Second Time Around

By ersatzauthor

214K 7.4K 2K

Dahil ba mahal kita noon... Mahal parin kita ngayon? Hindi ba pwedeng nasiraan lang ako noon at natauhan na n... More

Prologue
Chapter 1 - Changes
Chapter 2 - Let's Play A Game
Chapter 3 - Spin The Bottle
Chapter 4 - Favor
Chapter 5 - I Need You
Chapter 6 - Get To Work
Chapter 7 - His Request
Chapter 8 - Jealous
Chapter 9 - Yung Bahay Sa Lote
Chapter 10 - Bagiuo Momentum
Chapter 11 - Coldness Everywhere
Chapter 12 - Her Story
Chapter 13 - What Really Happened
Chapter 14 - E.K Moment
Chapter 16 - This Means War
Chapter 17 - Playing Cupid
Chapter 18 - Sick
Chapter 19 - Space
Chapter 20 - Concerned
Chapter 21 - Elevator
When In Love
Chapter 22 - Breakdown
Chapter 23 - Mah--nligaw ka muna!
Chapter 24 - Planned Outing
Chapter 25 - Can't Remember
Chapter 26 - Untold Lies (Part 1)
Chapter 27 - Untold Lies (Part 2)
Chapter 28 - Fix Things
Chapter 29 - Besties For Life
Chapter 30 - Savoring The Moment
Chapter 31 - Island Hopping
Chapter 32 - Si Manang
Chapter 33 - Crown Yuen
Chapter 34 - Tayo'y Nagsumpaan
Chapter 35 - She's a Threat
Chapter 36 - Manhid Sickness
Chapter 37 - Totoong Mga Kaibigan
Chapter 38 - Worth Suffering
Chapter 39 - Drag Racing
Chapter 40 - Sabotage
Chapter 41 - HEH! SHATAAAP!
Chapter 42 - Best Christmas Gift
Chapter 43 - Merry Christmas! (Part 1)
Chapter 44 - Merry Christmas! (Part 2)
Chapter 45 - Statue of Liberty
Chapter 46 - Usapang Lalaki
Chapter 47 - Lim
Chapter 48 - Reception Happenings
Chapter 49 - Pagsubok
Chapter 50 - Someone's Missing?
Chapter 51 - Everything Went Black
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

Chapter 15 - Oh Yes I'm Back

3.6K 164 79
By ersatzauthor

A/N: Natatawa ako dun sa mga nagsabing si Storm yung babalik. Haha! Hala sige, push niyo yan guys! Hoho!




Eunice's POV




Nakarating na kami sa mansyon at agad akong nanakbo pataas ng kwarto ko at nahiga sa kama pati umiyak. Grabeh lang kasi.. Hindi niya manlang ako pinaniwalan? And I also feel gulity kasi kasalanan ko pala kung ba't niya ako hiniwalayan.




"Please open the door" dinig kong may nagsabi niyan.




"Gusto ko na munang mapag-isa" ani ko.




Narinig ko yung pagbukas ng pinto at pagsirado din nito ulit.




"What? Are you just gonna stay here and cry all night?" Pagkarinig ko sa boses niya, agad akong napatunghay at napa-ayos ng upo.




"Trixie?" Gulat na sabi ko.




Ngumiti siya saka tumabi sakin dito sa may kama ko. "It's good to be home" saad niya.




O__O




"Para ka namang nakakita ng multo eh. Haha" dagdag pa ni Trixie.




Totoo ba toh? Si Trixie ba talaga toh? Nakalabas na siya? Kelan pa?




"I-ikaw ba talaga yan? S-seryoso toh?" Di makapaniwalang tanong ko.




Mas lalong lumapad yung ngiti niya sabay sabi "Oh yes I'm back"




Waaaah andito na nga siya ulit. I cant believe this! Pero shemay! Namiss ko tong babaeng toh!




"Waaaaah andito kana uliiit!" Sambit ko habang niyayakap siya.




"Aaack----Eunice----parang di lang tayo muntik magpatayan-----Aaack-----bitaw nga!" Saway ni Trixie sakin.




"Hehe" saka pinahid ko yung mga luhang natira galing kaiiyak ko kanina. "Masyado lang kitang namiss eh" ani ko.




"Halata nga. Di ko nga alam kung namiss mo ba talaga ako o gusto mo lang akong sakalin para makaganti sakin" pabirong sabi niya.




"Toh naman. Namiss lang talaga kita.. Welcome back Trixie" sabi ko.




"Thanks" saad ni Trixie at nagyakapan na ulit kaming dalawa.




Siya ang unang humiwalay saka nagsimulang magsalubong yung mga kilay niya. Haha. Tong babaeng toh talaga, mataray padin hanggang ngayon.




"Oy ikaw! Ano yung iniyak-iyak mo kanina!?" Singhal niya.




"Relax lang sis. Yung puso mo" pabirong sabi ko.




"Sis talaga noh?"




Nginitian ko siya. "Natural. Magkapatid tayo eh"




"I hate dramas" Bulalas ni Trixie saka inirapan niya lang ako. Haha!




"Kumusta na? Ba't ka ba umiiyak kanina?" Usisa niya.




Ewan pero bigla ko nalang siyang nayakap agad. Siguro dahil kailangan ko ng kapatid na dadamay sakin ngayon.. Di ko na kasi kinakaya yung sobrang sakit.




"Mukhang mahaba-habang usapan toh ah.." dinig kong sabi ni Trixie habang niyayakap din ako pabalik.




Humiwalay na ako sa yakap saka kwenento ko sakaniya yung lahat. As in LAHAT. Walang detalye akong pinalampas.. Gulat na gulat nga siya nung nakwento kong matagal na kaming hiwalay ni Rain.. At yun nga, ayaw niya akong paniwalaan na hindi ko siya niloko.




Sh*t lang. Umiiyak na naman ako.




"WHAT THE HELL EUNICE!?" bulalas ni Trixie pagkatapos kong magkwento. "Hindi ko nga basta-bastang pinaubaya sayo si Rain dati at umabot pa tayo sa point na patayan tas ngayon malalaman kong ganon mo lang siya kadaling pinabigay sa iba!? Masasabunutan talaga kita ngayon eh!" Dagdag pa ni Trixie "Di mo manlang siya pinaglaban!? May God Eunice!"




"Pinagtabuyan niya ako dati kaya naisip kong wala ng silbi kung ipaglalaban ko pa siya dahil sinabi niya na sakin na hindi niya na ako mahal.. Tas ngayon sinubukan ko namang ipaliwanag sa kaniya yung side ko.. Pero hindi niya na ako pinaniwalaan" depensa ko sa sarili ko.




"Kahit na! Take back what's yours!" Sigaw ni Trixie.




"Hindi na ganon kadali yun Trixie. Things have changed. Tsaka may ibang mahal nadin ako ngayon" bigla kong na-alala si Blake.




"I'm telling you. Kung sino man yang boyfriend mo na yan? Dump him. Hindi mo siya mahal dahil si Rain padin ang mahal mo!"




"Mahal ko si Blake."




"I dont believe you! Hindi mo iiyakan ng ganito si Rain kung mahal mo yung Blake na yun!"




"Ano namang konek ng pag-iyak ko kay Rain sa pagmamahal ko kay Blake?" Tanong ko.




Trixie rolled her eyes on me. "Kung mahal mo si Blake, edi sana wala kanang pakialam sa ibang lalaki! Wala kanang pakealam kay Rain! Dapat di mo na siya iniiyakan ng ganito! Wake up Eunice! Si Rain ang mahal mo!" Pilit niya.




"Hindi ko na mahal si Rain!"




"Eh bakit ka nasasaktan ng ganiyan?"




"Kasi..." bakit ngaba ako nasasaktan? Diba dapat wala nalang toh?




"Kasi mahal mo siya.. Admit it Eunice.. Iwan mo na si Blake" sambit ni Trixie.




"Easy for you to say. Hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko eh" hindi naman kasi ganon kadaling iwan si Blake. Syempre ayokong saktan yung tao.




"Gusto mo ako pa yung gumawa ng paraan para maghiwalay kayo ni Blake? Kaya ko yun" presenta ni Trixie.




"Wag!" Pigil ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko.." nanlulumong sabi ko.




"Balikan mo na kasi si Rain... That's the right thing to do." -Trixie.




"Si Kiara na ang mahal niya." Sambit ko. Totoo naman kasi eh.




"That bitch? Ako nang bahala sa kaniya. Hindi niya dapat inaahas si Rain dahil ako lang ang may karapatan na gawin yun. That was my role before, hindi niya pwedeng agawin ang Korona ko. The real bitch is back" nanggigigil na sabi ni Trixie.




Ayoko kapag nasa ganitong Aura si Trixie. Nakakatakot. Baka ano na naman ang magawa niya.




"Hayaan mo nalang sila.. Hayaan na natin sila."




"Take back what's yours Eunice.. Ako na ang bahala sa Kiarang yun." At tumayo na si Trixie saka lumabas ng kwarto ko.




Ako? Nakanganga padin ako sa mga sinabi ni Trixie. Grabeh siya.. Mukhang magkakagulo pa ata..




"Oh and please..." bumalik pa pala siya "Wag kana ulit iiyak diyan kung ayaw mong sungalngalin ko yang bunganga mo!"




"Ang brutal mo talaga!" Sambit ko.




"Nakakainis ka kasi.. Iyak ka ng iyak.. Wala namang nagagawa yun eh, sinasayang mo lang yung mga luha mo. Ba't di ka nalang kumilos at magisip ng plano kung pano mo hihiwalayan si Blake at babalikan si Rain! Kesa nagmumukmok ka diyan. Andami mong oras na sinasasayang!" Sermon ni Trixie bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.




Feeling ko ako ang mababaliw kay Trixie eh! Di ko kerri yung mga pinag i-iisip niya!




Kriiiiiiiiiiiinggggg....




Sinagot ko na agad yung tumatawag.




"Hello Blake?" Sinubukan kong itago sa boses ko na galing palang ako sa pag-iyak.




[Bakit nagyon mo lang sinagot yung mga tawag ko!?] Marahan ko munang nilayo yung phone sa tenga ko. Nakakabingi kasi yung sigaw ni Blake eh.




"Sorry----"




[Tell me! Are you cheating on me!?]




"What!? No!" Depensa ko. Sobrang nagulat naman ako dun sa sinabi niya.




[You better not Eunice.. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa lalaki mo..] Pagbabanta ni Blake.




Hindi ko siya maintindihan. Pero bigla akong naiinis sa inaasta niya ngayon.




"What the hell are you saying? Wala akong lalaki Blake!" Sigaw ko.




[Meet me at my Condo tomorrow.] sabi niya sa kabilang linya.




"So andito kana sa Pilipinas pero di mo manlang sinabi sakin?" Di makapaniwalang tanong ko.




[Anong pinupunto mo? Ikaw nga hindi mo sinabi sakin na nakikipagdate kana ulit kay Rain. Pinapainit mo ulo ko. Let's just talk tomorrow..]




Magsasalita pa sana ako pero bigla niya nalang pinatay yung tawag.




What the fvck was that? Bakit ganon nalang kung makapag react si Blake!?



---



Kinabukasan...




Pumasok na ako agad sa Condo unit ni Blake since alam ko naman yung passcode niya. Naabutan ko pa si Blake na natutulog. 9:00 AM na pero tulog padin siya? At may mga bote pa na nakakalasat sa sahig ng sala niya.




Di ko na muna siya ginising at naisip kong ipagtimpla siya ng gatas pan tanggal hangover at pinagluto ko nadin ng breakfast.




"Sh*t ang sakit ng ulo ko" may nagsalita niyan kaya agad ko siyang hinarap.




Si Blake na kapapasok lang dito sa kusina.




"Inumin mo muna yung gatas. Hintayin mo nalang tong pagkain.. Malapit na akong matapos magluto" sabi ko.




Di lang nagsalita si Blake pero nakita ko namang umupo siya sa dinning table at ininom yung gatas.




"Eto.. Kumain ka muna" saka nilapag ko yung mga niluto ko sa harap niya.




Di padin nagsasalita si Blake at pinagmamasdan ko lang siyang kumain.




Natapos siyang kumain at naligo muna siya. Ako nalang din naghugas sa pinagkainan niya.




Pagkatapos ko sa kusina ay pumunta akong sala at naabutan ko si Blake na nakaupo sa couch habang nanunuod ng TV. Katatapos niya lang din maligo.




Tumabi ako sa kaniya. Hinintay ko na kausapin niya ako pero wala talaga..




Silent Treatment ba gusto niya? Di ako magpapatalo!




-__-




Nakinuod nalang din ako sa pinapanuod niya.



---



Tumingin ako sa wall clock at napagtanto kong Isang oras na pala kaming di nagkikibuan ni Blake. Letche! Di ko na matiis.




"Blake.. Di mo ba talaga ako kikibuin? Nakakabingi yung katahimikan" sabi ko.




Tumingin lang si Blake sakin peri di padin siya nagsasalita.




"Blake naman.. Mag-usap na tayo." Pangungulit ko.




"Bl---hmmm" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan. Medyo matagal din yun ah.




Humiwalay na yung mga labi ni Blake saka nagsalita siya "Sorry about last night. Nung nasigawan kita sa phone.. Masyado lang akong nadala sa init ng ulo ko. I'm sorry babe." Sambit ni Blake.




"Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ko.




Biglang tumayo si Blake at may kinuha sa drawer malapit sa may TV.




Envelope..




Umupo siya ulit sa tabi ko tapos iniabot ito sakin. "Try to look what's inside" utos ni Blake.




Walang pag aalinlangan kong binuksan yung envelope.




Shemay. Ba't may mga ganito? Pinapasundan ba ako lagi ni Blake?




"Umuwi ako from Korea kasi natanggap ko yung mga larawang yan" ani ni Blake.




Ah. So di pala siya yung nagpakuha ng mga pictures na toh.. May nagpadala lang sa kaniya.. Pero sino?




"Who gave you this pictures?" Tanong ko.




"I dont know. Basta-basta ko nalang yan na natatanggap sa opisina"




Napailing nalang ako habang tinitignan yung mga larawan. Ang galing nung mga kuha. Tyempo talaga lahat eh. Na magkahawak kami ni Rain, na nakatingin kami sa isa't-isa. Na sweet kaming dalawa. Mga pictures namin ni Rain na magkasabay bumaba ng parking lot, mga pictures sa Bagiou. Completo lahat. Kahit sino na makakakita nung mga larawan? Iisipin na magkasintahan kami ni Rain.




Naramdaman ko yung paghawak ni Blake sa kamay ko.




"Babe.. Please tell me na wala lang yan diba? Hindi mo naman ako balak iwan diba?" Malungkot na tanong ni Blake.




Binitawan ko na muna yung mga larawan saka mas lalong lumapit sa kaniya.




"Una sa lahat.. Gusto kong magsorry." Paninimula ko. "Sorry if I've been rejecting your calls lately. Sorry kung di ko sinabi sayo na may mga nilakad kaming dalawa ni Rain.. But believe me, wala lang yung mga pictures na yan. Gusto lang ata akong siraan sayo ng mga nagpadala niyan.." pag-eexplain ko.




Ngumiti si Blake "That's enough for me to hear babe"




Buti pa si Blake.. Pinaniniwalaan ako agad.. Di katulad ni Rain.




Nginitian ko siya pabalik sabay sabi "Thanks babe"




Hinawakan ni Blake yung magkabilang pisngi ko. Magkaharap kami ngayon at kitanf kita ko yung emosyon sa nga mata niya.




"Pwede bang humiling ako sayo ng isang bagay? Kahit ngayon lang Eunice." Saad ni Blake.




Eunice ang tinawag niya sakin at hindi 'babe'. Mukhang seryosong usapan toh.




"Ano yun?" Tanong ko.




"Iwasan mo na ang lalaking yun"




Di agad ako nakasagot. Kahit naman di siya nagbigkas ng panggalan, alam ko na kung sino tinutukoy niya..




"Pero Blake" sambit ko.




Di siya nagsalita. Pero nakita kong nagtiim siya ng bagang.




Huminga muna ako ng malalim.




"Okay. Iiwasan ko na siya."




Tumingin siya sakin at unti-unting nagliwanag yung mukha niya.




"Promise?" Paninigurado niya.




Bahagya naman akong tumango "Promise."




"Thanks Babe" aniya.




"Your wel----" di ko na naman natapos yung sasabihin ko kasi hinalikan niya na ako. Agad ko din naman itong tinugunan. Kahit naman kasi papano.. Namiss ko din ang lalaking toh.



----



Sa mansion...




"Oh? Ba't ganiyan ang mukha mo?" Bungad sakin ni Trixie na mag-isang nanunuod sa sala.




Agad ko naman siyang nilapitan at iniabot ang dala kong envelope. Yung envelope na may laman nung mga larawan namin ni Rain na pinadala kay Blake. "May nagpadala niyan sa boyfriend ko" sabi ko sabay upo sa tabi ni Trixie.




Marahang tinignan ni Trixie yung mga larawan. Naka pokerface lang siya.




"Nagtataka ka ba kung sino ang nagpadala nito?" Tanong ni Trixie sakin.




"Malamang" tipid na sagot ko kay Trixie.




"Ako"




O__O




"Ikaw?" Di makapaniwalang tanong ko.




"Ako.. Alam ko kung sino ang nagpadala nito kay Blake" mataray na sabi ni Trixie.




Ahh. Kala ko naman na siya yung nagpadala.




"Sino?" Naguguluhang tanong ko.




Nginitian lang ako ni Trixie. Kinikalbutan ako sa kapatid kong toh eh.

===================================

A/N: Alam niyo na yung rules ko para sa next chapter. *wink*

Clue for the Next Chapter: Banggaan na dapat niyong abangan.


Continue Reading

You'll Also Like

73K 2.3K 55
Mahal ko siya pero iba ang gusto niya Parang kami pero hindi Paano ko sasabihin ang Nararamdaman ko sakaniya? Kaibigan lang naman ang turing niya saa...
73.5K 2.4K 35
Kung papapiliin ka, pipiliin mo pa rin ba yung taong iniwan ka? Worth it ba ang mag bigay ng second chance? Is there really a second chance in Love...
57.4K 1.2K 49
Do you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences...
285K 9.6K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...
Wattpad App - Unlock exclusive features