[ELMO]
Hinawi ko yung konting hair na natakip sa mukha ni Yuna. "Good night to you, little Julie"
Nope, hindi pa gabi. Tanghali pa lang. Ganyan naman kasi yung mga kids 'di ba? Natutulog kapag maghahapon na.
Ngayon ko lang napansin yung text na pinapabalik ako ni Maxx sa FMCC. "Be here as soon sa possible. I need to talk to you personally."
****
[JULIE]
"Palusot din pag may time. Ayiieeeh nahiya ka pa kay Julie sir. Ilakad kita diyan gusto mo? Nahiya ka pa eh nahalikan mo na nga kagabi"
Me: :O
Erold: O__________O
"Na... nahalikan?! Siya?! Kelan?!" Parang nagkaroon ng mini-heart attack yung puso ko sa gulat ko. Pero halos mas naheart attack ako nung hindi alam ni Erold na hinalikan niya ako. FETCH! "HOY! SINONG NAHALIKAN KO?!ANONG SINASABI MO? BALIW KA NA BA?" Teka, teka. What's happening here?!
****
[JAMES]
Huwaw! May POV ang beki. Hahaha. So ngayon lang ako nagka- POV author? Ganyan?
Pero medyo shunga din ako, muntik kong nakalimutan ay hindi, mali. Nakalimutan ko na hindi nga pala si Erold yung kasama nitong si Julie. Si Elmo nga pala. Anak ng tokwa naman. Daldal ko kasi eh.
"Ah HAHAHAHA. CHAROT LANG YUN SIR! CHAROT LANG" Hashtag medyo palusot. Hahaha, okay ang fail ko. Pero papatayin ako ni Lex nito.
"Anong charot?!"
"Ay jusko! Kailangan pa bang pati charot ipaliwanag ko Mr.Magalona? Kesa makinig ka sa nobelang explanation ko, magspelling na lang tayo, bet mo?"
"Spelling mo mukha mo! Tsss, diyan na nga kayo" At nag-walk out si pogi. Oh well papel. Tapos na ang shift ko sa araw na 'to. Uuwi na sana ako kung hindi dumating itong boss ko.
"Hoy James Joaquin!"
"Oh ateng, magkatabi lang ho tayo bakit kailangan mong sumigaw ng hanggang Luneta para tawagin ang Diyosa kong pangalan, aber?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ay jusko huwag mo akong pagsasamtalahan. Utang na loob Julie Anne!"
"Anong sinasabi mo?! Pwede ba! Ipaliwanag mo kung ano yung sinabi mo kay Erold at kung bakit ganon ang sagot niya?! May alam ka ba?!"
Julie Anne naman huwag na please baka mas madulas ako. "Ako? As in me? Ako? Anong alam ko teh? Nagkwento ka lang kagabi na may pa kiss-kiss kayo niyang si Erold. Ano bang malay ko kung bakit ganon ang sagot niya, malay mo nagka-amnesia!"
"Haaay! Kainis! Baka hindi talaga siya yung kasama ko kagabi?!" hala! naghinala na ang gaga!
"Baka naloko ako!"
"Sobrang agree!"
"Baka naman may alam ka?!"
Bakit na ang kulkt ni girlaloo. Hirap lumusot! "Wala!Wala akong alam! Imagination mo lang yan,a t dahil diyan, sabay tayong uuwi ngayon"
"At bakit?"
"I-tour mo naman ako sa FMCC. Papaalam ako kay sir Erold, as in ngayon na. Gusto ko kasi makita yung buong company niyo, game? Para naman lumamig yang ulo mo, yey! Tara na!"
Nag-girl hug ako sa kanya at nagmadaling nagpaalam ako kay sir Erold tutal tapos na din ako dito. Good vibes naman kasi pumayag siya agad-agad!
"Oh ayan, payag na si boss. I-tour mo ako ha? Tara na ^_^" Gora na kami sa FMCC at nagalakad kami pero charot lang nag train kami charot nanaman. Hahaha kalesa, joke. Siyempre yung service ng FMCC hinatid kami.
****
[ELMO]
"Asan si Maxx?"
"Uy Elmo, bro. How are you?"
"Great! Aside from flirting with Lauren, what are you doing here and where is Maxx?"
Bago kasi makapasok sa office ni Maxx, madadaanan mo muna yung kina Ken kaya hindi maiiwasan na makita mo siya. And guess what? Nasa loob ng office niya si Lo. Evil.
"Hi boyfriend, did you came back just to see me?" Humawak n anaman siya sa akin.
"I don't care to you. I'll talk to Maxx, don't follow me"
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko para pumasok sa office ni Maxx. May secret affair pala silang dilawa ni Ken. Mas bagay sila, tutal sila naman yung palaging dikit ng dikit sa amin ni Julie.
"What's the matter? Ba't kailangan mo pa akong pabalikin dito?"
"Brother!I have a very very good news to you! Aren't you happy?" Umupo ako tapos inayos ko yung damit ko.
"How can I be happy? Pagpasok ko nakita ko na naman mukha ng beshie mo!"
"Chilaaxx! I don't even know na nandito pa pala siya"
"So what's your good news? Spill" diretso kong sinabi.
"Naaalala moa ba yung opthalmologist mo sa America?"
"Oh ngayon?"
"May nakita na siyang eye donor"
"What?" I stood up tapos seryoso kong tinignan si Maxx.
"Eye donor!"
"Eye donor kaagad? I'm not even blind yet"
"Yes you are not blind yet but Moe, para hindi na kumalata yang cancer cells diyan sa mata mo, they need to replace it"
I felt happy and scared at the same time. "What if it didn't work?"
"Think of the positive side"
Lumapit si Maxx sa akin then he pat my shoulder.
"Paano nga kung hindi gumana yang eye replacement na sinasabi nila? Eh 'di hindi na talaga ako nakakita ng tuluyan"
"Moe-"
"Ayoko. I'll just rather die kaysa mawala ko yung vision ko"
"But Moe, please pag-isipan mo muna until next week please? Kung ayaw mo, I'll tell Julie"
I raised my eyebrow. "No you don't! Ako ang magsasabi sa kanya"
"Fine! Basta pag-isipan mo. Sasabihin ko din kay Mom so she can help us in making a final decision"
Lumabas ako sa office niya para umuwi na kaagad when Lo started following me.
"Ano na namang kailangan mo?"
"I'm just following my boyfriend. Anong pinag-usapan niyo?"
"It's none of your business by the way"
I clicked the elevator's button pero sinundan pa rin niya ako. "What the hell Lo?!" And she just gave me her evil smile. I really, really hate this girl!
****
[JULIE]
"Wow, bongga pala talaga! Dito ka talaga nagtratrabaho?"
"Hahaha,oo naman!"
Pumasok kami sa loob ng FMCC at nag-start na akong i-tour siya. Sakto namang nakasalubong namin si Ken na lumabas sa may café.
"Ay pogi ^________^" Si James.
"Hi Ken!"
"Uy Julie. Tagal kitang hindi nakita dito" Pumagitna kaagad si James.
"Hello Mr.Pogi, anong oras na?"
"Oras?" Tumingin si Ken sa relo niya. "Mag two-two thirty"
"Ah, akala ko kasi oras na para mahalin mo ako ^___^"
"Ha? Hahaha. Galing mo mag joke!" sabay tulak niya kay James. Haha.
"Hindi ako nagjojoke no. Ipupusta ko eyelashes ko, may girlfriend ka na no?"
"Ha ah, wala ah! Still waiting for the right one"
"Aww so ganyan. Waiting for the right one sabay tingin kay Julie, ganon? Siya yung right one? Ganyan?"
Tinakpan ko yung bibig ni James tapos hinatak ko na siya. "Ah don't mind him Ken. Haha, sige una na kami"
****
"Psst, atembang, sino yun?!"
Tanong niya kaagad sa akin pagkalayo namin.
"Si Ken. Yunt isang madalas pa naming maikwento sayo!"
"Ay bongga teh. May face naman teh, pogi din. Nako, sana naman dito ako ina-sign ni sir Erold no? Hihi. Puro gwapo. May Elmo, may Erold, may Len, sino pa ba?"
"Pssh, itotour ba kita? Or maghahanap ka ng lalaki?" I think the answer is the latter.
"Itotour! Hahaha. Punta tayo sa office niyo ni atembang Lexi, saan ba?"
Nagdire-diretso kami sa elevator. Inantay namin na makababa na sa groundfloor yung elevator.
"Pero mukhang interesting dito sa FMCC niyo ha, lumalove square kayo"
"Love square?"
"Julie-Elmo-Erold-Ken. Balato ka naman ng isa!"
"Sira, wala ah. Ba't ba ang tagal nitong elevator?!" Pindot-pindot ko yung DOWN button at humarap na kami ng maayos, inaantay ang pagbukas ng elevator.
TING.
"Oh my God"
****
[ELMO]
Lumabas ako sa office niya para umuwi na kaagad when Lo started following me.
"Ano na namang kailangan mo?"
"I'm just following my boyfriend. Anong pinag-usapan niyo?"
"It's none of your business by the way"
I clicked the elevator button pero sinundan pa rin niya ako. "What the hell Lo?!" And she just gave me her evil smile. I really, really hate this girl!
Pumasok na ako sa loob ng elevator pero sinundan pa din niya ako. Sa 9th floor pa kami manggagaling kaya medyo matagal pa pababa.
"What if mag-date tayo ngayon?" Nakahawak niyang tanong sa akin.
"Isama mo si Ken"
"But I like you"
She pressed the automatic button para hindi na mabuksan yung elevator. Sa groundfloor na lang magbubukas yung door.
"What the hell did you just?!-
"Because you" She held my necktie. "I like you"
She kissed me on the lips.
TING.
Tinulak ko siya nung saktong bumakas yung pinto ng elevator.
"Oh My God"
But I can't move when I saw the person who saw us kissing. "Ju... Julie-"
****
[JULIE]
"Ju... Julie-"
Tinaggal ko yung tingin ko sa kanila at nagpretend na walang nakita at hinatak ko si James paalis sa lugar na yun. "Mali ata tayo ng napuntahan"
"Julie!"
Narinig ko siyang tinawag yung pangalan ko pero hindi ko na siya tinignan.
"Ay atembang, tinatawag ko oh"
"Ah, wala, hindi ako yun. Uwi na tayo" I wiped my tears tapos nnaglakad ako ng mas mabilis.
"Umiiyak ka?" Tuloy-tuloy lang ako sa paghatak kay James hanggang sa nakasakay na kami sa taxi. "Umiiyak ka eh!"
"Ha, hindi-"
"Ma'am/sir saan po kayo?"
"Manong sa Tuason sa may bar"
****
[JAMES"
"Manong sa Tuason sa may bar"
Nagulantang ang buo kong pagkatao ng sabihin ni atembang Julie Anne na sa bar ang diretso namin.
"Ah eh, Mr.Bakit po ba umiiyak yang kasama niyo?" Mr? Sinong Mr. ang sinasabi nitong ulupong na 'to?
"Ay kuya slash manong driver. Basta dalhin niyo na lang kami sa may sinabi ng kaibigan ko. Nakakaloka, magmaneho na lang ho kayo"
"Ah sorry ho Sir"
****
[ELMO]
I tried to call Julie pero hindi na siya lumingon pa ulit sa akin.
"You!" I tried to push Lo.
"Don't like my kiss Elmo?"
"Hindi ka ba nanadidiri sa sarili mo Lo?! Pinagpipilitan mo ang isang bagay na hindi na pwede. My life is a mess with you, don't you know that? Kailan mo ba ako papakawalan ha?! Damn."
Inayos ko yung necktie ko at saka lumabas. Nakakainis. Ba't sa dami ng pwedeng makakita sa ginawa sa akin ni Lo si Julie pa?!
Sinipa-sipa ko pa yung gulong ng kotse ko sa sobrang frustration ko.
Saan ko hahanapin yun ngayon?! Nakainis talaga. What a freaking bad day.
****
[JAMES]
Nagka-crylalu ang lola niyo at tinotoo ngang sa bar ang diretso namin. Halos maiyak na din ako kasi ako ang nagbayad ng pamasahe namin sa taxi ni manong, hindi pa nga ako sumusweldo sa buwan na 'to at mukhang mauubos na ang pera ko.
Dito kami sa counter ni ateng at mukhang maglalasing ang gaga.
"Kuya, dalawang bote pa" Magaalas-sais pa lang at eto mukhang may tama na siya. Mamaya-maya pipigilan ko na din 'to at iuuwi ko na siya bago pa tuluyang magwala. Infairess kasi may hitsura si kuyang bartender kaya nag-eenjoy din ako. Hahaha, echoss lang. Pero seryoso, naawa ako dito sa babaeng 'to. Kahit katabi ko siya, nagsasalita siyang mag-isa habang umiinom at aba, kinausap niya pa si kuya bartender.
"Ikaw-" Hinaplos niya yung mukha ni kuya bartender. "May hitsura ka kuya, gusto mo tayo na *hik*"
"Ah, ma'am lasing na ho kayo"
"Eh ano naman kung *hik* lasing ako? Kuya tayo na lang,maganda naman ako 'di ba? *hik* pero yung mukhang 'to" Tinuro niya pa yung feslak niya. "Binabalewala ng isang Elmo Magalona *hik* mas pinili niya pang *hik* pakisamahan yung mukhang butiking yun *hik*"
"Ah ma'am-"
"Bulag ba siya? Oh may diperensya lang talaga sa mata? *hik*" Pa sway-sway pa siya habang kinakausap si kuyang may hitsura. "Bakit?! *hik* sagutin mo nga ako *hik* Diyosa na nga ang nasa harap niya,naghanap pa siya ng basura. Hahaha" Para pa siyang baliw na tumawa. Oh, pero kabogera 'tong si Julie Anne! Pamatay ang linya.
Diyosa na nga ang nasa harap niya,naghanap pa siya ng basura.
Clap Clap!
"Ah sige ma'am, magseserve muna ako sa iba"
"James! Hoy nasaan ka ba!James!"
"Hoy atembang, andito lang ako sa tabi, ba't kailangan mong sumigaw, kakaloka"
" Tara sayaw tayo" Lumapit siya sa akin tapos pinilit niya akong hatak-hatakin. "Bilis *hik*"
"Hoy hindi yan naging pangarap ng buhay ko. Sinamahan na nga kita dito. Tara uuwi na tayo"
"Ayaw! Iwan mo na lang ako! Ayaw ko sayo! *hik* hindi kita type!"
"At sinong may sabing type din kita aber?! Nakakaloka" lasing na talaga 'to.
"Ang pangit mo *hik* hahahaha. Bakit kulot-kulot yang buhok mo? *hik*"
"Susme ka, malamang hindi straight! Kakaloka. Lechugas ka, lasing ka na talaga.Uwi na tayo-"
"Ayaw nga eh! *hik* doon ka nga! Di ako sasama sayo *hik* mukha kang kabayo" Nakakstress ang pinagsasabi nitong babaeng 'to. Real talk ba 'to?! "James, pangit ba ako?"
"Oo! Kaloka"
"Kahit pangit ako,maganda naman kalooban ko *hik* pero iniwan pa din niya ako *hik* wala siyang-" Ay oh, umiiyak na pala siya. "Wala siyang *hik* kwenta,ang pangit niya!Pangit si Elmo Magalona! *hik* Bakla! Bakla siya *hik* pero-" Kahit para na siyang baliw na tumatawa at umiiyak, nakikita ko pa din kung gaano siya nasasaktan. "Pero kahit *hik* pangit siya at bakla siya *hik* mahal ko pa din siya"
Ay ang feelings ni ate, wagas talaga. Never say die! "Kuya! Penge pa ng isang bote"
Pinanood ko lang siyang uminon hanggang sa sumyaw-sayaw siyang mag-isa sa dancefloor. Hinahatak-hatak ko siya kaso ayaw niyang magpaawat. Ano bang laban ko? Beki lang ako.
7:00 pm
7:30 pm
8:15 pm
Ay nakakaloka. 'Di ko na kaya dito. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Si Julie Anne naman kasi eh, pagkatapos uminon, sasayaw, iinom, sasayaw.
Kinapa-kapa ko yung bag niya niya at nakita ko na ang sagot para makauwi kami
****
[ELMO]
"Kuya Moe! Someone's calling you po oh!"
Naglagay ako ng CD na Spongebob the Movie para manood kami nila Yuna at Yuan. Umuwi na lang ako kanina kesa mabadtrip pa ako sa labas, dito na lang ako, matutuwa pa ako kasi kasama ko yung mga bata.
"It's just a number kuya" Pinuntahan ako sa kitchen ni Yuna para iabot yung phone ko.
"Thank you"
Tinignan ko nga yung number na tumatawag, unknown number nga siya. Baka naman manloloko lang 'to?
"Hello?"
"Hello Mr.Elmo Magalona?"
"Yes? Ako nga"
"Punta ka naman dito sa Tuason bar, someone needs you"
"Tssss,maghanap ka ng maloloko mo! Wag ako"
Binaba ko yung call. Ba't naman ako pupunta? Sino ba yun? Budol-budol gang siguro yun.
*krrrrringggggggg*
Tumawag ulit kaya sinagot ko ulit.
"Hello?!"
"Hoy bakit mo ako binbaan?! Lechugas 'to. Sabi ko kailangan ka ng someone mo!"
"Someone?! Budol-budol ka ba huh?!"
"Mr.Magalona, sa may Tuason dito sa may bar. Kailangan ka niya, kailangan ka ni Julie Anne"