A night... A child! (COMPLETE...

By ballpenniako

720K 9.2K 1.4K

Jacob is a rich young man, at the age of 24 he was considered to be a business tycoon. He was born with a gol... More

A night... A child!
Prologue
Chapter 1 *The night*
Chapter 2 *Brothers*
Chapter 3 *Kissing her*
Chapter 4 *Revelation*
Chapter 5 *Secret's out*
Chapter 6 *Responsibility*
Chapter 7 *Arrangement*
Chapter 8 *New home*
Chapter 9 *Penalty kiss*
Chapter 11*Crying heart*
Chapter 12.1 *The past *
Chapter 12.2
Chapter 13 *Transformation*
Chapter 14 *Start of something new*
Chapter 15 *New girl*
Chapter 16 *This must be love*
Chapter 17 *His Smile"
Chapter 18 *Officially Mine*
Chapter 19 *The way he look at her*
Chapter 20 *What's with Patricia?*
Chapter 21.1 *New Life*
Chapter 21.2
Chapter 22.1 *Amazing Night*
Chapter 22.2
Chapter 23 *Are you Trying to Seduce me?*
Chapter 24 *What the hell?*
Chapter 25 *The blind side*
Chapter 26 *He's so confusing*
Chapter 27 *My Sweet Jacob*
Chapter 28 *He. Is. Mine.*
Chapter 29 * Just Want To Be With Him*
Chapter 30 * Start of New Beginning *
Chapter 31 *The Day Everything Changed*
Chapter 32 *The Aftermath*
Chapter 33 *Stay With Me*
Chapter 34 *Wishful Thinking*
Chapter 35 *Back to the Start*
Chapter 36 *Challenge Accepted?*
Chapter 37 *Desperation*
Chapter 38 *State of Mind*
Chapter 39 *Memories*
Chapter 40 *Family*
Epilogue
Author's Thank You Note

Chapter 10 *Announcement*

20.9K 213 28
By ballpenniako

A/N Sorry, ayan lang ulit ang nakayanan ko hehehe God bless po lahat ang thank you so, so much!

Dedicated to you! Hehe thank you for appreciating this and thank you also for saying na para tong pang paper back hehe that's one of dream. Pero hanggang pangarap nalang talaga 'yon hehe God bless and super thank you! Enjoy!

[Liz’s POV]

Napapabuntong hininga nalang ako habang iniintay na matapos ang pag-aayos sa akin ng stylist na personal na kinuha ni Tita Lea, ang mommy ni Jacob para mag ayos sa akin. Napatingin ako sa relo ko sa braso.

5 hours

 

 

 Limang oras nalang at dadaluhan ko na ang anniversary party ng kompanya ng mga Kifler. Sa totoo lang ay hindi naman talaga kaso ng pagdalo ang inaalala ko kundi ang pag a-anunsiyo ni Tito Arnold ng pagiging fiancée namin ni Jacob. Nagpakawala  ako ng mahabang buntong hininga.

“Hey! What’s with the long face? ‘Wag kang mag alala at tiyak naman ako na ikaw ang magiging pinaka maganda sa kasiyahang dadaluhan n’yo. Tama lang na pag mukain kitang prinsesa dahil mukang prinsipe ang kapareha mo eh.” kiniklig na sabi ni Annie na stylist ko. Napangiwi ako dahil sa sinabi nito.

“Hala! Bakit ganyan ang reaksyon mo? Isang Jacob Kifler ang kapareha mo tapos mukang labag pa sa loob mo. Medyo masungit nga lang s’ya pero yummylicious naman.” sabi pa nito

Napataas ang isang kilay ko habang nakangiwi pa rin na nakatingin dito mula sa repleksyon nito sa malaking salamain na nasarapan ko. Hindi ko kasi nagustuhan ang katwiran nito. Naku! Kung alam lang nito  na mas masahol pa sa halimaw ang isang ‘yon!

“Bakit ba naman si Jem eh guwapo rin naman pero hindi gan’on ang ugali.” hindi ko napigilang ibulalas

“Kung sabagay. Pero kung ako ang tatanungin, mas may dating sa akin si Jacob. Alam mo ‘yon, mas nakaka-appeal kasi ang pagiging masungin n’ya at ‘yong pagkunot-kunot n’ya ng noo. Ang cute kaya!” mahinang tumili pa ito pagkatapos sabihin ‘yan. Naitirik ko nalang ang aking mga mata habang umiiling at hindi na sumagot pa.

Nakagaanan ko agad ng loob itong si Annie dahil halos kasing edad ko lang ito at sadyang madaldal. Nakakatuwa na wala itong ginawa kundi ang magkuwento ng magkuwento tungkol sa naging love life nito at ang ikinaiinis ko lang ay ang pagpupumilit nitong mas guwapo si Jacob kaysa kay Jem gayong kambal naman ang dalawa.

“Ano nga palang relasyon mo sa pamilya nila Jacob?” bigla ay tanong nito

Napaisip ako sandali kung sasabihin ko ba dito ang totoong kaugnayan ko sa mga Kifler o hindi. Ayoko namang ipangalandakan at wala talaga akong balak na ipangalandakan sa mga tao na may ugnayan kami ni Jacob. Walang kasiya-siya para ipagmalaki ko iyon.

“Hmm, kaibigan ko lang sila. Sekretarya rin ako ni Jeremy kaya kasama ako sa company anniversary party mamaya.” tuloy tuloy na sabi ko dito dahil nakita ko ang pagtataka nito at nawari ko na nagtataka ito kung bakit kasama akong dadalo ng mga ito sa party.

“Ah” maikling sabi nito

Ilang oras pa ang nakalipas at parang pagod na pagod ako kahit pa nakaupo lang naman ako. Nang sabihin nito na tatanggalin na nito ang mga kung ano-anong inilagay nito sa buhok ko ay pinatalikod ako nito sa salamin. Nang matanggal na nito ang mga kolorete sa ulo ko ay inutusan naman ako nito na isuot na ang gown na binili ni Tita Lea para sa akin. Naalala kong namangha ako ng una ko iyong masilayan. Elegante kasi ang tabas ng gown na iyon na para bang prinsesa nga ang magsu-suot. Pilit ko iyong tinanggihan ng ibigay iyon sa akin ng ginang pero sa huli ay wala akong nagawa dahil magtatampo raw ito kung tatanggihan ko ang damit.

It was a glittery baby blue princess gown. I imagine Cinderella from the fairy tale when I look at it. And now, I imagine myself turning to be one of the Disney princesses when I wear it. From being a duckling, I’ll be transforming into a beautiful swan.

Nang maisuot ko na ang gown ay ilang beses akong inikutan ni Annie. Nasa hitsura nito ang pagiging professional sa trabaho nito at mukang sinisigurado nito na maayos ang lahat dahil gaya ng mga pintor,  obra ang turing nga mga kagaya nito sa mga taong inaayusan ng mga ito.

Ilang sandali pa ang lumipas at nakita kong nangislap ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

“Wow, you look really amazing. Para kang prinsesa na lumabas mula sa libro. Grabe! Parang sadyang ginawa ang gown na ‘yan para sayo at talaga nga namang akmang akma sa maamo mong muka ang malamlam na kulay niyan. Hay! Sana kasing ganda mo rin ako. Kapag siguro nagyari ‘yon, tiyak na may panama na ako sa mga babaeng naghahabol sa kambal na Kifler.” ngiting ngiting sabi nito

“Hindi mo naman ako kailangang bolahin pa. Sasabihin ko pa rin naman na ikaw ang the best stylist kahit ano pa ang hitsura ko.” natatawang biro ko dito. Ito naman ay pabiro ring pinaikot lang ang mga mata saka ako iniikot paharap sa malaking salamin.

I gasp when I look at the woman in the mirror. She looks just like me but far from being simple as I used to look. Hindi ako makapaniwala sa nakikita kong repleksyon ko sa salamin. Para kasing imposible na ganoon ang hitsura ko, ni hindi ko nga naisip na babagay sa akin ang magandang gown na iyon pero tama nga si Annie. Dahil parang sinadyang gawin ang damit na iyon para sa akin.

“Oh, kitams, sabi ko sayo eh muka kang prinsesa sa suot mo. Ikaw lang eh, ayaw mong maniwala. Plus, siyempre, mas pinaganda kita” nagmamalaking sabi pa nito

Napahugot ako ng malalim na hininga saka bahagyang ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng kaba dahil kung ako man ay naging si Cinderella ibig bang sabihin niyon ay hanggang alas dose y medya lang ng gabi ako tatagal bilang isang prinsesa? Pero ano naman ang puwedeng magyari diba? Maybe I was just being pathetic.

[Jeremy’s POV]

Nasa dulo ako ng hagdan upang hintayin ang mga kasama ko. Nakaugalian na kasi namin ng pamiya ko na magkakasabay na pumunta sa anniversary party ng kompanya namin. Dumating din kanina sila Liz at Jacob dito at ngayon nga ay nag-aayos pa si Liz sa isa sa mga kuwarto sa itaas. Napakunot ako ng noo ng mamataan ko si Jacob na pababa ng hagdan. Naka itim din itong tux at nakakunot rin ang noo nito habang nakatingin sa gawi ko.

Nang makababa ito ay tumabi ito sa akin pero hindi ito nagsalita at wala rin naman akong balak kausapin pa ito. Mayamaya pa ay bumaba na rin sila mommy at kaagapay nito si daddy. Nakangiti ang mommy namin ng makitang nasa ibaba na kaming dalawa habang si daddy naman ay seryoso lang ang ekspresyon.

“Oh, Jacob, nasaan si Liz?” masuyong tanong ni mommy dito

Pinigilan ko ang sarili ko na mapakunot pa lalo ang noo, gayundin ang mapatiim bagang ako. Si Jacob kasi ang magiging escort ni Liz at mamaya nga ay sasabihin na ng daddy namin ang tungkol sa relasyon ng dalawa. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko na sana gusto pang sumama dahil alam kong sasama lang ang loob ko kapag narinig ko ang pormal na paghahantad ng relasyon ng dalawa. Pero mapilit si mommy at wala naman akong kakayahang tanggihan ang hiling nito.

“I think she’s not ready yet” simpleng sagot ni Jacob

“Maybe you should see to her” sabi ni daddy

“Why? Bababa din ‘yon” walang kuwentang tugon ni Jacob

“Maybe I should go and see her” mungkahi ko

“No. You stay here Jeremy. Jacob! You go and get you fiancée” ma-awtoridad na sabi ni daddy. Kumunot ang noo ni Jacob at halatang naiinis ito. Hindi agad ito sumunod at nang paakyat na sana ito ay bigla namang sumulpot ang stylist ni Liz sa punong hagdan.

“Naku, pasensya na po kayo at medyo natagalan kami. Pero ‘wag kayong mag alala, sulit naman ang pag-iintay n’yo.” pahayag nito habang pababa na ito ng hagdan at nang makababa ito ay nakangiting tumingala rin ito sa itaas.

When Liz appears on top of the stairs, she literally took my breath away. She was so beautiful and I couldn’t take my eyes off her. Nang akmang aakyat na ako sa hagdan upang salubungin ito ay naunahan ako ng paghakbang ni Jacob. He is also staring at her and I saw admiration in my brother’s eyes. I saw him looked at other women before but I never once saw him looked at any of them the way he was looking at Liz now. Noon na nagtagis ang mga bagang ko at naikuyom ko nalang ang mga kamay ko.

 

Damn! That was supposed to be me!

Kahit kailan yata ay hindi ko na matatanggap na mapapapunta kay Jacob ang babaeng gusto ko. Pero kahit ano pang gawin ko ay mukang wala ring magyayari dahil hindi ko rin naman kayang suwayin ang daddy ko. At napagtanto ko ring tama lahat ng mga sinabi ni Liz noong nakaraang araw. Na kung tatakas kami ay mahahanap at mahahanap rin kami ni daddy.

Nasaktan ako ng makita kong namula si Liz sa ginawang paghawak at paghalik ni Jacob sa kamay nito. Naiinis rin ako sa paraan ng pagtitig nito kay Jacob, para kasing sa mga mata nito ay si Jacob lang ang nakikita nito. Ni hindi manlang ito tumingin sa akin o kahit sa mga magulang namin.

Ako dapat ang tinititigan ni Liz ng ganyan, ako dapat ang humahawak at humahalik sa kamay n’ya. Ako dapat ‘yon!

“Let’s go” sabi ni daddy saka lumabas na ng bahay. Nanlulumo naman akong sumunod sa mga ito. Ako kasi ang magiging driver ng mga ito samantalang sa kotse ni Jacob sasakay si Liz at ito.

[Liz’s POV]

Para kang tanga! Nakailang sabi na ba ako niyan sa sarili ko? Hindi ko na mabilang dahil simula palang ng pababa ako ng hagdan ng mansiyon ng mga Kifler ay iyan na ang isinisigaw ng isip ko. Bigla kasing nagwala ang puso ko ng makita ko si Jacob na nakatitig sa akin.

Oo, para ka talagang tanga! Sa dinami-rami ba naman kasi ng taong nag-aabang sa akin sa ibaba at nakatingin ay ang titig lang ni Jacob ang napansin ko. Halos pangapusan ako ng hininga ng salubungin ako nito at halikan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nito sa buhay pero sobrang nagulat talaga ako sa inakto nito.

Humugot ako ng malalim na hininga upang ipanatag ang sarili ko. Hindi ito puwedeng magkaroon ng ganoong epekto sa akin dahil hindi ko naman ito gusto. Sa katunayan ay naiinis pa rin ako rito dahil sa nagyari–o mas tamang sabihin na muntik nang magyari sa amin noong isang gabi. Nakagat ko ang ibabang labi ko at naramdaman ko rin ang pag iinit ng mga pisngi ko dahil sa naalala.

Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag nang huminto ang sasakyan nito. Dahil sa durasyon ng biyahe ay hindi kami nagkikibuan. Ni hindi ko nga inisip na sulayap ito kahit pa nangangatal ang mga mata ko na suyurin ito ng tingin. Bahagya ko lamang kasing napansin ang suot nito dahil napatitig na agad ako sa mga mata nito kanina. But, oh well, he always looked so handsome and tonight is not an exception.

Napailing nalang ako sa naisip ko at hindi na pinansin pa iyon. Inalalayan ako nitong makababa sa kotse nito at walang ano-anong iniangkla nito ang braso ko sa braso nito. Nagtataka namang napatingin ako rito pero nakatingin lang ito ng deretso.

“Will you stop looking at me with that weird expression? I’m only doing this because my mother asked me to.” walang emosyong sabi nito ng siguro ay maramdaman nitong nakatitig ako dito. Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa harapan ko at hindi na umimik pa. Akala ko panaman…

Ano namang akala mo, aber? Na gusto ka talaga n’yang kasama? Na totoong namangha s’ya kanina ng makita ka n’ya? Eh diba nga pulos mga modelo at mga sopistikadang mga babae ang nali-link sa kanya dati. Ano namang panama mo sa mga iyon? Naka suot ka lang ng gown ineng, pero hindi niyon nabago ang pagkatao mo.

Oo nga naman. Bakit ko ba naisip na talagang totoo ang nakita kong pagkamangha dito kanina ng makita ako nito. Asa naman ako na nagagandahan ito sa akin. At bakit naman gusto mong magandahan s’ya sayo?

Naiinis na iwinaksi ko nalang sa isip ko ang mga walang kuwentang opinion na ‘yan. Wala dapat akong pakielam sa taong katabi ko pero hindi ko maiwasang panaka-nakang sulyapan ito. Nang makapasok na kami sa hall kung saan idinaraos ang party ay naconcious ako bigla. Sabay-sabay kasing napatingin ang mga tao sa aming lahat at pakiramdamn ko ay sinisipat ako ng mga ito.

Aminado ako na mga empleyado rin sa iba’t ibang departamento sa kompanya ng mga Kifler ang karamihan sa mga nadoon pero bigla paring sumigid ang matinding kaba sa akin dibdib. Mangilan-ngilan lang ang mga tao doon na pamilyar at kilala ko. Nang makita ng mga ito na kasama ko si Jacob ay nag umpisan nang magbulungan ang ilan sa mga ito. Hindi rin iilang beses na napatigil kami papunta sa mesang nakalaan para sa amin dahil sa mga executives na taong nakikipag usap at nakikipag kamustahan sa mga Kifler. Ang iba pa nga ay nakikipag kamay sa mga ito.

Marami rin special guest ang anniversary party na iyon kaya naglipana rin ang mga businessman kasama ang mga asa-asawa ng mga ito at mga anak. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga dahil sa mga tao sa paligid ko.

“Who is this lovely young lady here?” anang isang lalaki na sa wari ko ay mataas rin ang posisyon sa kompanya namin. Nakatingin ito sa akin at hindi ko maiwasang mahiya dahil sa tanong nito.

“Later kumpare, I will introduce her to everyone.” simpleng sabi ni Tito Arnold dito. Nakakaunawa namang tumango ang lalaki at saka sila iniwan na.

Nang makaupo sa mesa ay hindi naalis ang nakakailang na pakiramdam ko. Para kasing ang dami-raming mata na nakatingin sa akin. At para bang nababasa ko ang mga tanong sa isip ng mga tao roon na “Who is she?”, “Why is she with the Kiflers?, “What is her relation with them?”.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Jacob. Hindi ko alam kung kailan ko hinawakan ang kamay nito o kung ito ba ang humawak sa kamay ko pero wala na akong pakielam pa sa kung paano nagyari iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang hawakan iyon ng mahigpit. Nagtataka man ako kung bakit hindi ako nito sinusungitan dahil sa pagkakakapit ko sa kamay nito ay hinayaan ko nalang. Baka naman may balak itong magpakabait sa akin kahit ngayong gabi lang.

“Your hand is cold” napapitlag ako dahil sa mainit na hininga ni Jacob na tumama sa pisngi ko ng ibulong nito iyan sa akin. Marahas naman akong napabaling dito at sa palagay ko ay dumoble yata ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa kong pagharap dito. Kaunting pagkakamali nalang kasi ay maglalapat na ang mga labi naming dalawa sa sobrang lapit ng muka nito sa muka ko.

Ilang sandaling nakatingin lang ito sa mga mata ko at ganoon din ako dito. Nang bumaba ang tingin nito sa mga labi ko ay hindi ko naiwasang mapalunok. Pinigilan ko na nga lang ang sarili ko na basain ng dila ko ang mga labi ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang mga iyon sanhi ng sobrang antisipasyon sa gagawin nito.

Kumunot ang noo nito at bahagyang lumayo sa akin. Tumikhim ito saka marahas na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kamay nito. Napalitan ng pagkalito ang nararamdaman ko para dito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa mga ginagawa nito pero pinilit ko nalang ang sarili na ituon ang pansin sa kadadala palang na pagkain sa lamesa namin.

Habang sinisimulan ang kainan ay may pumapainlanlang na malamyos na musika galing sa baby grand sa likurang bahagi ng hall. Nakakadagdag gana ang piyesa na tinutugtog ng pianista dahil sa sobrang ganda niyon.

Dahil sa may mga kasama rin kaming VIP sa table namin ay nagkaroon ng maiikling palitan ng mga salita. Karamihan sa mga paksa ay tungkol sa negosyo. Nagkakaroon rin naman ng mangilang-ngilang pagbibiruan pero kadalasan ay pulos seryoso ang usapan. Nang matapos ang kainan ay umakyat na si Tito Arnold sa itaas ng make shift stage at tumayo ito sa likod ng rostrum. Masigabong palakpakan muna ang ibinigay dito ng mga tao bago ito nag umpisang magsalita.

Tinalakay nito ang naging kalagayan ng kompanya ng mga ito sa loob ng ilang taon at kung paano naging maunlad at nakilala iyon. Nagbigay rin ito ng ilan pang mahahalagan bagay tungkol sa kompanya at mga benefits ng pag i-invest dito. Ang pagtalakay nito sa mga assets ng kompanya ay malamang na para sa kaalaman ng mga special guest at VIPs na nandoon. Nang matapos itong magsalita ay nakatanggap ito ng standing ovation. Maging ako ay napahanga nito sa paraan nito ng paghahayag ng mga detalye. Noon ko lang din naman kasi ito narinig magsalita at kung isa man ako sa nagbabalak palang na mag invest sa kompanya nito ay tiyak na mahihikayat rin ako.

Nang humupa ang palakpakan ay nagsi-upo na ulit ang lahat pero hindi pa rin ito bumaba ng stage. Ilang sandaling tumigil muna ito upang makuha muli ang buong atensyon ng lahat ng mga nandoon. Nang tumingin ito sa gawi namin ay noon ko muling naisip ang plano nito. Sumigid ang kaba sa dibdib ko at umabot iyon sa punto na nahihirapan akong huminga. Nilingon ko naman si Jacob na katabi ko pero hindi tulad ko na halatang kinakabahan ay cool na cool lang ito. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa ekspresyong nakalatay sa muka nito.

Bakit ba hindi ako maging katulad nito na cool lang? Masyado naman yata akong apektado samantalang ang kumag na to ay parang walang pakielam. Nakakainis!

“I would like to make an announcement.” tumigil ito sandali at saka inilibot ang paningin sa lahat ng mga tao sa paligid. “I want to say that my eldest son, Jacob, is now engage to the beautiful Eliza Fontez.” walang paligoy-ligoy na imporma nito sa lahat.

Sandali akong napamaang dahil sa deretsahang pagsasabi nito niyon. At mukang maging ang mga tao rin na nandoon ay pawang mga nagulat dahil sa sinabi nito pero ilang saglit lang rin naman ang lumipas at umugong na ang malakas na palakpakan. Bumama si Tito Arnold at lumapit sa amin. Pinatayo kami nito upang lubos kaming makilala ng mga tao doon. Wala naman akong magawa kundi ang ngumiti lang, at ilang sandali pa ay inuulan na kami ni Jacob ng salitang “congratulations.”

Hindi iilan ang lumapit sa amin at nagsabing bagay daw kaming dalawa at sa bawat papuri ng mga tao doon ay nahihiyang nagpapasalamat nalang ako kahit pa gustong kong mapangiwi dahil sa mga sinasabi ng mga ito. Bagay daw, bagay magpatayan!

 

 

Kasabay ng pagsisimula ng sayawan ay ang paghupa ng mga taong pumapalibot sa amin ni Jacob. Nang busy na ulit sa kanya kanyang usapan ang mga tao ay naiwan kaming tahimik na dalawa ni Jacob sa upuan. Nang sulyapan ko ito ay nakakunot ang noo nito habang lumilinga-linga sa paligid.

“Ano ba! I told you not to look at me with that weird expression.” halatang nayayamot na sabi nito. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi nito.

“Ano bang klase ng tingin ang sinasabi mo? At bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong ginagawa sayo ah.” naiiritang balik ko dito.

“You’re so irritating!”

 

 

“And you’re so irritating too!”

“Please don’t talk to me because I don’t want to talk to you!” nakatiimbagang na sabi nito

“Fine!” tumayo na ako at naglakad palayo rito. Hindi ko maintindihan ang topak ng isang ‘yon. Kung tutuusin nga ay ito ang unang nasalita tapos ito pa ang may ganang sabihan ako ng ‘wag ko s’yang kausapin. Aba, sino bang may gusto na kausapin ang isang tulad n’ya na buwisit!

Sa kalalakad ko ay humantong ako sa balustre sa kanang bahagi ng hall. May sliding door na naghihiwalay sa loob ng hall at sa balustre na iyon. Maliit lang naman iyon at tanaw lang ang maliit na garden sa ibaba. Sa di kalayuan naman ay tanaw ang madilim na kalsada na napuno ng pulang mga ilaw galing sa mga bumabiyaheng  sasakyan. Napatunghay ako dito, at ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng ginaw dahil labas ang mga balikat ko sa suot na gown pero hindi pa rin ako pumasok sa loob. Para ngang mas gusto ko pang doon nalang manatili hanggang sa matapos ang gabing iyon.

Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman ko na lang na may nagpatong ng kung ano man sa balikat ko at nang tignan ko ang taong may gawa niyon ay ang muka ni Jeremy ang tumambad sa akin.

“Malamig, baka sipunin ka” maikling sabi nito saka inayos ang pagkakalagay ng jacket sa mga balikat ko

“S-salamat” tumango lang naman ito

“Bakit ka nandito?” tanong nito kapag kwan

“I should be asking the same thing” balik ko dito. Nagkibit balikat lang naman ito saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa at tumunghay sa traffic sa ibaba.

“I saw you get out so, I follow you. You looked pissed off when you got here” tumingin ito sa akin habang nakakunot ang noo nito “did my brother do anything to you?”

Napabuntong-hininga ako saka dahan-dahang umiling. Wala naman talagang ginawa si Jacob, siguro pareho lang talaga naming hindi gusto ang isa’t isa kaya palagi nalang kaming nag-aaway nito. Naglakad ako palapit sa railings at ipinatong ko ang dalawang kamay ko doon saka tumunghay muli sa ibaba.

“Me and your brother, we argue with almost anything. We’re really two different people, too different to be settled together but for some reason, we’re stuck to each other.” mapaklang ngumiti ako dahil sa naisip.

“I really wish that was me whom you’re stuck with.” pabulong na sabi ni Jeremy. At dahil sa sinabi nito ay napatingin ako dito. Malungkot ang hitsura nito kahit pa nakangiti ito. Ginantihan ko nalang ito ng isang masuyong ngiti rin dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin na puwedeng makapagpagaan sa loob nito.

“You look beautiful tonight Liz. The gown suits you” nahiya ako dahil sa papuri nito kaya naman naramdaman kong nag init ang mga pisngi ko.

“You also looked handsome with your tux” gating puri ko rin dito at talaga namang totoo iyon. Kahit na limang araw ko ito sa isang linggo nakikitang naka formal ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kaguwapuhan nito sa suot ng gabing iyon. Marami ngang babae ang nakapalibot dito kanina at halatang mga nagpapacute.

“Alam mo bang ang dami mong admirer ngayong gabi” nakangiting sabi nito

“Eh? Anong sinasabi mo?” nagtatakang tanong ko naman dito

“Admirer, halos lahat nga ng lalaking single sa loob ay parang gusto kang lapitan. Pero hindi na nila naituloy kasi sinabi na nga ni daddy na engage ka na” tumigil ito sandali at pinakatitigan ako. Naging seryoso rin ang hitsura nito.

“Do you…” nakita kong nag atubili pa ito kung itutuloy ang sasabihin o hindi pero sa huli ay ipinagpatuloy nito ang pagsasalita “Do you like my brother?”

Nabigla ako sa tanong nito pero hindi ko inaasahan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko matukoy kung bumilis ba ang tibok niyon dahil nagulat nga ako sa tanong nito o may iba pang dahilan. Hindi rin ako nakasagot agad dahil biglang naisip ko ang galit na muka ni Jacob, ang kadalasang walang expression na hitsura nito at ang nakakalokong mga ngiti nito. At dahil sa naisip ko ay mas lalo yatang bumilis ang sasal ng dibdib ko. Para ngang gusto ko nang sapuhin ang dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko doon.

My God! What is happening to me?

Balewa lang naman dapat ang tanong nito pero bakit parang exaggerated na ang reaction ko dito? Wala naman akong gusto kay Jacob, malayo sa pagkakagusto ang nararamdaman ko dito. Madalas pa nga na isinusumpa ko ang pagiging masungit nito at arogante diba? Pero bakit ganoon?

“Liz?” ang pagtawag na iyan ni Jeremy ang nagpabalik dito ng atensiyon ko.

“H-ha? Ahm, no, I don’t like your brother. Why did you think of that?” naiinis ako sa sarili ko dahil kulang talaga sa kombiksiyon ang naging tugon ko sa tanong nito kaya naman tinanong ko nalang ito kung bakit nito naisip iyon.

Nagkibit balikat ito “Well, you look at him too much.” malungkot na sabi nito

“Guni-guni mo lang ‘yon. Sguro pag nahuhuli mo akong nakatingin sa kanya ay iniisip ko na kung paano ko s’ya papatayin.” tumawa pa ako pagkatapos kong sabihin iyan pero pilit na ngumiti lang ito.

“Ikaw nga eh, ang dami-daming babae ang nakapalibot sayo kanina. Mukang mga nagpapacute sayo. May napili ka naman ba sa mga ‘yon?” nasabi ko upang maiba ang usapan. Matagal na tinitigan ako nito saka ito humakbang palapit sa akin, seryoso rin ang muka nito.

“Alam mo kung ano ang sagot ko sa tanong mong iyan. I rather have you than all of them. You’re the only one I want, Liz.” puno ng sinseridad na sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko. Wala naman akong magawa kundi ang titigan nalang ito. Nararamdaman ko ang paghaplos ng palad nito sa muka ko pero wala akong maramdamang kakaiba dahil doon. Kung may nararamdaman man ako ng mga sandaling iyon, ‘yon ay ang pagkaawa dito.

Bakit ba kasi kailangan pa nitong masaktan? Mabati naman itong tao kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangang nitong pagdaanan ang ganito. Nang mga oras na iyon ay lihim kong nahiling na sana ay matagpuan na nito ang babaeng puwedeng makapagpasaya dito.

Eh diba, ikaw nga raw ang makapagpapasaya sa kanya?

Eh, kay Jacob na ako diba?

Nagulat at nawindang ako dahil sa naisip ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ganyang ideya pero parang hindi ko yata iyon matanggap. O talagang ayaw ko lang tanggapin? Ewan ko! Basta ayoko nalang munang intindihin dahil ayokong maintindihan.

Nasa ganoon akong pag iisip ng bigla nalang may humila sa dalawang kong balikat palayo kay Jeremy. Napasandal ako sa matigas na bagay sa likuran ko at base palang sa pagbilis ng tibok ng puso ko at sa pagtataasan ng mga balahibo sa braso ko ay nakilala ko na kung sino ang taong nandoon sa likuran ko.

“Can’t you find yourself another date? She’s currently unavailable." kalmadong sabi ni Jacob habang mahigpit ang pagkakapit sa balikat ko.

“Your hurting her, Jacob” nakatiimbagang na sabi ni Jeremy

“Ah, yes, you’re her knight and shining armor. But too bad, princesses doesn’t marry her knights.” pahablot na tinanggal ni Jacob ang jacket na ipinatong ni Jeremy sa mga balikat ko at ibinato nito iyon kay Jeremy. Walang sabi-sabi ring hinila na ako nito papasok sa loob. At katulad ng madalas na magyari, hindi nanaman ako nakaimik dahil sa ginawa nito at nagpatianod nalang sa kung saan ako nito dalhin.

Nang tumigil kami ay napasinghap ako ng bigla nalang ako nitong hapitin sa baywang palapit dito. Hindi ko iyon inaasahan kaya naman nagtatakang napatingin ako dito.

“What? Don’t you know how to dance?” may bahid ng pagkairita sa boses nito.

Noon ko naman nakita na nasa gitna pala kami ng hall kung saan marami rin ang mga nagsasayaw. Nainip siguro ito kaya ito na ang naglagay ng mga kamay ko sa batok nito. Pagkatapos ay nagsimula itong humakbang. Marunong naman akong sumayaw kaya madali kong nasundan ang mga galaw nito. Ingat na ingat rin ako na huwag itong matapakan. Mahirap na, baka itapon pa ako nito sa kung saan pag nagkataon.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” kapag kuwan ay tanong ko dito

“Nagsasayaw” balewalang sagot nito. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano nga naman bang matinong sagot ang makukuha ko sa tanong katulad nito.

“You should stay away from him.” nagtatakang nag angat ako ng muka dito “ikaw na rin ang nagsabi na kapag nahuli ang isa sa atin na may ginagawang kalakohan, madadamay ang isa. Sa tingin mo ba exception ang pag lalapit n’yong dalawa ni Jeremy? Kung ikaw nga, pinakikielaman mo ako sa mga ginagawa ko, siguro naman ay may karapatan rin akong makielam sa mga ginagawa mo” nang aasar na ngumiti ito habang hinihigpitan ang pagkakakapit sa baywang ko.

“That’s stupid! Wala naman kaming ginagawang masama. Hindi tulad n’ong sayo” nanunumbat na sabi ko dito. Nag uumpisa nanaman akong mainis dito.

“Preho lang ‘yon. Kasalanan pa rin ‘yon diba? At saka maraming tao dito, maraming makakapansin sa inyo. Mapag uusapan pa tayo, na ako ang fiancée mo pero parang mas close kayo ng kapatid ko.” masama ang tinging ipinukol ko dito. Nanggagalaiti ako pero hindi ako nakaimik dahil may punto rin naman ang mga sinabi nito.

Ngumisi ulit ito saka hinapit pa ako plapit dito. Tinangka kong lumayo at lagyan ng puwang ang pagkakadikit namin pero sadyang malakas ito.

“Trying to escape?” nang-uuyam na bulong nito sa tainga ko. Napalunok ako dahil sa ginawa nito.

“N-no. I’m not scare of you”

“Yeah right, you’re not scared of me but you’re trembling and stammering. Why is that?”

“Get your hands off me Jacob!” mahinang pero mariing sabi ko rito. Sadyang mahina lang ang paguusap namin dahil marami pa rin namang tao ang nasa paligid namin at kung mag sisigawan kami ay tiyak maririnig ng mga ito.

“No” seryosong sabi nito

“Ano bang gusto mo ha?” naiinis na tanong ko dito

“Gusto mo ba talagang malaman kung ang gusto ko?” naghahamong sabi nito. Determinado namang sinalubong ko ang mga mata nito. Malakas ang loob ko na tanggapin ang hamon nito dahil alam kong hindi ito gagawa ng ikasasama nito sa paningin ng mga tao. Lalo pa at maraming big boss doon.

“I just want this…”

Wala nang salitang nabuo sa isipan ko at katulad ng kadalasang nagyayari tuwing hinahalikan ako nito, parang bigla nalang umikot ang buong paligid ko. His kiss makes my knees weak at dapat ko pa sigurong ipagpasalamat ngayon na mahigpit ang pagkakakapit nito sa baywang ko dahil kahit ang kamay na nakakapit sa batok nito ay parang nawalan ng lakas dahil sa paraan ng paghalik nito.

Ilang sandaling hindi ako nakagalaw dahil sa ginagawa nito pero parang kusa nang nagkaisip ang katawan ko kaya naman kusa nang kumilos ang mga labi ko at tinugon ang bawat halik nito. He nipped my lower lip and aggressively forced my mouth to open up for him at hindi naman ito masyadong nahirapan. After a short moment, I let his tongue explore my mouth and he did, expertly. Muntik na akong mapaungol dahil sa ginagawa nito at para bang nawalan ako ng pakielam sa lahat ng mga nasa paligid ko. Jacob is kissing me and I have to admit that I want it so badly.

Ang palakpakan ng mga tao ang bumasag sa kung ano mang mahika ang bumalot sa aming dalawa. Naghiwalay ang aming mga labi at hinihingal na napatingin ako sa mga mata nito. Sandali kong nakita ang pagkalito sa muka nito pero sandaling sandali lang iyon kaya parang nagdududa rin ako kung totoo ba ang nakita ko o hindi. After a moment, Jacob smirk at me and I couldn’t help myself but to feel scared.

Ang sumunod na mga sinabi nito ang lubos na ikinagulat at ikinainis ko. Para pa ngang gusto ko itong sampalin ng mga oras na iyon dahil nakadama rin ako ng sakit.

“I just kiss you because Jeremy is watching. All I wanted is to hurt my brother so, don’t assume too much.” sabi nito habang nakangisi pa rin

Nanghihinang lumayo ako dito at sa pagkakataong iyon ay pinakawalan na ako nito. Natigil na rin ang pagpalakpak ng mga taong nakasaksi sa palabas nito. Tumitig lang ako sa mga mata nito at pinilit kong gawing kalmado ang boses ko kahit pa parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa iritasyong nararamdaman ko para dito.

“You’re really a despicable, selfish jerk.” mahina ngunit mariing sabi ni dito. Matapos niyon ay tumalikod na ako rito at naglakad palayo.

I wanted to cry, I wanted to sream, I wanted to throw something just to ease the pain that I was feeling. For a moment I thought we have something, that he really wanted to kiss me but he was just using me to hurt his brother. What do I expect? Really now, do I really believe that for some reason he felt something for me?

You must really be out of your mind, Liz! Si Jacob ang pinag uusapan natin. Wala s’yang puso remember? At ang paghalik-halik n’ya sayo ay wala lang kuwenta para sa kanya. Sanay na s’yang gawin ‘yon, puwede ngang hobby nalang n’ya yan eh, kaya wag kang tanga! Ayusin mo ang sarili mo at pigilan mo na ang dapat pigilan.

 

Ang sama sama ng loob ko habang tinatahak ko ang patungo sa ladies room at nang makarating ako doon,  napasandal na lang ako sa pader sa labas. Humugot ako ng malalalim na hininga upang mapigilan ang napipintong pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang taong katulad ni Jacob. Wala s’yang kuwenta, wala! Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang pakalmahin ang natuturete pa ring puso ko dahil sa paghalik nito.

“Yo, Kitty! It’s been a long time, eh”

Galing sa kung saan ay biglang may nagsabi niyan. Napamulat ako at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa pader di kalayuan sa kinasasandalan ko. Nakapormal din ito at mukang kasama sa party na nagaganap sa loob. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang buong katawan ko ng makilala ko kung sino ito.

No! Please no!

Kung nananaginip man ako ay gusto ko nang magising. Hindi ko gusto kung ano ang nakikita ko lalo na kung galing iyon mula sa masalimuot na nakaraan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

72.2K 1.3K 34
Hindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa.
150K 3.9K 17
Kurt Santos Story. Nang magreunion si Kurt at nang mga kaibigan niya sa isang club ay hindi niya akalain na maiinlove siya sa isang magandang waitres...
646K 13.3K 45
(WARNING: SPG contain scenes not suitable for minors.) I lost my Virginity to someone I barely know just because of that Dare! And now I'm pregnant...
24.5M 715K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...