"Psssst"
Parang gano'n lang nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Zen nung una niya akong in-approach. Bago ako pumasok sa kolehiyo ay naging kampante ako dahil may isa na kaagad akong kaibigan, si Zen.
Parati niya akong kinakausap kahit man sa una ay hindi ko siya kilala, hanggang sa nagkapalagayang-loob kami nang naging interesado na rin ako kausapin siya para tanungin tungkol sa kolehiyo dahil marami rin akong katanungan sapagkat nag-iisa akong anak at walang nagsabi sa akin na ganito at ganyan ang kolehiyo sa bagong panahon. Aaminin ko, sa una kong tingin sa kolehiyo, mahirap pero dahil sa kanya, naging madali. (Siya ang hero ng buhay ko..... eeeeee hahahaha)
Aaminin ko, masayahin akong tao na maraming kaibigan pero 'yung mga tipo ng mga kaibigan na solid, parang kay Zen, sa kanya ko nakita 'yon.
"Tao po."
Parang na-offend ako doon dahil parang pwede akong bagay, hayop, pangyayari, lugar kaya biglang chat niya na 'tao po'. Siya ang unang nag-approach. Natutuwa ako sa mga gano'n tao, madalas kasi ako ang unang lumalapit kaya kapag may taong unang lumapit sa akin at sinabing, "holdap 'to.", naku po delikado! HAHAHAHA Pero ayun nga, kapag may taong unang lumapit sa akin at naging friendly, siguradong magiging matagal ang friendship namin nito dahil first impression ko pa lang maganda na e, kasi siya ang unang nag-approach. Sa kalagayan ko kay Zen, 'yon ang nangyari.
Dahil nga na 3rd year siya, natulungan niya ako. 'Yon din naman ang naging dahilan kaya balanse ang pag-uusap namin kasi 'stranger' siya para sa akin sapagkat kakakilala ko lang sa kanya sa Facebook, nagtatanong-tanong ako kaya parehas lang kami nagsasalita. Mas lalo akong natuwa kay Zen dahil nangako siya na kapag may tanong o kailangan ako e approach ko lang siya (remember this line). Pinakanatuwa ako na nagyaya siya na kapag freetime ay pwedeng magkuwentuhan daw ng kung anu-ano (remember again this line), syempre may kakausapin ako at hindi ako loner sa college. Honestly speaking, siya ang unang naging kaibigan ko sa kolehiyo, mas nauna pa sa mga kaklase ko. Cool diba? (pero hindi na cool sa mga susunod kong sasabihin)
Nang una namin magkita sa university, kinakabahan pa ako nung una dahil baka scam lang at loko-loko lang si Zen dahil nung magkita kami ay may kailangan ako sa kanya. Ako naman naghintay (syempre marunong akong maghintay KUNG MAY KAILANGAN). Ang taas pa talaga ng tingin ko sa kanya e at hinahanap siya then parang may someone na tumawag sa akin sa bandang tabi, isang maliit (sorry Zen) na tao (nagulat ako seryoso) ang nakita ko. "Ikaw si Leo diba?" Tanong niya. Dapat isasagot ko na, "Malamang, nakita mo naman na ang mukha ko sa Facebook diba?" hahahahaha ang rude ko naman kung gano'n pero naging shy ako (pabebe) sa kanya. Kinausap niya ako, siya ang madalas magsalita (ang daldal parang hindi ano - nagduda na ako sa ano niya <-- hahahaha confirmed). 'Yung feeling na pinagpapawisan ako at kinakabahan nung may usapan kami. "Ba't gano'n?" Tanong ko sa sarili ko.
Hanggang sa hindi lang tungkol sa aral ang usapan namin, may mga personal na rin at getting to know each other na kami. First time ko makakita nang gano'ng klaseng kaibigan. Sana tuloy-tuloy at gano'n parati dahil masaya ako kapag siya kausap e, natatakot ako na baka balang araw magbago.
June 9, 2015 9:49am
Doon ko na-realize na noong una ko pa lang siya makilala, may naramdaman na ako sa kanya. Hindi ko maintindihan noon pero kumpirmado na pala, kaya para sa akin hindi ko maintindihan dahil first time ko umibig nang ganito. Bago pa lang ang panaginip na nangyari sa akin, siya na pala, siya na. Nang dahil naman sa panaginip 'yon, doon ko pa lalong napaintindi sa sarili ko, "Zen, mahal na nga kita." kaya naman ang normal na gawi namin dalawa ay NAGBAGO.
Naging weird ako sa kanya, nang gusto kong aminin ang feelings ko sa kanya, doon naman kami hindi pinagtatagpo ng tadhana kung saan may hadlang sa aming pagkikita upang aminin ko ang aking tunay na nararamdaman, siguro may pahiwatig ito pero hindi ako sumuko at naghanap ng oras at lugar. Hindi ko man naisambit sa kanya mula sa aking boses na gusto ko siya, nai-text ko naman kahit papaano para mailabas ko ang aking tunay na nararamdaman. Inintindi ko siya nang minsan na magtampo siya sa akin sa pagiging weird - naging ma-drama ako sa kanya at kung anu-ano ang pinagsasabi. Ang mas masakit pa ay kulang na lang ay saksakin niya ako ng kutsilyo nung hindi na niya ako binigyan ng pangalawang pagkakataon. Grabe, aabot pala kami sa ganito, akala ko ang masaya namin mga pag-uusap ay aabot pala sa ganito? Hindi ko 'to naisip na mangyayari pero bakit? Matipid na lang niya ako kausapin at madalang na lang.
Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o nagbago siya o ako ang nagbago kaya naging ganito. Nawala na 'yung pagkakaibigan namin at ang tingin namin sa isa't-isa ay iba na.
'Pag minahal mo na kasi ang isang bagay, hindi mo na basta basta yung mababawi. Kelangan mo nalang tanggapin na hindi talaga pwede at saka mag move on. Pero ako, wala na akong balak bawiin puso ko. Kasi alam kong ikaw lang ZEN ang talagang tinitibok ng puso ko.
"Oh Zen bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?" Nang maiba na ang gawi, simula pa lang nun ay nasasaktan na ako. Siguro nga na-inlove ako sa kanya dahil sa nakita at naramdaman ko sa kanya. Hindi ko rin naman masisisi 'tong puso ko na nagmamahal lang.
"Hanggang salita ka lang Leo, sabi ni Zen sa'yo 'yon? Hala, siya nga 'yon e! Siya nga ang madalas na hanggang salita. Nako nako nako." Sabi ni kuya Anthony.
'Buti pa si kuya naiintindihan ako. Nang mangako kasi ako na magkikita kami ay hindi nga natutuloy dahil parating may hadlang kaya nasabihan niya ako na hanggang salita lang ako. Inintindi ko lang siya pero na-realize ko, mas matanda siya sa akin, nirespeto ko na lang kaya hindi na ako lumaban pa. Sa 'remember this line', kapag may kailangan daw ako o kuwentuhan sa kanya 'pag free time e wala na. Sabi niya noon 'yan pero ngayon kapag kausap ko siya kahit free time e mukhang ayaw niya, sino ngayon ang hanggang salita?
Nang maisabi ko sa kanya ang feelings ko, nagplano ako pero may hadlang na naman - ang hadlang na malaman ko na meron na pala siyang iba, si ANGELO.
"I support both of you, masaya naman po ako sa inyong dalawa." Kahit labag sa loob ko. "Mahal kita kaya kung saan ka masaya, doon ako." Biglaang sabi ko sa kanya.
"Swerte ng kaibigan kong si Zen, daming nagmamahal sa kanya, 'kala mo naman kung sino hahahahaha!" Sabi ni kuya Anthony, ang kulit niya hahaha kung alam lang ni Zen ang mga sinasabi niya.
Time to move on! Pero hindi ko kaya, stalk ng FB/Twitter niya at nahuhumaling sa kanya (nahuhumaling is the right verb). Na-realize ko, ganito na lang ba parati? ako na lang ang nasasaktan. Oo alam ko may Angelo siya at hindi pa sila pero may respeto naman ako kahit man commitment pa 'yan o M.U. kasi mukhang masaya sila sa isa't-isa. Tama, kapag mahal ipaglaban, ako pinaglalaban ko pero siya lumalaban ba? Hindi. Araw-araw na lang ganito kay Zen. Gusto ko na siyang kalimutan para hindi na lang ako parating nasasaktan.
"Bukas, maaga akong papasok, malapit lang ako sa room niyo tatambay." Text ni Zen at bigla siyang tumawag.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
REJECT
Hindi ko sinagot ang tawag. Naisip ko ang mga nangyari sa nakaraan kaya nagdesisyon akong huwag sagutin at ipagpatuloy ang challenge ni kuya Anthony para makalimutan siya.
Day 1
Nangangapa pa ako, stalk pa more pero napigilan ko naman kahit online siya.
Day 2
Kapit lang Leo, dalawang araw pa lang parang gusto ko na i-break lalo na't may chat siya sa akin ngunit 'seen' ang aking reply (sakit ng seen).
Day 3
SEEN, may mga tanong siya. SEEN.
Day 4
May tweet sa Twitter, gusto ko mag-reply dahil interesado ako pero teka, may challenge pala ayt.
Day 5
May tanong siya, nagtataka ako, bakit naman siya nagtatanong? Seen ang sagot ko.
Day 6
Online siya, pake ko? Hahahahaha ginagawa ko lang rude ang sarili ko sa kanya para makatulong na makalimutan siya.
Day 7
Kahit man may ma-dramang kanta na tumugtog at hugot na nababasa ko, pinipigilan ko siyang kausapin.
Day 8
Bakit ba ang hirap maka-move on sa kanya? E mahal ko siya.
Day 9
Isa na lang! Kapit lang Zen. PUSO!!
Day 10
Last, at bigla na naman siyang tumawag. WAAAAAAAAAAAAAH
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.
REJECT
Pinigilan ko para matapos ko ang 10-day challenge.
"Congratulations Leo, nagawa mo ang sampung araw. Ok ka na?" Tanong ni kuya Anthony.
"Ok naman po, salamat kuya, nakatulong." sabi ko.
NGUNIT
Hindi pala. :(
Kinausap ko kaagad siya tungkol sa ganito ganyan. Halata naman na walang epekto 'yung challenge dahil sa loob ng 10 araw e siya ang nasa puso't-isipan ko. Pero hindi siya nag-reply. Naku po, mukhang nagalit siya dahil hindi ko siya pinansin. Mas lalo akong nangamba at kinakabahan na baka galit na talaga siya.
Itong sarili ko, nagsisisi. Tuloy, back to senti mode ako. Siya siya siya siya bakit ba Zen ikaw pa rin ang mahal ko despite all the circumstances happened. Why?! I can't answer. Mas mahirap pa 'to sa problem solving sa Math.
Gusto ko na talagang gumawa nang paraan, mahal ko pa rin siya at lalaban ako. Anuman mangyari lalaban ako. Nagtangka ako na maging kaibigan sa Facebook ang kapatid ni Zen para maging madali lang ang lahat pero huwag na lang, kinabahan ako sa pwedeng mangyari. Tinangka ko pa nga pati kanyang mga magulang ngunit natakot ako. Iba na 'tong ginagawa ko, grabe.
'Di ko naisip na darating pa
Ang isang tulad mo sa aking pag-iisa
At ngayon buhay ko ay nagbago
Ito'y dahil sa 'yo
At nasabi kong 'di na iibig pa
Ngunit 'di magawa nung nakita ka na
At muli nadama ang pag-ibig
Sa aking puso'y ikaw lang
Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung siya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago <-- e may nagbago. :(
Hay, bakit ba ganito. Leo loves Zen but Zen loves other. Kung gamitin ko kaya ang isang property sa Math.
Leo loves Zen
Zen loves other
therefore
Leo loves other so that Zen would also love Leo! <--- how I wish. Hay, kabaliwan na naiisip ko.
Hugot mode na naman ako. Back to drama days. Sa 10-day challenge nga ay sobrang saya ko nun e pero ito na naman ngayon. Nang dahil sa pag-ibig. Bago ako matulog, siya parati talaga. Nagdasal pa ako kay God.
"God, kung siya po talaga ang para sa akin, maghihintay ako sa tamang panahon pero kung hindi, tulungan niyo naman po ako maka-move on. Please."
Kinabukasan, down ako, malungkot, nawala ang pagiging "Happy Leo" ko. Hindi naman napansin ng magulang ko ang pagiging malungkot ko pero naidala ko naman 'to sa pag-aaral ko na puro mababa ang result sa quizzes. Laki ng epekto.
Hanggang sa
"Leo!" Sigaw mula sa malayong tanaw.
"Leo!" Naulit pa.
"Leo!!!" Pamilyar na boses. Sa wakas nakita ko kung kanino galing.
Kay....
ABANGAN
OPO, asawa ni
Teka, ayoko nang ibitin pa, finale na 'to e.
Galing kay Zen.
Wow
"Leo, anyare sa'yo?" Tanong niya kaagad. Parang nahihiya ako, matapos kong hindi siya kausapin ng 10 araw then ito mabait siyang nag-approach.
"Ah ito po ayos naman." medyo shy akong sumagot.
"Ah,... siguro busy ka lang nun kaya hindi mo ako nakausap sa nakaraang araw." sabi ni Zen.
"Ay opo pero kasi ganito ........" sabi ko nang maputol ako dahil tinapat niya ang isang daliri niya sa bibig ko upang tumahimik ako.
"Ok na sa akin 'yon, kaya kita hinahanap ngayon dahil yayain sana kita, free time ko ngayon e." Sabi niya. Wow! Ang reaksyon ko kaagad at nabuhayan ako. Niyaya niya ako, saan?
"Punta tayo sa Manila Bay, bond time natin dalawa." Sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Si Zen nagyayaya after all? Nice! Kaagad akong um-oo dahil matagal ko na itong hinihintay.
Habang nasa biyahe kami, nag-iisip pa rin ako kung paano 'to nangyari. Parati akong nakangiti at ipapangako ko sa sarili ko na sulit ang mga mangyayari. Wow!
Nang makarating na kami sa Manila Bay, hapon na at malapit na ang sunset. Hinawakan ni Zen ang kamay ko para hilain ako malapit sa sea wall.
"Ang ganda dito." Sabi ni Zen.
"Oo, alam mo bang d'best ang lugar na 'to." Sabi ko.
"Oo naman, maganda dito e. Ay, oo nga pala, kaya kita nayaya dito dahil naisip ko na magiging masaya tayong pareho kapag gumala tayo. Dapat nga yayain ko mga kaibigan ko dahil mas marami, mas masaya diba." Sabi niya, ay, akala ko date namin hahahaha nag-assume ako nako, nakakagulat nga na siya nagyayaya pero for barkada purposes lang pala at nangyari na ako lang ang nayaya niya, sagot ko naman sa kanya.
"Oo nga, mas marami, mas masaya pero kung tayo lamang dalawa, sobrang saya."
"Hahahahaha" natawa na lang ako at napangiti si Zen.
"Tara doon tayo banda." Sabi niya, hinila niya pa ako sa bandang dulo at naglaro pa kami na dalawa lang.
At naglakas-loob ako sa kanya, "Alam mo Zen, dito sa Manila Bay, ito ang lugar kung saan gusto ko aminin ng personal ang nararamdaman ko sa taong mahal ko. Sakto nandito tayo. Gusto ko sabihin sa'yo ng personal with emotions."
"Zen, mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, kasing mahal ng isang bagay na walang katumbas. Zen, I love you." Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang niyakap. Niyakap nang mahigpit na parang madudurog na siya (grabe). Bigla na lang ako napaluha, siguro tears of joy, na nayakap ko ang taong mahal ko sa lugar na special sa akin.
"Oh mukhang naiiyak ka pa. Leo, enjoyin natin ang araw na 'to, sa atin lang 'to. Tara doon tayo sa MOA, maraming attractions doon." Mas lalo akong nasiyahan dahil naisambit ko na sa kanya ang nararamdaman ko ng personal. Oo, inenjoy namin ang nalalabing oras bago matapos ang araw na 'to. Pagabi na, nag-ikot kami sa mall at kumain sa isang fastfood chain #alakingpamore. Narinig namin na may fireworks display ilang minuto mula ngayon kaya hihintayin namin 'yon at may naisip ako.
"Leo, may favor ako. Narinig ko kasi na takot ka sa heights, nakikita mo 'yan." Turo ni Zen.
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Nagulat ako sa tinuro niya, "Oo 'yan Leo, sakay tayo dyan." MOA eye sasakay daw kami!!! E takot pa naman ako sa mataas pero nagyayaya siya e, aayaw ako ngunit
"Huwag kang mag-alala." sabay hawak sa kamay ko, "Nandito ako oh." Sabi niya. Naging kampante ako, parang bata tuloy ako na naging sunod-sunuran sa kanya.
Hanggang sa nakasakay kami ng ferris wheel, inhale. exhale. ako parati nang matindi dahil matindi talaga ang takot ko, kulang na lang ay magdasal pa ako. Kinakabahan talaga ako ngunit ang kamay ni Zen ay nakahawak sa akin kaya naging kampante ako, nakapikit all the time ang mata ko dahil ayaw kong tumingin, nang marating namin ang climax.
"Leo" sabi ni Zen.
"Leo" ulit niya.
"Buksan mo ang mata mo, slowly." Sabi niya. Sumunod lang ako, kinakabahan ngunit nagtitiwala ako sa kanya. Pagbungad ko.
"Whoaaaaaaaaaaa!!!" Bigla akong napasigaw, hindi sa kaba o takot kundi sa ganda ng nakita ko.
"Oh climax na tayo, oh, hindi ka natatakot?" Tanong niya.
"Oo, ang ganda pala dito. Salamat Zen, parang nawala ang takot ko nang nandito ka." sabi ko.
"I'm afraid to lose you." Pahabol ko.
"I'm also afraid to lose you." Bigla niyang sabi. Napaisip pa ako. Baka nagbibiro lang siya. Ang panget naman na pagbaba namin ng level sa ferris wheel ay tahimik at wala nang nagsalita. Pikit na ang mata ko dahil takot pa rin ako sa mataas. At sa nakababa na kami.
"Yahooooo" bigla kong sabi dahil tapos na rin ang kalbaryo hahahahaha!
"The fireworks will start in 10 seconds." Narinig namin sa speaker, bigla kaming natapat ni Zen sa Manila Bay para tingnan ang kalangitan. At nagsimula na ang fireworks.
"WOW!" Sabi ko, hilig ko talaga ang fireworks. Tiningnan ko siya at nakangiti naman siyang nanood. Ang plano ko kanina na i-real talk siya sa gitna ng fireworks. May kahilingan ako.
"Zen, may hiling ako. Sana huwag kang magbago, sana huwag kang mawala, sana nandito ka parati sa akin. Masaya ako kapag ikaw ang aking kasama." Sabi ko sa kanya. 1 inch na lang ang layo namin sa isa't-isa.
"Ako rin Leo, gano'n din ang hiling ko sa'yo." Nagulat ako pero napangiti na lang at natuwa sa sinabi niya. Mutual understanding ba.
"Mahal kita Zen." Sabi ko.
"Mahal din kita, Le......."
"LEO!!! GISING NA!!!!" Sabi ni mama. Hay!!!!!!!!!!
Panaginip lang pala. Napagod ako mula sa mga nangyari kahapon, daming ginawa sa school dahil finals na. Teka, panaginip na naman kay Zen? Hala!
PERO
Imbes na mas lalo akong maguluhan, mas lalong hindi mag-move on, at mas lalong mahalin pa siya ng mahalin hanggang sa masaktan, may pumasok sa isipan ko.
"It's time." Sabi ko sa aking sarili.
Kaysa mag-drama na nanaginip na naman ako sa kanya, na-realize ko na siguro hanggang panaginip lang siguro 'yon. Ang nararamdaman ko sa kanya? siguro natuwa lang ako sa ugali niya at masaya siya kasama. Siguro ang pag-ibig nga ay hindi lang basta umiikot sa isang seryosong relasyon, malay natin may pag-ibig din na mas malalim pa sa mga tanging friendship lang.
MOVE ON
Oh yes! Finally! Nagising rin ako sa katotohanan sa pag-ibig. Napaisip ako, siguro panaginip lang talaga ang mga nakaraan at ayun, kailangan pa akong gisingin para malaman ko ang katotohanan na kailangan kong tanggapin. (Oh kung gagawa po kayo ng reflection paper sa story na ito, alam niyo na kung bakit gano'n ang title ng story hahahahaha!)
Pero may tanong muli sa aking sarili.
"Bakit ba tayo nai-inlove sa mga taong hindi naman tayo kayang mahalin?"
Siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa, kasi may mga taong pinagtagpo ngunit hindi naman para sa isa't-isa. Ayan, marami na akong natututunan, sarili ko mismo ang nagturo sa akin. Salamat kay Zen.
Gusto ko sana kausapin 'yung Angelo ni Zen para bigyan ng babala (asawa ni babalu) na sana alagaan niyang mabuti si Zen pero mas magandang huwag ko na kausapin para wala nang maging kaso, tutal Pol Sci pa naman si Zen hahahaha ako rin pala.
Ngayon, minsan namimiss ko siya pero gano'n talaga. Nakadikit na talaga sa puso ko na 'mahal ko si Zen' pero hanggang doon na lang siguro 'yon. Pagmamahal siguro sa pagiging kaibigan pero sana maibalik 'yung dati kahit alam kong pwede maibalik ang dati ngunit may lamat na. Ang dati na masaya ako kapag kausap si Zen bilang kaibigan syempre. Kaya ko naman na kontrolin ang sarili ko sa mga bagay-bagay. At sana huwag bigyan nang malisya nang ibang tao dahil gusto ko talaga maibalik 'yung araw noong June 9 na una kong nakilala si Zen na naging mabuti kong kaibigan.
Ganyan siguro ang pag-ibig parating may mga pagsubok, masakit man pero sa huli may matututunan.
"Pssst Zen, I love you!"
"Leo!" Tawag niya
"Pssst Leo!" Tawag niya, ang kulit.
"Oi Leo mamansin ka naman." Tawag niya.
"Oo na, ano bang kailangan mo?" Sabi ko.
"Wala, gusto lang kita makita at makausap." Sabi niya.
"Wow ah" Ang cool, ang saya niya pa parati, siya si Abi.
END
FINALE