Destined To Be Love series3 P...

By TiffanyStone07

2.1K 170 75

Matapang, astig at magandang pulis kung tawagin si SHANTAL sa lungsod ng CEBU. Lalambot pa kaya ang puso niy... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 17

65 5 4
By TiffanyStone07

Please mag votes po muna kayo


SHANTAL POV

Nandito kaming tatlo ngayon sa room ko inaayusan ako ng dalawa kong kapatid, medyo kabado kasi nga first time kong makipag date.

"Ayan perfect" Sabi ni Steffi. 

"Wow bongga ka ate parang hindi na ikaw si Astig na pulis."

"Sira astig ka diyan. Oo nga ang ganda ko ate Steffi maari pala akong mag transform ng ganito?"

"Oo naman kahit hindi ka mag make up magdamit ka lang ng pambabae ganyan pa din makikita mo."

"Para ka kasing tomboy kumilos kaya natatakot sayo ang mga lalaki lumapit, pero itong Adam na to matindi malakas ang loob na yayain kang makipag date diba ate Steffi?"

"Sis mabait si Adam gaya ng kuya Matthew mo, kaya sana kilalanin mo muna siya." wika ng ate niya.

"Ok sige sabi mo e. Salamat sa inyong dalawa ha."

"Ikaw naman Stacy nakikipag date ka naba?" Tanong ng ate nila.

"Nope! At ayaw ko pa po."

"Kasi te hanggang ngayon iniintay niya parin yong first love niya. Ay naku sis wag mo na intayin yon baka pumuti na yang buhok mo sa kakahintay sa lalaking yon."

"Wag mo na ako paki alaman te, ayan o bumaba kana lagpas na alas syete malamang nasa baba na yong prince charming mo."

"Tse... Umiiwas ka lang sa usapan e."

"O tama na yan magka pikonan pa kayo niyan. Ikaw naman Stacy tama si Shantal nasa wastong gulang kana rin naman bakit ayaw mong i try sa iba kysa naman mag intay ka don. Diba sis nabanggit mo noon mata pobre ang momy nong boy friend mo dati at ayaw sayo? kaya kalimutan mo na yon, pero kahit ano pa man ang magiging desisyon nyong dalawa sa pakikipag relasyon tandaan niyo nandito lang ang ate handag makinig sa inyo."

"Salamat ate Steffi." Sabi ni Stacy.

"Salamat din ate at ikaw ang ate namin." Sabi ni Shantal.

Nagyakapan ang tatlong prinsesa ng mga Cheon.

"Mga anak tapos na ba kayo riyan pababain niyo na si Shantal nag iintay na ang kanyang nobyo sa baba."

"Ma, gusto niyo pong sumali sa amin?"

"Abay naglalambingan lang pala kayong tatlo riyan. Masaya ako mga anak kasi napalaki namin kayo ng tama at di lang yan lumaki kayong magaganda."

"Ma, sa inyo naman kami nagmana hehehe."

"Tara na sa baba kanina pa yong bisita mo anak."

DAVID HOTEL

"Iuwi mo na ako Adam."

"Ano? Di pa nga tayo nag uumpisa iuwi na kita?"

"Kita mo anong pinagsasabi mong umpisa ha? hoy Adam kahit pumayag na sayo ang parents ko na i date ako, wala ka paring karapatan sa akin kasi nanliligaw kapa lang diba?"

"Yup ganon nga sweety nanliligaw pa lang ako sayo, kaya nga kita dinala dito diba?"

"Bakit Adam porke nakahalik kana sakin basta basta mo nalang akong dalhin dito sa Hotel? Ano bang tingin mo sakin ha easy to get?"

"Wait Shantal ano bang pinagsasabi mo? Yes nandito tayo kasi it's a date diba? Saan mo ba gusto kumain sa tabi tabi?"

"Ha? kakain tayo kakain lang?"

"Oo naman ano bang iniisip mo? Ah alam ko na, iniisip mong may gagawin tayo ngayon kasi dito kita dinala sa Hotel?"
Nahihiyang nakayuko ang dalaga.

"Kasi akala ko ganon?"

"Di naman ako nagmamadali sweety nakahanda akong maghintay bago tayo pumasok diyan sa naiisip mo."

Nasapak na naman siya ng dalaga dahil sa kanyang kalokohan.

"Ang sosyal naman dito Adam."

"Ano kaba wag mong isipin yan. Sosyal din naman tayo ahh hehe"

"Alam mo kylan ba tayo mag uusap ng seryoso."

"Ikaw lang naman ang di seryoso ako matagal nang seryoso sayo Shantal."

Sabay hawak sa kamay ng dalaga. Magka harap sila sa pandalawahang upoan. Naiilang ang dalaga sa klase ng titig ni Adam sa kanya.

"Shantal naiilang ka pa ba sakin hanggang ngayon?"

"Ako? Hindi ah bakit mo naman nasabi?"

"Gusto ko kasing maging komportable ka sakin gusto kong mahalin mo rin ako Shantal."

"Ano ba diba dapat manliligaw kapa bakit gusto mong sagutin na kita?"

"Sweety matagal na akong nanliligaw sayo sa Cebu pa lang tayo. Ang pag payag ko na maging slave mo, diba ako nag lalaba ng damit mo, nagluluto sayo at naglilinis ng apartment mo. Lahat yon panliligaw para mapansin mo ako."

"Ah ganon kaya pala pumayag kang magpa alila sakin doon ayos karin ah
hehehe."

Gumaan ang pakiramdam ng binata nang masilayan niya ang ngiti ni Shantal at lalo siyang nahuhumaling nito pagkat sa tuwing napapangiti niya ang dalaga lumilitaw ang dimple nito sa mukha. Ngayon niya lang kasi nakitang may dimple pala ito pagkat palaging seryoso at nakasimangot ang dalaga sa kanya.

"Sweety maiba ako alam mo ba kilala ko ang tagapag mana nitong Hotel na kinainan natin."

"Talaga?"

"Oo nakilala ko siya one time sa isang event nina dad at kuya. Isinama kasi nila ako baka raw isang araw pagnenegosyo na ang magustohan ko. At sa ngayon siya na ang namamahala nitong Hotel nila. Gusto mo pakilala kita?"

"Ha? Ah next time nalang Adam."

"Alam mo napaka class ng Hotel na to lalo na pala dito sa loob." ani niya

"Pinsan niya si Adrian ang asawa ng ate Claire niyo." dagdag pa ng binata

"Pano mo naman nalaman yan?"

"Syempre nabanggit niya sakin noon at nong nagkita kami ni Adrian inamin din niya sakin na magpinsan nga raw sila ni Dave."

"Ahhh ganon ba? Teka anong pangalan ng sinasabi mo ulit?"

"Dave bakit?"

"Ahh wala! Baka katukayo lang sa nobyo ng bunso namin."

"Oo nga pala sweety si Stacy bunso niyo may nobyo na pala yon? Na unahan kapa." 😁😁

"Sira ka talaga, e ano naman kung na unahan ako? Adam medyo pagabi na iuwi mo na ako."

"Ayaw mo naba akong makasama? Maaga pa naman at saka wala naman tayo sa trabaho kaya baka pwedeng lubos lubosin na natin ito."

"Sa bagay tama ka. Tara bilis punta tayong ViewPark don muna tayo tumambay maganda doon."


"Wow ayos ah ok pala dito ano? Di masyadong matao tama lang sa mga taong gustong magpa hangin at magpa lipas ng gabi."

"Oo nga kaya dito ako napunta kapag gusto kong mapag isa. Adam alam mo ikaw pa lang ang unang lalaking nakasama ko, lahat na pagkakataong kasama kita yon ang mga unang karanasan ko."

"Shantal......" hinawakan niya ang kamay ng dalaga.

"Shantal alam mo sa totoo lang hindi ko rin maipaliwanag itong naramdaman ko para sayo, oo inaamin ko babaero ako noon. Pero mula ng umuwi akong Pinas at nakita kita bigla nalang akong nagka ganito, honestly nawawalan akong gana sa ibang babae. Ikaw ang palaging nakikita  ko sa oras na ipikit ko itong aking mga mata. Dati nong nag aaral kapa minsan ka ng sumagi sa isip ko ngunit umiwas ako kasi alam ko hindi mo ako papansinin. Pero ngayong nagkita tayong muli bumalik ang dati kong nararamdaman sayo Shantal."

"Oi teka ano ba to MMK? Umayos ka nga para kang sira kung maka tula wagas."

Tinawanan niya ang binata sa kabila ng pag amin nito sa naramdaman.

"Sweety nang ikay ibigin ko, mundo koy biglang nagbago. Sana naman buksan mo at papasokin ako diyan sa PUSO MONG BATO."

"Adam ahm kasi ano, unang una kaya kita iniiwasan kasi ayaw kong ma in love sayo. Kasi babaero ka nga at paglalaruan mo lang ako, at ayaw kong masaktan takot akong magmahal Adam."

"Subokan mo lang ako Shantal try natin malay mo tayo pala ang Destiny."

"Adam hindi pwede ayaw ko pa sa commitment. At may misyon pa tayong dapat unahin ayaw kong ma distract."

"Sige kung yan ang gusto mo pero sana wag mo akong pigilan na mahalin ka. At kapag nagtagumpay tayo sa misyon pakakasal kana sakin sweety."

"Oi bakit kasalan na yan agad akala ko ba girlfriend muna."

"Oo sana pero ayaw na kitang pakawalan baka kasi maagaw kapa ng iba sa akin."

"Loko ka Adam papano naman ako maagaw e wala nga akong nobyo diba? Ang bilis mo ahh. Kung yan ang gusto mo pwes ito ang condition ko. Trabahoin natin ng maayos ang misyon natin upang tayoy magtagumpay. Ok ba yon sayo?"

"Ok na ok. Basta pagkatapos nito ikaw na si misis Shantal ko."

"Hahaha papayag ako pero ako dapat ang boss mo maliwanag?"

"Yes boss."

Niyakap siya ni Adam ng mahigpit at ganon narin siya nito. Unti unting yumuko si Adam sa kanya at ginawaran siya ng isang matamis na halik. Matagal bago nila binitiwan ang isat isa.

"Adam...."

"Sweety.... Ihatid na kita baka di ako makapag pigil at may magawa ako sayo."

"Ok sige mas mabuti pa nga."

Inihatid niya ang dalaga sa tahanan ng mga Cheon, pagkatapos umuwi na kaagad siyang bahay nila upang makapag pahinga narin. At dahil sa pagpigil niya kanina sa dalaga matinding sakit ng puson ang naramdaman niya ngayon kaya naman nag shower siya muli para lumamig ang pakiramdam.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 140K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
6.4K 128 22
What if kung magbago ang isang babae nang makilala niya ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Let's meet Maria Samantha Santos and know her story...
35.8K 739 36
Maria Chantal Arellano. Ang pilyang nagtataglay ng magandang mukha. Maraming lalaki ang nabibighani at humahanga sa kanya. Pero paano kung napukaw a...
30.8K 1.2K 63
Nagsimula sa mga bangayan , Asaran , Bwisitan , Selosan , At hindi inaasahang , Mahuhulog ka nalang sakanya , Pero maraming tao ang hahadlang , Pa...
Wattpad App - Unlock exclusive features