Silent Vows

By mazemerize

408 0 0

Vow. A solemn promise of a pure and sincere heart and a golden rule that must be abide within each other side... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

59 0 0
By mazemerize

Hi guys! Sensya na po ngayon lang po ulit nakapag update. Sana po ay mag enjoy kayo. Sobrang naappreciate ko po yung pagdagdag ng mga nagbabasa nito. Sana po ay madagdagan pa po ito. God Bless you all po.^___^

Chelsie's POV




Buti na lang pala at tumakbo ako dahil saktong may napadaan na jeep. Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang cellphone ko na di keypad. Oy wag kayo, mag lilimang taon na sa akin to next week. Eto kasi yung niregalo sa akin ni mama nung graduation ko. Back to the present. So ayun nga tiningnan ko yung cp ko kaso kabag sinuswerte ka nga naman (insert sarcasm here) lowbat pa.=____=.


Mag tatanong na sana ako sa katabi ko kaso busy pala. BUSY sa pakikipag landian sa kanyang katawagan. Yakkk. Kung titignan mo mga nasa 40's na to. At ang suot, nag susumigaw ang cleaveyvey.(cleavage).


"Bhe. Hindi kita marinig dito ng ayos it's noisy kasi e. Andito na kasi ako sa jeep..Yes...Oo sinabi mo pa..Naku wag kang mag papakapagod ha.." pabebeng sabi ng ale.


At hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil tumingin na lang ako sa labas at baka maisuka ko lang lahat ng nakain ko kanina. At mabuti na lang malapit narin ako sa school.


"PUP?". sabi ni manong driver.


"Saglit lang po" at bumaba na nga ako.


Inhale Exhale..Hayyy!>____< kaya ko ito. Nag lakad na ako papunta sa may gate. Nang may bigla akong naalala....


"Registration po muna, bago pumasok" sabi manong guard dun sa naanuna sa aking babae.


Hala oo nga pala.0___0. Hinalungkat ko yung bag ko habang nag lalakad.


"Ouch.! Excuse me?!"


Aray ang sakit naman sa tenga ng boses na yun, parang nagilit na tuta e.
Pero pinag patuloy ko parin ang paghahanap ng aking Reg. Form.


"Hello, Miss?!" patuloy na pagsasalita nya.


"Ay sorry, ate di ko po sinasadya" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Ayun sa wakas nakita ko na rin ang Reg. Form ko.


Ibibigay ko na sana ito kay Manong guard, nang mapansin kong wala namang babae sa harapan ko.


"Ang labo naman nun, akala ko ba may nabangga ako? Tskk yaan mo na nga baka nakaalis na yun." Sabi ko sa sarili ko


"Hey, excuse me ako lang naman po yung nabangga mo?"





Pinikit ko yung mata at saka dumilat ulit. Lalaki?0___0 . Kinusot ko din yung mata ko, pero wa epek. Hindi naman siguro ako nanaginip.. Pero san nanggaling ang bilot na tinig na yun este boses na yun? Dito sa lalaking ito?


"Ineng, eto na ang Registration Form" Manong guard


Tulala parin ako sa kanya habang inaaboy yung Reg. Form ko.



"Hindi kaba mag sosorry na formal?" untag nya

Oh no!! Hindi ko na mapigilan ang tawa ko.


"Hahahahah!! Hahahaha!!" Hagalpak kung hagalpak talaga kung tawa.


"Aba't nakuha mo pang tawa ha?" Mataray na sagot ni Mr. ay hindi pala Ms. Bilot.


"Hooyy! May nakipala pa po. Kung mag tatawanan lang din naman po kayo. Wag po yung hara pa sa daan. Ang daming naka pila oh." Inis na sabi nung babaeng kasunod ko.


Ngayon ko lang napansin na nasa pila parin pala ako. At ang haba na nito dahil sa hindi ko pag alis.


Umalis na lang ako at hindi sila pinapansin.


"Walang modo!" sabi ni Ms. Bilot


Ay oo nga pala...


"Sorry nga pala Miss Bilot!!" Sigaw ko dahil medyo nakalayo na ako sa kanya.


At dahil doon sinamaan nya ako ng tingin. Hahaha. Imaginin nyo na lang isang matangkad na lalaki tapos yung unang tingin mo po lang ay maangas na tapos talagang naka japorms pa na pang lalaki tapos mag boboses na parang tuta. VERY WRONG MEN! Napatawa na naman ako nun.Katurn-off e. Maigi pa sigurong hindi na lang sya mag salita habang buhay dahil feeling ko ibubully din sya habang buhay.xD


Hala oo nga pala. May klase pa ako. So lumiko na ako, at ang saya saya talaga.


Tentenenen.
Isang Oh so Taas na hagdan ang aakyatin ko. At pang 3rd Floor pa nga pala yung room ko.

"Aja! Kaya ko to" at sinimulan ko nang tumakbo paitaas.

At sa wakas after 12345 years nakarating narin ako sa room ko. Huminga muna ako nang malalim at nag punas ng pawis ko at pumasok na ko. Buti na lang wala pang prof. As usuall, isang tahimik na room ang nadatnan ko dahil First Day of the Class pa lang naman at hindi pa kami mag kakakilala.


"Ano bayan wala nang upuan sa hulihan yun pa naman ang favorite spot ko" Bulong ko.


"Ay miss dito ka nalang sa unahan o. Tabi tayo" sabi nung maliit na bata. Ay hindi pala kaklase ko nga pala. Hahaha. Bad brain.xDD


Hahaha. Sensya na kayo. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mag alyas sa tao na hindi ko pa kakilala. Sa wala akong matawag eh.xD

At sumunod naman ako dahil no choice. Tskkk. Ang ayoko pa naman sa lahat e dito sa unahan. Ayoko kasi ng makikita ako ng mga prof.=___=. So,inayos ko na lang ang loob ng bag ko, para may magawa.

"Hi! Good Morning Future Educators. Welcome to our department. And this will be your second home starting from now on. At ako nga pala si Carla Rae Sabaybay, Ate Carla na lang, BSED 4-1 at ang President ng CoEd Department"


"At ako naman ay si Ate Mich, Michelle Flores, ang Vice President. So habang wala pa kayong mga prof. Dahil kung tutuusin naman ay First Day palang. So kailangan natin mag pakilanlanan muna. At dahil dyan may ipapagawa kami sa inyo, para naman hindi na kayo others para sa amin"

" May papagawa kaming consequences sa inyo tapos syempre kapag hindi nyo ginawa may katumbas na parusa. Wag kayong mag alala lahat kayo ay dadanas nito, at walang exception. Yung consequence na yun ay bubunutin nyo dito sa box, at pagatapos saka palang kayo mag papakilala. In short para syang initiation. So, nagkakaintindihan ba tayo?" - Ate Carla

Sinasabi ko na nga ba, kaya ako ng mga pag papakilala portion blah blah blah na yan. Pano ba naman kasi naka linya ako sa unahan. Lagi na lang nauunag tawagin, nauunang mag recite, nauunang magperform at nauunang mag report.>,,,<. Tskkk. Nasan ang hustisya doon?

"Miss Aguillera?" tawag sa akin ni Ate Michelle

At dahil nga pre-occupied ang utak ko ng kung anu-anong bagay at dahil narin sa sobrang stress ko,hindi ko na pala namamalayan na ako na pala ang HAHATULAN. Nag sign of the cross muna ako ng patago bago tumayo at pagkatapos ay lumarga na sa unahan. At walang pag aalinlangang bumunot na sa mahiwagang box na hawak ni Ate Carla.

Lub.dub.lub.dub.lub.dub

At ang nabunot ko ay 0___0......

Proccessing

Loading

"Umiyak within 10 seconds" - Ate Mich

"Naku Ate Mich. Go na lang po ako dun sa parusa. WAG NA WAG lang po talaga ang umiyak. At saka hindi naman po ako good actress. Waley po ako sa mga bagay na ganyan" pagpapaliwanag ko nang buong husay.

"Kahit yung isang mata mo lang ang lumaha? Ayaw mo pa rin?. Ang dali dali na nga nung sayo, basta ka lang iiyak." dagdag ni Ate Carla

"Hindi ok na po ako dun sa parusa at kahit isama nyo pa po yung mata nyo hindi din po yun effective"

"Sabi mo yan ha, wala nang atrasan. So ang parusa mo lang naman ay uminom ng isang pag kasarap sarap na fruity mix juice" nakangiting sabi ni Ate Carla.

Susss!! Ayun lang naman pala, tamang tama at nauuhaw pa naman ako dahil sa sobrang kaba.

Nakangiti kong inabot ang nakasaradong plastic cup. At binuksan. Pero 0____0...

"Ang isang delicious fruity mix juice ay nagtataglay ng pinag halu-halong toyo, suka, asukal, asin, mayonnaise. chilli ketchup, mang tomas at syempre hindi mawawala ang patis. Wala ng atrasan ha. Pinaalalahanan na kita" Ate Carla

Dito na yata ako mamatay ng maaga. Ni hindi ko pa nga nakikita ang animal kong ama at ni hindi ko parin nakakasama si mama. Hindi maari ito.

"Alam nyo po mga Ate, maari kayong makapatay ng isang inosenteng bata dahil lang sa simpleng katuwaan na ito. At kapag nabalitaan pa ito nina mama at kuya syempre magagalit yun. Dahil dun mag rereklamo sila dito sa Dean. At kapag nalaman na yun nang Dean ipakikick out kayo. Tapos hindi na kayo makaka pagaral. At mapapahiya ang mga magulang nyo at magagalit sila. Tapos ipakukulong nila kayo. Na hanggang sa pag tanda nyo syempre hindi na kayo magkaka anak nun at magkaka asawa. At in the end dun narin kayo mamatay." mahabang litanya ko sa kanila. Sana naman umipekto ang pag aadvance ko ng pedeng mangyari. Malay natin.xD Kay Kuya Sam nga effective ito.

"Alam mo..hmmm.." sabay tingin sa papel. "Chelsie hindi pa lang ikaw ang kauna unahang tao ang gagawa nitodahil taun-taon ginagawa namin ito sa mga freshman students. At sa apat na taon ko ng pamamalagi ko dito ay wala pa naman akong nababalitaan na namatay na dahil sa mga simpleng consequences na ito. Diba Carla?"

At ngumiti naman ng nakakaasar si Ate Carla. At sa ayaw at sa ayaw ko ay kailangan ko iyong ubusin. Pero ok narin dahil dahil halos kalahati lang naman ito ng isang plastic cup. Mas malala pa nga dito yung ibang iniinom ko. hahaha. Tanong nyo na lang kay Kuya Sam.xD

So ayun,tinikman ko muna 0___0. At muntik na talaga akong mapasuka. Tinakpan ko nalang ang ilong ko at pinikit ang mata para kahit paano ay hindi ko ito masyadonng malasahan, ni maamoy at makita. HIndi ko pa sya nilulunok nun.

"Ayan Success na!! At ang susunod mo namang gagawin ay sasabihin mo naman kung sino ang crush mo. Hindi pedeng wala dahil makakatikim ka ulit ng isang katakamtakam ng fuity mix juice. Basta ba dito din napasok sa PUP." galak na galak na sabi ni Ate Mich.

Anak ng putik naman oh! Muntik ko nang maibuga yung nasa bunganga ko dahil don. Pero dahil may respeto naman ako sa kanila ay nilunok ko na lang ito at sabay dukot ng isang kendi at kinain.

"ahhh.. Teka lang naman po. Baka naman po nakakalimutan nyo na hindi pa po ako nakakapag pakilala. So ayun nga po. Ako po si Chelsie Courtney Aguillera, 16 yrs. of age nakatira sa Brgy. Masayahin, Inside Out City, Philippines. At..." pasegway kung sabi. Kung tutuusin naman kasi wala namang akong crush e, at saka dito pa dapat sa PUP napasok, napaka demanding naman. Ano yun 1st day of class boy hunt agad? Kung pede nga lang si Manong Guard na lang kanina kaasar.

"Ah ok. Kilala ka na namin nababasa naman namin yun dito sa papel, so skip na tayo dyan at dun na tayo sa crush mo. Sino nga ba yung maswerteng lalaking napupusuan mo." kinikilig pang sabi ni Ate Carla.

Pakkktayy!! Hindi nakalusot.0____0

" A-ahhh ang cr-crush ko po ay si..." palinga linga kon sabi at nababakasakaling may makitang tao. "siii Mr. Bilot! Este Mr. Enginner po tama sya nga po" sana lumusot, sana lumusot. (cross finger)

"Mr. Engineer? Bakit di mo kilala? Siguro nag bubuo buo ka lang no?" Ate Mich.

"Hindi po ah. Actually kakakita ko palang po sa kanya kanina,nung nakapila po kami para mag pa enroll. At kaya ko naman po nalaman Engineer dahil nakalagay po dun sa damit nya" ano ba itong lumabas sa bibig ko. Anla yaan mo na, hindi naman malalaman ng baklitang yun. At least much better kay Manong Guard.xD

"Ah. So na Love at First Sight ka sa kanya. ihhhh!" at tuluyang nag hugis puso ang mga mata ni Ate Mich.-_____-

Hindi na lang ako nag rect dahil hahaba lamang ang usapan.

" Maraming Salamat Chelsie sa pag babahagi mo ng iyong buhay maari ka nang maupo. Next. Mr. Agoncillo"

Hayyy. Nakahinga rin ng maluwag. At hanggang sa mag awasan, puro kalukohan lang ang pinag gagawa nila. HIndi kasi akos sumali. KJ na kung KJ. At syempre ang mga prumotor ay walang iba kung hindi sina Ate Carla at Ate Mich. At ni anino ng mga prof. ay wala akong nakita. Well, ano pa nga ba ang aasahan. Inaayos ko narin ang aking gamit at lumabas na at nag hintay ng masasakyan.

"oyy. Chelsie? Pauwi kana rin" teka nga parang namumukhaan ko ito.

"Ay sorry hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala ako si Charlie Mae Agoncillo yung seatmate mo. Ang weird ng pangalan ko no? Si mama kasi Alyson si papa naman Charles kaya ayun nabuo ang pangalan ko. Corny no?" at ngumiti sya ng pag katamis tamis.

Sinasabi ko na nga ba. Sya si Ms. Liit.xD. Oy wag kayo. Height at brain na nga lang pinagmamalaki ko. At daldal nya. Sana makasundo ko sya.^___^

"ah. Oo. Ako naman si Chelsie Courtney Aguillera tawagin mo na lang akong Che"

"Ay ang kyooot naman, ako naman tawagin mo nalang akong Cha. O diba para tayong destiny na maging mag kaibigan...blah blah blah".

Hindi ko na naiintindihan yung mga sinasabi nya dahil may nakita na akong jeep. At dahil gustong guto ko naring makauwi ng maaga para makausap ko narin si mama.

"Sige Cha una na ko ha nice meeting you." pag papaalam ko sakanya.

"Ay sayang madami pa naman akong ikukwento sayo. Pero bukas na nga lang. Sige, ba-bye. Ingat ka"

Kumaway na lang ako sa kanya at umupo sa pinakahuling pwesto ng jeep kung saan malapit ang babaan. Hayyyy! Parang andami na agad nangyari sa isang araw ka at ang weweird pa. hahaha. Sino naman kaya ang makikilala ko sa susunod sana iba naman sya..

Continue Reading

You'll Also Like

115K 919 39
Teaser: Lahat ng tao ay may halaga at misyon sa mundo, pero isa lang ang alam ko ang hindi mo mapredict sakung anong kaakibat nitong kaguluhan sa buh...
339K 7.5K 22
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang pasli...
58.3K 1.3K 52
Pag sinabing unromantic, love marami ng pumapasok sa isip natin. Isa na doon ang walang sparks sa relasyon. Bukod tanging init ng katawan lamang ang...
5.5M 149K 64
[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pag...
Wattpad App - Unlock exclusive features