Una
Tsismis
Aisla's POV
Isa sa mga pinaka ayaw kong pakiramdam ay ang mapahiya. Lahat kasi ng atensyon, nasayo. Iba't ibang bagay ang iniisip nila sayo. Awa, aliw, inis, mangha, diri, at marami pang iba. At hindi mo maipagtanggol ang sarili mo.
Kaya naman simula nung pumasok ako sa St. Clarence, siniguro ko na hinding hindi ako makikilala. Na hindi ako kailanman gagawa ng mga bagay na ikatatawag ng atensyon ng iba.
Bakit?
Hindi kasi ako tulad ng marami. Hindi ako mayaman. Wala akong magagandang damit na sinusuot araw-araw. Wala akong driver na naghahatid sundo sa school. At wala rin akong mansyong inuuwian.
Scholar ako kaya nakapag-aral ako at kahit na tinatawag akong role model ng karamihan, napanatili ko parin ang aking 'low profile'. 'Di kasi uso ang matalino at masipag dito. Kung wala kang suot na bag o sapatos na milyon ang halaga, sasakyan na araw-araw, iba-iba, wala kang halaga sa eskuwelahan na to. Wala silang pakialam sayo.
Mabuti narin iyon. Kahit papano'y napapakinabangan ko ang pagiging ordinaryong mamamayan ko. Wala kasing pumapansin at may pakialam saakin. Kuntento na ako sa pagmamasid at panonood sa iba.
Sa ilang taon ko sa SCA, natutunan kong hindi naman lahat ng mayaman, masama. May kanya kanya silang ugali. Nagiging masama lang sila kung may ginawa kang di maganda sa paningin nila.
"Nandito na po tayo, ma'am." Untag ng driver ni Mari.
Pinapasundo niya kasi ako tuwing umaga sa kaniyang driver dahil mahirap daw bumiyahe tuwing umaga dahil rush hour.
Si Mari ang bestfriend ko. Pero di kami magkatulad. Mayaman din kasi sya. Pero kahit papano, nagkakasundo kami.
"Salamat po." Pilit na ngiti ko sa driver bago bumaba ng sasakyan. Di ko kasabay ngayon si Mari. Siguro dahil alam niyang may kasalanan siya sakin. Napasimangot ako.
Sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kahapon, kinakabahan ako. Pagkatapos ko kasing umamin sa Yter na yun, umuwi ako kaagad sa sobrang hiya. Ilang beses kong sinampal at kinurot ang sarili ko para lang masiguro na di to masamang panaginip.
Pero nung makita ko ang masasamang titig ng mga estudyante ng SCA, alam kong totoo. Totoo itong lahat.
Maaga akong pumapasok at tumungo sa school office para icheck ang aming school editorial.
Ako palang magisa pagpasok ko. Binuksan ko ang computer para icheck ang newspapers para sa araw na ito na una nang naipost sa school website bago ipublish at ipamahagi mamaya.
Nasapo ko ang aking noo at marahang inumpog sa table.
'SCA'S SCHOLAR & ROLE MODEL, AISLA AGUIRRE'S CONFESSION TO THE CAMPUS BAD BOY YTER SALCEDO IS SURELY A SHOCKER FOR EVERYONE! YESTERDAY, IT IS SAID THAT THE SCHOLAR BRAVELY LEFT A LETTER TO THE BAD BOY'S LOCKER WHICH WASN'T DONE FOR MANY YEARS! WHAT CAN YOU SAY ABOUT THIS? YAY OR NAY?'
Comments:
anon: Nay,,! Like duh? She thinks Yter will let that pass? Hey little girl, you're so lagot to us but i'm sure Yter's gonna give you hell. Goodluck!
anon: wrong move bitch, wrong move
anon: transfer school if i were u.
anon: go to hell
At marami pang ibang hate comments.
"Don't read those, Aisla." Napabaling ako sa nagsalita. I sighed.
"Good morning, Levi." He nodded at dumiretso sa table niya at may kinuhang envelope.
"Your morning seemed to not be good, neither mine." Blangkong tugon niya. Bahagya akong natawa ng mahina. Lagi namang masama ang araw nitong si Levi. Isa kasi siya sa mga hinahangaan ng kababaihan ng SCA. Responsable, masipag, matalino, pero suplado. Bilang ko sa kamay ang mga taong kinakausap niya kaya't sobrang nasisira ang araw niya kapag kinakausap o hinahawakan siya ng iba. "So much for that Salcedo guy." Iling pa nito.
Napabuntong hininga ako. "Kaya ko naman siguro. Di naman siguro nila 'ko papatayin." Pahihirapan lang, dugtong ng utak ko.
Yter's POV
I walked down the halls with a bored look while my cousin Renz and Spencer were arguing about something I don't give a fvck about.
I even wonder how I managed to stay with these bunch of weird pricks (minus Louie, of course).
Storm halted, earning my attention. He looked at his side where the students were. Apparently, they're making a way for us.
He snatched a newspaper from a random student's hand. What's with the school newspaper and every single student seemed to have a copy of it?
^~^~^
Damn, damn, damn.
Break na ngayon pero hindi parin sila tumitigil sa pagtawa at kantyaw nila. The god damned newspaper we usually don't read and care about featured me and that girl from yesterday.
"I can't wait to see the bravest of them all." Tawa ni Renz. Tumango naman si Storm at Spencer.
"Anong oras na?" Napalingon kami lahat kay Louie. Why is she asking that all of a sudden?
"12:45" sagot ni Storm na nakatingin sa Rolex watch niya. "So every section and year's here?" Tanong niyang muli.
"Yeah, I guess." Spencer shrugged. "Why?"
"You'll see." Kumindat si Louie at tumayo.
My brows furrowed when she tapped our table harshly, earning everyone's attention. What the hell is she doing?
"What are you doing, Louie?" Storm asked, befuddled.
"Now that I have your attention, can anyone tell me who's this girl that's courting my cousin?" Mataray na tanong nito.
Katahimikan. Silence enveloped the whole cafeteria.
"Louie." I warned but she just smirked.
"No one's talking? Oh come on, just make it easy for all of us. You guys know I'm not always this nice." Her voice is laced with threat. I rolled my eyes.
May isang estudyanteng babae na nanginginig na tumayo at itinuro ang isa pang babaeng nakasubsob sa lamesa, like she just wanted the ground to swallow her right now.
"T-that's her, Louie. Aisla."
Louie being Louie who liked to push everyone's buttons, walked dangerously slow towards that Aisla girl. I shook my head at my cousin. She really love to make a scene.
"B-bakit?" Narinig kong tanong niya kay Louie. A thought crossed my mind, irking me a bit. Bakit pag kay Louie, takot siya pero kahapon, when I was the one talking to her, she didn't even stutter? Really?
Aisla's POV
"Tayo ka."
Parang sasabog yung ulo ko.
Ano naman kayang gagawin niya? Natapunan na ko ng mainit na kape, binuhusan ng timba na may malamig na tubig, pinaulanan ng mga crumpled na papel, sinuperglue sa upuan, nakulong sa cr, nababoy yung locker at pinag quest hunt para hanapin ang mga gamit kong kinalat. Lahat yun sa isang araw.
Pero si Louie Gabriella to e. Paniguradong hindi lang yun ang gagawin niya sakin.
Kilala ko kasi siya. At sa lahat ng mga estudyante dito, grupo nila ang pinaka sa lahat ng aspeto.
Pinakapasaway, pinakamaloko, pinakaayaw ng mga profs, pero pinakamayaman din.
At gusto kong sawayin ang sarili ko dahil kahit na sumisigaw ng panganib ang aura ng kaharap ko ngayon, di ko parin maiwasang matulala sa ganda niya.
Makinis at mala-porselanang kutis, malambot na buhok na tila kahit guluhin ay babagay parin sa perpekto niyang mukha. At ang mga mata niyang matatapang na nakatingin sa akin..
Gagawin niya rin kaya sakin ung mga ginawa nya noon sa mga inaway nya?
Halos di ako makatayo ng tuwid, bawat kibot at galaw ko kasi, sinusuri niya.
"Tara." Ngiti niya sakin sabay akbay sa balikat ko.
At sa pangalawang pagkakataon, gusto ko ulit sampalin at kurutin ang sarili ko para lang malaman kung totoo ba talagang nangyayari to.
Blangko ang utak ko hanggang marating namin ang table nila. Mukhang ganoon din ang lahat sa paligid namin dahil ni isang kalansing ng kubyertos, wala akong marinig.
"Hi Aisla! I don't think we've been properly introduced. I'm Louie Gabriella, but don't call me that! Louie's fine." Hinalikan niya ang pisngi ko. Hindi nakalampas sa akin ang bango niya. Amoy bulaklak.
"Hello Aisla, I'm Renz River, Renz for short." Pagpapakilala naman ng katabi ko.
Gusto ko sana silang sabihan na hindi na nila kailangang magpakilala dahil lahat naman yata ng estudyante dito, kilala sila. Pero pinigilan ko ang aking sarili.
"Spencer Kevin. And this is my twin brother Storm Kole." Tinanguan ko sila pareho.
Kung iisipin ngayon, mas napatunayan ko ang pagiging perpekto ng mga pisikal nilang anyo. Mula kay Louie, Renz, at Yter na may kaunting pagkakahawig at bahid ng pagiging Español, hanggang sa kambal na Spencer at Storm na nagbabaga. Lahat sila perpekto ang pagkakagawa. Tila mga diyos at diyosa na bumaba mula sa Olympus.
"Mahilig yan si Yter sa Chocolate Chip cookie, icecream, and frappe. He hates mint. If you plan on following him around, make sure to bring him painkillers and ointments. Betadines at bulak narin." Suhestiyon ni Louie. Napawi ang tensyon at kabang nararamdaman ko.
Parang kahit na mukha silang mahirap abutin, abot kamay ko lang sila ngayon. Mga ordinaryong tao.
"Yter's forever grumpy but he's extra grumpy during mornings. He likes to eat pasta." Dagdag niya pa.
"Stop it, Louie. This is the last time." Pagbabanta ni Yter.
Narinig kong tumawa si Spencer at Renz habang napailing naman si Storm. Louie shrugged.
"I'll tell you more later." Pahabol na bulong niya saakin.
Sa tingin ko, magiging makulay ang huling taon ko dito sa SCA.