His BABYsitter (Complete)

By Eilramisu

7.5M 71K 3.5K

On-going revision.... More

Prologue
One
Two
Three
Four
*Private Chapter*
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
*Eleven*
*Twelve*
*Thirteen*
*Fourteen*
*Fifteen*
*Sixteen*
*Seventeen*
*Eighteen*
*Nineteen*
*Twenty*
*Twenty Two*
*Twenty Three*
*Twenty Four*
*Twenty Five*
*Twenty Six*
Babysit ~ Twenty Seven
Babysit ~ Twenty Eight
Babysit ~ Twenty Nine
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty
Babysit ~ Thirty One
Babysit ~ Thirty Two
Babysit ~ Thirty Three
Babysit ~ Thirty Four
Babysit ~ Thirty Five
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty Six
Babysit ~ Thirty Seven
Babysit ~ Thirty Eight
Babysit ~ Thirty Nine
Babysit ~ Forty
Babysit ~ Forty One
Babysit ~ Forty Two
Babysit ~ Forty Three
Babysit ~ Forty Four
Babysit ~ Forty Five
Babysit ~ Forty Six
Babysit ~ Forty Seven
Babysit ~ Forty Eight
Babysit ~ Forty Nine
Babysit ~ Fifty
Epilogue

*Twenty One*

130K 1.2K 58
By Eilramisu

Tinignan ako ni Hanzen at hinawakan ang kamay ko. Hindi pa to ang tamang oras para sa meet-the-parent eklavoo. Hindi naman ganito yung sa normal na pag i-introduce ng boyfriend. Gusto ko, sa library kami ni daddy mag uusap usap. Pero hindi sa hospital room. This is not the right time. 

 Humakbang si Hanzen palapit kay daddy, pero pinigilan ko siya.

"Dad, we need to discuss something." Tapus tumingin ako kay Hanzen na nakakunot ang noo, ganon din si daddy. Nakakunot ang noo. Hinila ko na si Hanzen, bago pa sila makapag react ni daddy. Lumabas kami ng kwarto at iniharap ko siya sakin.

"What do you think you're doing?!"

"What?? I'm just doing the right thing."

"Yeah, but it's not the right time."

"Kailan pa Ciara? Pag bumalik ka sa inyo at ipagpatuloy ang naudlot na kasal?" I was caught off guard. How did he know?

"H-how??" He smiled bitterly.

"Kung hindi pa sasabihin ng kapatid mo sakin, hindi ko pa malalaman Ciara. Why did you keep it?"

"Because it's the right thing to do Hanzen."

"Hanggang kailan mo balak sanang itago sakin?"

"Hindi ko naman na kailangan pang sabihin sa'yo. Kasi hindi naman ako payag sa ideyang yun."

"Kahit na Ciara. Naglihim ka pa din sakin."

"Gaya ng paglilihim mo sakin tungkol sa ex mo?"

"Ciara!! Hindi yun ang pinag uusapan natin dito. Hindi na mahalaga yun."

 "We have the same reason Hanzen. Hindi mahalaga sakin yun."

"Fine! Pero haharapin ko ang daddy mo Ciara. Sa ayaw at sa gusto mo. Boyfriend mo ko, kaya dapat hindi mo ko kinakahiya."

"Hindi kita ikinakahiya."

"Then prove it." Maygaddd!! Ang hirap mag explain. Sasabog na ang utak ko.

"Okay, okay. Payag na ko. Kung yun ang gusto mo, okay?" Ngumiti lang si Hanzen ng nakakaloko, tapus ngumuso siya.

"Palakasin mo muna ang loob ko Ciara. Kinakabahan ako no. Medyo okay na sana kanina yung entrance ko eh, di na ko masyadong kabado. Kaw kasi eh." Nangiti na din ako kay Hanzen. Ang cute lang niya kasi eh.

"Kaw kaya. Kala ko naman kung sino kang matapang na bigla bigla na lang papasok at sasabihin mong nandyan ka na." Mas lalo pang ngumuso si Hanzen. Halayin ko na to dito eh.

"Panira ka kasi eh. Tara na nga, bago pa ko maubusan ng dugo." Papasok na sana ulit kami sa room ni daddy, pero pinigilan niya ko.

"Bakit nanaman? Ikaw itong magyayaya, ikaw din tong hihinto." 

 "Yung pampalakas ko, Ciara? Nasan na?" Ngumuso si Hanzen at pumikit. Nung nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Nainip siguro kaya nagmulat siya at pinandilatan ako, pumikit ulit siya at itinuro yung naka pout niyang lips. Kaya hinalikan ko na lang siya, pero mabilis lang. Ayokong gumawa ng eksena. Baka kasi mabalita sa tv at dyaryo na 'Magkasintahan, hindi naka pigil. Kababalaghan, sa hospital ginawa.' 

Ayaw ko namang mangyari yun. Nakasimangot na hinatak ako ni Hanzen papasok ng room ni daddy.

"Kinakabahan nanaman ako." Bulong sakin ni Hanzen. Pinisil ko na lang ang kamay niya. Ginusto niya yan. Masyado siyang padalus dalos.

Nung nakalapit na kami kay daddy, nakatingin lang siya sa mga mukha namin. Tapus bumaba aag mga mata niya sa mga kamay namin. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kanya, pero hinigpitan niya pa lalo.

"Good evening, Sir." Tumango lang si daddy sa sinabi ni Hanzen. May gaddd, kinakabahan din ako. Perstaym kong humarap kay daddy na may ka holding hands.

"Sa tingin ko hindi lang employer-employee ang relasyon niyo ng anak ko." Napayuko ako. Kasi naman, di ko alam ang sasabihin ko.

 "Boyfriend po ako ng anak niyo, Sir." 

"I see. Pero, hindi ba babysitter si Ciara? Kung ganon, pamilyado ka?" Si daddy talaga. Tsk! Gigisahin si Hanzen.

"Hindi po Sir."

"Single dad?"

"No Sir, my niece." Tumango tango naman si daddy.

 "How much is your net worth?"

"DADDY!!" Pambihira. Pati ba yon itatanong niya? Kailan pa siya naging mukhang pera? My gulay! Hindi man lang nila ko pinansin. Isnaban ba to? Hmp! Hello, nandito pa ko. Nag e-exist. 

 "268 billion pesos, Sir. Hindi pa po kasama ang dollar." Wow. Yaman pala ng boyfriend ko? Mukhang impress na impress si daddy. Hmm. In our face. Pag mag asawa na kami, kahit 24 hours akong mag shopping, hindi mababawasan yung bilyones niya.

Pero matagal pa yun. Kasi hindi pa naman ako ready mag pakasal. 

 "Mahal mo ba ang anak ko?" Tumingin sakin si Hanzen. Shett. Kinabahan ako. Bakit ang tagal niyang sumagot. Tatanggalin ko na ulit sana yung pag kakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko kaya ang intense. Pero hinigpitan nanaman niya ang hawak sa kamay ko.

 "Very much." Shettt. Wag kang tumitig ng ganyan, baka mahalay kita sa harapan ni daddy. "I'm willing to give her needs and wants just to spoil her." Na-flatter ako ng sobra sobra. Hindi ko akalain na mag sasalita siya ng ganyan sa harap ni dad. Yun din kasi ang gusto ni daddy. Ang i-spoil ako sa kahit anong paraan.

"Ayoko nang nahihirapan ang anak ko, kung pwede lang ayaw ko siyang pag trabahuhin. Dahil prinsesa ko siya. Nag kakaintindihan ba tayo dun, Hanzen?" Gaddd, parang general lang to si daddy.

"Yes Sir!" 

"Nah!! That's too formal. You can call me Tito... or if you want, daddy. Right Ciara?" 

"H-ha? Uh, o-oo." Gaddd! Daddy??? So parang feeling ni daddy, fiancè ko na si Hanzen? Boyfriend palang no. Di ko pa kaya ang kasal. Kahit pre-marital sex, okay na sakin yun. Pero, kasal? Omeged!

May pinag usapan pa si daddy at Hanzen, habang ako naka upo lang dito sa may couch. Di ko na nga lang naintindihin yung mga chika chika nila, busy kasi ang utak ko sa pag iisip ng kung anu ano. Bakit ba, pag ang usapan, malapit sa kasal, kinakabahan ako? Feeling ko, ayaw ko pa talaga. Pero paano kung yayain ako ni Hanzen? Papayag ba ko? Mahal ko naman siya, at sigurado akong mahal din niya ko. Pero, kaya ko ba? Tanggapin kaya niya? Baka naman din pa rin siya ready?Or ako lang nag iisip nun?

Nayaya niya na ba si Xienna na magpakasal sila? I remember, that girl choose her career over Hanzen. Pano kung tinanggihan na siya noon? Kaya ko kaya siyang tanggihan ngayon? Pero, hindi ko naman talaga pipiliin ang pag pipilit ko na mag trabaho sa company. Hindi ko lang muna talaga pina-prioritize ang marriage. 

Ah basta! Hindi pa naman siguro mag pipilit si Hanzen na mag pakasal kami. Like, duh!! Mag tu-two months pa lang kami eh.

Naputol ang pag iisip ko nang may biglang pumasok sa sa room ni daddy. Napatayo ako sa nakita ko.

"Mom!" Pinuntahan ko siya at yayakapin na. Gadd!! I miss my mom very much. Nag melt yung tampo sa puso ko at napalitan ng longingness. Nang makalapit ako sa kanya. Sampal. Yan ang bumungad sakin. Ang sampal niya. 

Napahawak ako sa kanang pisngi ko. Ang init. Ang sakit.

"M-mom!" Bulong na lang ang pag sasalita ko. Kasunod pala niya si ate. Lahat kami dito natigilan. Parang reunion lang. Pero hindi tawanan, yakapan, at kwentuhan ang bumungad sakin, kundi sampal. Kanina sampal ni ate. Ngayon naman, sampal ni mommy. Kanino pang sampal ang susunod?

Diretso lang sa pagtulo ang luha ko. Kahit kailan, hindi nila ko napagbuhatan ng kamay. Siguro puro lang arguments. Pero yung physical? Wala. Ngayon lang. Pero mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni mommy... niyakao niya ko. Sobrang higpit na yakap. Tuluyan na kong napahagulgol. Para kong bata na nawala sa isang malaking mall. Pangungulila. Yan ang nararamdaman ko ngayon, kahit yakap ko na sila. Seven months ang pinaka matagal kong pag kakahiwalay sa kanila.

"Where have you been, Maria? Pinag alala mo kami, ako, lalo na ang daddy mo. Claire, told me everything. Kung hindi pa dahil sa sugat mo dyan sa braso--"

"Aaaaw!" Nadutdot kasi ni mommy ang braso ko na may sugat. 

"Sorry, sorry. Ikaw naman kasi. Manang mana ka sa ama mo. Ang tigas tigas ng ulo niyo." Napapailing na lang ako kay mommy na biglang napatingin sa side ni Hanzen.

Lumapit si Hanzen kay mommy. "Good evening po. Hanzen Miguel Monteverde po." Tapus nag lahad siya ng kamay. Tinanggap din naman agad niya kahit na medyo gulat. Eto lang siguro ang hindi naikwento sa kanya ni ate.

"Good evening din." Tapus tumingin sino mommy sakin na parang nag sasabi na 'I-explain mo siya sakin, Maria' Kabisado ko na si mommy.

"M-mom si Hanzen, b-boyfriend ko po." Mas nagulat ata si mommy sa sinabi ko. 

 "Mag usap tayo, Ciara Maria." Okay, anu ako, parang teenager na ii-interogate ng nanay dahil may boyfriend na pinakilala. 

"Clarita, hayaan mo na munang makapag pahinga yang si Kia. Mauwi na muna kayo, Kia." Tumingin ako kay mommy, kung hindi ganyan ang kalagayan ni daddy. Malamang nakaoag protesta na yan.

 "Sige daddy. Yung napag usapan po natin ha?" 

"Basta babalik ka, at dadalawin ako araw araw." Tumango tango na lang ako. Hinalikan ko na lang siya sa may noo. Tatalikod na sana ako, pero hinawakan niya ko sa kamay. 

"Come home soon." Nginitian ko na lang siya ng tipid. "Hanzen, magpunta ulit kayo dito ni Ciara bukas." Makapag command lang si daddy.

"Yes d-daddy." Kinirot na nanaman ang puso ko sa.pag tawag niya ng daddy kay daddy. 

Nag paalam na din ako kay mommy at ate Claire.

"Maria, we'll talk some other time, aryt?" Tinanguan ko na lang siya at lumabas ng hospital room. Hinawakan kaagad ni Hanzen ang kamay ko at pinag intertwine yun. I really feel safe when I'm with him.

"Let's have dinner first, bago tayo umuwi." Pag kasabi niya nun, hinalikan niya ko sa noo. Tinanguan ko na lang siya at sabay kaming nag punta sa parking lot.



(c) Eilramisu


Mwahahaha. Tsaka ng update. Anw, namiss niyo ba ko? Or yung update ko? Sensya. Feelingera alert.

Ngayon lang ako nakapag update, sa kadahilanang, dapat may date ako kahapon, kaso di na tuloy. Nag punta na lang ako sa Paranaque. Kanina natuloy ang aking date with my sweet loving boyfriend. Mwahahahaha. Kaya, I'm so happy. It's so nice to be happy, shalala.

May readers ba ko na nagpunta kanina sa Festival Mall?? Mga around 2pm ="))

Continue Reading

You'll Also Like

209K 3.9K 21
Dice and Madisson
286K 5.3K 49
The very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse...
1.9M 37.7K 69
Naging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kan...
777K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...