Elena pov
Hindi talaga ko tinigilan ni allyza hanggat hindi nya nakuha yung katibayan na gusto nya.
Unfair diba?
Siya, ni hindi nagsabi ng tungkol sa kanya.
Dapat pala! Hindi ako nagsalita hanggat hindi rin sya nagkukwento.
Hay, ang shunga mo elena!!!
Ayan tuloy! Wala na. Nalaman na nya yung sikreto ko na nakaka intindi ako ng animals.
TUngkol naman sa sinabi ko kay allyza.
Labag pala sa batas nila yun.
Sayang..
Bakit ako nanghihinayang?
Napaka sama ko. Sige na.
Pero aaminin ko.
May parte ng isip ko na gusto kong gantihan so mershil shido.
At napaka sama ng iniisip ko dahil gusto kong gamitin ang kaibigan ko.
Hay!!!
Tama na!!!
Buti may konsensya pa ko. Salamat sayo konsensya.
PAano ko ba naisipan yun?
Malay mo. .
MAY nasesense kasi akong something. .
PEro siguro dahil pair sila sa Death Society kaya ganun so Mershil sa kanya.
At isa pa. Ganon rin naman sya kay Suicu.
Hindi sya showy pero makikita mo naman kung ano ang importante at hindi sa kanya.
Hay elena!!!!! Erase ! Erase! Wag kang bitter!! Tanggapin mo ang pagkatalo mo!!!
Hay! Makatulog na nga!!!
(a/n: hayy. Bungad na bungad ang kaartehan ni elena, ilang beses ko tong muntik alisin, pero hayaan na. Yan sya eh.)
Aniela Pov
Ako si aniela, mas matatandaan nyo kung sasabihin kong ako ay nakababatang kapatid nung Miyuki Azumo.
Hindi kami magkatulad, at sa kahit saang aspeto magkabaligtad kami. Liban sa pareho kaming isang babae at Azumo ang last name namin.
Nasa iisang bahay kami, pero hindi ko nararamdamang may pamilya ako. Pakiramdam ko , nag iisa lang ako sa mundong ito at ni isa walang gustong umagapay sa akin.
Nagsimula lang ito magmula nang mawala ang aking ina.
Oo, magkaiba kami ng nanay ni miyuki.
Hapones ang aking ina, habang ang sa kanya ay isang American.
Ang ama namin ay isa ring Hapones.
Kaya naman purong japanese ako habang sya ay half American at japanese.
(a/n: opo, mafeeling si author sa japan kaya japanese ang mga characters ko. bale, yun na nga po. Japanese silang lahat at sa japan sila nakatira xD.
dapat sa simula pa lang sinabi ko na to eh. Confuse pa kasi ako nung una kung ipupush ko ba yun, pero ngayon.. Push na lang yan
BALik sa pov ni aniela)
Wala siguro kayong pakialam kung ano ang nangyayari sa buhay ko, sa bagay, sino ba namang may paki.
GAbi na, hindi pa ko umuuwi. At narito ako sa isang room sa school .
Nakakulong, madilim na at lahat ng ilaw ay patay na, tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa silid na ito, salamat at may buwan ngayon. Patuloy ko lang na naiisip ang mga bagay bagay sa buhay ko habang nakasandal sa nakapinid na pinto ng silid na ito at naka salampak sa sahig.
Isang dahilan kung bakit ayoko ng valentines day ay dahil mas lalo akong napapansin ng nakararami.
Hindi dahil sa ako ay sikat o popular.
Kundi dahil ako ay kabaligtaran sa araw na to. Dahilan na mas lalong dumarami ang nagtyatyagang pag tripan ang tulad kong nilalang sa ganitong araw.
Bakit pa kasi nagdesisyon akong pumasok ngayon!?
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako lumalaban sa mga bumubully sa akin?
Dahil weak type ako. Mahina ang pisikal kong katawan para lumaban sa mga nambubully, at wala rin akong lakas ng loob para gawin yun . Hindi ko alam kung bakit ganito ako.
Simula nang mawala ang aking pinaka mamahal na ina, nawala na ang gana kong mabuhay sa mundong ito,
Sa pamilyang kinalalagyan ko, dahil siya na lamang ang nag iisang kakampi ko pero nawala pa sya.
Anak ako sa labas .
At hindi ko alam kung bakit pa nila ko pinapatira sa bahay na iyon upang buhayin.
Hindi naman nila ko tinuturing na bahagi ng buhay nila, at mas gugustuhin ko pang lumaki sa isang ampunan kesa tumira sa lugar na hindi naman ako tanggap, mas lalo lang nila pinahihirap ang sitwasyon. Siguro nga sinasadya nilang mahirapan ako.
HIndi na ko kumikilos at gumagawa ng anumang bagay sa bahay, upang maging pabigat at palayasin na sa lugar na yun, at ilang beses na rin akong lumayas.
Pero pilit akong ibinabalik ng aking ama.
Hindi ba nya naiintindihan na ayoko ng tumira sa poder ng totoo nyang pamilya!!?
Bukod roon. Namatay ang aking ina dahil sa kapabayaan nya.
Kung nais nyang bumawi sa akin. Sinabi ko sa kanya na ilagay nalang ako sa ampunan dahil dun ako mas makakampante, ngunit ayaw nyang gawin.
Dahil sa pagpupumilit nyang yon, naging miserable na ang buhay ko sa kamay ng teribleng Amerikanang yun at ng anak nya. Hm.
Kung ganon, sinasadya nga nilang pahirapan ako.
Bukod sa sitwasyon sa bahay, hindi ko alam kung bakit hinahanapan rin ako ng perfection ng mga tao sa labas?!
Hindi ba nila kayang intindihin na ito talaga ang pagkatao ko? Dahil lang iba ang ipinakikita kong lifestyle ay ginagawa nila sa akin ang mga bagay na to?
Dahil hindi nila nakikita ang karaniwan sa akin, madalas akong tampulan ng tukso .
At ang araw na ito ang isa sa pinaka malala.
Matapos akong pagtulungan ng mga babaeng yun, ikinulong nila ako sa silid na ito. At nakapagtatakang ,walang guwardya na rumonda sa bahaging to, dahilan kung bakit wala paring tumutulong sa akin. NAPAka malas, hindi pa ko kumakain simula kanina.
Kanina pa ko tumatawag sa labas ngunit walang ibang sumasagot.
Napaka saklap ng araw na ito. At hindi lang ang araw na to.
Impyerno para sa akin ang pumasok sa skwelahan dahil walang araw na hindi ako nabully.
May araw na pinagtitripan ako sa cr, nabubuhusan ng maruming tubig.
Minsan , binabato ako ng chicklet kapag napadaan ako at dumidikit yun sa buhok at damit ko.
Minsan naranasan kong isinabit nila ang mga gamit ko na galing sa loob ng locker, sa labas ng gate. Nakakahiya ang araw nayun. Hindi ko alam kung anong rason, ano ba ang nagawa ko sa kanila?
Hindi ko rin alam kung paano nila nabuksan ang locker ko.
Hindi lang yun. Marami pang iba.
Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ako lagi ang mainit sa paningin nila.
At kahit hindi ko schoolmate. Dahil napagttripan din ng kung sino sino ang sawing palad na gaya ko.
Nakakasawang mabuhay.
Kapag ako ba ay nawala sa mundong to. Ilang tao ang mag aaksaya ng luha para sa akin?
Meron nga ba??
Kung mawawala kaya ako, makukumpleto na ang araw nila? Kung ayaw nila akong mabuhay sabihin lang nila, madali naman akong kausap eh.
Hindi yung ganito.
Kung mamamatay ba ko? Hahanapin nga ba ko ng pamilya ko?
Wala na nga pala akong pamilya.
Mas mainam siguro na sumunod na ko kay Mama.
Hindi ko napansin ang aking sarili na may hawak na isang lubid.
Nanggaling ito sa cabinet ng room na ito.
Tama, gagawin ko na ngayon.
Nang sa gano'y hindi ko namaranasan ang pasakit ng buhay .
Mas makahulugan pa siguro ang mamatay kesa mabuhay sa malupit na mundong ito.
Galit ako sa lahat ng tao.
At kahit sa sarili ko.
Ni hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko, at lahat ng katangian ko ay isinusumpa ko. Hindi ako naging matalino, hindi ako nagkaron ng kaaya ayang personalidad, wala akong kakayahang mabuhay. Dahil ang tulad ko ay hindi kaaya aya sa mata ng bawat tao, dahil hindi naman ako mukang kapaki pakinabang sa kanila.
Tama, hindi ko maaaring sisihin ang lahat sa paligid ko kung bakit ako nagkaganito at kung bakit ko nararanasan to. Dahil pinili ko ito. Ito ang daan na tinahak ko.
Hindi ako naging palaban sa buhay , hindi ako naging malakas, hindi ko kayang humingi ng tulong sa iba, hindi ko kayang magkaroon ng kaibigan dahil mapagmataas ako at iniisip na kaya ko ang lahat ng nag iisa, kahabag habag. Aniela.. Yun lang ang mga dapat mong ginawa, pero hindi mo parin kaya?!
Ang lumaban, kahit pa anong pagsubok ang dumating?
Oo, pero wala akong kakayahaN? ? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sino ang lalapitan ko para magbago? Sino ang tatanggap sa uri kong nilalang , na hindi kayang ihayag ang kahit simpleng nararamdaman?
Pili lang ang taong inaasahan kong tatanggap sa akin. Pero kung sino pa ang sa tingin ko ay natitira na lamang sa akin, ay sila pang nagtutulak sa akin upang maging ganito.
Ang pamilya ko. Ang itinuturing kong pamilya, sana.
Sila lang ang sa tingin kong makaka intindi sa akin. Pero nagkakamali ako..
Maaari bang pakinggan nyo muna ang sasabihin ko, at wag nyong tingnan ang personalidad ko?
Kailangan ko ng kausap at ng maaaring makinig sa akin..
Ako ay sadyag nahihirapan na.
Ipagpaumanhin nyo na nababasa nyo ang laman ng walang silbi kong utak.
Hindi ko napansin.
Nagawa ko na palang ibuhol ang lubid sa kabitan ng malaking elisi , nakatungtong ako sa lamesa at isinuot ang ulo sa lubid na nakapulupit sa elisi.
Magmula sa gabing ito. Hindi ko na masisilayan ang babaeng kinamumuhian ko.
Ang babaemg napaka hina. At ni mamuhay sa mundong ito ay hindi kaya.
Paalam. Aniela Azumo.
Sinipa ko palayo ang lamesa at naramdaman ko ang bigat nang buong katawan ko na napunta sa sa aking leeg.
Napaka sakit sa leeg at sa ulo.
Mahigpit kong isinara ang aking kamay , at kinagat aking labi.
Nahihirapan na akong huminga at naririnig ko ang paglagitngit ng elisi dahil sa pagbuhat ng bigat ko.
Naramdaman kong pumatak ang luha sa aking pisngi.
Ito na ang pagtatapos.
Hindi ko na makikita ang mga nilalang sa bahay, at ang mga nilalang na nambubully sa akin.
Maging maligaya nawa kayo.
Ngunit, narinig kong bumukas ang pinto ng silid at bigla na lamang akong bumagsak sa sahig, napatid ang lubid at nakarinig ako ng isang matalas na bagay na kumalansing sa mga bakal ng upuan bago ito malaglag ng tuluyan sa sahig ang bagay na yun na hindi ko alam kung ano.
Hinabol ko ang aking hininga habang umuubo at hawak ang aking leeg, napatingin ako sa pinto, at nakita kong may taong nakatayo roon. At ayon sa kanyang hugis, isa syang lalaki. Nakaporma ang kamay nya na parang may hinagis sya kanina, kaya napatingin ako sa dulo ng lubid, at pulido ang pagkaputol nun. Sya ang naghagis ng matalim na bagay kung kayat naputol ang lubid!
LUmakad sya papalapit sa akin. Hanggang sa makita sya sa liwanag ng buwan.
My Goodness!
Oh Thanks! you're still alive!
Banggit nya na alalang alala..
Mr. Choi????
----------
Nedjiel pov
MAdaling araw na.
Hindi ako makatulog.
Naaalala ko parin kasi yung sinabi ni allyza kanina.
Yung tungkol kay elena..
Oo, narinig ko yung usapan nila ni elena?
Paano?
Hindi ba, nagdecide ako nung nakaraan na alamin yung parang something na lihim ni elena.
So, from that time. Naging stalker na ko ng kaunti.
Bago pa magcamp nasimulan ko na yun. Pero, ang galing nyang magtago eh. Wala kong ideya na ganun pala ang sikreto nya. Wala syang talab kay allyza, napa amin sya ng wala sa oras.
Sumunod ako sa kanila nung maghihiwalay kaming lahat.
Nagtagumpay akong hindi matunugan ni allyza.
At narinig kong umamin si Elena na kaya nyang maintindindihan ang mga animals. Parang si Cinderella o kaya si Fawn sa Tinkerbell.
Parang animal Fairy.
Nakaka inggit.. Gusto ko rin nun. Hahahahahaha..
Ewan. Naiinggit ako na ewan kay elena. Ano kayang pakiramdam ng naiintindihan mo yung mga animals?
Pangarap ko yun!
Paano kaya ? Anong naririnig nya? Specific Words ba? O parang instinct lang? O nababasa lang nya ang kilos, hindi eh. TEKa, pano ba???
Paano nga kaya???
Gusto ko tuloy interviewin si elena.
PEro, kasi..
Seret lang na alam ko na yun. Kasi kapag tinanong nya kung paano ko nalaman, edi anong sasabihin ko?!
Nagstalk ako sa kanya??!
Hindi pwede.
So anong gagawin ko??!
Hanggang tingin lang , hanggang observe lang?
Hanggang kelan?
Hanggang sa aminin nya na may ganon syang kakayahan?
Kelan naman yun?!
Ay ewan! Pero pramis!! Gusto ko talaga malaman kung paano nya nakakausap ang mga hayop!!
At.. Kakaisip neto ng paulit ulit nito. Hindi parin ako nakakatulog.
-----
Dahil jan!
ALas jis ako nagising!!!!!!
Wahhhhhh!!!!! Yari kay lolo!!!
Di ako nakapasok sa school!!!!!
At
Eto na nga, pinapagalitan na ko.
Habang si nunime, palihim na tumatawa at inaasar ako!
Panira naman tong pangyayari, nakaka asar!!!!
-----------------
Lem pov
KAHapon lang ako nakabalik ng tuluyan sa school .
Nagpapasalamat ako dahil muli kong nasilayan ang araw.
Marami raw nagbago sa pisikal kong anyo, sabi ni lowrie. Mas pumayat ako at pumuti o pumutla .
Paano ba namang hindi ka puputla sa lugar na yun. Walang araw. Ibig kong sabihin, palaging gabi sa Death Society. Nakakamiss ang pagdaplis ng init ng araw sa balat.
Kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa akin ng ibang studyante, masaya parin ako dahil muling naitapak ang aking paa sa mundong kinabibilangan ko.
Wala naman talaga silang alam sa mga nangyari sa akin kaya bahala sila. Ayoko na silang problemahin.
Sabay kami ni Lowrie na papasok sa building, kakatapos lang namin kumain ngayong break time.
MAy umagaw ng atensyon namin.
Nakita nanaman namin ang kapatid ni ms. Miyuki.
Yung babaeng Emo.
This time, nakakagulat dahil
Walang nakapalibot sa kanya na nambubully.
nag iisa parin sya, pero wala ng bumubuntot sa kanya na bullies, nakakatuwa.
Matagal ko ng gustong lapitan ang babaeng to.
Pero, intimidating kasi sya.
Muka syang suplada at masungit dahil sa makapal na eyeliners. Napaka kapal ng bangs na tumatakip sa mukha nya at yung suot nyang black n white stripes na thigh-high ay talagang nagpapakita ng pagka emo nya.
Mukang ayaw rin nya ng kausap.
Papalapit sya sa pwesto namin, nakatingin lang sya sa ibaba at makakasalubong namin sya.
Nung biglang hinarang sya ni lowrie.
Nagulat ako sa ginawang yun ni lowrie.
Hi!!
Pagbati ni lowrie, pero hindi sya nakangiti sa babae.
Tumingin ito sa kanya, at sunod sa akin.
Napaka lungkot ng kanyang charcoal eyes.
Parang .. Punongnpuno ng paghihinagpis.
NAlulungkot akong makita syang ganyan. Lalo na at parang pareho kami ng lagay ngayon. Inaayawan ng marami at tampulan ng tukso.
Umiwas sya kay lowrie. At dadaan sya pagitan namin ni lowrie, kaya ako naman ang humarang sa kanya , at naglakas loob na ngitian sya.
Hi, Ako nga pala si Lem.
Sabay abot ng kamay ko upang makipag shake hands.
Ngunit. Hindi nya pinansin yun at umalis.
Ako yung sinaniban raw ng isang masamang nilalang na kilalasa tawag na Ren , dahilan ng paglayo sa akin ng mga tao.
Pareho tayo ng sitwasyon
Sabi ko sa kanya. At ngumiti ako.
Sandali syang natigilan at tipid lang ang paglingon nya.
Wala kang alam tungkol sa akin para sabihan ako na pareho tayo ng sitwasyon.
Sabi nya sa napaka lungkot na tono.
NAPAkunot ang noo ni Lowrie. Habang tuluyan namang umalis yung babae.
Grabe. Kapatid batalaga sya ni Miyuki?
Tanong yan ni Lowrie.
ELENa pov
Absent pala si nedjiel ngayong araw. Hindi namin alam kung bakit, nalaman na lang namin nung breaktime dahil hindi namin sya nakita at yun din yung sabi nung classmates nya.
Pauwi na kami ngayon, mga 5pm na.
Nagkkwentuhan kami ni allyza. Pinipilit kong itanong sa kanya yung mga pangyayari sa buhay nya nung nawala sya ng matagal.
Pero. Paulit ulit lang yung kwento nya.
May nadagdag lang.
Yun ay tungkol dun sa lalaking nagbigay sa kanya ng singsing, hindi nya naitanong ang pangalan nun pero napaka friendly daw talaga.
Nawala kami sa focus ng usapan nang may matanaw kaming isang studyante o schoolmate namin na tila binubully at .
Isang babaeng may kaliitan ang height. Ka height ko?
Short black hair, makapal na bangs. Black tigh high socks at mukang emo.
Paatras syang maglakad, habang papalapit naman yung mga babaeng bumubully sa kanya.
Teka?
Hindi ba sila yung kagabi?
Tanong ni allyza.
Tinutukoy nya yung mga nambubully.
Sila nga yung nakasalubong naming mga lasing na studyante kagabi.
PAPAlapit na kami sa pwesto nila.
Hoy!
Anong pinagkaka abalahan nyo?!
Tanong ni allyza.
Wait!
Kanina lang katabi ko sya, tapos sa isang kisap mata. Lumitaw sya dun sa pagitan nung babaeng binubuli at ng mga mambubully kaya naman hinabol ko sya at hinawakan sa mga braso para hilahin palayo, pero hindi sya umaalis sa pwesto nya! Kainis!!
Allyza!!! Tama na! Umalis na tayo..
Nagmaka awa ako, naka ngiti sya ng maangas na parang excited na ewan.
Nakatingin lang sa amin ng seryoso yung babaeng emo na nabubully..
Habang yung mga nambubully naman na mukang amazona ay naaasar kay allyza.
Dalawang lalaking mukang goons at tatlong mga amasonang babae na mukang maaarte/flirt.
AHHH!!!! KAYO PALA YUNG BUMANGGA SA AMIN KAGABI!!!
GUSTO NYO TALAGANG MASAKTAN NO??! AT TALAGANG SINADYA NYO PANG MAGPAKITA SA AMIN?!!
Sabi nung lalaking may hawak na baseball bat. Tapos sabay hila sa akin ng malakas papalapit sa kanya. Halos pigain nya ang braso ko sa higpit ng paghawak nya.
Natakot ako sa mukha ng nilalang na to kaya iniwas ko ang tingin sa kanya at napapikit sa takot.
Mabilis na sinunggab ni allyza ang pulsuhan ng lalaking humahawak sakin gamit ang kanyamg kaliwang kamay.
Tapos nabitiwan ako ng lalaking to.
Bitiwan mo ang kamay ko!!!!!!
Sigaw nya kay allyza na tila nasasaktan sya sa paghawak ni allyza. Kung ganon. Halos pigain rin ni allyza ang kamay nya..
Pahagis nya itong binitiwan. Napaatras tuloy yung lalaki habang hinawakan ang pulsuhan. At napatitig ng masama na hindi makapaniwala.
Hinila ako ni allyza at nilagay sa likuran katabi nung babaeng emo.
Nasaktan ka ba ng mga to?
Tanong ni allyza na nakangiti. Umiling lang yung emo girl.
Tumalikod si allyza sa amin at humarap sa mga goon.
ANG YABANG NG BABAENG TO NA GALING NG MENTAL?!!!
galit na galit na sinabi nung lalaking may hawak na baseball bat.
Muli kong pinigilan si allyza pero ito ang sabi nya habang pinatutunog ang nga buto nya sa kamay na parang naghahanda sa isang bakbakan.
Arrrgghhh!!' pasaway talaga!!! Kinakabahan ako sa mangyayari!!
Hayaan mo muna ko mag isip bata elena.
KAting kati lang talaga ang kamay ko manapak ngaton.
Di na sya nagapapigil, tapos naka smile pa sya. hays!
SUbukan nyo lang na dikitan ng marurumi nyong balat ang dalawang to!
Malalagot kayo sakin.
Sabay ngiting naghahamon.
Dahil dun, sumugod ng sabay sabay ang mga goons at amazonas
Nang makita ng mga studyanteng pauwi narin ngayon, na mukang may away dito, hala paikot na sila sa amin. Para manuod.
NAalala ko tuloy yung mga bata pa kami.
Ganyan rin sya makipag away para lang ipagtanggol ako.
Sige na nga, mag iisip bata rin muna ko.
Yeah!!! Go allyza!!! Go! Go!
NAPangiti sya nang marinig akong nagchcheer, tapos nakipag sapakan sya sa mga yon! at ang maganda lang, walang ginagamit na spesyal na lakas si Allyza sa kanila, lumalaban sya ng sapakan at pisikalan hahahaha. Baliw na ba ko, nakikipag away yung best friend ko tapos ako, tuwang tuwa!
Mershil pov
Akala ko nung una ay gagamit sya ng kapangyarihan ng DS.
Ngunit, nakipaglaban lang sya gamit ang sariling lakas, mukang wala talaga syang magawa ngayon .
Magkatabi kami ni suicu na nakaupo sa sanga ng isang malaking puno at pinanonood ang ginagawa ni allyza.
Aaminin ko nang may pagka boyish talaga sya.
Sabi nya sabay tingin sa akin.
Tomboy talaga yan. Wag ka ng mag alinlangan.
Sagot ko.
Ngumiti si Suicu na parang may naiisip nakalokohann at inilapit ang mukha sa akin.
Talagang pinipilit mong tomboy sya?? Bakit, gusto mo ba ng tomboy??
Na dead secretary?
Tinabig ko ang kamay nya na paulit ulit na tinutusok ang pisngi ko gamit ang kanyang hintuturo.
Tigilan mo ako, Suicu.
Yan nalang ang sagot ko, at ipinagpatuloy ang panonood.
Aniela pov
Nakakamangha ang babaeng to.
Napalayas nya ang mga nambubully sa akin na hindi man lang sya nadikitan ng mga yun.
Napaka cool nya.
Kung kaya ko rin sanang gawin yun..
Oy. Ikaw.
Gusto mo bang sumama muna sa amin?
Ililibre ka ni elena.
Nagulat ako sa alok nilang uun.
Pero...
ayoko.. wala kong panahon sa kanila.
Tatanggi na sana ako nang hilain ako nung babaeng may dark pink na buhok.
Hindi na ako nakatanggi.
At tuluyang sumama sa kanila.
------------
Nasa loob kami ng isang korean restaurant malapit dito sa school.
Tahimik lang ako at hindi ko sila tinitingnan.
Naserve na ang order, pero.. Ayokong kumain, nakakahiya.
Wag kang mahiya.. Para sayo yan..
Sabi nung babaeng cool.
Cool sya, dahil bukod sa magaling syang lumaban, maganda rin sya pero halatang walang arte sa katawan at napaka simple pero muka syang rockers.
Wala na akong magawa. Bilang pasasalamat. Tinanggap ko na lang ang binigay nila.
Halos interviewin nila ko. Pero matipid ko naman silang sinasagot. Hanggang sa...
AZUMO???!
kaano ano mo si miyuki azumo ng 4th year, section E?
Nagulat ako sa tanong nitong babaeng cool. Allyza pala. Yun kasi ang pakilala nya.
Nakakasira ng mood na pumasok ang Miyuki na yun sa usapan , pero, sinagot ko parin sya at sinabing kapatid ko ang nilalang na yun.
At talagang nagulat sila nang malaman ang bagay yun.
-----------
Nagpasalamat ako sa kanila bago kami tuluyang maghihiwa hiwalay .
Pinapanuod ko silang naglalakad papalayo sa akin
Sadyang napaka rami ngang nagbago sa araw na ito.
Tama sya.
KAYa nyang baguhin ang sitwasyon ko.
Hindi ko alam kung paano, pero nagpapasalamat ako sa kanya.
Ito ang unang araw na tila naging visible ako sa paningin ng mga taong hindi nambubully.
Kadalasan sa araw araw na pamumuhay ko. Parang bullies lang ang nakaka kita sa akin. Pero ngayong araw.
Iba ang nangyari.
Bihira akong nabully ngayon, at kung nabully man ako may dumating naman para ipagtanggol ako..
May mga taong lumapit sa akin sa araw na to, at nawa. SIla na ang unang maging mga kaibigan ko..
Nawa...
Allyza pov
Iniwasan ko paring makapag kwento kay elena ng mga bagay na inililihim ko. Mabuti at hindi ako nadudulas sa pagkkwneto ng story, totoo naman ang mga sinasabi ko. Yum nga lang, incomplete. Hindi kasi pwedeng sabihin
Matapos ko magbanat ng buto sa mga goons na yun. Isinama namin tong si miss emo para kumain.
Lubhang napaka silent nya, hindi magsasalita kapag di kinausap.
Pero, kahit na ganon,mabait naman sya at akalain mong kapatid pala to ni miyuki?!
Akalain mong may kapatid syang emo?
Napaka layo ng pagkatao nila sa isat isa.
-------
Matapos ang ilang sandali naghiwahiwalay na kami.
At ngayong gabi..
Lalabas nanaman ako para magtrabaho sa Death Society.
-----------------
Sa library ng Death Society, nagkita kami ni mershil. Nandon rin sila Suicu at Yoshima.
Kanina pa sila nandon, maaga sila sa Death Society dahil may nireresearch sila. Lalo na si mershil.
Ewan ko kung ano nanaman yung nireresearch nun. Hindi naman nya sinasabi kapag tinatanong ko, ang lagi lang nyang paalala, dapat daw sumunod nalang ako kapag may pinag utos sya. Ayos diba?
10 pm kasi ang lecture at training para sa mga newbies na gaya ko, at sa library rin ginaganap yung lecture.
Yun yung bagong patakaran ngayon, dahil marami daw nagbabantang kalaban.
Maluwag naman ang library ng DS, at napakaraming libro dito.
habang ako ay nasa lecture, kasama ni yoshima at ang iba pang baguhan. Ang mga Master namin ay nasa dulong mga lamesa at nagbabasa ng mga libro.
Kasama ko si yoshima para naman may maka usap daw ako. sabi yun ni Suicu.
Edi yan. Sinamahan nya ko rito, pero hindi sya kasama sa mga trainees, sit in lang sya at may sariling ginagawang paper works.
Matapos ng lecture, oras na para maglibot ng gabi sa mundo ng mga tao.
PAglabas namin ng library . Laking gulat namin na nasa harapan namin ang karwahe ng pinuno.
Tapos, inalalayan sya ng sobishou nya na bumaba ng karwahe.
Binati sya ng lahat ng nakasalubong nya.
Naku Patay... hindi nya pa pala alam na nakabalik na ko..
Hindi pinaalam ni Mershil na nakabalik na ko. Dahil malamang tatadtarin nya ko ng tanong at hindi sya papayag na hindi ako paimbestigahan o ipasuri..
Kinakabahan na tuloy ako.. Napakalakas pa naman ng pakiramdam ng matandang to, hindi ko alam kung anong kaya nyang gawin..
Patay.. Kahit pa anong takas ko, alam ko namang malalaman nya na nakabalik na ko.. Argghhh..
Anong gagawain ko??!!
Palapit na sya, kaya hindi na namin naiwasang maka alis dahil tiyak na magmumuka kaming walang modo.
Yumuko kaming apat nung mapadaan sya sa harap namin. At pag angat ng aming ulo, nakatingin na sya sa akin at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagka gulat..
Yari! Lalo akong kinabahan.
Napahawak tuloy ako sa dulo ng manggas ng sweater ni mershil .
Gulat na gulat ang pinuno at dahan dahang papalapit sa akin.. Ako naman. Ngumiti parin kahit alanganin , pero pasimpleng tago na sa likod ni mershil. Wahhhhhhhhhh..
I-ikaw?? Kailan ka pa nakabalik??
Sabi nito habang naka angat ang isang kamay at tila nais akong abutin.
NATigilan ang pinuno nang pasimpleng humarang si mershil at itinago ako sa kanyang likuran.
TUMAbi ka pangahas!
Anong karapatan mong gawin yan?!! Matapos mong hindi ipabatid sa akin na nakabalik na ang sobishou mo!!!
Narinig kong sabi nito sa galit na tono, pero pabulong lamang.
Ipagpaumanhin nyo Pinuno , ngunit natatakot sya sa inaasal nyo.
Narinig kong sabi ni mershil sa seryoso at magalang naman na tono .
ANO BA ANG ITINANIM MO SA KANYANG UTAK??!
galit na tono ng pinuno.
Sinabi ko po ang katotohan sa kanya.
Dipensa ni mershil.
Wala akong gagawin sa kanya, kaya tumabi ka na!
Kakamustahin ko lang ang batang iyan!
Sabi ng pinuno sa nagpipigil nyang galit. Pero halatang aminado na totoo naman ang sinabi ni mershil.
Hindi ko maiwasang mahigpitan ang kapit sa manggas ng longsleeve ni mershil nang maramdaman kong , kumilos sya upang magbigay daan sa pinuno.
Patuloy parin ang kaba ko. Nakayuko ako at nasa harapan ko na ang pinuno. Tapos tinapik ako ni Mershil sa ulo.
Mabuti na ba ang iyong lagay?
Sabi nito.
Opo..
Tugon ko.
Ngumiti sya sa akin, tapos tumingin kay mershil ng masama at umalis na kasunod ang kanyang mga alagad at alalay.
Nang makapasok na sya sa library.
Woooohhhhh!!
Nasabi ko sa relief! Akala ko pipilitin nya kong sumama para interviewin at pag eksperimentuhan.
Salamat.. Mershil!!!
SAbi ko, na parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Tiningnan lang nya ko, tapos tumalikod na sya at naglakad na paalis.
Nginitian naman ako ni suicu.
-----------------------
12 am na, inaantok na ako kaya napa hikab ako habang dinadama ang malamig na hangin.
Nakatambay kami ni Mershil sa tuktok ng isang gusali.
Kakatapos lang namin maglibot at pumatay ng mga dim soul.
Nakatayo sya at nakatingin ng diretso sa malayo habang ako. Nakaupo at naka laglag ang isang binti sa kanto ng building.
Tahimik na dinadama namin ang hangin nang makarinig kami ng ingay sa di kalayuan.
Tunog ba ng mga alarm ng pulis yun ?
Walang pang aalinlangan na kumilos si mershil at pinuntahan ang lugar na pinanggagalingan ng ingay . Sumunod naman ako kaagad.
NAkita namin ang isang banko na pinalilibutan ng sasakyan ng mga pulis. Matapos ay nAkita nalang namin ang isang sasakyan na humagis at papunta yun sa pwesto namin kaya nag kanya kanya kaming iwas ni mershil, pareho naming sinundan ng tingin yung tumilapon na sasakyan ng pulis, ano kayang nangyayari at bakit tumilapon yun na akala mo ay laruang hinagis?! Tumama yun sa puno at biglang sumabog ng malakas!
At nakita ko ang isang nilalang na naka coat na may bitbit na isang malaking bag.
Sumakay ang mga pulis sa kanilang mga sasayan at hinabol ang maliit na taong yon. I mean. Hindi kasi sya matangkad, tingin ko kasing liit lang ni elena at payat rin sya!
Mabilis rin kaming kumilos ni mershil at hinabol yun.
**pangyayari sa banko**
*isang naka coat ng itim ang pumasok sa isang banko at may dala syang baril, suot rin nya ang isang puting maskra na na parang ginagamit sa stage play o theater play.
Hinold up nya ang banko at nagawa nyang maka kuha ng pera. Hindi nagawa ng mga guardiya na pigilan ang nilalang na ito, dahil kahit maliit ang katawan nya ay sadyang napaka lakas at talagang nagagawa nyang ihagis palayo sa kanya ang mga guard sa sariling lakas lang ng walang kahirap hirap.
Nang magsidating ang mga pulis at tinutukan sya ng baril buong lakas nyang sinuntok ang sahig at nagdulot yun ng pagyanig na dahilan ng pagkabulagta ng mga pulis at pagkasira ng sahig.
Nakalabas sya dahil dun, bitbit ang isang bag na puno ng salapi. Napaka raming pulis parin ang naka abang sa kanya paglabas nya .
Kaya naman gamit ang isang kamay, binuhat nya ang isang sasakyan at inihampas nya sa lahat ng mga pulis, dahil dun umiwas ang mga pulis, napayuko , nagtago para iligtas ang kanilang sarili.
Nang makita nyang wala nang naka ambang babaril sa kanya inihagis nya ang sasakyang iyon. At papunta yun sa pwesto nila allyza .
Umiwas sila allyza at tumama sa puno ang sasakyan at itoy sumabog.
Mabilis syang tumatakbo ngayon at sinusundan siya ng mga pulis na naka sakay sa mga sasayan, kayat nang mapadaan sya sa isang mapunong lugar, nagsuot sya dun at tumakas , hindi na sya nasundan ng mga pulis, ngunit nasusundan naman siya nila Mershil at allyza.
Pati sila suicu at yoshima na agad ring nagtungo sa lugar na iyon.
Mershil Pov
Hindi na namin pinaalam sa mga pulis na inako namin ang responsibilidad sa paghuli sa nilalang na ito dahil magiging kumplilado lang ang sitwasyon.
Ngunit bakit nga ba namin hinahabol ang nilalang na ito nang hindi pinaaalam sa mga pulis?
Dahil ang nilalang na ito ay isa sa mga sorcerers. At isa sa misyon namin ang hulihin sila.
Sa tingin ko siya rin yung minsang hinabol namin ni suicu nung maikwentro namin sila sa may underground casino.
Yung sorcerer na may maliit na katawan at napaka bilis kumilos, pakiramdam ko isa syang babae.
Ngayon, bukod sa napaka liksi nya, nalaman naming may higit syang lakas ng katawan kesa sa amin. Kaya nyang buhatin ang isang sasakyan gamit ang isang kamay ng walang kahirap hirap.
Nakapagtataka, ano kaya ang binabalak nya sa maraming salapi??
Mukang nakalabas na kami ng aming siyudad kakahabol sa sorcerer na ito na nagsuot sa masukal na lugar, saka ko napansing wala si allyza sa likuran ko.
Nakita na lamang namin sya na umatake pasalubong sa sorcerer, at talagang nadali nya yun.
Tumalsik yun palabas sa kagubatan at nagpagulong gulong, sa isang patag na kalupaan ngunit nagawa nitong makatayo kaagad.
Isang dangkal ang laki nila sa paningin namin.
Sumugod nanaman si allyza at tinatapatan ang napaka liksing nilalang na ito.
Nang magawa nyang ibagsak si allyza . SInuntok nanaman nya ang sahig at nagdulot yun ng makapal ma usok na nagmula sa lupa.
Natabunan ng makapal na usok si allyza at lumayo naman sya sa usok, inilabas ang baril na dala nya at binaril si allyza mula sa loob ng usok.
Tuluyan na kaming napalapit sa kinalalagyan nila at gamit ang elemento ng hangin, mabilis na hinawi ni suicu ang mga usok.
Nagulat ako sa aking nakita.
Nakatayo na si allyza, habang nakatukod ang siko sa kanyang malaking machine gun sa na nakatukod rin sa lupa , at kagat ang isang bala.
Idinura nya yun at tumingin dun sa sorcerer na inilagay naman ang baril sa kanyang lalagyan sa sinturon.
Wala pa sa focus ang kalaban nang walang awa nyang tadtarin nya yun ng bala.
Nakaramdam ako ng pag aalala na baka wala nanaman sya sa katinuan, kaya naman pinagmasdan ko ng mabuti ang kanyang kilos at salamat dahil mukhang katinuan naman sya.
Dahil sa tinadtad nya ng bala yung sorcerer, puro pag iwas na lang ang nagagawa nito, at hindi napansin na nakalapit na pala si allyza sa kanya at sinunggaban sya nito.
Napasa ilalim ang sorcerer, kaya't gumawa na ko ng paraan, nagsummon ako nang mga kalansay upang gapusin sa lupa ang napakalakas na nilalang na ito habang nakahiga pa sya.
Hindi nya magawang maka alis dahil sa spell na idinagdag ni suicu sa nakagapos sa kanya kaya agad naman na hinawakan ni allyza ang maskra nito at pilit na tinatanggal dahil napakatibay ng pagkakabit nito na parang nakadikit sa kanyang mukha.
Paano kaya nangyari yun?
Sa sobrang lakas ng paghawak ni allyza sa kanyang maskra, iyon ay nabasag na parang gawa iyon sa glass.
Subalit, nakawala naman ang sorcerer at ibinalibag si allyza kaya naman sinalo sya ni yoshima, mabilis na kumilos ang sorcerer dinampot ang kanyang bag at tumakas, at hindi sya napigilan ng mga summon ko dahil sa sobrang lakas ng kanyang mga bisig at binti.
kaya naman pinatamaan na lamang ni suicu ng tatlong palaso ang sorcerer na yun, tinaman sya ng dalawang palaso sa likod at isa sa hita ngunit nagawa parin nyang makatakas dala ang bag na puno ng salapi.
Sinundan namin sya ni suicu ngunit nawala na sya ng tuluyan sa aming paningin.
Nakapagtataka. Bakit yung sorcerer sa kweba ay ibang iba kesa sa nilalang na yun? Wala syang presensya hindi tulad nung sorcerer na nasa kweba. Ngunit, tila mas malakas ang bulinggit na yun kesa dun sa nasa kweba , hindi rin sya gumagamit ng mahika. Nakapagtataka talaga. Isa nga kaya syang sorcerer?
Ani suicu.
Tama sya. Ibang iba ang presensya ng nilalang na yun kesa sa nilalang nasa kweba.
Sinundan namin ang patak ng dugo nun, ngunit nakakapagtaka na wala na ang karugtong ng mga patak.
Marahil, nagawa nyang linisin ang kanyang sugat ng mabilis, o kaya mabilis na naghilom iyon, o maaaring pumasok sya sa isang portal.
Bumalik na kami ni suicu at naka salubong namin sila allyza at yoshima.
Hindi natin sya nahuli. Sayang naman.
Sabi ni allyza sa malungkot nyang tono.
Inilapat ko ang aking palad sa kanyang bumbuman.
Ayos lang yun. Maganda ang ipinakita mo sa gabing ito.
Inalis ko na ang aking kamay, tumango lang sya ngunit mukhang dismayado parin.
Bumalik si yoshima sa amin galing sa pagkuha ng dugo nung sorcerer na yun mula sa mga pumatak sa kalupaan.
Oras na para bumalik sa Death Society, iulat na natin ang nangyari sa gabing ito.
Mungkahi nya.
------
Naiulat na namin ang naganap sa amin ngayong gabi, humiwalay na si suicu at yoshima sa amin, habang kami naman ay naglalakad sa hallway ng palasyo ng Death Society.
Allyza.
Tawag ko , sa kqnya na nauunang maglakad sa akin.
Ano yun?
Tanong nya habang tuloy tuloy parin ang paglakad at hindi ako nilingon.
Natutuwa ako sayo..
NApahinto sya nang marinig yun, at napalingon sa akin na nakakunot ang noo at nagtataka.
Kaya't itinuloy ko na ang sinasabi ko.
Tila bihasa ka na sa pag gamit ng iyong libro, at napaka bilis mo naring kumilos, nagawa mong tapatan ang liksi nung sorcerer na yun kahit pa hindi ka naman nakakadalo sa mga pag iinsayo ng mga baguhan, at kahit hindi rin kita masyadong napagtutuunan ng pansin sa pagpapalago ng iyong abilidad ay nagawa mo parIng maging malakas. Ikinatutuwa ko ang pag unlad ng iyong kakayahan.
Paliwanag ko.
Humarap sya at ngumisi.
Nagagalingan ka na ba sa akin??
PInilit kong ngumiti. Pero half smile lang ang nagawa ko.
Itinuro nya ko at sinabing.
Syempre, diba magaling ka ?!
sagot nya.
Tigilan mo na yan. Sabihin mo nga , paano mo nagawa na maging bihasa sa paggamit ng libro? wala pang apat na buwan ang iyong paglilingkod ka sa death society. Kahit Si Yoshima, ay ilang taon rin ang dumaan bago sya naging bihasa sa pag gamit ng kanyang libro.
Isa pa.. Kahit kelan, hindi rin nya nagawang gumamit ng higit sa dalawang sandata ng sabay.
Pero, ikaw noong nasa kweba tayo ng Atama ay nagawa mong--
Hindi pa natatapos ang mga paliwanag at katanungan ko, pero nagsalita na sya.
Pwede bang wag mo ng ungkatin yun??
Di ko rin alam kung paano ko nagawa yun noon eh.
Ahhmmmm..
pero pagdating sa pagiging bihasa??
Hindi naman talaga ko bihasa eh..
Pero...
Sabihin nalang natin na ...
Nagpractice ako ng nagpractice nung panahon na nawala ako!
Hahahaha!!!
Sabay talikod at naglakad nanaman palayo.
Nararamdaman ko nanaman ang napakarami nyang lihim..
Malalaman ko rin yan, mag antay ka lang..
Wala naman sayo ang porselas nung nawala ka. Dahil kinumpiska yun sayo.
dagdag ko pa, na talagang kinagulat nya.
Hays! hayaan mo na ! basta! yun na yun!
pag iwas nyang sagot.
Allyza pov
Kailangan ko talagang mag ingat sa sususnod..
Hindi ko naman kasi kayang pigilan ang sarili ko na gawin ang lahat sa pakikipaglaban.
Hindi ko rin mapigilan na hindi gamitin ang lakas ni tsuki. Nililimitahan ko naman ang sarili ko para hindi maramdaman ni mershil ang paglagpas ko sa boundary ng kapangyarihan nya.
Teka?? Ibig sabihin ba ng paglagpas sa boundary nahihigitan ko ang lakas ni mershil??
Pshh.
Ano bang iniisip ko??!!
Pero.. Yun nga kaya??
Hayy.. Basta.. Kung ano man ginawa ko kanina. Ginawa ko na ang lahat para hulihin yung sorcerer habang pinipigilan ang sarili ko.
Kung hindi siguro ako nagpigil.. Baka nahuli namin yung ungas na yun.
Kainis naman!!
Hayaan mo na nga.
Muli ko nanamang narinig na tinawag ako ni mershil, kaya nilingon ko sya.
Mauna ka nang umuwi, may gagawin pa pala ako dito.
Yun yung sabi nya, kaya pumayag na ko. Pero, may pahabol pa sya.
Nga pala, may ipahahanap ako sayo.
Nakinig ako ng mabuti sa kanya..
Hanapin mo ang isang libro na ganito ang itsura.
Nakita ko yun sa silid ng iyong ina nang magpunta kami doon.
Ngunit. Marahil nailigpit na yun ni Lowrie at inilagay sa underground na bodega nyo.
Kapag nahanap mo yun. Ibigay mo agad sa akin. Kakailanganin ko yun sa isang pagsasaliksik.
Sabi nya. At iniabot ang isang larawan ng libro.
Hmmm.
Paano kaya nya nalaman na my underground bodega sa bahay? Saka, bakit hindi pa nya kinuha nung nakita nya sa room ni mama yung libro? hays pasaway.
Pumayag ako sa utos nya at nagpaalam na akong umalis, lagi nalang akong puyat dahil sa regular na training at duty sa gabi, buti nalang, napaka laki ng sweldo dito kaya di narin lugi. hihihi!
pero kailangan kong bumawi sa school! baka mawala ako sa top 100 eh! hindi pwede yun!
-------------------------
NEdjiel pov
sabado ngayon, anong oras na hindi pa bumabangon si nunime kaya naman ginising ko sya para mag breakfast.
At talagang antok na antok pa ang bata.
Kuya... Mamaya na .. Matutulog pa ko.. please...!
Kaya ayan, hinayaan ko na lang. Kala mo pagod na pagod wala naman syang ginagawa dito na mabigat liban sa gawaing bahay?
Tapos na kaming mag almusal ni lolo, at ngayo'y nanonood nalang kami ng balita bumangon na si nunime at nagpunta sa sala para kumain.
Ano ka ba namang bata ka! Anong oras ka na ba natulog?! At puyat na puyat ka?!
Si lolo.
Ha?? Hnnn...
Sabay hikab. Antok parin? Pasaway na bata.
Ayan.. Kdrama pa!
pang aasar ko, tapos sumimangot sya dahil naasar sakin. dumugtong naman si Lolo.
Wag mong pagpuyatan yan hija, buong araw ka narin naman nanood non. Hindi tama na magpuyat ka pa..
Opo... Sorry.. hehehe
sagot nya tapos ay kumain na sya..
At umiinom ng tsaa ngayon.
Binabalita ngayon yung bangko na nilooban kagabi.
Grabe naman. Bakit ganyan ang sira sa loob?
Ano ba yung magnanakaw, elepante?
Sabi ko, grabe naman kasi yung sira nung sahig, magnanakaw lang naman?
Ano ka ba kuya?! Hindi nga yan kaya ng elepante eh.
Baka si incredible hulk ang magnanakaw?! HAHAHA
joke naman nya. Nye nye.
Ano ba kayong dalawa, makinig kasi kayo sa balita.
Hindi elepante o yung hulk ang nanloob.
Isang tao.
Hindi na dapat kayo magtaka, alam naman ninyong napaka raming mga hindi normal na nilalang ang meron sa mundong to magmula nang mabuksan ang portal.
Oo nga naman, tama si lolo.
Kung naka coat na itim yan, at may itim rin na damit na balot na balot . Marahil isa sya sa mga pinagtatangkaan ng DS na sorcerers.
Yun kasi yung kwento nila suicu nung huli.
makikita nga sa cctv footage, na maliit lang yung taong yun. Sa liit nyang yan imposibleng lalaking kasing edad ko yan.
Pwedeng batang babae, batang lalaki, o babaeng kasing height ni elena.
Grabe, nagawa rin pala nyang ihagis yung kotse ng isang kamay lang ang gamit. Ang lufet, napakalakas nya!
Aniela pov
Sabado.
Dalawang linggo na lang at darating na ang pinaka hihintay ng lahat maliban sa gaya ko.
Ang JS Prom.
Naiisip ko palang to, tinatamad na kong mabuhay.
Ngayon, kasama ko ang dalawang bruhilda, at bumibili ng damit nung bruhang Miyuki.
Ako, naka upos dito sa bench sa labas ng dress shop. At inaantay na lumabas ang dalawang witch.
Tama nga sya.
Mababawasan ang pasakit ko, mapapalitan ng kapayapaan.
Pero, di ko parin gusto to.
Noon, hindi naman nila ko sinasama sa ganito, pero ngayon, kasama nila ko. At nakaka irita pala.
ANIELA!!! HALIKA NGA!!! DIBA KASAMA KA RIN SA PROM? PUMILI KA NG DAMIT MO DITO SA LOOB?!!!!
sigaw nung nanay na bruha.
Di ako nagresponse, pero lumabas pa talaga sya at hinila ako paloob habang pinagagalitan.
Hayy...
Hayaan mo na..
Mas mabuti naman to kesa palagi nila kong pinagtutulungan.
Napansin ko rin kasi, simula noong nakita ako ni Miyuki na binubully sa locker room, mejo nag iba na ang pakikitungo nya sakin, mataray parin naman sya kung makipag usap pero tingin ko parang mas bumait sya..
Pauwi na kami , nasa passenger seat ako ng car nila habang naka headset at nakikinig ng music .
nakatanaw ako sa bintana at napadaan kamindun sa banko na nilooban kaagabi.
oo nga pala..
nandoon ako sa pangyayaring yun..
Mula nung pumasok yung magnanakaw hanggang sa makatakas sya kamay ni ate allyza..
Nandoon ako sa pangyayaring iyon.
at hindi ramdam ko parin ang mga tama sa katawan ko at ang kirot ng mga sugat ko.
Death Society....
---------end of chap.----------
*update!!
Bakit kaya nandoon si aniela noong gabing yun? At bakit may mga natamo syang sugat?
hanggang kelan kaya maitatago ni allyza ang kanyang mga lihim?
see yah next ud!!!
----------------------------
cover photo : aniela and mr. Choi