When Her Eyes Met Mine (COMPL...

By ClumsyKitten

114K 1.4K 282

Dia is a carefree and simple young lady until someone came into her life and gave her a rollercoaster of emot... More

PROLOGUE
CHAPTER 1. Stay
Chapter 2. Should I prove her?
Chapter 3. Sorry
Chapter 4. Fallin'
Chapter 5. Roses
Chapter 6. Brownout
Chapter 7. Captivated
Chapter 8. You owe me a kiss.
Chapter 9. Cupcakes
Chapter 10. Artwork
Chapter 11. Sinong Kace?
Chapter 12. OH MY!
Chapter 13. Ate Kim and Shiro
Chapter 14. Second Kiss
Chapter 15. Be Mine
Chapter 16. Three Words to Say
Chapter 17. Laters,baby
Chapter 18. 18th
Chapter 19. You Lied.
Chapter 20. Troy... Or Kace? 0_o
Chapter 21. Only mine... Mine alone.
Chapter 22. Hawak- kamay
Chapter 23.1 Ang labidabs ni Ate Kim (*_*)
Chapter 23.2 So, siya pala?
Chapter 24. Wallpaper and Heartbeat
Chapter 25. Sorry
Chapter 26. I'll take care of her
Chapter 27. Babygirl
Chapter 29. BFF
Chapter 30. Bitterness Overload
Chapter 31. Through the rain
Chapter 32. Why so sweet
Chapter 33. FriDATE and.....
Chapter 34. A night to remember
Chapter 35. Pa'no na tayo ngayon? (T_T)
Chapter 36. Grounded Version 2.0
Chapter 37. Lies... Stupid lies
Chapter 38. The other side of the story
Chapter 39. She's Mine.
Chapter 39.1 Troy's Thoughts <3
Chapter 40. Missing you...
Chapter 41. Unexpected
Chapter 42. Shocked
Chapter 43. Papasok o hindi? (Side story)
Chapter 44. Birthday?
Chapter 45. Bakit?
Chapter 46. Bakit? Masama bang ma-excite?
Chapter 47. Wedding Day
Chapter 47.1 Girlfriend
Chapter 48. Lovelife overload? :D
Chapter 49. False alarm
Chapter 50. Ah...eh... >_<
Chapter 51. Disintegrated Euphoria
Chapter 52. The Other Kim
Chapter 53. Sick
Chapter 54. What to do?
Chapter 55. Leigh's (side story)
Chapter 56. A promise is a promise
Chapter 57. Bye Troy
Chapter 58. Treat you like a princess
Chapter 59. Forlorn Christmas
Chapter 60. Aww (walang maisip haha)
Chapter 61. I miss you
Chapter 62. I'll wait for you
Chapter 63. Flowers for...
Chapter 64. Smiles
Chapter 64.1 Korea
Chapter 65. Skeptical Vday
Chapter 66. Painful
Chapter 67. Just because...
Chapter 68. Last gasp
Chapter 69. Moving-on or hoping?
Chapter 70. Love is inevitable
EPILOGUE

Chapter 28. What Love Does <//3

1.1K 14 4
By ClumsyKitten

Chapter 28. What love does





Dia's POV

Bago pa man ako makaharap sa kanya ay nagsimula nang pumatak ang luha sa mata ko. Bakit ba bigla akong naging iyakin ngayon? Naiinis ako sa sarili ko.





Tinititigan lang ako ni Kace... Kung hindi ko alam ang gagawin ko, mas lalo naman siya. Sa itsura niya, parang mas nahihirapan pa siya sakin. Nasa harap na kami ng classroom ko ngayon. Sa totoo lang, gusto kong hingiin ang opinyon ni Kace, kung haharap ba ako kay Troy o hindi. Pero hindi naman niya alam ang buong kwento kaya mas mabuti pang wag nalang.





Gustuhin ko mang humarap, ayokong makita ni Troy na umiiyak ako. Ayokong isipin niya na iniiyakan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ko nagkakaganito? Ni hindi ko manlang hinintay si Troy na mag-explain. Pero hindi eh... Nang makita ko silang magkasama ng babaeng yun, parang may iba... Parang may iba na hindi ko mapaliwanag maging sa sarili ko.





Sa dami ng mga bagay sa isip ko, mas pinili ko pa din na pumasok sa room. At dahil wala pa namang prof, sinamahan ako ni Kace sa loob. Halatang nagblush ang iba kong kaklase. Buti pa sila nagagawa pang magblush, samantalang ako, namamaga ang mga mata sa kakaiyak kagabi.





"I'll go ahead. I'm just a call away when you need me." Pabulong na sabi ni Kace habang papalabas na ng room.





"OMG! Friend! Magkatext kayo? Penge naman ako ng number ni Kace bebe." Friend? Kelan pa? Tss. Itong si Ashley, lalapit lang kung may kailangan.





Hindi ko pinansin ang mga maeepal kong kaklase. Kitang nagluluksa na nga yung tao, kukulitin pa.





"Friendship! Sorry kahapon. Si mommy kasi eh. Sorry talaga... Ano? Kamusta ang sleepover mo sa bahay ni KA--- umppfffff" Buti nalang nagets ko kaagad kaya bago pa man ituloy ni Leigh ang sasabihin niya ay tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Wala nanaman siyang pakialam kung sino ang makakarinig. Buti sana kung, kung sinu-sino lang ang pinag-uusapan namin, pero hindi eh. Kilala nilang lahat si Kace. Kaya nga ayoko maging kaibigan yang si Kace kahit saksakan pa siya ng pogi at bait.





"Sorry. Pero kamusta? Tabi ba kayo? Yiiiiih" kinikilig na sabi ni Leigh habang tinatakpan ang bibig. Kailangan talaga kiligin siya sa ginawa niyang pag-iwan sakin sa ere kahapon? Tsk. Pero naiintindihan ko naman, sigurado akong dahil nanaman sa mommy niya.

*

Natapos ang isang araw na wala akong natutunan. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Hindi ko maitago sa sarili ko na hinihintay kong tumawag o magtext si Troy. Pero ni isang text, wala akong natatanggap. Ilang beses ko na rin in-on and off dahil baka hindi lang pumasok yung mga messages. Pero wala talaga.





Kung tutuusin, ako dapat ang hindi nagtitext at tumatawag sa kanya dahil sa nakita ko kahapon. Ako dapat ang nagtatampo ngayon. Pero bakit parang hindi nakikiayon sa akin ang mga pangyayari? Nakakainis.





.





Hindi ko manlang siya nakikita dito sa campus...





(−_−#)





Apat na araw nang hindi nagtitext at tumatawag si Troy...





Tinry ko siyang tawagan ng isang beses pero hindi niya sinasagot. Mababaliw na yata ako. Pilit ko siyang hinahanap sa school pero hindi ko siya makita.





.





Maaga akong pumasok ngayon, nagtaxi lang ako dahil tulog pa si kuya at nag out of the country nanaman si papa para icheck ang kalagayan ni lolo. Nakalimutan ko pa na first subject pala namin ang PE ngayon, at sa kabilang gate ako bumaba, ang haba tuloy ng lalakarin ko bago marating ang kabilang dulo ng field kung saan kami maglelesson. Sa field kami dahil football ang PE namin ngayon. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip ko, nakakabadtrip na talaga. Sinipa sipa ko yung bato habang naglalakad. Nangangalahati palang ako pero feeling ko, pagod na pagod na ako.





"Dia!"





May tumawag nanaman sa pangalan ko, at sigurado akong siya yun. Hindi ako makapaniwala... Hindi dahil makikita ko na ulit siya at makakausap, kundi dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Parang mas lalong sumakit yung nararamdaman ko. For the first time, tinawag niya ako sa pangalan ko... Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobra akong nasaktan. (_ _)





"Let's talk." Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya. Naiinis ako sa kanya pero may part sa puso ko na gusto kong marinig ang sasabihin niya. Miss na miss ko na siya. (T_T)





Pinilit kong hindi maiyak kahit naninikip na ang dibdib ko. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na wala lang ang mga nakita ko at magiging okay na ang lahat. Yung hindi niya pagtext at pagtawag sakin, yung hindi niya pagsundo at paghatid sakin - binalewala ko yun lahat. Sigurado akong mahal ko siya at kailangan kong marinig ang paliwanag niya. Gusto kong mabalik yung dati. Bakit ba kasi kami nagkaganito? Akala ko okay na ang lahat, akala ko forever na kaming masaya.





Humarap ako sa kanya... Alam kong pilit lang ang ngiti niya. Naguguluhan nanaman ako, hindi ito ang ini-expect kong ngiti galing sa kanya. Bakit parang hindi tama.





"Follow me." Hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng relief sa mainit niyang kamay. Parang may kuryente na nailipat sa katawan ko. Parang biglang nawala ang pagod ko.





Magkaholding hands lang kami ngayon pero walang nagsasalita. Ni hindi niya ako magawang tingnan, parang ang lalim ng iniisip niya. Kanina pa kami lakad ng lakad pero wala pa din. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.





Finally, tumigil na din siya sa paglalakad. Nasa harap kami ngayon ng malaking fountain dito sa school. Hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Pakiramdam ko nawala lahat ng sakit sa puso ko. Ang sarap sa pakiramdam na hawak-hawak niya ang kamay ko.





"Dia..." Binanggit nanaman niya ang pangalan ko. Hindi ko maexplain pero bakit ang sakit pakinggan kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. Inisip ko na baka hindi lang talaga ako sanay. Tahimik lang ako at hindi makapagsalita.





Di'ba dapat galit ako ngayon? Di'ba dapat sinusumbatan ko siya sa mga oras na 'to? Di'ba dapat tinatanong ko na siya kung sino ba talaga ang babaeng yun at kung bakit hindi manlang siya nagpaparamdam ng ilang araw? Pero wala. Walang salitang lumalabas sa bibig ko.





Hawak niya pa din ang dalawang kamay ko. Magkaharap kami sa isa't-isa. Naalala ko tuloy yung pinahulaan niya saking rabbit-forrest thingy. Medyo napapangiti ako, hindi ko maitago ang kilig ko. Sa totoo lang, gustung-gusto kong yakapin si Troy ngayon. Pero unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sobrang seryoso ang mukha niya at parang puno ng tensyon ang mga mata niya.





"You saw me at the parking area last tuesday, right? I saw you crying... But I didn't get a chance to talk to you that time. I know you're hurting too much and I know how much grief I caused you that time." Alam niya? Nakita niya akong umiiyak? Alam din niyang nasaktan ako ng oras na yun. Pero bakit hindi niya manlang ako hinabol?





I'm sorry if I wasn't calling or texting you the past days because I was thinking of.... I was thinking of... Um...." Thinking of ano?! Bakit hindi niya masabi? Sobrang seryoso ng mukha niya.





"I'm so sorry, Dia." Shit Troy! Bakit :""(





"I was thinking of..."





.





"I was thinking of ending this relationship."





.





Unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ko. Kasabay ng pagbitaw niya sa mga kamay ko ay ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Hindi ko kaya at mas lalong hindi ko alam kung pa'no ko kakayanin. Bakit ngayon pa?! Hindi... Hindi pwede! (TT___TT)





"Hindi Troy! Hindi! Ayoko!"





"My decision is final. I want to end this relationship." Nakatalikod na siya sakin at naglakad ng ilang hakbang. Ang sakit... Sobrang sakit sa pakiramdam na makita siyang tumalikod sa'kin.





"Pero Troy... Ano bang nagawa ko? Wag mo kong iwan, please Troy... Hindi ko... Hindi ko kaya.(T_T)"





"Oh please, it's not your fault Dia. I know, you'll learn to live without my presence. For the meantime, just... just forget what we had. I want you to scrape out all your feelings for me."





"Troy... please, wag mo naman akong iwan oh. Sa tingin mo ganun lang kadali yun? Please... Kaya kong igive-up lahat wag mo lang akong iwan. Troy naman eh. Hindi ko kaya.Magpapakamatay nalang ako." Niyakap ko siya ng mahigpit sa likod. Binigay ko lahat ng lakas ko para yakapin siya ng mahigpit. Alam kong medyo desperada na ako sa mga lumalabas na salita sa bibig ko, pero ayoko talaga siyang umalis, ayokong iwan niya ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin.





"No. Please don't do that. I know you'll find someone. Someone better than me." Tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa tiyan niya. Sa lakas niya, walang nagawa ang mga braso ko.





"Hindi. Please Troy, wag mo namang gawin to sakin. (T__T)"





"You don't deserve me, Dia."





"Pero Troy... TROY (TT___TT)" Tuluyan na siyang naglakad papalayo. Hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa pangalan niya. (T__T)





Ang sakit... Sobrang sakit. Hindi ako makahinga dahil sa mga luhang umaagos sa mata ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ko namalayang nakaluhod na pala ako. Shit. Shit lang ang sakit talaga. Para akong binuhusan ng mainit na mainit na tubig. Hindi ko to kaya. Hindi ko ini-expect na darating ako sa point na to. Wala na si Troy, wala na si Troy ko. (T_T)

Continue Reading

You'll Also Like

WWBU By Gia

Short Story

26 1 5
There are so many reasons. What, when, where, why and how. What happened, when it all started, where did we stopped, why did we let it, and how it en...
4.6K 636 50
In each other's embrace, you find peace. Is this love, however, sufficient to overcome life's challenges? How can you tell if you made the best choic...
321 9 24
A simple girl who lived in the Simple life. A strong girl who always positive what ever happened in her life. What if? The Pageant will be the reason...
5K 780 35
Who will you choose? The man you love or your family? Can you abandon your family for the man you love, or can you abandon and forget the man you lov...
Wattpad App - Unlock exclusive features