#KEIRA'S POV
"Bogs... I love you..."
he looks at me...
nakita kong kumikislap ang kaniyang mga mata...
ngumiti siya... and try to say something....
pero 'di ko siya marinig...
"B-bogs?"
ngumiti lang siya at biglang naglaho.
"T-teka!!!"
(alarm)
"~ring~ring~ring~..."
Nagising ako sa katotohanan...
AH. nasa PRESENT na pala ako.
Tumingin ako sa orasan.
GOSH. alas sais pa lang ah. Shet.
Ang aga naman ata ng alarm ko, inaantok pa nga ako ih...
Hay, naku...ganyan talaga...Tinitigan ko lang yung orasan...
(flash)
"Bogs...I love you"
Oww shet. etoh na naman... nightmare... napapikit ako.
(exhales)
"...sana hawak ko na lang ang oras para ibalik ko ang dati at itama ang lahat"
pero hindi eh imposible...
(exhales)
"Oh? ang aga-aga, malalim na agad ang iniisip mo"
napatingin ako.....:)
"Kuya...^_^"
"Oh etoh plinantsa ko na yung damit na isusuot mo ngayon"
"Thanks kuya..."
"Mag-almusal ka na sa baba... hinihintay ka na ng paborito mong ulam"
"Huh?! talaga?! "
ngumiti siya... at umalis na ng kuwarto ko.
okay...tama na ang kadramahan may bagong umaga na naman!
pagkatapos ng laha-lahat, baba agad ako...agad humarap sa hapag kainan.
WOW! ^o^!
fried rice at beef steak :D
"Kuya! Thank You!.." niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kuya?" habang yakap ko pa rin siya.
"hm?"
"alam mo bang masuwerte ako kasi ikaw yung naging kuya ko"
"Hm? ba't naman?"
"kasi yung pagmamahal mo saken parang alak"
"Huh? ba't mo naman nasabi yan?"
"Kasi habang tumatagal lalong sumasarap"sabay tingin ko sa kanya.
ngumiti siya. YIEH!!
"SWEETNESS OVERLOAD!!!" sabay naming sabi at tumawa kami.
"hahaha... osha-sha kumain ka na at malate ka pa"
"iehhh 8:30 pa pasok ko eh"
"Keira de la Vega"
Keira? pangalan ko yan uy... meaning dark-haired. it's true. talagang maitim yung kulay ng buhok ko.
"("-_-)...eh? hehe.he.he."
tumingin ako sa kanya galit siya. (gulp)
"OPO( _ _")"
"Mabuti naman madali tayo magkasundo"
(exhales)
Pagkatapos kumain...
"Una na ako kuya (^_^)"
"Oh sige ingat ka!"
"Opo!"
kinuha ko na yung bag ko...at humarangkada na!
"Oy! Keely!" tawag ng aunty ko kay kuya.
Keely, pangalan ng kuya ko ...Keely de la Vega.... Irish name meaning handsome. hihihi..
walang biro guwapo talaga si kuya.. :3
hindi na ako nakapag gudmorning kay aunty... baka kasi salubungin ako ng sermon dahil sa nangyari kagabi. hehehe..
iekkkk! bilisan ko na! baka mapansin pa niya ako eh...
anong nangyari?... sekretong malupet wag nga kayong chismosa... :P
Nakarating na ako sa bus stop...
hintay ng sandali ng may napansin ako.... umiba ata yung simoy ng hangin.
-_- ... mayroong lalakeng titig na titig saken... tiningnan ko siya.
(stare).... =_=
Nairita ata ako ah.... totoo ngang tinititigan niya ako na halos matunaw ako.
titig mula paa hanggang ulo... Loko toh ah. (-_-***)
Lumapit ako sa kanya... tapos ngiti-ngiti pa siya at may sabay hagod ng buhok niya...
I give him a fake smile pero halata na naiinis ako...
Unti-unti akong lumalapit sa kanya... at siya nag papapabebe -_-...
I give him a sweet smile...
"Hi.." sabi niya ng may ngiti.
(slaps!) sinampal ko siya sa mukha...
"PERVERT!" sigaw ko sa kanya. tapos sabay takbo papasok sa bus na tumigil sa harapan namin. bago pa makaalis binelatan ko siya.
BLEH ;P... nakita niya.
imbes mainis siya saken... ngumiti pa siya at kumaway-kaway sakin..
eh? di ba dapat mainis siya? eh ba't hindi ngiting-ngiti pa yung loko eh sa katunayan ako pa yung nainis. buwiysit. -_-
After 10 minutes, nakarating din sa school ko. Sa bagong school ko... -_-
I hate this....
"Keira!" sabi ng nasa likod ko. tapos bigla akong napatumba dahil tinapon niya yung sarili niya sa likod ko.
"O-oy! ano ba?!"
"Welcome mifriend sa school namin!" sabi niya ng may ngiti. ansarap basagin kasi naman etoh kami nakahiga sa sahig.
"Puwede ba alisin mo yung weight mo sakin!" sigaw ko.
"Ay sori..."sabi niya at narealize niya lang ah.
She lends her hand at me, I take it.
"Thanks"
"Kei, buti na lang at naisipan mong magtransfer dito.."
"Well... actually it's not my decision"
"hm..." nagpout siya.
I rolled my eyes...
"Wag kang ganyan kumukunot yung noo mo"
"HUH?! TALAGA?!" gulat na gulat niyang sabi.
She takes out her make-up kit at tiningnan niya agad yung noo niya..
"O-M-G!!!! it's true!" O_O!!
"You're too loud!" I whispered kasi naman tinitingnan kami ng mga tao dahil sa sigaw niya.
"...siguro dahil ito kagabi... kasi gabing gabi na tayo nakauwi at you kept telling his name Lo-mh!"
hindi na niya natuloy kasi tinakpan ko yung bibig niya...
she takes off my hand...
"Hey! what's wrong?!"
"Nothing... malapit ka na sana kasing mag mura buti na lang napigilan pa kita.."
"Huh?" ?_?
di niya gets...
"Ow! just shut up! at ituro mo na lang saken yung room ko..."
"Owwwwkayyyy...."
naglakad na kami. She shows me the way...
habang naglalakad...
"hey Keira.."
"Yes?" sabi ko habang may kinukuha akong notebook at ballpen sa bag.
"Anong nangyari sa outfit mo?"
napatigil ako... and i look at myself then look at her.. she's staring at me na parang ewan..
"Anong mali dito?" tanong ko.
She taps her own forehead...
"Come on... hindi naman ibigsabihin na kapag broken hearted ka at iniwanan ka eh mawawala na yung pagkastylish mo.."
Teka. Ano daw? -_-...
"Miss Trixie Rosas Oo, aaminin kong broken hearted ako at! INIWANAN AKO...."diin ko sa kanya.
"...pero walang kinalaman dito yung style ko ngayon at sa nakikita ko wala namang problema sa suot ko, yeah, it's just only a plain maong shorts and a white printed t-shirt..."
At naglakad na ako.....
"It's just a comment"
"Well... I don't need your comment gets? and i'm sorry kung broken hearted ako hindi katulad mo na may happy love life pero alam kong maiintindihan mo ako kung magbrebreak kayo...:3 tutal wala namang forever di ba? ^_^"
"Wow sakit ah.."
"excuse me, you started it..."
"okay, okay... simpleng komento lang naman yun eh pinapalaki mo..."
I just smiled at her...
After 5 minutes na paglalakad, nakarating din kami sa room...
I look at my watch 8:15 am, hanggang 10:30 pa yung tapos ng klase ko tapos may pang hapon pa... T_T
gusto ko ng umuwi... T^T
10:30 am...
"hayyyy... salamat tapos na rin yung morning class ko..."sabi ko ng may unat.
"uy tara, sa cafeteria tayo..." anyaya sakin ni Trix.
"Okay"
Nang nakarating kami doon.. napansin namin na parang may pinagkakaguluhan ata..
Nung merun? -_-???? artista?
"...nung meron?" tanong ni Trix.
"Aba ewan ko.. wala naman akong lahing chismosa, tanong mo kaya sa boyfriend mo" sagot ko.
"sus... ayan ka na naman eh"
"tara na, gutom na ako ih..."
"OKAY" diin niya.
Nang nakahanap na kami ng mauupuan at makakain...harapan kaming kumain.
"psst..."
tumingin ako kay Trix... may nginungusuan siya sa likod ko... -_- leche mukhang alam ko na ata may unggoy na dumating at alam kong kasama niya ang mga kalahi niya.
"Hi Trix!"
Trix give him a fake smile. He sits beside me.
"Hi RENZ" reply ni Trix sabay tingin saken
"Hi cutie" inakbayan ako ni Renz at tumingin siya saken, may kasabay pa nakindat.
Tinarayan ko lang siya at tumingin sa iba na direksyon.
"namiss mo ba ako?" tanong niya.
tumingin ako kay Trix... binigyan ko siya sign na magretreat kami. Hindi niya ako magets...
PATAY. ( -_-*)
TRIX'S POV
Hay naku.. etoh na naman ang mga mokong toh... guguluhin na naman nila kami mas lalo na itong si renz, ayaw pigilan si Kei.
I look at her at tingin ko may gusto siyang ipahiwatig saken pero hindi ko magets...
She rolled her eyes... at pinanlakihan niya ako ng mga mata niya... Halatang inis na siya.
hayyy...
"Uh-uhmmm... Renz, tingin ko kailangan na naming umalis"
"Huh?! teka kararating ko pa lang ah, aalis na kayo kaagad?"
"ah oo eh.. may dapat pa kaming tapusin"
"Wait! i just want to welcome my cutiepie here in our school nagpa-order ako sa labas ng pizza para icelebrate yun"
"Ah. nothing to worry about Renz" sabi ni Kei. Sa wakas umimik rin... Inalis na niya yung kamay ni Renz na nakaakbay sa kanya tapos tingin agad saken.
Cue ko na yun para dumugtong..-_-
" yeah, besides na welcome ko na siya kanina.." i said it with a fake smile.
"kahit na! I like to welcome you Kei, in my own way" kinuha niya yung kamay ni Kei.
Inalis kaagad ni Kei yung kamay niya..
"I said NOTHING TO WORRY ABOUT" sabi ni Kei. Galit na siya...
tinalikuran na ni Kei sina Renz...
"A-A-ahhmm.. s-sige Renz alis na kami" sabi ko at sinundan ko na si Kei.
"'di ba wala na kayo?" pasigaw na sinabi ni Renz.
lumingon ako kay Renz.. seryuso ang mukha nito at titig na titig kay Kei..
(gulp)
KEI'S POV
"'di ba wala na kayo?" Sabi ni Renz. Parang ang oras tumigil sa sandaling ito.
Di ba wala na kayo? yan ba ang tanong ni Renz?
Wala na kami
mali.
Wala na nga ba talaga kami?
Tumingin ako kay Renz at unti-unti akong lumalapit sa kanya.
"...sa totoo lang Renz pagod na talaga ako kaya aalis na kami"
tumingin lang siya sakin.
Naglakad na ako palayo.. tumigil muna ako at tiningnan ko si Renz ulit at nginitian
"Alam mo mahirap umasa..." sabi ko sa kanya. Napanganga siya...
he knows the meaning behind those words.. then good.
Umalis na ako. Baka hindi ko matake yung tanong niya at humandusay pa ako sa sahig at umiyak na parang batang nakunan ng lollipop.
"t-teka! "
lumingon ako kay Trix..
"Oh ano?"
"Ayus lang ba yun?"
"Ang alin?"
"yung sinabi mo kay Renz"
"Ayos lang naman...... siguro"
"Siguro?!! Heluwww biglaan yun ah!"
"Eh anung gusto mong sabihin ko?"
"Well... something na hindi biglaan dapat pinaeasy-easy muna sa kanya"
"At bakit ipapaeasy-easy ko sa kanya eh ang kulit niya kaya... matagal na nga akong nagtitimpi sa kanya nuh.. at kahit alam niyang merun na ako hindi pa rin siya tumitigil and he's always in my w-"
"Keira! .." sigaw niya. tumingin ako sa kanya...
nagulat ako...
she's grasping her fists.
Mannerism niya... it means she's hurt or angry o di kaya'y worry...
pero sa sitwasyong ito sigurado akong she's hurt.
and I know why... it's because of what I said... about him.
"you're asking me why?! He's our chilhood friend! hindi pa ba yun sapat na rason!"
napayuko ako...
"Then what should I tell him?! especially he asks that question! ni kahit ako hindi ko alam ang sagot! i'd tell you right?! He just left without reasons! and...and..a-and-"
I take a deep breath... pinipilit kong hindi lumuha.
I just look at her and smiled.
"I'm sorry kung nasaktan ko siya, you should go to him and comfort him for me..."
"Kei.." she said with her worry face.
"I'm fine, pagod lang siguro ako" sabi ko trying to build a smile across my face.
Tinalikuran ko na siya.
"Say I'm sorry to him, okay?" kinawayan ko siya habang nakatalikod ako at naglakad na rin ako paalis.
Hindi ako puwedeng umiyak...
AYOKO na kasing maging tanga.
(flash)
"Alam mo mahirap umasa..."
I'm the worst...
(END OF 1)
*******
Hey bitters! hehehe XD ... comment if you want to...
you're free to comment...:)
HOPE YOU LIKE IT!
ito'y para sa masa! ...
ng mga umaasa at ng mga tanga! XDDD
(no offense guys)
pero WALANG FOREVER! *^_^*