Chapter Title: The More You Hate The More You Love Curse
Ang mundo ay kinapapalibutan ng mga maka-mundong bagay ^0^
Epekto na rin yan ng mga pelikulang nagmulat sa atin na kahit anong bagay ay kaya nating malagpasan.. Kasabay din nito ay ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa na dapat tayong umasa kasi may pag-asa.. Sang-ayon kaya si Bro dito?. Isa sa mga bagay na inimulat sa’tin ng mga pelikula e ‘yung kapag trip nating maghanap ng lovelife o feel nating mag-soul searching e pakiramdam natin tayo sa Angel Locsin, Angelica Panganiban o Anne Curtis =_=a
na ganun lang kadali magka-lovelife, parang si Cinderella, naiwan lang ang sapatos, nagka-lovelife na *^__^*
, ‘yung mga babae sa pelikula nakabungguan lang, namalayan nila, may lalake nang handing magpakamatay para sa kanila.. ^.^
#^__^ Minsan sa sobrang pagiging filmy type ng tao, nakakalimutan na din nating mag-reality-check. ;)
Nakapagtataka ding isipin na nung umuso ang Temptation of a wife at No other woman e lalong nagtrending ang pagkakabitan at taksilan sa isang relasyon sa internet, telebisyon, lansangan at sa totoong buhay. Hindi maikakailang mas marami ng text quotes at posts sa fb tungkol sa mga malalanding babae na nang-agaw ng boyfriend, o kung hindi naman naagaw ay nakikisawsaw, mga lalakeng matapos ang lahat e nang-iwan o nanloko lang. >.<
At kung dadako naman tayo sa usapang relasyon, e nandyan ang M.U. -_=
na sa pagdaan ng panahon e nabigyan nan g iba’t ibang kahulugan, mula sa mutual understanding, naging malabong usapan, malanding ugnayan, mag-un at kung anu-anu pang naiisipan dahil sa pababago-bagong panahon at patuloy na pagdaloy nito.
Pumapangalawa sa M.U. ang relasyong kung tawagin ay friends with benefits, mga bumebenefit ng kung anek sa kaibigan, pero sa palagay ko, sa relasyong ‘to, kung babae ka, lugi ka, anung nabebenefit mo sa pagbibigay ng ka-everythingan dba? Masarap man, nawawalan ka pa rin. Pero nirerespeto ko kung saan sila masaya. ^_^
Isa pa sa trending e yung LDR na suki lagi kapag may humihingi ng advice sa mga programa sa radio, forums sa internet, at marami pang iba, kadalasan, ganito ang kanilang padale, “hihingi lang po sana ako ng advice, LDR po kasi kame ng bf/gf ko…”. Nakapagtatakang isipin na halos lahat na yata ng sagot sa mga katanungan, teorya ng iba’t ibang tao, paniniwala, banat, payo at marami pang kung ano sa pag-ibig ay nakahara lang at paulit-ulit nang sinabi at pinakita sa tv, radio, sinehan, tumblr, fb, twitter o maging mula sa kaibigan, barkada, classroom discussions at marami pang iba, pero madami pa ‘ding bigo sa pag-ibig.
Ano nga ba ang dahilan? ^0^
Bakit nga kaya? \_(^.^)_/
Kasi siguro, malaki ang ginagampanan ng word na martyrdom at risk sa buhay ng isang tao. Anyways, bakit nga ba ganyan ang pagtingin ko sa mga bagay-bagay na ‘yan??” ;)
Cassie ang nickname ko. At hindi Cassandra ang totoong pangalan ko. ^___^
I’m Cassadee, Cassadee Montez.
Long kulay buhok ng mais straight hair, singkit eyes, pointed ilong, pinkish juicy lips. TSSSUUPP! :* Slim body, 5’4 ang height at malilinis ang kuko sa kamay at paa! *^___^*
***** WHY WHY LOVE
Tanong kanina: Bakit ko nasabe ng lahat ng ‘yon?? Kase halos lahat ng ‘yan e hindi ko naranasan, pero nasaksihan ng mga magaganda kong mata kung paano nagsimula at natapos ang lahat ng kwentong nangyari kaugnay ng nabanggit ko sa itaas! – ToT
NBSB ako. Pero hindi issue sa akin. Open ako sa suitors. At sa awa ng Diyos, meron namang nanligaw at naligaw ang landas sakin kahit papano. Yun nga lang, sa sobrang dami kong nasaksihan at natutunan sa lovelife ng iba, nagsisimula pa lang bumanat sa akin ang mga lalake, alam na alam ko na ang patutunguhan at kung anong mga trip nila. Trip na tunay man o hindi.
Oh My! Lahat na lang ba ng takbo ng lovelife umaayon sa kung anong uso, palaging napagkekwentuhan, nangyari sa barkada o kaibigan mo at minsan e bumabase pa sa natural na kalandian ng tao?? ToT
Well, that’s life! ^^ pero ewan, wala bang something extra special? ? Yung kakaibang takbo naman.. yung hindi bad boy, nerdy type o boy next door yung lalaki kagaya sat v. Yung hindi sa m.u. nagsimula at malanding babae ang pinagtapusan diba? Gusto ko ng bagong kwento. Ng mga bagong pangyayari. Yung akin lang ^^ (nasa gitna ako ng pag-iisip sa pata-type ng diary ko ditto sa laptop ko…)
**** Tres Marias
KNOCK! KNOCK!
“DeeDee!... anu na naman yan? Nakaharap ka na naman sa laptop mo, tara na kakain!..”
“Hayss… kumatok ka pa.. diretso pasok din naman, and oldest sis, I told you not to call me DeeDee, it’s CASSIE! (ToT)
“Whatever NB (no boyfriend) sis!.. tara na.. tara na kakain! G-force na si Mudrakels, naghihintay ang patatim at kanin sa dining room, ge baba na ‘ko!“
Hays.. si ate talaga. Tatlong babae kami, yung isa kong ate, si older sis Candy, pangalawa ke oldest sis Carrie eh OFW sa Japan. Pero hindi po sya Japayuki,^^v nagtatrabaho sya sa isang mobile company dun. Si ate Carrie naman ay isang call center agent. Si ate Candy biktima ng M.U. , bago sya umalis sobrang iniyakan nun yung exnyang hindi naman kagwapuhan e ang lakas ng loob manloko. Si ate Carrie naman ay under long distance relationship.. Na araw-araw na lang pinoproblema nya ang boyfriend nyang 1 hr. lang naman ang iba-byahe papunta ditto e hindi pa magawa. At panay ang echos na kesyo LDR sila natural lang na once a month lang magkita, kahit na jeep lang ang sasakyan nya papunta ditto mula sa bayan nila! Kaya tuloy si ate, super clingy at laging problemado dahil napaka-hirap kausap ng boyfriend nya.
“CASSADEE! ANO BA! KAKAIN NA!!!” >o<
*** THE PERKS OF BEING A WALLFLOWER/NEWBIE/SASS
Hays….. (habang umiinat-inat papasok ng school) Bago ako sa school na ‘to, pinalipat kasi ako ni mudang.. and so, panibagong faces, pakikisama, challenges and getting to know each other phase with other people na naman.. Dapat naman talaga hindi ako papaya lumipat ako, pero wala akong magagawa, pinagtulungan ako nina mama at ate. Si mama may malalim na rason kung bakit ako pinalipat ditto, pero si ate, trip lang yung unifom kaya pinilit ako. Sa dati kong school, hanggang tuhod ang palda,white blouse with necktie, white socks at black shoes ang uniform, pero ditto sa bagong school, mala-Joy lee ng Missing you ang peg ng uniform ditto! Kaya tuwang-tuwa si ate kasi saksakan ng hilig sa koreanovelas non! At super obsessed pa yun sa mga k-pop groups! Ewan ko ba, pero basta talaga uso ayaw ko, gusto ko palaging unique, palaging bago..
****Kung paano nagsimula ang makapagbagbag damdaming mga eksena at kasabihang pampelikula at trendy sang buhay ko! Waaaaaa D’:<
***PART ONE: THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE GRAND ENTRADA!
One week na ang nakakalipas simula nang una akong pumasok ditto sa crystal high at normal naman ang lahat. I made friends, far wala pang suitors! Naks ^___^.. Pero ang nakakatuwa e yung ako ang pinakang nangunguna sa klase. Palaging tama ang mga sagot ko sa mga tanong teachers tuwing discussions at ang tataas ng scores ko sa mga quizzes, halos ma-perfect ko na.. one week pa lang yan huh? Nakakatuwa lang. Well, studious naman talaga ako, I prefer to study than to go malling and hanging-out with friends, ginagawa ko lang yun mostly pag bakasyon at pag super-free at after exams.
*sa classroom before mag start ang first class.
“Bes! Ang galing-galing mo talaga highest ka sa halos lahat ng quizzes natin! …” - bes Addie, kaibigan and klasmeyt ko..
“Hay naku.. Addie, hindi noh! Nasa sipag at tyaga lang un!” ^__^
“Tss.. nakakainggit ka nga eh.. e ako di pa nakaka-highest sa klase na ‘to..lagi kasing si….
Hindi na natapos ni Addie ang sinasabi nya at napatingin sya sa pinto ng klase naming, may isang guy na pumasok na mukhang sinakluban ng universe ang aura! Naka salamin sya at yukong-yuko! Ang taas ng tuck-in at ang dami-daming dalang libro!! MAMAMIA! Parang yung sa mga pelikula lang ang peg! The nerdy-filmy type! Nakatitig lang ako habang papasok sya, Pero ang shocking dito…
“ay Cassie! Sya yung naka-upo ditto sa left side mo , sya si Sean! ..”
“A-anong sabi mo Addie??...”
ibinulong nya sakin.. “ingat ka dyan…”
at pumunta na sya sa upuan nya , andyan na kasi si ma’am eh..
After two subjects, wala namang kakaiba kay Sean! Hmm.. feeling ko naman mabait sya, kahit hindi man lang sya tumitingin at namamansin, okay lang naman.. Mukha namang harmless sya.. Nung recess namin, nalaman kong nagkasakit daw sya kaya absent ng one week and now he’s back, super talino daw at sabi ni Addie, threat daw sa standing ko ditto sa klase, anyway, wala naman sakin yun, ang mahalaga naibigay ko yung best. “I do my best to have no regrets!”
Third subject na namin at favorite ko ‘tong subject na ‘to. Palagi ditong exciting at hindi boring ang discussion!
“…so class who do you think is the first person to circumnavigate the world??”
Shocks! Kilala ko ‘to eh.. ah! Tama! Si…..
“Enrique of Molluca Sir..”
“That’s right Sean. Very good…”
nagulat ako at natigilan ng may nauna sa aking umimik. Tataas na sana ako ng kamay pero napatingin na lang ako sa kanya.. >.
Nagpatuloy lang ang discussion hanggang sa nagtanong ulit si Sir..
“..so, class for additional ten points for your recitation, sino ba talaga ang unang naka-diskubre ng America??”..
..nag-isip ako at nagkatinginan kame ni Sean..
“CHRISTOPHER COLOMBUS!!” ^0^ ^0^ itsura naming ni Sean matapos kaming magpaunahan sumagot pero sabay pa rin kami..
“Oh, class, relax lang kayo, sorry Cassadee, pero nauna si Sean..”
“p-po?” (>.<)
WHAT THE?! Halos sabay lang kaya kami!!! Naduling ata si sir!! At ang nakakabad-trip pa don nakita kong ngumiti ng pang-asar si Sean na parang tuwang-tuwa na naunahan ako.. I hate that punk!
After class, agad akong umuwi dahil ewan ko ba.. sa sobrang inis ko sa lalakeng ‘yon parang nau-urge akong mag-aral para hindi na nya ko mayabangan ng ganon. Hindi naman sa grade conscious ako noh.. ayoko lang ng niyayabangan! Kainis!
Two weeks passed at lumala ang mga pangyayari sa’min ni Sean. Kung dati sa social studies lang kami nagpapaunahan ni Sean, ngayon halos sa lahat ng subjects na.. Kahit gusto ko ng itigil ang pakikipag-kompetisyon sa kanya.. STILL.. may nakakakainis na bagay na pumipigil sa’kin, yung kayabangan nya! One time nagkaroon ng debate sa English namin at badtrip talaga kasi talagang halos hindi na nya ‘ko binigyan ng chance makapagsalita! Diretso siya sa pagyayabang nya at pagtatalumpati na akala mo’y US president sa unahan.. At panay pa ang tingin sakin na para bang nang mamaliit! ANG KKKAAAPPPPAALLLLL TALAGA! Nakakabadtrip! Ibang klase tong lalakeng to! .. well ayon sa aking source na si Addie, napaka-grade conscious daw ng mokong nay un, e siguro na-threaten sya nung nalaman nya ang performance ko sa room habang absent sya.. Mayabang lang daw si Sean sa mga threat sa trono nya bilang rank 1 ng klase.. Isaksak nya sa baga nya ang rank 1 nya! Pride ko ang ipinaglalaban ko ditto noh!!!!
*** Love me back Math: The more you hate the more you love scene..
Halos sa lahat naman ng subject kaya ‘kong labanan si Sean.. well except one..
“Okay class, math class is over, you may take your recess….
Ahm.. Miss Montez, can I talk to you for a minute???...”
Lumapit ako kay ma’am math.. medyo kinabahan ako, kasi parang alam ko na kung bakit..
“y-yes ma’am???” :/
“Miss Montez.. I’ll go straight to the point, I wanna ask kung bakit ang baba palagi ng mga scores mo sa lahat ng seatworks at quizzes natin??? You always almost got zero.. and that’s not good young lady.. May problema ba sa pagtuturo ko?? Or may problem aka sa pag-aaral mo.??”
Yan si Mrs. Carabido. NAPAKA-TERROR! Terror na nga yung subject, double terror pa ang teacher.. hays!
“Miss Montez?? Are you listening??”
“ahmm.. eh ma’am, wala naman po problema sa pagtuturo ‘nyo, nasakin po ang problema kasi.. mahina po talaga ako sa math, eversince po, yun talaga kahinaan ko..” -_-a
“well well miss Montez, I bet you have to study harder, kasi if you didn’t get a higher score in our quiz yomorrow, bibigyan kita ng peer tuitor, it’s probably Miss Ada Santos, magaling sya sa Math…”
Si ADDIE??!! YESS!!!
“o-okay ma’am…thank you so much po”
“okay then.. see you tomorrow..”
YESSS!!! Pagkaalis ni ma’am, naisip ko na agad balitaan si ADDIE!!! Wooohhooo! ^0^
“HAHAHAHAHAHHA! So… akala ko mahina ka lang CASADEE.. MAS MAHINA pa pala…”
WHATT THE??!!! Nandito pala si SEANERDY NA TO!!!!!! ToT
Nagpamewang ako ng kamay at nagtaas ng kilay…
“HAHAHAHHAHA. MISTER SEANERDY! Akala mo ba hindi ko kayang galingan sa math ha??.. sinisigurado ko sayo, pag ako gumaling.. NGA_NGA KA!!”
“hahahaha. We’ll see Ms. Montez…” sabay exit ng demonyong yon palabas ng room..
HAYYSSS!!!! Bwisit talaga ang Sean na to!!!
**
Afterclass, agad akong dumiretso sa bahay para magreview sa Math, naka-lock ang pinto ng kwarto ko at tanging nites, libro, coffee with ice at isang ballot na gardenia lang ang nasa harapan ko…
KNOCK KNOCK..
“Cassieeeee…. Buksan mo ‘tong pinto.. dinalhan kita ng dinner…”
Binuksan ko ang pinto and WWOOWWW! Ang sarap ng ulam!! My favorite! Kaldereta!! Ang bait talaga ng ate CARRIE!
“Thanks ate!!!!” kinuha ko ang dala nyang rice, kaldereta and juice at nagsimulang kumain sa study table ko.. naupo naman si ate sa bed ko..
“NB SIS! Ano ba ‘yang inaaral mo??? Bat parang uber sunog eyebrow ka dyan! Tingnan mo nga oh.. 10:30 pm na, di ka oa naborlog!..”
“Eh ate.. mahalaga tong quiz na to bukas..”
“huh?? Teka.. at kelan ka pa naging conscious much pagdating sa mga ganyang bagay??...”
At kinwento ko kay ate ang mga eksena sa classroom…
“WHAT??? ^0^ nagpapaapekto ka sa mga ganung bagay???!!!”
Napatigil ako sa pagtatakaw ng hapunan ko..
“Oo naman older sis!! Pride ko ata nakasalalay dun noh!! ^___^”
“aassuuusss… e bakit ka nga affected??? Siguro crush mo yun anu! At ayaw mo mapahiyang bobo ka sa math kaya nagkakaganyan ka gayon!” sabay batok sa ulo ko..
“EEEWWWWW!!! Ate alam mo KADIRI KA! Never akong magkakagusto sa NERDY SEANNERDY NA YUN NOH!!!..”
Sus!!! Para ka namang bata.. para lang yang sa mga koreanovela na napanood ko, inaasar ng guy lage ung babae, papatol si girl, tapos sa huli magkaka-inlovevan na sila!! Sabi nga, THE MORE YOU HATE THE MORE yOU LOVE!!”—at pinagpipisil ang pisngi ko..
“PWede ba ate! Tumigil ka na kasi never akong magkakagusto dun noh! At anung the more you hate the more you ek-ek ka jan! Hindi ako tutulad sa inyo ni Ate Candy na napaka filmy type.. pag ako nagka-lovelife.. chillax lang ako noh! At sisiguraduhin kong unique, rare kakaiba ang love story ko!!..”
“Ah sus ! sabe mo lang ‘yan.. sige na kumain ka na at mag-aral para kay Seanny pie mo! \^0^/ Hahahah!.”
“LUMABAS KA NA NGA!! >.<”
Sa wakas.. lumabas din ang bruha kong ate..
“the more you hate the more you love??.. pwede ba.. no way.. di pa ko sinisilang uso nay an eh.. at si Sean?? Pwe! He’s not my type…”—bulong ko sa sarili ko..
Kinabukasan..
YESS!!!! Tumaas ang score ko sa math quiz! Kung dati 5 over 20 ako, ngayon naka-thirteen naman!! Yes yes yes!! Yun nga lang.. perfect si Sean sa quiz.. HAHAHA! Okay lang! hindi naman nya ikakagwapo yun ^0^.. as usual, nagyabang na naman ang mokong!
Nang maglunch break na, nagpunta kami ni Addie, Jahanna at nag-iisa naming kaibigang lalake na si Louise sa isang resto malapit sa skul.. na-tripan lang namen :D
Habang kumakain kami.. tahimik kaming lahat, ng binasag ito ni Louis..
“tamu nga naman oh! Porke pag talaga pagkain usapan concentration to the max level kayo! Ang tahimik ah!...”
“Hay naku.. ang sarap kasi itong ulam .. grabe!” sagot ni Jahanna.
“oo nga! At caldereta inorder ko.. favorite ko kaya ‘to! Ito nga din ulam ko kagabi eh!..” tuwang-tuwang sagot o.. ^__^
“sina Sean kaya may-ari nito!!...”
Super nasamid ako sa sinabi ni Louis na parang may isang milyong taong nakaalala sakin!!
“mare tubig oh…”
inabutan ako ni Addie ng tubig habang pinipispis ang likod ko..
“BAKIT DI MO SINABI??..” bulong ko ay Louis..
“sus! O.A. mo naman.. hindi naman si Sean ang nagluluto ditto.. kaya wag kang mag-inarte jan…”
“kahit pa.. e bakit di mo sinabi??..”
“ e ang sarap kaya ng foods ditto! Kapag sinabi naming sa’yo.. baka hindi ka sumama!..”
“kaya naman binalak naming sabihin kapag medyo patapos ka ng kumain.. kaibigan mo kaya kami! At ayaw naming magsinungaling sa’yo noh!..” sabi ni jahana..
“Family business nila to mare.. minana pa to ng parents nya sa grandparents nya! ^__^”
“e panu nyu naman nalaman yon???”
“ahem! Ahem!...alam mo kasi…”
Mukhang mahaba nag explanation ni Louis..
“Kahit na paganyan-ganyan yang si Sean.. eh kilala ang pamilya nila ditto.. e pano, mayaman na matatalino pa silang magkakapatid.. Lima silang magkakapatid, three girls ang two boys, bunso si Sean.. at simula sa panganay lahat matatalino!! Lahat ng mga ate at ang kuya nya ay grumaduate ng valedictorian sa school at mga nag=aaral sa mga exclusive university at ang iba naman ay mga professional na.. At eto pa ha?? Ang gaganda ng mga ate nya!! at ang gwapo ng kuya nya.. okay din naman si Sean.. ang kaibahan nga lang sa kanya.. medyo hindi sya conscious sa physical appearance nya…bow! Thank you..”
“hmm.. siguro kaya ganun ‘yon pressured sya nab aka hindi sya mapagaya sa mga ate’t kuya nya.. syempre nakakahiya yun diba??” bigla kong naisip.
“TUMPAK!” – addie
“kaya kahit kaibigan ka naming at mortal enemy mo sya, hindi kami ganoong naiinis sa kanya kasi alam naman naming sitwasyon nya.. tska okay laman sya eh, wala namang pakialam sa mundo yun…” – jahana
“nung wala ka pa, tahimik lang yun at may sariling mundo.. ang yaman diba?? MAY SARILING MUNDO!” –addie
“e naririnig ko nga lang ang boses nun kapag sumasagot sa recitation eh.. hindi pati yun umaattend ng mga party sa school!..” – Louis
“Pero simula nung dumating ka.. narinig na naming syang umimik ng normal at pantao.. yun nga lang, puro kayabangan at pang-aasar! ^_^a..” – addie
“hays kahit pa! kahit na pressured pa sya or whatsoever.. hindi pa rin tamang mang-away at magyabang sya.. kung naging mabait lang sana sya sakin edi sana hindi nya kailangang mag-worry sa rank nya.. e ginalit nya ko eh, basta I’ll do my best! To have no regrets!! ^___^”
“tama na nga yan. Tapusin na natin ‘to at baka ma-late na tayo..” – Louis
“Ang bilis mo kasi kumain Louis para kang eating machine! Katakawan nito!..”—Addie
“tumigil ka nga dyan!...”
Befor kami mag-uwian sa hapon, kinausap ng adviser naming ang buong klase naming..
“okay class.. next week periodical exams na.. kaya galingan nyo ha?? Ngayong weekend wag na masyado mag-facebook at gumimik.. mag-review na lang muna kayo.. gusto ko ng ataas na scores nyo ha>> para masaya tayong lahat at portey-portey tayo!!^___^v..”
“YYYEESSS MMAA’AMM!!” –kaming lahat
Ang cool talaga ng teacher naming.. kapag ako naging teacher naming gusto ko gaya ng adviser naming si Miss Lim, ang cool! Wala masyadong pressure.. peo hindi nawawala ang pagiging strict nya na hindi naman nakka-stress..
*** after examination week, naglabasan na ang mga scores naming.. okay naman ang scores ko.. at nataasan ko si Sean sa English at Science.. kaya medyo pissed sya.. kaya nga lang…
“Casadee and Sean, please come here in front in my table...”
MY OH MY GULAY GOLLY WOW GOSHY BANANA! Bakit kami pinatawag ni Sean ng MATH TEACHER NAMING TERRORISTA!!! Abang papalapit ako sa unahan e super nagwawala na ang puso ko sa sobrang kaba at tumatagktak ang pawis ko na duda ko e isang gallon na!!!... woooohhh!! What’s gonna happen!!!! Uwaaaaaa!!!!! ToT I’m dying inside!!!
“Miss Casadee, dahil hindi mo naiangat ang performance mo sa Math lately, and mababa talaga ang score mo sa periodical exam… I have no choice but to assign a peer tuitor for you…”
Gosh! Yun lang pala!!! Nakahinga naman ako ng maluwag.. So I guess dadalas ang bonding time naming ni Addie ^___^
“at ‘yon ay si Sean…”
Ahhh.. si Sea.. Si Sean…
“P-po???????????” O.O yan ang itsura kong mangingiyak sa sobrang gulat ko sa sinabi ni ma’am.. at napalakas ata.. narinig ko na ang iba kong kaklase na medyo nagbubulungan na sa nrinig nila.. napalingon ako sa mga kaklase ko at napatingin ke Sean na mukhang llaamunin ako sa itsura nyang pang-asar na para bang may actual sungay na talaga sya at kulang na lang e mag evil laugh sya!!!!! THIS IS GONNA BE A RIOT!!
“is there a problem Miss Montez??..”
“p-pero ma’am, diba sabi nyo, si A-addi..”
“no Miss Cassadee, dahil outstanding at pinaka si Sean sa Math class ko, I think sya ang karapat dapat magturo ssa’yo…”
At napalingon ulit ako kay Sean na consistent ang evil look habang nakatingin sakin napangiti-ngiting nakakaloko!!! Napaurong ako.. at halos mahihimatay na ata..
“ma’am , may naghahanap po sa inyo…”
Biglang may umeksenang lalake mula sa labas, estudyante ata ng math teacher namin, dahil ‘don, lumabas si ma’am ng room at eto na.. riot na naman…
“NO! No sean! Don’t look at me like that! Never as in NEVAH! Ako magpapaturo sa’yo.. I can do it myself.. and I don’t need your help!..”
ang mataray at nagmamayabang na eksena ko na sa sobrang panic ng kaluluwa ko e nakalimutan kong nakikinig nga pala ang buong klase…
“oh I don’t think so Cassadee.. I think it’s time for you to raise your white flag and surrender.. because no matter what you do.. I’m still way better than you…”
“HAHAHAH! Ang kapal mo din naman eh noh?? Atska bakit ba asar na asar ka sakin??? At panay ang pang-aaway mo?? E bakla ka ata eh!... “
Ewan ko ba kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.. siguro pikon na talaga ako.. na wala na kong maisip na magandang balik sa mga sinasabi nya.. anyways, dehado naman
talaga ko eh -_-#
“tss.. e bakit ba inis na inis ka sakin Cassadee?? Siguro may crush ka sakin!!..”
\_o.0_/ WHHAAATTTTT!!!!!
AGshjj/l;dknmsv klrgourin,m c.x/,c;’skfoihsdsghdjfkgl;!!!!!!
Parang nasiraan ata ako ng brain cells na halos wala akong masabi sa kanya!!!!!! Ang kapal naman talaga!!! At hindi lang pala mayabang ang lalakeng ‘to.. NAPAKA-FEELER PA!!! at saang part ko naman sya magugustuhan??? E mula ulo mukhang paa sya!!!!
Aawayin ko pa sana ang nagtatawang SEANNERDY NA YON NG…
“Oo nga Cassie.. baka naman CRUSH MO SI SEAN!!!!...” –kantsyaw ng isa kong kaklaseng lalake..
“OO nga..” “oo nga…” “Uyyy.. Crush nya..!!!” ---puro yan ang naririnig ko sa mga kaklase ko habang ang tatlong kaibigan kong si addie, jahanna at Louis ay nakatingin sakin at pakamot-kamot, sinesenyasan ako ni Louis na umupo na…
Pero.. may narinig akong talagang nakapag-papagting sa tenga ko..
“UYYY.. THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!!!!...woohoohoo!!!..” kansyaw ni Norton!! Ang pinakabuwisit at bully kong kaklase!!
o.0# nang marinig ko ‘yon, nag flashback sakin ng sinabi yon ni ate carrie..
THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE…
“THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE pala huh??..” ang imik ng buwisit na pchakang seanerdy na yan!
Susuntukin ko n asana ya ng biglang..
“anong kaguluhan ito?? Miss Casadee and MisterSean, bumalik na kayo sa upuan nyo…”
Dumating na ang WISIT WITCH naming math teacher!!
“let’s talk about this later sweety…” ---sean
At talagang bumanat pa bago kami umupo!!! Bwisit talaga!! Bwisit!!!
******* to be continued******