Chiki Chikadora
By: @yaaannkasi
---
Nasa school na ko ngayon at medyo badtrip dahil sa nangyari kanina. Nakakainis naman kasi talaga! Kung bakit meron na si Kimpwet 'nung gusto kong lipstick na pino-promote ng idol kong si Anne Curtis. Hirap na hirap nga akong maghanap 'nun e tapos siya meron pala. Hindi lang isa, kundi tatlo. Kelan pa? Baka matagal na pala siyang may ganun hindi niya lang sinasabi.
Kanina ko pa siya kinukulit hanggang sa maghiwalay kami sa school pero wala talaga siyang binigay na impormasyon kahit isa. Oo pumasok na siya, katulad nga ng sinabi niya sakin. 'Yung black eye niya hindi na masyadog halata kasi maliit na naman. Dinaan na lang niya sa salamin na parang shades na rin 'yung style. Basta 'yun na!
Nasa hallway lang ako dahil wala pa namang klase. Ewan ko pero mukhang wala kaming first subject dahil busy sila sa paghahanda para sa darating na namang event sa school. Mag-be-birthday kasi 'yung principal at balak nilang gawan ng program dahil limang taon na pala itong naglilingkod sa school namin. Ewan ko ba sa trip nila! Pero pabor sa'ming mga estudyante 'yun. At pabor na din 'yun sa'kin kasi ayoko pang mag-klase.
Kanina pa ko nakaupo sa hall way at tine-text ang mga kabigan kong chismakers. Nasan na ba kasi 'yung mga 'yun? Himala yatang ako ang nauna sa kanila. Sinusubukan ko silang tumawag kaso wala namang sumasagot sa kanila kahit isa.
Lintek na! Sagutin niyo naman 'yung tawag ko! O kaya itapon niyo na 'yang mga cellphone ninyo! Mga walang silbi! Saad ko sa sarili ko.
Minabuti kong pumunta sa C.R. para makapag-retouch. Masyado na yata akong na-i-stress dahil sa nangyari ngayong umaga. Feeling ko magsusunod-sunod ang kamalasan ngayong araw. 'Wag naman sana. Nang makarating na ko doon ay agad na sumalubong sa'kin si Solenn, 'yung Pabebe Girl na nilalandi ni Kuya Kenzo.
Hindi ko na lang pinansin. Wala ako sa mood makipagtalo at isa pa, alam ko na naman ang pakay ni Kuya Kenzo sa kanya. Sabi ko na nga ba e, in the first place hindi naman talaga siya seseryosohin ni kuya. Kaya lang ayoko padin na may makaka-affair siya sa kahit sinong Pabebe Girls. Pumasok na ko sa isa sa mga cubicle sa C.R. ng mga girls. Habang naroon sa loob, narinig kong may pumasok na ibang tao sa C.R.
"Hi Girl!" bati 'nung babaeng bumati kay Solenn. Hindi na ko nagtaka kung sino ang dumating. For sure isa iyon sa mga kaibigan niyang Pabebe Girl.
"Hi Heart!" bati naman ni Solenn sa kasama. Tama nga ako, isa sa mga Pabebe Girl ang dumating. Minabuti ko na namang mag-stay ng matagal sa loob ng cubicle upang mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"Ang aga mo yata?" tanong ni Heart. "Excited ka na ba mamaya?"
"Hindi naman. Kailangan ko lang tapusin 'yung project natin sa English." Wika ni Solenn. Wow!? At nag-aaral pala sila? Ang alam ko puro landi lang ang kaya nilang gawin.
"Ayy oo nga pala no!? Sabi ni Mandy siya na daw gagawa 'nung mga props na kakailanganin natin?" boses iyon ni Heart.
"Aba dapat lang! Wala na nga siyang ginagawa e. Kahit 'yun na lang gawin niya para may pakinabang naman siya satin." Saad ni Solenn. Aba't mukhang nagkakasiraan pa sila sa grupo nila. Akalain mo nga naman, sila-sila din ang nagpa-plastikan. Mabuti pa sa mga friendship ko walang ganernnn. Walang salitaan ng hindi maganda Walang plastic samin.
"Haha! 'Wag ka nang ma-stress dyan.." hirit naman ni Heart. "Ikaw naman ang bida mamaya e. Excited ka na ba? Kasi kami excited na! Mamaya sasabihin ni Georgina ang plano sa'tin. Push na 'to! Wala nang makakapigil sa'tin!"
Wala akong idea sa pinag-uusapan nila. Plano? Anong plano? Saan sila excited at bakit wala na daw makakapigil sa kanila? Ayy ewan! Bakit ba ko nang-uusyoso. Lumabas na ko ng cubicle at naroon pa rin sila. Si Heart naman ay nagulat nang makita ako.
"Nandito pala 'yang freak na 'yan!?" tanong ni Heart kay Solenn habang nag-lalagay sila ng eye liner sa mata.
"Oo kanina pa." sagot sa kanya ni Solenn,
"Seriously? Dapat sinabi mo sakin!" singhal ni Heart. "Alam mo namang tssmosa 'yang babaeng 'yan e! Lahat gusto inaalam. Lahat dinadaldal kung kani-kanino kahit di naman totoo."
Isa pang salita 'nung Heart na 'yun, kahit ako lang mag-isa sa C.R. papatulan ko siya. Wala nga akong balak makipagtalo dahil badtrip ako pero kung ganun lang din 'yung maririnig ko sa kanya? Ayy naku! Ang tulis ng tabas ng dila. Papupurulin ko lang sana nang matauhan.
"Tumigil ka na lang muna diyan Heart." Pagpigil sa kanya ni Solenn. Lumapit pa ito kay Heart at may binulong ngunit mabilis lang din niya tinanggal ang pagkakalapit niya sa tenga nito. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Solenn kung hindi, baka ilampaso ko sila ngayon sa C.R. na 'to. Kahit tapos na ang task ko okay lang na ma-Disciplanry Action ulit, tutal sanay na naman ako.
"Ayyy oo nga no!? Tara na umalis na tayo dito." Pagyaya ni Heart kay Solenn. "Baka mamaya kung ano pang magawa sa'tin ng freak na 'yan!"
Aba-aba! At nagparinig pa talaga sa kahuli-hulihang pagkakataon ahh!? Hindi lang 'yun dahil tinaasan pa ko ng kilay. Teka-sinusubukan talaga ako nang Heart na 'yun eh. Inuubos niya pasensiya ko.
"HOYYYY! PUNYETA KANG HEART KA!" sigaw ko sa C.R. Hinablot ko agad ang buhok nilang dalawa nang makalabas na sila sa pinto pa lamang. Napaigtad sila sa pagkakahatak ko. Nang makahinto na silang dalawa ay binitawan ko 'yung buhok ni Solenn at hinawakan ko nang dalawang kamay 'yung kay Heart. "Subukan mong makisali Solenn, malilintikan ka din sakin!"
Sa takot naman niya ay hindi na siya nangialam. Dali-dali akong pumasok muli sa C.R. sa may lababo kasama ni Heart. Halos mapa-sigaw naman siya sa ginawa ko.
"HEY YOU! WHAT THE FUCK ARE YOU DOING!?" bulyaw niya habang pilit na kinakalas ang kamay ko sa mga buhok niya. Sorry na lang siya dahil mahigpit ang pagkakahawak ko.
"Ikaw kanina pa ko nagtitimpi sa'yong bruha ka. Pero hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila mo sakin. Ngayon mo ko harapin! NGAYON KA MAGPARINIG!" usal ko.
"TAMA NA 'YANNNN!" sigaw ni Solenn sa aming dalawa.
"TUMAHIMIK KA! HINDI KA KASALI!" wika kong muli. "Ano Heart? Ang yabang-yabang mo kanina, wala ka naman palang binatbat. Gusto mong ilublob ko 'yang mukha mo sa lababo? O sa inidoro kaya para mas maganda? MAMILI KA!"
"ARAYYY! AHHHH! WILL YOU PLEASE STOP!?" pagmamakaawa niya habang nilalapit ko ang mukha niya sa lababo.
"TAMA NA 'YANNNNN!" awat ulit samin ni Solenn.
Ilang sandali pa ay may paparating na dalawang Student Council Officers kung kaya't agad-agad kong binitiwan ang pagkakasabunot ko kay Heart. Alam kong magsusumbong sila sa mga iyon kung kaya't inunahan ko na sila. Ginulo ko ang buhok ko pati ang suot kong uniform ata agad na tumakbo ako sa kinaroroonan nang dalawang officers. Akmang magsusumbong na 'yung dalawang Pabebe Girls pero agad akong nagsalita.
"Guys! Inaway nila ako 'dun sa C.R." pagmamakaawa ko sa dalawa. Kailangan lumabas na mas kaawa-awa ako at kailangan mas maging makatotohanan para ako ang paniwalaan nila. Huminto naman ang dalawang officers at tinitigan ang itsura ko. Nakita ko rin na tiningnan nila ang mga Pabebe Girls.
"HINDI TOTOO 'YAN!" tutol ni Heart.
"TAMA! SINUNGALING KA!" gumatong naman si Solenn. "Siya po ang umaway sa kaibigan kong si Heart. Sinabunutan niya po."
Medyo nalito naman ang dalawang officers sa aming tatlo. Hindi nila alam kung sinong paniniwalaan, kung ako ba o 'yung dalawang Pabebe Girl. Kaya't para naman hindi masira ang plano ko ay umisip na ko ng sasabiin.
"Mabuti pa sumama na lang kayong tatlo sa amin sa Guidance." Wika 'nung isa.
"Kuya.. Nakita mo naman po ang hitsura ko. Mas mukha akong binugbog kaysa sa kanilang dalawa. Anong kalaban-laban ko kung aawayin ko sila diba? Wala. Hindi ko sila kaya." Pangungumbinsi ko. 'Wag naman sanang umabot pa sa guidance, kaka-guidance ko lang e.
"Papahabain niyo pa ba 'to o ano!? Gusto niyo bang ma-guidance pare-pareho?" sambit naman 'nung isa pa. "Papalagpasin na lang namin ang gulong ito, basta bumaba na kayo sa pila dahil may mahalagang announcement tungkol sa gaganaping program para sa birthday ng principal."
Nakahinga naman ako nang maluwag. "Sige po. Pasensya na po. Aayusin na lang po namin."
"Okay. Sige."
Umalis na ang dalawang student council officers. Muli na namang bumalik ang init nan gaming pakikipag-duwelo. Akala ko ay susunggabin pa nila ako ngunit mabilis na silang naglakad palayo papunta sa kabilang hagdanan. Ngunit bago pa man matapos ay pahabol pang sumigaw si Heart.
"PAGBABAYARAN MO 'TO CHIKI! HUMANDA KA!"
Dinedma ko na lang ang pagbabanta niya. Wala pala siya e! Ako pa hinamon niya e di naman siya uubra. Hindi nga umubra si Solenn sakin tapos naglakas-loob pa siyang magparinig sakin ng harap-harapan. Ayoko sanang patulan pero sumabog ako dala ng ka-badtrip-an. Ikaw ba naman ang ganunin hindi ka maiinis? Imbyerna talaga! Hindi naman ako warfreak mga chismakers. Ayoko lang ng tinatapak-tapakan ako ng ibang tao basta-basta. Pinalaki kami ni Inang Mother na palaban at ang turo niya sa amin ay hindi dapat kami nag-papaapi kahit kanino.
In fairness, nakisama ang panahon sakin ngayon. Akala ko puro badvibes na ang aabutin ko ngayong araw. Nagawa kong patiklupin 'yung Heart na 'yun at paniwalain ang mga student council na ako ang inaway ng mga Pabebe Girls. Haha. Buti nga hindi ko nginudngod sa inidoro 'yung Heart e. Balak ko pa naman sana..
***
FASTFORWARD. Uwian na. Kanina ay pinapila lang kami upang alamin 'yung magiging flow ng program at 'yung magiging surprise para sa Principal. Magkakaroon daw ng role play tungkol sa buhay ng principal namin. Hindi ko alam kung bakit may ganun eksena at wala naman akong pakelam. Nakakainis lang kasi mas binibigyan pa nila nang importansya 'yung ganung bagay. Mas pinagkakagastusan nila 'yun, samantalang sa ibang program namin tipid na tipid silang gumastos.
Kinikilig ako kanina kasi kinawayan ako ni Kenzo. Hindi 'yung kuya ko ha!? 'Yung tumulong sakin sa C.R. Remember mga chismakers? I'm sure tanda niya pa. So eto na nga, kinawayan niya ko na parang "pabebe wave". Syempre kinawayan ko din siya. Kinikilig talaga ang ate mo Chiki that time kasi ikaw ba naman ang kawayan ng ultimate crush mo sa school e. Oo crush ko na si Kian, este, si Kenzo. Ang gwapo niya kasi at ang bait pa. Ang tagal pa naming nagkatinginan. Ang cute cute niya talaga kahit magkalayo kami. Sana nga kantahan niya din ako ng "God Gave Me You" balang araw.
Nakakainis lang 'tong si Kian dahil hinaharangan niya si Kenzo. Magkaiba kami ng pila as usual. Nasa bandang likod ako kaya kita ko si Kenzo na nasa likuran ng pila. Pero 'nung nakita ni Kian na nag-kakawayan kami ni Kenzo sa isa't-isa ay lumipat ito sa tabi ni Kenzo at doon nanggulo. Kinulit-kulit niya si Kian hanggang sa hindi nagpansinan. Buwisit na Kian 'yun! Papansin! Ang gulo-gulo niya talaga kahit kelan. Dapat talaga siya 'yung top 1 lagi sa Noisy 'nung elementary at hindi ako e.
Nakarating na pala kami sa may gate palabas ng school nang hindi ko napapansin. "Ohh paano? See you tomorrow girls!" wika ni Aryanna.
"Bye girls!" pamamaalam naman ni Rihanna.
"Hayaan mo na 'yung kapatid mong si Kim. Iniinggit ka lang 'nun! Ipapahiram niya din 'yun sayo. Syempre sisters na kayo ngayon!" saad naman ni Boy. Nai-kwento ko na sa kanila ang nangyari sa bahay kung paanong nag-away ang dalawa kong kuya, pati na rin 'yung sa lipstick na ang tagal kong inasam-asam pero meron pala si Kimpwet. "Sana nga maging lantad na din ako samin eh.. Kaso malabo. Hayss.. Kailan kaya ang tamang panahon?"
"Tiwala lang girl!" tugon naman ni Nicki kay Boy. "Wag ka na masyadong ma-badvibes diyan Chiki. Papanget ka niyan lalo sige ka." Pang-aasar naman ni Nicki sa akin.
"Ang kapal mo! Mas maganda ako sa'yo!" pagtutol ko. Nagtawanan silang lahat at pagkatapos 'nun ay isa-isa na silang nag-alisan. As usual nandito parin ako sa gate upang hintayin si Kimpwet.
Bahala siya, hanggat hindi niya ko binibigyan nang lipstick ng idol kong si Anne Curtis, hindi ko siya tatawagin ng maayos.
*SWOOOOSHHHH!*
Naramdaman ko ang pagtilapon ng kung anumang bagay mula sa aking ulo. Malagkit. Hinawakan ko ang aking ulo at napansin kong itlog iyon na nabasag. Nasundan pa ito ng dalawang beses hanggang sa nagpasya na kong tumingin sa itaas upang alamin kung sino ang naghagis. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay bumuhos mula sa itaas ang pinturang kulay berde.
*SWOOOOSHHHH!*
Sumambulat sa mukha ko ang pinturang berde dahil sa pagkakatingala ko. Kumalat pa iyon sa aking uniporme at sa mga dala-dala kong gamit.
"ARRRRGGHHHHHH! MAGPAKITA KAYO SAKIN!" gigil kong sabi. Alam kong mga Pabebe Girls lang ang tanging may gawa ng mga ito na nasa itaas ng building na iyon malapit sa may gate.
"HIHIHI.. HIHIHI.." narinig ko ang malakas ngunit pigil nilang pagtawa ngunit hindi parin sila nagpapakita sakin.
"MGA TALUNAN! HINDI NIYO KAYANG LUMABAN NG PATAS! MAGHARAP-HARAP TAYO ANO?! ANOOOO!? ANO MGA PABEBE GIRLS!? MGA DUWAGGGG!!!" bulyaw kong sabi.
Gusto ko sanang sumugod sa kanila nang mga oras na iyon ngunit ayoko nang bumalik pa sa campus at umakyat sa building na iyon. Baka pagtawanan pa ko ng ibang makakakita sa akin. Mabuti na lang at may panyo ako sa bulsa na ipinang-punas ko sa mukha ko at sa mga braso ko. Ngunit malagkit parin lalo na 'yung pintura na may halong itlog na dumikit sa'king buhok. Agad-agad na kong naglakad pauwi dahil hindi ko na mahihintay si Kimpwet.
Over all, malas at nakaka-bad vibes pa rin ang araw na 'to. Mukhang ito yata 'yung pina-planong gawin sakin ng mga Pabebe Girls. Tinaon talaga nila na wala akong kasama. Tsk! 'Wag lang talaga magku-krus ang landas namin ng mga iyon dahil may kalalagyan sila sakin. WHAT THE FUCK!