Status: In a Relationship wit...

By SaddestFemale

266 4 0

Tanga? Oo. Ganun ako. Lalo na nung minahal ko ang pinakamaling tao na nakilala ko. Mali bang magmahal? Mali b... More

Prologue:
Chapter 1: Introduction
Chapter 2: Flashback? True story.
Chapter 4: Closer.
Chapter 5: Together.
Chapter 6: Her Kindness!

Chapter 3: The Real Deal.

33 0 0
By SaddestFemale


AUTHOR'S NOTE: Guuuuuuuuuuuuuuuys! Sorry at masyadong matagal ang update ko. Busy po kasi ako sa School. At dahil Christmas at New Year na, New update din po. Sana magustuhan niyo. :)

Cass' POV

Maaga akong pumasok ngayon. May kailangan pa kasi ako sa Library. Dumiretso muna ko sa Room para ilagay ang gamit ko.

Nagulat ako na may nauna pa pala saakin na pumasok. Si Miggy. Mukhang di niya napansin na nandito na ko. Nakatingin pa rin kasi siya sa labas ng bintana.

"*Fake cough*" Ako. Napatingin naman siya sakin na halata mong nagulat.

"Good Morning. K-kanina ka pa d-dyan?" Nag-aalangang tanong niya.

"Hindi naman. Ikaw? Ba't ang aga mong pumasok?" Tanong ko pabalik.

"Uhm... Naisip ko lang." Sagot niya. Tumango na lang ako at lalabas na sana ng bigla siyang nagsalita.

"Teka..." "San ka pupunta?" Tanong niya.

"Library. May kailangan pa kong hanapin dun." Sagot ko.

"S-samahan na kita." Sabi niya at naglakad papunta saakin.

"Okay."

Miggy's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Pagdating ko sa Room, wala pang tao. Haaay *sigh* naiisip ko nanaman ung pinapagawa ni Thunder sakin.

FLASHBACK:

"You still want us together di ba?" Tanong niya.

"Yes!" Sagot ko. "Then make Cass fall in love with you!" Sigaw niya.

"Make what?!"

"Make her fall for you. Ligawan mo siya. Pasagutin mo siya ng 'yes'." Nabingi ata ako sa huli niyang sinabi.

"How can I do that? Bakla ako!" Sigaw ko sakanya.

"Do it if you want me back." With that umalis na siya at iniwan ako sa Room na un.

END FLASHBACK:

"Okay kalang ba?" Nagising ako sa tanong ni Cass sakin.

"O-oo naman."

"Kanina pa kita tinatanong eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Kanina niya pa ako kinakausap?

"H-ha? Sorry. Di ko lang narinig."

"Bakit ka ba lumipat ng school?" Tanong niya.

"I heard maganda daw kasi ang turo dito." Sagot ko. "And siguro nagandahan din ako sa pangalan ng school." Dugtong ko pa. Natawa naman siya ng bahagya..?

"*laugh* Sorry. Ang babaw kasi ng reason mo." Sabi niya habang tumatawa pa rin. Habang tumatawa siya hindi ko napansin na nasa Library na pala kami. Paano ko alam? May nakalagay sa taas ng pinto.

Napansin kong konti pa lang ang tao sa Library. Sinamahan ko muna siyang hanapin ung librong kailangan niya. Tapos dumiretso ka sa bakanteng upuan. Nakatingin lang ako sakanya habang nagbabasa siya ng may biglang sumaging tanong sa isipan ko. Bakit nga kaya siya ang napili ni Thunder na paibigin ko? Mukha naman siyang inosente at tahimik. Maganda siya, simple, at ang alam ko siya daw ang Top1 nila. Bakit kaya siya ang gutso ni Thunder?

Natapos ang pagtingin ko sakanya ng tumingin siya sakin ng may halong pagtataka. Umiwas naman ako ng tingin sakanya.

"May dumi ba ako sa mukha? O kaya may muta ba ako?" Tanong niya sakin.

"Wala naman. Bakit?" Tinignan ko muna siya bago sumagot.

"Bakit ka nakatingin?" Tanong ulit niya.

"U-uhm? W-wala lang." Sagot ko at iniwas ang tingin ko.

"*laugh* Alam mo nakakatuwa ka." Sabi niya na dahilan para mapatingin ako sakanya. Nakatingin pa rin pala siya sakin.

Diretso lang kaming nakatingin sa isa't isa. Napansin ko lang... bagay pala sakanya ang kulot na buhok! Mapula rin ang labi niya kaya bagay sakanya ung Light color lang na Lipstick! Mayroon din siya Chubby cheeks at maputing skin, bagay sakanya ang light pink na Blush on. Ay! Ano ba yan Joshua Miguel!?

"Hoy!" Nawala ung pag me-make up ko sakanya ng sumigaw siya.

"O-oh?" Wala sa sariling tanong ko.

"May problema ka ba? Kanina ka pa wala sarili." Oo. Napakalaki ng problema ko.

"H-ha? Wala naman. Maaga lang siguro ako nagising." Sagot ko.

"Masaya ka kasama, medyo wala lang sa sarili. Pero gusto kita maging kaibigan." Bigla niyang sabi.

"Bakit naman ako?" Tanong ko.

"Wala lang. Magaan kasi ang loob ko sayo." Okay. Ako na guilty.

"A-ahh. Ha-ha." Sagot ko at tumawa ng akward! Di ba dapat natutuwa ako dahil mas naging mabilis ang galaw ng plano ko. Ang paibigin si Cass at maibalik sakin si Thunder.

"Ayos ka lang ba talaga? Or--" Pinutol ko na ung sasabihin niya.

"Yeah. Okay ako!" Sabi ko at ngumiti. Ung pamatay na ngiti. Napansin ko naman na namula siya. Mga babae nga naman!

Nagbasa lang kami pareho ng libro. Minsan napapatingin ako sakanya at mapapatingin din siya sakin. Kaya ang mangyayari mag-ngingitian lang kami. Hanggang sa narinig na namin na nag bell na. Napatagal pala siya sa pag-aaral niya.

Naramdaman ko na tumayo siya kaya napatingin ako sakanya. Inaayos na niya ung mga libro ginamit niya. Sinundan ko siya at tinulungan sa pagsasauli ng mga libro sa shelves. Pagkatapos ay sabay na kaming naglakad palaba. Pagkapasok namin sa Room kay Thunder agad ako tumingin. Nakikita kong may halong pagtataka ang mga tingin nya. Nagtataka siguro siya kung bakit kami sabay pumasok ni Cass.

Cass' POV

Break time na ngayon. Nandito ako ngayon sa Cafeteria at hinihintay ung magaling kong Bestfriend na bumibili ng pagkain namin. Habang nag-dedaydream ako may naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya napatingin ako.

"Pwede bang makiupo? Wala kasi akong mga kaibigan pa maliban sayo. Magkaibigan naman tayo di ba?" Sunod-sunod na sabi ni Miggy sakin.

"A-ah. O-oo!" Di siguradong sagot ko.

Nagsimula na siyang kumain pagkatapos kong sabihin un. Samantalang ako, hinihintay ko pa rin ang magaling kong Bestfriend. Napansin ko naman na palapit na siya dito.

"Bestfri-- Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Camille nung napansin niyang may katabi ako.

"Kumakain. Un ang ginagawa sa Cafeteria di ba?" Sagot naman ni Miggy sakanya.

"Bakit dito?" Tanong pa ni Camille habang nakaturo sa pwesto namin.

"Bakit hindi. Di ba sa Cafeteria naman kumakain?" Sagot ulit n Miggy.

"I mean bakit dito sa table nam--" Pinutol ko na ung sasabihin niya.

"Ang tagal mo naman Bestfriend! Gutom na ko. Tara sabayan na natin si Miggy kumain." Sabi ko at kinuha sakanya ung pagkain ko.

Naramdaman ko naman na hindi pa umuupo si Camille kaya napatingin ako sakanya. Tinitignan niya kami ng papalit-palit ni Miggy ng may halong pagtataka. Nung napansin niyang nakatingin ako sakanya umupo na din siya.

"Teka nga. Bakit ba talaga kayo magkasama?" Nagtatakang tanong ni Camille samin.

"Bestfriend. Di ba, ikaw pa ung gustong makipag-kaibigan sakanya? Bakit ngayon pinapaalis mo siya." Sagot ko sakanya.

"Di naman sa ganun. Nagulat lang ako." Naramdama ko naman na napatingin si Miggy kay Camille.

"Ano bang nakakagulat dun?" Tanong ni Miggy.

"Akala niyo di ako updated?" Huminto muna siya at tinuro kaming dalawa gamit ung tinidor niya. "Magkasama kayong dalawa sa Library di ba?" Tanong niya.

Napatingin ako kay Miggy ng wala sa oras. Nakatingin din pala siya saakin. Tumingin din ako kay Camille ng may halong pagtataka. Paano niya naman nalaman un?

"Paano ko nalaman? Pinag-uusapan kaya un sa Room kanina nung wala pa kayo. May nakakita kasi sainyo." "Tinanong pa nga nila ako kung ano daw neron sainyong dalawa." Sagot niya.

"Tapos ngayon sabay kayong kumakain? Ung totoo?" Tyloy niya pa.

"Masama ba?" Sabay na sagot namin ni Miggy.

"Ay! Nag-practice kayo? Duet? Naku! Di na ako magugulat na isang araw Bestfriend makita ko yang katawan mo sa ilog pasig at lumulutang." Pabirong sagot niya. Napatingin naman ako sakanya ng di-ko-na-gets-look.

"Tumingin ka sa paligid mo ng makita mo ung mga fangirls ni Miggy na pinapatay ka sa isip nila." Sabi niya at kumain na.

Tumingin nga ako sa buong Cafeteria. Nakita ko ung mga babae na nakatingin sakin na akala mo ay kakainin na ako ng buhay. Di ko na lang pinansin un at kumain na lang.

Hanggang uwian napapansin ko ung masamang tingin sakin ng mga Schoolmate ko na babae. Sa mga kaklase ko namang babae, inasar lang nila kami. Ganun talaga sa Room namin, magkakapatid ang turingan.

Naglalakad ako ngayon mag-isa. Hindi ko alam kung nasaan na ung Bestfriend at Pinsan ko. Kaya eto solo flight ako ngayon. Palabas na sana akon ng Campus ng biglang may tumawag sakin.

"Cass!" Lumingon ako para hanapin iyon. Nakita ko namang tumatakbo palapit sakin si Miggy.

Nang nasa harap ko na siya ay hinayaan ko muna siyang habulin ang hininga niya. Nakahawak pa siya sa tuhod niya at tumatagaktak ang pawis. Nang okay na siya, tumayo siya diretso at tumingin sakin.

"Okay ka na ba?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Bakit mo ba kasi ako hinahabol?" Tanong ko.

"Naiwan mo to'." Sabay abot niya sakin ng notebook ko. "At..." Inaantay ko lang ung susunod niyang sasabihin.

"At gusto ko lang maka-sigurado na safe kang uuwi. Hatid na kita." Sabi niya sakin.

***__***

Nagising ako dahil sa nalamigan ako. 4 o'clock pa lang ng umaga. Kinuha ko ang phone ko at bumaba para kumuha ng tubig. Nakita ko naman si Manang Meding na nagluluto ng breakfast.

"Gising ka na pala." Sabi niya ng napansin niya ako.

"Kukuha lang po sana ako ng tubig." Sagot ko at kumuha na ng baso.

Habang umiinom ako naramdaman kong nag-vibrtae ung phone ko. Pagtingin ko si Miggy lang pala. Nag-gm siya ng ganitong kaaga.

'Judge me all you want.
I'm still going to be me.
--
Jwu. Ugh! Ang lamig! Text
sa gising?
G./#Blessed' Yan ang nakalagay. Nagtataka ba kayo kung bakit alam niya ung number ko?

FLASHBACK:

Naglalakad ako ngayon kasama si Miggy. Malapit lang naman ung bahay namin. Tinatanong niyo ba kung bakit kami naglalakad? Mabilis daw kasi pag nag kotse kami. Di daw niya ako makakasama ng matagal.

"Uhm..." Napatingin ako sakanya dahil nagsalita siya. "Ayos ka lang ba? Di ka ba naiilang?" Tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi naman. Komportable naman." Sagot ko. Kahit sa totoo lang naiilang talaga ako. Ang tahimik kasi namin.

Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa nakarating na kami sa bahay namin. Nagpasalamat ako sakanya at papasok na sana ng hawakan niya ung wrist ko. Kaya tumingin ako sakanya.

"*abot ng phone niya* Number mo?" Sabi niya sakin. Kinuha ko ang phone niya at tinype ang number ko. Ngumiti siya nung binalik ko ung phone niya.

"Thank you. Pasok ka na." Nginitian ko muna siya bago pumasok.

Paakyat na sana ako ng biglang nag-ring ang Cellphone ko. Pagtingin ko may tumatawag saakin na unregister number. Sinagot ko naman ito agad kahit di ko kilala.

"Hello?"

"Hey." Shems! Sino ba to'? Ang gwapo ng boses!

"Sino to'?"

"It's me. Miggy. Just checking kung number mo nga."

"Yeah. So, may kailangan ka pa."

"Wala na. See you tomorrow." Sabi niya at pinatay na ung tawag. Napangiti naman ako ng wala sa oras.

"Sino un?" Napatalon naman ako sa gulat ng biglang nagsalita si kuya Sean Ethan!

"Kuya! Ano ka ba?" Sabi ko habang nakahawak pa sa dibdib ko.

"Bakit di ka sumabay saakin? Sino ung naghatid sayo? Sino ung tumawag sayo? Sumagot ka, wag mo kong tignan lang." Dire-diretsong sabi niya.

"Paano ako sasagot kung ang dami mong tanong?!" Sigaw ko sakanya. "Si Miggy lang un. I aksed him kasi kung pwede ko siyang maging kaibigan. Kaya hinatid na niya ako." Tuloy na paliwanag ko pa.

END OF FLASHBACK:

***__***

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 211 21
sa tagal ng panahon niyang nawala hindi ko inaasahan na babalik pa siya hes an completely stranger to me until the story repeat it self bumalik ang s...
2.7K 124 13
You're a simple girl who believes in the power of love. You have your own plans of when will you enter into a relationship-in what age, in what year...
80.2K 1.2K 18
INTRODUCTION JAIL BREAK. Dito kami nagkita muli ng taong labis kong minahal. Ang kaniyang mukhang guwapo at ugaling maginoo ngunit 'di lang naman an...
1.2K 38 8
*(Completed 9/14/2020)* Mamahalin kaya niya ako ng totoo kapag nalaman niyang may sakit ako? Kapag nalaman niyang may taning na ang buhay ko at bilan...
Wattpad App - Unlock exclusive features