Girl Pick-Up (ongoing)

By perfectlover

2.3K 46 10

Alex: PEDICAB kaba? Jonas: Bakit? Alex: PEDICABang maging BOYFRIEND? :""> More

Girl Pick-Up
Banat 1: Alexandra Ramirez
Banat 3: Michelle Garcia
Banat 4: FRIENDS!

Banat 2: Jonas Buenaventura

294 8 2
By perfectlover

BANAT 2: Jonas Buenaventura

Matamlay ako buong araw! Buong araw ko din hindi kinulit si Jonas. Siguro naman matutuwa na siya don. Pero bakit ang sakit lang isipin na ang nag-iisang kaligayahan niyang iwasan ko siya ay siya ring nag-iisang dahilan para masaktan ako.

Hindi pwede to! Paano niya ako mapapansin kung wala akong gagawin. Hindi naman kasi ako naniniwala sa kasabihang 'Kung talagang kayo, kayo talaga hanggang sa huli.' Paano ba naman ako maniniwala dyan.

May kakilala ako na pinanghawakan ang kasabihang iyan? Pero ano sila ngayon? Walang nangyari sa lovestory nila. Though mahal naman nila isat-isa, pero wala naman sila parehong ginagawa para maging sila. Walang mangyayari kung hindi ka mismo kikilos. Tulungan muna mismo ang tadhana na mas magkalapit kayo.

Tama? Mali?

Uwian na. Hinabol kona ulit si Jonas para sumabay sa kanya pauwi. Siya naman pasipol sipol pa habang nakangiti at naglalakad ng sobrang pacool.

Ng mapansin niya ako sa tabi niya. Agad naman siyang napaiktad na akala mo nakakita ng multo. Nawala ang ngiti sa labi niya at naging seryoso na naman ang ichura.

"Tss!" Naglakad siya ng mas mabilis.

"Jonas, i'm sorry." Bulong ko. Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sakin.

"Alex, itigil muna to." Seryosong sabi niya. Tatalikuran na naman niya sana ako para umalis ng magsalita ulit ako.

"Sana maintindihan mo din ako. Ang pagtigil ko sa kakakulit at kakahabol ko sayo ay parang paghinga ko lang." He stared at me with his blank expression. "Bakit ako titigil kung alam kung hindi ko kaya.." May nagspark sa mata niya pero agad din naman nawala.

"Ito lang masasabi ko. Don't expect anything from me, Alex!" He walked out. Pinagmamasdan ko lang ang likod niya papalayo sakin..

**************

Tulala ako sa ceiling .. Para akong tanga! Mababaliw na ata ako.

"Aaaah!!!" Tili ko at iling ng iling..

Maya-maya pa biglang nagring ang phone ko. Pagkakita ko si Kuya. Ang family ko ay nasa States. Naiwan akong mag-isa dito dahil dito ko mas gustong makatapos ng college.

"Kuya.." Lantutay na pagbati ko.

"Hey! Baby girl.."

"Kuya si Jonas.." Maiyak iyak na sabi ko.

"Yes? What's with Jonas?"

"He dont like me."

"Haay.. I told you to stop your childish..." Dikona siya pinatapos.

"But I really like him."

"Baby girl.." Mahinahong sabi niya. "Sinusunod mo ba mga sinabi ko sayo?"

"Of course. I've tried.."

"Maybe? Not meant to be?"

"Kuya!!!"

"Of course. I'm just kidding! Don't rush things baby girl. There's always a perfect timing."

"But when?"

"Until, he appreciate what you're doing, until you make him smile to your childish behaviour."

"I can wait."

"Tama! Just wait." Then we both hung up.

Maya-maya may nagtext naman! Text ni Clarisse, kaibigan/classmate ko. Nagtext siya at ininvite ako sa Birthday Party niya mamaya. Aww! Tumayo nako para naman makapagprepare nako.

Simpleng cocktail dress lang ang suot ko. Nagpunta ako sa garahe para kunin si Jolex. Ang motorbike ko. Pinagcombine ko ang pangalan namin ni Jonas <3 <3 <3.

Pagdating ko sa Party! Puro sosyal ang mga tao, kaya ko naman makipagsabayan dahil mayaman naman ako. Pero yun nga lang simple lang ding pumorma. Nasa isa kaming Hall, ang yaman talaga ng classmate naming to.

Madaming tao, lahat nakasmile sakin lalo na mga classmate namin ng makita ako. Lumapit ako sa isang table na puro mga classmate ko.

May bakante pa dito sa katabi ng lalaking ngayon ay nakatalikod sakin. Hinila ko yung bangko kaya umupo nako without looking at him.

"Ang ganda mo naman Alex." Sabi ni Alfred classmate ko din. May pagkamanyak ang taong yan. Mahilig sa babae.

"Thanks!"

"Suus! Pailang babae na ba si Alex sa mga pinuri mo ngayong gabi ha?" Sabi ni Anne. Kaya nagtawanan naman kaming lahat.

"Seriously, she's really stunning." Sabay kindat sakin.

"Ehem!"  Napatingin naman ako dito sa katabi ko na nagfake cough, at laking gulat ko.

Myghaaad! Si Jonas pala ito.

"Jonas!" Bati ko sa kanya. Ang cute cute niya lalo ngayong gabi.

"Hi.." Bati niya, pero hindi manlang magawang ngumiti.

"Lalo kang naging cute." Pagpuri ko. Yung mga classmate ko napapatingin samin. At nagbubulungan hanggang sa asarin kami.

"Nako, pare dimo paba sinasagot si Alex?" Si Jonas parang nahiya. Mas lalong naging seryoso. Ako nakangiti lang.

"Oo nga, ang tagal ng nanliligaw sayo  niyan ah."

"Bilib din talaga ako dito kay Alex eh noh ang tyaga manligaw dito kay Jonas."

"Haha. Nako sis, tingin mo ba may pag-asa ka talaga kay Jonas?" Sunod sunod na panggatong ng mga classmate namin.

"Tol, sagutin muna kasi. Ang ganda ni aAlex oh. To think na siya pa ang nanliligaw sayo." Napansin kung nagdilim lalo ang tingin ni Jonas.

"Wag munang pahirapan patong kaibigan namin, sagutin muna kasi Jonas." Asaran at kantyawan nila.

"Minsan ka lang makakatagpo ng katulad ni Alex, na siya pa ang nanliligaw sa lalaki."

Ng matahimik ang lahat ako naman hindi malaman ang sasabihin basta ang alam ko lang ngayon ay masaya ako dahil sinusuportahan nila ako.

"Yun na nga eh." Malamig niyang sabi at isa-isang tiningnan ang kasama namin sa table, ang seryoso ng tingin niya. "As far as I know, lalaki ang nanliligaw, lalaki ang nageexert ng effort, lalaki ang gumagawa ng paraan para mafall sa kanya ang nagugustuhan niyang babae, lalaki ang magpapakahirap makuha lang ang matamis na oo ng babaeng nagugustuhan niya. At higit sa lahat. Turn off ako sa mga ganung babae.. They look desperate, for what? " Nawala ang ngiti sa labi ko, napatingin sakin ang mga kasama namin sa table. "They should be the one....." Natigilan siya sa pagsasalita ng tumayo ako. Pakiramdam ko kasi lalamunin ako ng lupa.

It means, turn off siya sakin? Umalis ako at hindi na lumingon sa kanila. Lumabas ako ng hall at sakto naman na may garden,nagpahangin na muna ako dito.

"Alex!" May tumawag sa pangalan ko mula sa likod. Hindi paman ako lumilingon alam ko kung sino siya, pinunsan ko muna ang luhang tumulo sa pisngi ko bago ko siya harapin at ngumiti ng pilit. Nilapitan niya ako. "I didn't mean it."

"It's ok! I need to accept the fact, that you will never see me the way I see you."

"Don't make it hard for you.. Stop all these things! This is over."

Tiningnan ko siya sa mga mata. "Hindi mo ba talaga ako kayang magustuhan?" I sudden asked.

He took a deep breathe. "Alex, You deserve someone better."

"Do you think? You're not better enough?"

"Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo yan."

"Alam mo ba kung bakit gustong gusto kitang galitin? Asarin? Bwisitin?"

"Alex..."

"Kasi gusto ko, patulan mo rin ako."

"Heeey Jonas! Nandito ka lang pala." Bigla kaming napatingin sa tumawag kay Jonas. Isang magandang babae. Napalingon sakin si Jonas bago ibalik ang tingin sa babaeng tumawag sa kanya.

"Alex..."

Iniwan na niya ako at sumama dun sa babaeng tumawag sa kanya. If im not mistaken si Michelle yun, schoolmate namin.

Pagbalik ko sa loob nagstart na ang party. Pero ako walang gana, si Jonas katabi ko parin pero sa kabilang side naman ay katabi na niya yung Michelle.

Nakakawalan ng gana! Nakakabadtrip! Kanina pa sila nagkukulitan sa tabi ko. Nakakainis!

Tumayo ako, tutal kumain na naman ako. Mabuti pa sigurong umuwi nalang ako.

"Oh. Alex san ka pupunta?" Tanong ni Clarisse nandito kasi siya sa table namin.

"Ahm.. Uuwi na." Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Jonas.

"Ha? Eh.. Magiinuman pa tayo ah."

"Ahm. Next time nalang siguro. Bigla kasing sumama yung pakiramdam ko." Matamlay kung sagot.

"Ganon ba. Osha! Mark, ihatid na muna natin si Alex sa sakayan." Patayo na sana si Mark.

"Ako na." Nakita kong tumayo si Jonas.

"Nako hindi na Jonas. Dala ko naman yung motorbike ko eh."

"Ok lang." Matabang na sagot niya.

"Aaaaaayieeeeeee.." Tili ng mga classmate namin. Napatingin ako kay Michelle, tinaasan ako ng kilay at saka ininom yung  inumin niya.

Paglabas namin. Tahimik lang naming tinatahak ang daan papunta sa pinagiwanan ko kay JoLex.

"Salamat." Sabi ko ng makahinto kami sa harap ng motorbike ko. "Balik kana sa loob. Mukang hinihintay kana ni Mich." Sabi ko.

"Alex..." Napapitlag ako ng maramdaman ko ang kuryente ng hawakan niya ang kamay ko. "Gusto ko lang i-clarify sayo na.. Ayokong mainvolve sayo, so please! Layuan muna ako. Pinagseselosan ka ni Mich. At alam ko na alam mo na si Mich ang gusto ko." Direktang sabi niya. "Ayoko lang na makasakit ako. Alex, masasaktan ka lang sakin."

Kinuha ko yung helmet ko at inilagay sa ulo ko para hindi pansin ang nagbabadyang luha ko. Bago pa man ako sumakay, nilingon ko siya.

"Ayoko na sa sarili ko." Teary eyes ako. "Kasi gusto ko maging sayo ako." Huminga ako ng malalim. "Pero isa kang star eh. Alam kung palaging nandyan, pero kailanman, hindi ko maaabot." Sumakay nako sa motorbike ko.

*********

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Jonas after ng confrontation namin ng gabing iyon.

Minsan gustong gusto ko na siyang lapitan kaya lang natatakot ako sa pwede niyang iasal sakin. Sapat na siguro na lumayo nako after ng mga sinabi niya..

Pero hindi ka naman ata makakaya na matagalan hindi siya lapitan o kausapin manlang.

"Hoooy!" Hinarangan ko siya.. Bakas sa mukha niya ang gulat ng makita ako. Pero lalampasan niya sana ako. "Alam mo bastos ka talaga eh noh!?" Mataray na sabi ko.

"Basta basta kana lang kasi pasok ng pasok sa isipan ko." Sabi ko. Kumunot noo niya, umiling nalang siya at tuluyan nakong iniwan.

*******

Kinabukasan walang pasok. Naglalakad lakad lang ako sa loob ng village namin habang tulala..

At kung sinuswerte ka nga naman nakita ko si Jonas na makakasalubong ko. Napangiti ako. Haaay! Ganda naman ng umaga ko.

Tatalikod sana siya at babalik sa pinanggalingan niya ng mabilis ko siyang lapitan. "Jonas. Goodmorning!" Bati ko. Napatigil siya at tumingin sakin. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Ahmm.. Wala!" Walang ganang sagot niya.

"Green light traffic signal ka ba?"

"Bakit?" Walang gana muli niyang sagot.

"So you can go with me!" Napangisi siya at napailing iling. "Idol mo siguro si John Cena noh?" Half open ang bibig niya ako naman nagsmile nalang ng pilit. "Kasi kahit anong paramdam ko sayo, you can't see me."

Yumuko ako. Haay! Nareject na naman, tinalikuran ko na siya para umalis pero natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.

Tiningnan ko muna ang kamay kung hawak niya bago ibalik ang tingin sa mukha niya..

"Kung pwede lang sanang i-format ang puso, ginawa kona.." Seryosong sabi niya. "Para makapaglagay ulit ng bago." Natahimik ako sa sinabi niya.

_________________________________________________________

Haaay! Hanggang dito nalang muna!

Kamusta naman ang update ko? Hahaha! Mahirap maghabol sa taong di ka naman kayang mahalin, at ayaw magbigay ng chance!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features