Chapter 3 ..
Photographer
"I'll fetch you mamayang uwian" sabi ni Rex pagkahatid nya sakin sa harap ng pintuan ng classroom ko sabay bigay sakin ng shoulder bag ko.
Oh di ba parang magboyfriend-girlfriend lang ang peg namin. Haysst! nabubuhay lang ako sa "PARANG" turingan naming dalawa. If I know natural lang kay Rex ang ginagawa nya sakin araw-araw pero for me it is the reason kung bakit lalo ko pa syang minamahal. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko 'pag dumating yung araw na manlalamig kami sa isa't-isa yung iba na ang mga magiging priorities namin. Lalong-lalo na sya dahil after nyang grumaduate e mamanage na nya ang isa mga branches ng company nila.
Wala na kong ibang magagawa dyan is to adjust.
"Okay, thanks" sagot ko.
"Sige na pumasok ka na para makaalis na ko" sabi nya.
Tinanguan ko sya at naglakad na papasok ng classroom ko nang ...
"Rexxxxxxxx!" rinig kong sigaw ng isang boses babae sa kanya sa labas, dahilan para bumalik ako sa paglakad palabas ng classroom ko.
Pagkalabas ko. Hayun! may limang babae na syang kausap.
"Rex can we have a picture with you?" tanong ni . . . ni hindi ko kilala kaya tawagin na lang natin siya ng girl 1 ..
Naririnig ko lang kasi sila mula rito dahil hindi masyadong kalayuan tong kinatatayuan ko kung saan sila nag-uusap.
"Sure why not?" sang-ayon nya sa mga babae. Nagsiapiran naman agad sila at kanya-kanyang nagsilabasan ng mga mamahaling cellphones nila.
"Para san to sa project nyo?" usisa ni Rex sa kanila.
"Ayy hindi Rex, remembrance lang sana namin sayo" paliwanag ni girl 2.
"Remembrance?" kunot-noong tanong nya sa kanila.
"Bakit mamamatay na ba ko?" patuloy nya, seryosong tanong ni Rex sa kanila dahilan para magkatinginan ang limang babae sa isa't-isa akala siguro nila na offend nila si Rex.
Pffff. natatawa na lang ako dito sa kinatatayuan ko.
"Hoy!" gulat sakin ni Meg mula sa likuran sabay tusok ng tagiliran ko.
"Aysst, ano ba Meg" inis na sabi ko.
"Ano yan ha?" tanong nya.
"Ang alin?" kunot-noong tanong ko.
"Pinagnanasahan mo si Rex mula sa malayo noh?" seryosong sabi.
"Ewan ko sayo Meg, pumasok ka na nga lang" inis na sabi ko sa kanya at bahagyang tinulak papasok sa loob ng classroom namin.
Tinawanan lang ako sa bruha, sabay sign sakin ng -I see you- yung dalawang daliri nya nilagay nya sa mata nya at tinuon agad sakin.
"Ewan ko sayo!" natatawang sabi ko.
"Anla, hindi Rex" agad na sagot ni girl 2 sabay siniko sa girl 3.
"Eh kasi di ba, gagraduate ka na thi - -
"Pfff. HAHAHAHAHA! reaction nyo sobrang priceless" natatawang bawi ni Rex sa kanila.
Kaya isa-isa sila nagpakawala ng malaking buntong-hininga sabay tawa.
"Sige na bilisan nyo hinihintay na kasi ako ng mga kaibigan ko sa baba" patuloy nya.
"Si-sige, Pril, ikaw na kumuha ng picture" girl 4
"Anla bakit ako? si Mikee na lang oh total hindi naman yan mahilig sa picture" reklamo ni girl 4.
"Anla, kahit na noh? ibang usapan na yan pag si Rex na" girl 5.
Habang nagtatalunan sila kung sinong magiging photographer nila, napakamot na lang si Rex sa batok nya at sa hindi inaasahang pangyayari napalingon sya sa kinaroroonan ko. Nakatalikod kasi sya mula rito. Ningitian pa ko sa loko.
No! No! No! Rex please lang .
Kilala ko ang ngiting yan Rex. Wag ka lang talagang magkakamali, baka ito na naman ang pag-aawayan natin.
Bago pa mangyari ang bagay na pinakaayaw ko sa lahat hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumasok na ng classroom ko.
"Lex teka lang" sabi nya.
Unfortunately, naabutan nya ko.
"Rex you know I hate it" inis na sabi ko.
Inunahan ko na sya. Alam ko na naman ang dahilan eh kung bakit nya ko tinawag.
"Saglit lang naman to eh, kahit dalawang shots lang" paki-usap nya.
"Kahit isang shot pa yan Rex hindi pa rin ako papayag" tanggi ko.
"Lex"
"Uy kayo!" inis na sabi ko sa mga babae.
"Lex ano ba!" saway sakin ni Rex habang hawak-hawak braso ko.
"Bitawan mo nga ako Rex" inis na bawi ko sa kanya ng braso kong hawak-hawak nya.
"Kung gusto nyong magpapicture magdala kayo ng sariling photographer hindi yung namemerwesyo kayo ng ibang tao" inis na inis na sabi ko sa mga babae.
"Lex ano ba" saway nya ulit sakin at hinala papalayo sa kanila.
"Isa ka pa Rex eh, alam mong A-YAW NA A-YAW kong ginagawa akong photographer di ba, pero heto ikaw pa yung pumipilit sakin!" inis na sigaw ko sa kanya sabay nagwalk-out na sa harap nya at tuluyan na akong pumasok sa classroom ko.
REX POV
"Rex" tawag attention ni David sakin sabay bigay sakin ng raft draft ng isang part ng thesis namin. Kinuha ko naman agad to sa kanya.
"Hulaan namin" panimula ni Mike.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"Galit sayo si Hera" sabay nilang sabing lima na may now I know na hand sign.
"Hindi" agad na sagot ko sa kanila at binasa na ang raft draft na binigay sakin ni David. Chenicheck ko kasi kung talagang tugma ba yung content ng mga sinusulat nya sa topic namin.
"Dahil pinilit mo syang maging photographer nyo sa mga fans club mo" bulong sakin ni Mike kaya seryoso akong napatingin sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan!"
"Kung kilalang-kilala mo si Hera, Rex, kilala rin kita yun nga lang kilala pa hindi pa kilalang-kilala" - Mike.
"Pinagloloko mo ba ba ako Mike, kung oo pwede bang umalis ka sa harapan ko baka kasi hindi ako makapagpigil mabangasan ko yang pagmumukha mo" banta ko sa kanya.
"Yan!" reaksyon ni Mike sa sinabi ko.
"Nagkakaganyan ka lang naman eh, pag nag-aaway kayo ni Hera" patuloy nya habang lumalayo sakin.
With that I was caught of guard.
Tinignan ko lang sya .
"Gaya ng sabi ko sayo kanina, kilala na kita Rex" paliwanag nya.
Pagkatapos ng usapan namin ni Mike, hindi na kami nag-usap ulit kasi bumalik na kaming lahat sa paggawa ng mga designated assigned part namin sa paggawa ng thesis.
Panay tingin ko sa wristwatch ko, malapit na kasi uwian nina Lex kailangan ko pa syang sunduin sa campus. Pagkapatak ng 4:00 pm sa orasan ko, hindi na ako nagdalawang isip pa na tumayo sa couch nina Mike at naglakad na papalabas ng bahay.
"Oh, san ka na naman pupunta Rex?" tanong ni Kevin.
"Tinanatanong pa ba yan Kevs? edi kay Hera" sagot sa kanya ni Fred.
"Rex" tawag sakin ni Mike pero hindi ko 'to pinansin.
Nagmamadali na kasi ako I need to be in the campus bago sila mag-uwian baka kasi mauna na yun umuwi.
"Rex teka lang sag - -
*ding dong*
At nagawa pa talagang magpapunta ng bisita ni Mike sa bahay nila sa mga oras na to ah. Oras ng pagiging abala sa paggawa ng thesis.
Pagkapihit ko ng doorknob napatigil ako.
"Hey" nakangiting bati nya sakin.
"Hera, halika pasok" paanyaya sa kanya ni Mike at sinara ang pinto ng makapasok na sya.
"Salamat" sagot nya kay Mike at na una nang naglakad papuntang living room.
Nakasunod lang kami ni Mike sa likuran ni Lex.
"Sasabihin ko sana sayo kanina na pupunta sya" sabi ni Mike sakin.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Ewan, malay ko nagulat nga ako ng tinawagan nya ako kanina eh" sagot ni Mike.
"Tara sa kanila" patuloy nya sabay tapik sa balikat ko.
"Hooo! yun oh" masayang sabi ng mga kaibigan ko nang mailapag ni Lex ang binili nyang fries at floats at kanya-kanya nang nagkukuhanan. Dalawang uri ng flavor ng floats ang binili nya ang banana flavor at coke.
"Parang alam ko na kung bakit Rex" seryosong sabi ni Mike sabay lapit sa mesa para makakuha na ng makakain.
Buti pa sya alam nya ang dahilan samantalang ako yung bestfriend hindi ko man lang mawari kung anong dahilan kung bakit naparito si Lex.
Pag ganito kasing busy o kasama ko mga kaibigan ko hindi nya ugaling yung manggegate crash yung kusa na lang dadating nang walang pasabi lalong-lalo na sakin. Maliban na lang siguro pag sinabihan ko syang pumunta o kasama nya ko.
"Hmmp!" gigil na sabi ni Lex kay Kevin sabay hampas neto bahagya sa kamay nya.
"Bakit?" - Kevin.
"Off-limits yan reserve for the mag bestfriends, di ba Hera? - Earl
"Yeah right"
Balak kasing kuhanin ni Kevin yung isang coke float, eh sa pagkakaalam ko ang dalawang coke float na binili ni Lex ay exclusive lang para saming dalawa. Pareho kasi naming paborito ang coke float at fries.
Ang swerte lang ng mga kaibigan ko pag kasama ko sila dahil nadadali sila sa grasya.Ayaw kasi ni Lex kumain na hindi din kumain ang iba o walang kinakain ang ibang kasama namin kailangan meron din sila kaya binibilhin nya rin to. Sinasaway ko nga sya eh, dahil nagsasayang lang syang ng pera tsaka kaya naman nilang bumili ng kanila total mayayaman din naman mga kaibigan namin, afford na afford lang nilang bumili, pero ayaw ni Lex nang ganong pag-iisip dahil para sa kanya always share you blessings daw kahit kanino mayaman pa yan.
"Ang daya naman eh, hindi ako umiinom ng banana flavor float" reklamo ni Kevin.
"Edi bumili ka nang coke float, problema ba yun" - Mike.
"Pakana mo to Mike eh" - Kevin
"Anla bakit ako?" natatawang tanong ni Mike.
"Kasi alam mong hindi ako umiinom ng banana float, sinasadya mo eh para maging iyo yung parte ko" - Kevin
"La. La. kung magkapagbintang to oh" - Mike
Habang nakikinig kami sa sagutan ng dalawa, nagkatinginan kami ni Lex ningitian nya ko . Isang ngiti na parang walang nangyari kaninang umaga kaya ningitian ko rin sya.
It means okay na kami, hindi na sya galit sakin. Isa kasi sa mga ugali ni Lex ay hindi marunong magtaning ng galit. Yung tipong kunwari nagalit sya sayo sa mga oras na 'to pagkalipas ng ilang minuto nyan nahihimas-masan na yan.
"Akin na lang 'to Kevs ah, total hindi mo naman pala gusto ang ba - -
"Bumili ka ng iyo uy!" sabi ni Kevin sabay layo nya kay Mike ang isang banana float.
"Aysst, sayo na lang 'to Kevin oh" alok ni Lex ng isang coke float.
"Salam - -
*poink*
"Aray Rex!" reklamo nya.
Binatukan ko. Gago kasi pa chosy pa.
"Anong salamat ha, hindi ka na nahiya ikaw pa nga 'tong binilhan ikaw pa tong chos - -
"Eh? okay lang Rex, samahan mo na lang ako bibili na lang ako ulit ng akin" sabi ni Lex sakin at tumayo na sa pagkaupo sa couch.
"Pa-pano to?" tanong ni Kevin sa mga hindi nagalaw na fries at float. Dapat parte yun naming dalawa ni Lex.
"Sa inyo na yan" - Lex
"Hihiramin ko lang muna si Rex sa inyo guys ah, ibabalik ko naman sya agad eh" paalam nya.
"Walang problema, salamat sa pa merienda Hera ah, sa uulitin" sabay nilang sabi except kay Kevin kasi busy sa kakain.
"HAHAHAHA, uu ba 'pag may time" sagot nya sa kanila at tuluyan na kong hinila papalabas ng bahay nina Mike.
Nasa parking lot na kami nang ..
"Teka lang Rex" sabi nya
"Bakit?"
"May nakalimutan ako"
"Mamaya na yan, babalik naman tayo dito pagkatapos nating bumili" sabi ko.
"Eh? gusto ko ngayon na eh" pagpupumilit nya habang hila-hila ako papablik sa loob ng bahay nina Mike.
"Aysst, gaano ba ka importante yan ha at talagang hindi pwede ipagpaliban?"
"Basta"
. . .
"1,2, 3"
*click*
"Yan!"
"Isa pa wacky naman" suggest nya.
Si Lex yan madlang pepz, akala ko kung anong nakalimutan nya yun pala GROUFIE lang pala. Isang malaking vain rin kasi tong magandang babaeng to eh. Sya yung taong ayaw na ayaw ginagawang photographer pero she herself sobrang hilig ng pictures.
"1, 2, 3"
*click*
"Yan!"
"Thankyou guys, pakitingin na lang sa instagram ko e a-upload ko na to now na" sabi nya.
"Sige guys ah, sigurado na 'to aalis na talaga kami" natatawang paalam nya.
"Ayy wait last na 'to wag kalimutang mag-like guys ah"
Pagkasabi nya non, hinila ko na agad sya papalabas pakiramdam ko kasi magdidilim na hindi pa rin kami nakakaalis ng bahay nina Mike dahil sa pagiging vain ng babaeng 'to. Grabi kasing pagkaimpluwensya ng media sa bestfriend kong 'to. Hinayaan ko na lang alam ko kasing ikakasaya nya to eh, kung saan sya masaya don ako. Isa lang naman ang gusto nya na hindi ko sinusuportahan eh, yun yung pagkahilig nya sa kanta. Kung bakit? malalaman nyo rin sa takdang panahon.
- - -
Salamat po sa pagbasa :D
Comment and Vote naman po kayo para maganahan akong mag update .
Sorry po sa mga typos ah, tinatamad na kasing e check ulit eh.
Looking forward for comments and votes :D