I'll do everything to win you back..I want you back again in my life at simula ngayon liligawan na kita. Even you can't stop me."

Napatanga naman ako sa sinabi ni kian but deep inside of me I know I won't stop kian from doing this.. Even his plan on courting me. Tumingin ako sa gawi niya then our eyes locked to each other.

---

After how many months. Na update ko na rin ulit toh! Plano ko na po talagang tapusin to dahil ang daming nag aabang sa update at madaming nangungulit sakin ng update! ha ha ha Sorry po at dahil hindi ko na naasikaso to. Salamat po sa nag tiyaga humintay ng update! T___T <3 Mahal ko kayo!

#Team KiPam

#KiPamForever

Sa gustong i follow ako or makakulitan sa facebook:

Facebook: Mjlovesberry WP

Instagram: marymagandalena

Twitter(Not active although nagreretweet ako tuwing nababanggit ang mga tungkol sa updates and comments niyo sa story) - Iammjllido13


Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...