Mga Kwento ni Kuya Joel

By ArielEstacio

1.7K 7 2

Stories of Love and Betrayal "Dumako ako sa isang daanang paroroon Tiningala bawat nangyaring hindi maganda ... More

(CH1) "Ang Huling Sandali"
(CH3) "Tiwala"
CH 4 - Ode to FOREVER
CH 5 - Memories in the SEA

(CH2) "Ang Masakit na Katotohanan ng Isang Long Distance Relationship"

925 2 0
By ArielEstacio

"Ano nga ba ang magagawa mo?"

Ito ang mga katagang tumusok sa aking puso nang marinig ko ito mula sa bibig ni Hannie. Hindi mo aakalaing ang tatlong taon at walong buwan ay hindi sapat sa isang babaeng nasa malayong dako. Pinilit ko man itong iwaksi ngunit sadyang masakit ang mga salitang ito - mga salitang nagbabadya ng katapusan naming dalawa.

Hindi mo rin siya masisisi kung ganon man ang gawin nya sa akin - malayo kami sa isa't isa - sapagkat naroon ang mga panganib ng kataksilan. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ni minsan, hindi ko ito inisip - sapagkat umaapaw ang aking pagmamahal kay Lanie.

Magda-dalawang taon na kami nang nagdesisyon ang kanyang ama na nasa Canada na kunin siya. Pagkatapos ng kanyang 'graduation' ay agad-agad siyang kinuha ng kanyang tatay, at bago siya umalis, nagsumpaan kaming dalawa - pangahas ngunit binitaw ko ang aking mga ninanais sa muli naming pagkikita. Hindi nagtagal ay pumaroon na siya sa lupa na puno ng kasaganaan.

Hindi ako nagkulang sa pag-subaybay sa isa't isa ng aking mahal. Palagi kaming nagkukwentuhan ng aming mga buhay na naganap sa buong linggo. Puno ito ng pagmamahalan, at sa ikatlong pagkakataon, hindi ko inakala na ganito kaganda ang magkaroon ng isang 'Long-distance relationship', na kung saan may pagtitiwala kayo sa isa't isa. Kahit ilan pang mga babae ang dumaan sa akin, ay hindi ko pinansin, dahil si Hannie lamang ang aking irog, wala nang iba.

Ngunit dumadating talaga ang mga pagkakataon na kahit ang iyong akala na kayo na magpakailanman, ay sadyang kay pait.

"Hannie?"

"Oh?"

"Mahal kita!"

"Oh.. Salamat. Matutulog na ako. Pagod ako sa trabaho."

Hindi ko pinansin ang mga senyales na ito ngunit hindi ito ang naging dahilan upang itigil ko ang aking pagpaparamdam sa kanya. Hindi ko itinigil ang aking pagkamusta ko sa kanya ng 'magandang umaga/magandang gabi/mahal kita'.

Di nagtagal, isang tawag mula sa aking 'cellphone' ang gumimbal sakin. Si Hannie, tumatawag.

"Hello?"

"Yel?"

"Uy! Kumusta? Kay tagal mong hindi nagparamdam! Na-miss kita!"

"Yel...m-may sasabihin ako sayo..."

"Hm? Ano naman iyon? Miss mo ako?"

"Hindi... Yel... kasi-"

"Miss mo lang ako eh."

Ngunit ang mga sumunod na sinabi ni Hannie, ang tumunaw sa aking sarili.

"Yel, makinig ka... B-buntis ako."

"BUNTIS?! Hannie! Wag ka magbiro ng ganyan!"

"It's the truth Yel... I am so sorry..."

Luha nalang ang ang gumawa ng paraan upang tugunan ang nararamdaman kong galit - galit na may halong poot at labis na kalungkutan. Ilang minuto akong hindi nakakibo, ilang beses kong inisip ang mga katagang nasabi nya. Sa isang mahinang boses, sinabi ko:

"Hannie, sino..."

"Si Ron..."

"Bakit? Bakit mo ito ginawa?"

"Ang sakit isipin Yel, na malayo tayo sa isa't isa. Kahit nag-uusap tayo palagi, araw-araw, at nagiiwan ng mensahe sa ating inbox, hindi pa rin sapat iyon. Yel, nagawa ko ito sapagkat ayoko ng paulit-ulit na buhay ko dito sa Canada. Kaya patawarin mo ako..."

Hindi ko na pinigilan ang damdamin ko nang binanggit nya ang mga katagang iyon.

"Hannie! MINAHAL KITA! AT HANGGANG NGAYON, IKAW PA RIN! BAKIT MO ITO GINAWA! NAGING TAPAT AKO SAYO-"

"Yel, wala ka rito. Si Ron lang ang tanging taong tumugon sa malungkot kong puso. Kaya, please lang. Sana maintindihan mo-"

"Wala AKONG PAKIALAM! BUBUHAYIN NAMAN KITA DITO EH! MAGKAKAROON NA AKO NG TRABAHO KUNG SAKALING UUWI KA!"

Hindi na nakapagtimpi si Hannie, at binitawan na nya ang mga salitang iyon - mga salitang bumiyak sa aking puso at pagkalalake.

"At ANO NAMAN ANG MAGAGAWA MO?!"

Di na ako sumagot pagkatapos nyang masabi iyon. Sadyang nagpakatanga lamang ako sa ilusyon na may perpektong pag-ibig. Ni minsan, hindi ko nagawang magtaksil - ngunit sa kanyang kaso, nagawa nya ito nang walang pakundangan. Siguro nga talagang malungkot siya doon, kaya niya nagawang MAGTAKSIL.

Tama nga siguro si Hannie, wala na nga ako magagawa...

Continue Reading

You'll Also Like

55.9K 1.4K 29
"Justine, bata ka pa- Simula nya marami ka pang makikita at makikilalang mas higit kesa sa akin- Huminga sya ng malalim at lumunok na parang may inaa...
62 0 13
Three hearts one story Nang dito naman Ako nakatingin sa taong gusto ko pero ang hirap abutin,yong ako ang ng dito pero iba ang hanap,Kaya Kona man...
619 13 12
"Walang Masama mag mahal nang isang bakla kung sa totoo lang ay Ang Lalaki ay para sa babae kaya kung Masama man mag mahal nang Bakla Aasahan na dara...
33.2K 1.6K 34
"Handa akong talikuran at isuko ang lahat nang saakin,makasama ka lamang mortal........dahil iniibig kita"- Maria Elvina "Mahal na mahal kita Elvina...
Wattpad App - Unlock exclusive features