The Anatomy of Our Almosts

By MVRastro

240K 8K 1.6K

Sa hindi inaasahan ba mahahanap ang sagot sa mga katanungan? Aasa? Maniniwala? Walang galawan? Maghihintay? More

More than Smiles and Coffee
Almost 1. University of the Philippines
There She Goes Again
Almost 2. Juliet and Juliet
Cigarette Butts and Train Stations
Almost 3. Drizzles and Hurricanes
Almost 4. Narratives and Adjectives
Almost 5. Maturity and Commitments
Almost 6. White lies and Sojourn
Best Friends and Flowers
Almost 7. When We Talk Like Men
The Antecedent of Nearly Everything
Puppetry and Breaking Free
A Taste of Freedom and Serenity
To Nirvana and Back
Behind Close Doors and Dummying
The Unwanted Side of a Triangle
No Holds Barred
Their Bucket List
Perfectly Fitted Puzzle Pieces
The Life We'll Share
My Lone Star Song, Amazed
The Birth of Jade and Althea
In a State of Temporary Bliss
All's Well that Ends Well
In the Twinkling of an Eye
Blessed of a Life with Denise
BC: Parenting Goals

We Begin Again

7.9K 267 52
By MVRastro

a/n: Hi Gais! Magandang Araw! Paumanhin sa pagkaantala ng istoryang ito. May mga bagay lamang na nangyari. Ngunit susubukan kong pabilisin ang aking pagaupdate. Salamat sa paghihintay! Ito na muna sana makabawi sa tagal. Next Chapter is a reveal. :)

+++


From: Glaiza

Magandang Umaga Binibini!

"At talaga namang ang aga aga ang ganda ng ngiti mo Rhian!"

"B naman ang aga aga andito ka nanaman!"

"Makiki-chikka lang ako sayo! Yung guest ko kasi kahapon na si Ms. Galura bigla bigla mong hinatak palabas ng TV5 building! Naiwan niya pa lahat ng gamit niya kay Chynna. Ano bang ginawa niyo ha?"

"Wala naman. Nag-date malamang?"

"Wow ang romantic ah, eh pinilit mo lang naman ata siyang sumama sayo."

"Ang sama ko naman kung ganun, pwede naman siyang tumanggi ah? Hindi naman niya ginawa, so gusto niya din." Puno ng yabang kong sabi

"Oh tapos anong nangyari? Hinatid mo siya diba? Saan sa bahay ng parents niya?"

"Hindi malamang, sa condo niya lang."

"And then?"

"Anong and then?"

"Hinatid mo lang? walang ulterior motive? Walang extra service na naganap?"

"Kadiri ka B! anong extra service? Oh my god mga natututunan mo kay IC ha!"

"Eh ano na nga kasi?"

"Wala hinatid ko lang siya, walang ulterior motive at walang extra service, pero kung pumayag akong pumasok sa unit niya di malayong meron." Nanlaki ang mata ni Bianca sa narinig at hindi ko napigilang tumawa sa itsura niya

"Oh tapos ngayon nga nga ka?"

"Seryoso? Hindi ka pumasok? Wow natiis mo?"

"Grabe ka talaga! Wait rereplyan ko muna siya."

"At magkatext sa kaumagahan! Ay sige enjoyin ang kabataan! Magtitimpla akong coffee."

To: Glaiza

Magandang Umaga din sayo! J

Nakangiti kong tugon sa kanya, wala pang ilang minuto ay muling tumunog ang cellphone ko.

From: Glaiza

Kumusta? Nagising ba kita? Salamat pala sa kahapon. Nyahaa.

Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa paraan ng pagtetext niya kaya hindi mawala ang ngiti ko.

To: Glaiza

Mainam naman, ikaw kumusta? Nako wala yun! Ikaw pa ba? Ahihihi.

"Baka gusto mong magkape muna? Para nerbyosin ka ng konti, laki ng ngiti mo eh."

"Can you blame me? Sorry na. Thank you for the coffee, the best ka talaga."

"Oo the best talaga ako no, kung hindi dahil sakin hindi mo siya makakadate kahapon. Salamat sakin diba? You're welcome na din."

"Oo na tenkyu berimats na bestiee." Lambing ko naman sa kanya, sabay tunog muli ng cellphone ko.

"Replyan mo na muna yung jowa mong hilaw."

"Maka hilaw ka naman."

From: Glaiza

Nakakatuwang nagtatagalog ang isang magandang binibini sa umaga, nais ko lamang sanang itanong kung mapapaunlakan mo ang aking imbitasyon para mamaya?

To: Glaiza

Nahawa lang sayo. Hihi. Saan mo ba ako nais imbitahan?

"B, she's asking me out." Baling ko kay Bianca na abala sa sariling cellphone.

"Oh eh di magpaparty tayo!" sarkastikong tugon nito

"Nakakainis ka naman eh!"

"Oh saan daw ba kayo pupunta?"

"Di pa nagrerep - -" di ko pa natapos ang sasabihin ko ng magreply muli si Glaiza

From: Glaiza

Sa Books and Borders na restaurant ni lolo Ben. May blogcon kasi ako. Gusto ko andun ka. Nyahaa

"Sa Book and Borders daw B..."

"Oh kay Benjamin yun ah? Bakit daw dun?"

"May blogcon daw siya, and she wants me to be there." Natutuwa ako sa huling sinabi niya pero yung una at yung pangalan nung lalaking yun, nakakawala sa mood.

"Oh di puntahan mo, mamaya andun si Ben masilat ka."

"Talagang pupuntahan ko siya no."

"Yan naman ang gusto ko sayo, competitive!"

"Baliw."

To: Glaiza

Ahh sige, anong oras ba? J

Mabilis pa sa alas-kwatro ang tugon niya.

From: Glaiza

5-8pm kasi yun, so anywhere between 5-8 sana. ^_^

"Nakatutok yan si Glaiza sa phone niya no?" biglang sabat ni Bianca

"Ha? Ano?"

"Hindi kasi yan ma cellphone lalo na sa umaga. Tapos ngayon ganyan siya kabilis magreply. Iba na yan Rhi." Ngiti ngiting sabi niya habang tuloy ang pag scroll sa cellphone niya.

"Eh baka kasi nagtatanong nga kung pwede ako mamaya."

"Anong oras daw ba?"

"5-8 eh..."

"Oh may problema?"

"Baka kasi malate ako..."

"May bago ba? Teka bakit ka naman malelate?"

"Pupuntahan ko pa kasi si Nadin sa San Pedro."

"Ay oo nga pala opening niyo din ngayon. So aong plano mo?"

"Pupunta pa din ako syempre. Basta pupunta ako." Pilit ko sa sarili ko.

+++

From: Rhian

Sure sige. Darating ako. J

(Glaiza gumulong gulong sa kama ng mabasa ang text ni Rhian.)

"Hoy! Cha, anong kalokohan yan? High ka ba?" Basag ni Chynna sa kasiyahan ko

"Wala, pupunta si Rhian mamaya. Darating daw siya."

"Aba talaga naman siya. Sige bilisan mo na jan sa kalandian mo dahil bago tayo mag BandB may book signing ka pa."

"Okay sige, ito na."

To: Rhian

Talaga? Nyahaa! Hihintayin kita. ;)

From: Rhian

Hindi kita paaasahin. ;)

To: Rhian

Kaya mahal ki ....

*Deleted*

To: Rhian

Salamat Binibini. Kitakits sa mata! :D

From: Rhian

See you Glai. :*

"Oh ano okay? Naseal na with a kiss ang landian? Pwedeng maligo ka na? alas-nuebe na Glaiza traffic sa EDSA."

"Oo na, ito na nga ho. Ang kulit."

"Nako ikaw kaya!"

+++

"Bakit ba naman kasi sa MOA pang Fullybooked ang napili nila pwede naman sa ibang location." Inis na sambit ni Chynna habang binabagtas nila ang south bound lane ng EDSA papuntang MOA.

"Ano palang nangyari sa inyo ni Rhi kahapon?"

"Hmm?"

"Anong nangyari?"

"Kumain lang kami dun sa restaurant sa may Tagaytay yung Balinsasayaw."

"Wow ang layo pa ng dinayo niyo?"

"Eh ako naman ang nagyaya."

"At ikaw pa talaga ang nagyaya?!"

"Ang OA ng reactions Chyns?"

"Mukha kasi siyang selos na selos kahapon eh." Ngingiti ngiting sabi naman ni Chynna

"Oo nga eh, tinapon niya pa yung flowers na binigay ni Ben tapos pinalitan ng dala niya."

"Howell talaga, masyadong territorial."

"Sweet nga eh." Wala sa sarili kong sabi at kasunod nun ang malakas na hampas ni Chynna sa hita ko.

"Aww! Ang sakit Chynna!"

"Sabi ko papakipot tayo eh. Mukhang ako lang nagpapakipot, ikaw bigay na bigay naman."

"Huy wala namang nangyaring mali sa nakasanayan, hinatid niya lang ako sa condo ko after namin dayuhin ang Tagaytay dahil late na din kami nakauwi."

"Sabi mo eh."

"Wala ka bang tiwala sakin?"

"Wala. Walang wala."

"Wow naturingang best friend Chynna?!"

"Kaya nga wala eh kasi kilala kita. Tamo mamaya sa BandB pagdating nun ni Rhian para kang batang di ma-ihi nanaman."

"Grabe siya." Sabi ko sabay tawa

"Grabe mo mukha mo." Sabat naman ni Chynna habang nagpapark.

+++

"Ate Glai, napanood ko po yung interview niyo with Ms. Bianca sa SKK the other day, curious lang po sino po si MK?" tanong ng isang babaeng hindi bababa sa twenty ang edad

"Well, personal kasi yun, pero dahil na binuko naman ni Bianca, MK is a term of endearment, so basically super special nung tao na yun sakin. Pero wag nalang natin pangalanan, malalaman niyo din naman siguro pero sa tamang panahon." Sabi ko na naging sanhi ng kaunting tawanan ng mga tao sa loob ng fullybooked. At kung titignan ang dami ng gustong magpapirma tama nga lang sa pangalan ng bookstore.

"Ms. Glaiza sino po yung humatak sa inyo palabas ng TV5 building kahapon? Andun din po kasi ako. Fan na fan niyo po kasi ako." Tanong naman ng isang babaeng di rin bababa ng twenty ang edad.

"Ahh she's a close friend, kaya nga hatak hatak niya ako eh."

"Siya po ba si MK?" Biglang tanong naman nung babae sa likod

"Nako..." simula ko habang nakangiti, lokong mga babae to ha!

"Okay, so to end our open microphone, Ms. Glaiza what's your message for the people here?" pagliligtas naman nung host ng event

"Ahh, salamat, tulad ng lagi kong sinasabi noon pa man, maraming salamat sa inyo, sa patuloy na pagsuporta mula sa album, sa concert, pati na din sa mga libro ko. Maraming salamat talaga. Mabuhay kayo!" mabining sabi ko kasunog ng kanilang impit na hiyawan at palakpakan.

Nagsimula na silang pumila sa para sa pagpapapirma ng kanilang mga kopya ng libro at masigla ko naman silang isa isang kinamayan at yung iba nagpapicture pa. Hindi mawala sa isip ko yung araw na nagpapirma din si Rhian ng kopya niya, binabasa na kaya niya? Tapos na kaya niyang basahin? Ano kayang reaksyon niya?

"Hi Glaiza." Bati naman ng isang babae sakin

"Hi, What's your name?" sabi ko habang nakayuko sa copy niya

"Solenn." Mahinhin niyang sabi, kasabay ng pagtaas ng ulo ko at pagtama ng tingin namin.

"Hey! Wow andito ka." Pilit kong salita

"Oo hindi ka na kasi napapadaan sa café..." sabi niyang may pagtatampo.

"Nako pasensya ka na ha, busy lang." sabi ko naman habang pinipirmahan ang kopya niya ng libro.

"Pwedeng ba tayong magselfie?" nahihiyang tanong niya na ikinatawa ko naman

"Oo naman bakit naman hindi?" sabi ko sabay tayo upang magpantay kami at ngiti sa cellphone niya, with matching peace sign na paborito kong ginagawa.

"Salamat Glaiza, see you sa café next time."

"Sure! Salamat din Solenn." Ngiti kong sabi kasabay ng pagabot sa sumunod na kopya ng libro.

+++

"Rhi? May kilala kang Solenn Huesaff?" tanong ni Bianca habang papunta kami sa San Pedro, walang may gustong magdrive samin dahil, gusto kong magbasa ng libro ni Glaiza at si Bianca naman hindi alam ang daan pa San Pedro kaya nagpadrive nalang kami sa driver ni mommy.

"Ha? Wala B, bakit?" Tugon ko habang tuloy sa pagbasa ng libro

"Ahh, mukhang si Glai meron." Sabi naman ni Bianca na ikina alerto ko

"Ha? Asan?" tanong ko, binigay naman niya agad ang phone niya sakin at nakita ko ang isang picture sa instagram na nakatag kay Glaiza, pareho silang nakangiti, si Glai ang ngiti niyang may kilig at peace sign yung Solenn naman pang model ang ismid.

@solennhuessaff: It was so nice seeing you again! See you soonest? @glaizaredux

@glaizaredux: Salamat sa pagpunta kanina. See you around @solennhuessaff

"Aba talaga namang hindi lang nilike nagcomment pa siya!" inis kong sabi

"Oops. Hindi ka pwedeng magbratinella."

"At bakit?"

"Bakit bakit ka jan, kayo na ba? Hindi pa diba? So she's free as a bird!"

"Ano ba yan nakakainis. Bahala siya mamaya."

"Hindi mo na pupuntahan?"

"Pupuntahan syempre, matitiis ko ba yun? Magpapalate lang akong maigi."

"Wow, di kita mareach."

"Hay nako, iinom ako ng beer!"

"Oo eto na nga papunta na tayo!"

+++

6:30pm

"Glai ano? Tapos na yung interviews and all mo, naexplain mo na yung book mo, yung live na pagkanta mo nalang para masaklaw natin yung music side mo."

"Wait lang Chyns, dapat kasi marinig ni Rhian yung kanta."

"Bakit ano bang balak mong kantahin?"

"Sabi ko kila Macky, Ba-barcelona kami ngayon eh."

"Ahh kaya pala. Asan na daw ba siya?"

"Ayun nga eh kanina ko pa tinitext at tinatawagan hindi naman nasagot."

"Baka busy sa opening ng beer factory nila? Sa Laguna pa yun eh."

"Sabi niya darating siya eh."

"Glai, matanda na kayo, wag ng pasweet. Sige na tumugtog ka na mababasa at mapapanood naman niya siguro sa website yung pagkanta mo eh."

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan sabay ng muling pagsulyap sa pintuan papasok pero wala pa din siya.

"Bahala na nga." Malungkot kong sabi, sabay kuha ng gitara ko at upo sa gitna ng make shift stage kasama sila Macky at Joseph.

+++

"Mukhang nagsisimula ne Bestie, nakakahiyang pumasok."

"Para kang shunga Rhi, papalate late ka tapos mahihiya hiya ka, nagpalate ka kaya ibig sabihin walang hiya ka. So papasok tayo."

"Wow ang sakit ha."

"Nagsasabi lang ng totoo. Tara na kasi. Mukhang kumakanta siya."

Marahang binuksan ni Bianca ang pinto papasok sa restaurant kung saan namin nakita ang mga fan, crew at staff ng restaurant at ng myx. Lahat nakatuon ang paningin sa isang maliit ng stage.

"Etong kantang to ay inaalay ko kay Rhian..." narinig kong sabi niya, at nagtilian naman ang mga manonood.

"Para sa mga taong umiibig ng walang panghuhusga!" mas malakas na hiyawan ng mga manonood

"Ipaglaban natin ang pag-ibig!" muling masiglang sambit niya. Nasa may gilid na kami ng maliit na stage kung nasaan siya nakaup kasama pa din sila Macky at Joseph. Pero wala na si Patty.

Nagsimula niyang marahang tinipa ang gitara niya, damang dama ang saliw ng musika. Nakakahalina hindi lang ang magandang himno nito ngunit pati na rin ang ganda niya. Napapangiti akong pinapanood siya.

Kalaban man ang lahat

Iwan ka man ng samahan

Lumayo na ang mundo

Ito'y walang kapares.

Buong lambing niyang simula.

"Para sayo pala talaga yung kantang yan?" mahinang tanong ni Bianca

"Siguro? Ngayon ko lang narinig na dinedicate niya sakin yan eh."

"You should've seen the rough draft of that song."

"Bakit?"

Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan

Walang humpay na ligaya sa inakala nating

Walang tama samundong sinungaling

Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapat

"Yung back page may mga kanji writings. Tapos tinanong ko one time kung ano yung dalawang japanese characters, sabi niya lang..."

"Ano?"

"MK. Daw. Hindi ko alam kung sino yung MK at kung ano yung MK nun. Tapos kinuwento ni Chynna. Tapos naikwento mo din nung one time na natanong kita." Hindi ko mapigilang mapangiti at alam kong nakita ni Bianca yun.

Ikaw at ako

Kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako

Samahang walang maling akala

Ikaw at ako

Sana nga ang itinadhana

"Alam mo?" Dagdadg ni Bianca

"Ano?"

"Mahal ka talaga niya eh no? Bakit mo ba kasi siya iniwan?"

Naging maramot ang kahapon

Kaya't bumabawi ang ngayon

Walang takot na ibinigay sa maaaring lumbay

Ang nararamdamang tunay sa tanging kaugnay

"Nako B, that's a story for another time, enjoyin muna natin itong kinakanta niya para sakin."

"Alam mo?" tanong nananaman niya

"Ano?"

"Ang landi mo talaga." Sabi niya sabay tawa.

"Ano ba naman yan Bianca." At sabay na kaming natawa

Ikaw at ako

Kasama silang walang panghuhusga

Ikaw at ako

Samahang walang maling akala

Ikaw at ako

Sana nga ang itinadhana

Hindi naman nawala ang atensyon ko sa boses at pagkanta ni Glaiza, damang dama niya ang bawat salita, at naitatawid niya iyong mula sa kanyang boses papunta sakin, sa puso't isip ko, at parang gusto ko na siyang saguting, oo tayong dalawa nga ang itinadhana para sa isa't isa Glai. Andito na ako at di na kita iiwan.

+++

"Rhian! Biancs! Nakarating kayo!"

"Aba syempre! Nag-inarte lang itong - -" simula ni Bianca na maagap ko namang naputol

"Oo naman sabi ko naman sayo darating ako diba?" ngiti ko na ikinangiti din niya, mukha kaming mga tangang nakangiti lang sa bawat isa na kinasimangot nanaman ni Bianca.

"Dyan na nga muna kayo! Dun lang ako kila Chynna at Ben." Inis na sabi nito.

"Thanks sa pakikiramdam B." sagot ko naman sabay kurot sa pisngi niya. Ng makaalis na si Bianca hinarap ko si Glaiza

"At ikaw sino naman yung kasama mo sa instagram post kanina?"

"Huh? - - Ahh si Solenn, Barista yun sa Starbucks branch na malimit namin puntahan ni Chynna. Nagpapirma din siya ng book eh."

"Alam mo ang hirap mong bakuran, halika nga dito." Sabi ko sabay hatak sa kanya sa sulok ng restaurant na walang masyadong tao, buti nalang nakaalis na ang crew at kakaunting fans nalang ang nandun.

"Nakakatuwa ka binibini..."

"Wag mo akong pairalan ng ka-kyutan mo. Di uubra yan." At lalo niya akong tinawanan

"Tuwang tuwa ka nga ano?"

"Oo naman."

"Dahil sa picture mo kasama yung barista kanina?"

"Hindi, dahil narinig mo yung kinanta ko kanina. At andito ka. Dumating ka nga akala ko iindyanin mo ako eh." Pangungunsensya niya

"Ang totoo niyan, dapat maaga talaga akong pupunta, kaso nakita ko yung instagram post, nabadtrip akong very sweet, nagbeer muna kami ni B." Pagamin ko na ikiniguhit nanaman ng malapad na ngiti sa labi niya at pagkawala ng mata niya.

"Oh bakit?" maang ko. pero bigla niya lang akong niyakap ng napakahigpit.

"G-glai?"

"Natupad ko na yung pinangako ko sa sarili ko nung third year college ako."

"A-ano?"

"Yung makanta yung di ko matapos na kanta sa harap ng maraming tao na nakikinig ka, dahil para sayo talaga yun."

"Third year college? Tayo pa nun diba?" pagalala ko at natawa naman siya habang mayuming nakayakap pa din sakin

"Oo nga, di naman lahat ng laman ng Synthesis eh malungkot lang, sinumulan kong isulat yung Barcelona nung bago yung second anniversary natin. Kaso hindi ko natapos."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi ko pa alam kung saan ko huhugutin yung inspirasyon."

"Kelan mo siya natapos?"

"Nung napanood kita sa London Theater, unang lead role mo ata yun?"

"A-andun ka?" tanong ko sabay bitaw sa yakap niya at hawak sa magkabilang balikat niya

"Andun ka Glai?"

"Oo, hinanap kasi kita, tapos dun kita nakita. Kaso may kasama ka ng iba."

"Glai - -"

"Dun ko siya natapos, malungkot man yung pinanghugutan ko para matapos lang yung kanta, ang mahalaga nung mga panahon na yun mukhang masaya ka."

"Ibang klase kang ninja alam mo yun?"

"Oo naman! Ako pa ba?" ngiting sabi niya

"Pwede ba kitang halikan?" tanong kong ikinagulat niya

"Hindi ka dapat nagtatanong..." malanding tugon niya na kinangiti ko

"Baka kasi sampalin mo ko." akusa ko

"Bakit hindi mo subukan?" alok niya sabay tulak sakin sa gilig ng isang bookshelf at dingding.

"Galura?"

"Howell?" malambing na tawag niya, kasabay ng paghawak sa magkabilang pisngi ko.

Palapit siya ng palapit...

Lumilipat ang mata niya sa pagtingin sa mata ko at sa labi ko...

Napapangiti at napapakagat ng lower lip niya...

Tumitigil tigil ang pagtibok ng puso ko at paghinga ng...

"Rhian Denise!" sigaw ng boses mula sa likod ni Glaiza na pareho naming napatalon ni Glaiza at napalingon

"Bestie naman!"

"Ay sorry, kala ko kasi binabakuran ka lang ni Glaiza. Naudlot ba?" natawa naman si Glaiza at dagliang umalis sa harap ko

"Grabe ka Bianca!" inis kong kurot sa kanya

"Get a room kasi! Jan pa kayo sa gilid ng bookshelves nag aanuhan."

"Anong anuhan!?"

"Asus! Maang maangan, tanga-tangahan. Inlab-inlaban naman! Tara na nga! Nagaaya kumain sila Chynna at Ben."

Mabilis naman akong hinatak ni Glaiza sa kamay papunta sa kanya...

"Hindi pa tayo tapos Howell." Bulong niya sabay ng paghalik sa pisngi ko.

"Te-teka! Huy para saan yun?!"

"Sa pagpunta mo dito ngayong gabi." Sabi niya sabay kindat at saka sumunod kay Bianca sa table nila Chynna at Ben. Habang ako naiwang nakanganga pa ata sa gilid ng bookshelves.

Maya maya pa ay sumunod na ako sa kanila.

"Oh Bestie, bakit namumula ka? Di pa ba nawawala tama ng beer kanina?" biro ni Bianca at nakita ko namang ngingiti ngiti si Glaiza.

Aba siya!

"Ahh wala na Bestie... Paupo nga - -"

"Dito ka." Sabi ni Glaiza sabay pagpag ng couch sa tabi niya at tango sakin para pumunta sa kanya.

Halatang nagulat si Benjamin dahil ito ang katapat ni Glaiza, si Bianca at Chynna parang walang narinig at nakikita.

Pinaglalaruan mo ba ako?

Malamang tingin ko sa kanya. At naintindihan naman niya dahil umiling siya.

"Dali na magandang binibini, at ng tayo'y makapagsalo na sa - - hapag kainan." Malamang tugon nanaman niya na kinatawa ni Chynna at kinangiti ni Bianca at kinakunot ng ulo ni Benjamin.

Masaya ko naman siyang sinunod at tulad ng ginawa niya kanina ay mariing hinalikan siya sa pisngi na kinatigil niya.

"Salamat Ninja." Ngiti kong sabi, ngunit parang nasa alapaap pa ata siya at walang nagawa kundi ngumiti nalang at pilit tinatago ang pamumula niya.

Hay nako Glaiza! Pag ako di nakapagpigil talaga naman!

Habang kumakain kami ay kinuha ni Glaiza ang phone niya na pinagtaka ko naman, ayoko namang magpahalatang namboboso ako kaya nagpatay malisya nalang ako kahit kating kati akong malaman kung anong ginagawa niya. Nilock niya ang phone niya at ipinatong ng nakataob sa lamesa kasabay ng pagvibrate na akin.

From: Glaiza

Handa na ba tayo sa bagong simula Binibini? Nyahaha :D

Di ko mapigilang mapangiti sa nabasa ko, ako pala yung pinagkaabalahan niya sa phone niya kanina.

To: Glaiza

Handang handa na kaya.

Pagkasend ko ay nagvibrate naman ang phone niya. At naglaan ng ilang minuto bago ito tignan, tama lang upang hindi maghinala ang mga kasama naming nagkukwentuhan.

From: Glaiza

Mainam Binibini. Ang ganda ng bagong kulay ng buhok mo. Bagay na bagay sayo.

Napansin niya pala.

To: Glaiza

Oo syempre, favorite color mo diba?

Di na siya naghintay at mabilis na nagreply.

From: Glaiza

Oo, paboritong kulay sa paborito kong tao. Napakainam naman. Perperkto. ;)

Magrereply pa sana ako ng...

"Ehem, excuse me, bawal magtext sa hapag-kainan mga binibini, lalo na kung kayong dalawa din naman ang magkatabi." Basag ni Chynna maliit na mundo namin ni Glaiza

"Huy grabe hindi kaya si Glaiza yung katext ko." maang ko

"Anong hindi? Patingin nga ng convo." Pilit ni Bianca

"Hindi nga sabi, ang gaga niyo." Pilit ko sa kanila sabay tingin kay Bianca na nagsasabing manahimik ka wala kang pake. Na ikinaikot naman ng mga mata niya.

"Kumain na nga lang tayo. Kung ano anong napapansin niyo samin." Sabat naman ni Glaiza sabay tago ng phone niya.

Itatago ko na sana yung akin ng makita kong may sumunod pa palang sumunod siyang sinabi.

From: Glaiza

Perpekto para sa akin. Nyahaha :D


Continue Reading

You'll Also Like

215K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
RASTRO FEELS By .

Fanfiction

763K 21.7K 104
Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung iba dito output lang ng imaginations ko...
108K 1.4K 9
Sometimes the Sweetest Love Stories are the ones that start with a friendship. Ever asked yourself that big question, ''am i falling for a friend'' A...