(Author's POV)
"MISTOGAN!, BAKIT KA NARIRITO!" sigaw ng isang lalaki sa may labas ng pintuan ng bahay na kinaroroonan ni Dustin,,
"Nandito ang mortal hindi ba?" nanunuyang sabi ng di pamilyar na boses
halos madilim pa lang, at wala pang sinag ng araw ang lumulusot sa bawat puwang ng bahay,
"anong pinagsasabi mo!, w-wala dito ang mortal!" galit na sabi ng boses ng lalaki na alam kong si manong,,
"fui kratos" at may kumislap na liwanag na tumagos sa bawat gilid ng pinto,
napabangon si Dustin sa kinahihigaan nya..
anong nangyayari sa labas?, tanong nya sa sarili,
madilim sa loob ng bahay nila, walang nakasinding ilaw,
naghanap sya ng pwedeng pagtaguan, at ng makakita sya pilit nyang pinagkasya ang sarili nya sa ilalim ng mesa at nakakuha sya sa gilid nya ng isang kahoy na pwedeng ipang hampas
pagkatapos noon ay tumahimik,,
maya-maya pa may mga yabag na ng paang papalapit,
napalagok naman sya ng dahil sa kaba
nagbukas ang pinto,
sinilip ni Dustin kung sino ang pumasok
at kahit may kadiliman, nakita nya ang taong kinatatakutan nya
si Mistogan
ang taong dumukot kay Elysse,
isang kumpas ng kamay nito ay nagawa nyang mapatalsik ang lamesang tinataguan ni Dustin
tumayo agad si Dustin at hinampas sa ulo si Mistogan
at agad itong tumakbo palabas ng bahay
sa labas nakita ni Dustin ang mga kawawang matanda na naging bato
si manong mukhang ng tangka pang lumaban
malapit ito sa may pinto
at sa di kalayuan
si manang Frisea naman
nakaupo ito na parang namimitas ata ng gulay ngunit ang ulo nito ay nakaharap paitaas, mukang nilingon nya ung lumapit sa kanya
tatakbo pa sana si Dustin ng malayo, hanggang sa pinakamalayo sanang kaya nyang takbuhin
pero bigla na lang tumigil ang mga paa nya
at ilang segundo pa, di narin makagalaw ang katawan nito
at wala na syang nagawa, nahuli na sya ni Mistogan
--------------------------------------------------
(Elysse POV)
naglalakad ako ngayon patungo sa silid ng ritwal, kasama yung mga bodyguard dito sa palasyo,
maybe they want to try to pursue me again
well wala silang mapapala
as usual,
ako ay ako, at ayaw na ayaw kong maging iba sa sarili ko
pag bukas ng pinto
sumalubong ang mukha ng nakaupong hari sa trono nya, malapit sa ritual circle,
nakangiti ito ng mapang asar,
sarap ipalapa sa aso, kakainis, inirapan ko ito at sumunod sa kawal kung saan man nila ako ipupwesto,
sa gitna ng ritual circle lumabas ulit yung upuan, at doon ako pinaupo
nung nandon na ko, tinignan ko yung hari
di parin nawawala ang ngiti nya
as if namang mapapapayag nya ko no!
"Princess Elysse" sabi nya sabay tayo at nag lakad paikot kung saan ako nakaupo
"pumayag ka na, kailangan ka ng palasyo" nasa harap ko na sya at hinawakan nya ang magkabila kong balikat
"di ba kayo nakakaintindi!, I said no!, kahit anong gawin nyo di ko gagawin kung ano man ang gusto nyo!"
pwersahan kong tinanggal yung kamay nya sa balikat ko at nagawa ko naman
pero nalito ako sa expression nya, dapat eh nakasimangot na sya, pero nakangiti parin sya at naglakad ulit papunta sa may likuran ko
"talaga?, di mo gagawin!, kahit ang kapalit ay...." iniikot nya ang upuan ko at ihinarap ako sa isa sa pintong nakabukas,, maya-maya pa lumabas ang yung si Mistogan at may bitbit itong---".. ay buhay nya?"
nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko
feeling ko tumakas na lahat ng dugo sa muka ko pagkakita ko pa lang sa sugatang muka ni "Dustin"...
napahawak ang dalawang kamay ko sa bibig ko na nakanganga sa sobrang gulat
pano nangyaring nandito sya?,
bakit sya pa?,,,
"HAHAHAHAHA" malakas na tawa ng hari habang lumalapit kay Dustin
"bakit prinsesa,kilala mo ba ang mortal na ito?, may pangungutya sa tono nya,
gusto kong tumayo pero di ko maigalaw ang mga paa ko?,
dahil sa spell
hindi, dahil sa takot,,
hinawakan ng hari yung sa may bandang baba ni Dustin at iniangat nya ito,
"hindi mo kilala?", tanong ulit nya ng di ako sumagot sa una nyang sagot..
anu nang gagawin ko,,,
YANA! TULUNGAN MO AKO,,,,
gusto kong sumigaw pero hanggang sa isip ko na lang magagawa,
pakiramdam ko kinakapos na sa oxygen ang utak ko
di ako makapag isip
halos di ako makahinga,
pero ayaw kong mawalan ng malay
ayokong pag mulat ko
wala na ang kaisa-isang taong laging nandyan sa tabi ko
ang taong mahalaga para sakin
"kung gayong, di mo sya kilala, mabuting patayin ko na sya"
isang kulay violet na liwanag na naghugis na matulis na bagay na anytime lalaslas sa leeg ni Dustin
"WAG!" malakas na sigaw ang pinakawalan ko,
"wag, please! wag!" naiyak na ko, dahan dahan nang nababasa ng luha ko ang pisngi ko
"anong sinabi mo prinsesa?, wag?" umalis sa tabi nila Mistogan ang hari at tumayo ito malapit sakin
"please, kunin nyo na lahat wag lang ang buhay nya" at habang sinasabi ko yon, namalayan kong kumilos ang katawan ko, paalis ng silya, hindi para tumakas
kundi para lumuhod sa harap nya at magmakaawa, tuloy parin ako sa pag-iyak, humahagulgol na ko sa pagiyak habang nakatungo at nagmamakaawa, hawak ng paa ng hari,
"kahit ano?,," tanong ulit ng hari
"oo kahit ano, please!" sabi ko sa pagitan ng pag-iyak ko
"pumayag kang, makipag isa sa Dark night spirit, at pakakawalan ko ang kaibigan mo,---- ng buhay"
iniangat ko ang ulo ko at nilingon ang muka ng hari,
at lumingon din sa hanggang ngayo'y wala paring malay na si Dustin,,,
"tutupad kayo sa pangako, mabubuhay sya" di parin ako tumatayo
tango lang ang naging sagot ng hari,
at sa isang kumpas lang ng kamay nito
lumutang ako sa ere at muling napaupo sa upuan sa loob ng ritual circle
"Elysse----wag"
napalingon ako sa kinaroroonan ni Dustin, kahit na mahina ang boses nya,
narinig ko parin iyon
I'm sorry Dustin sa isip ko
at ipinaling ko ulit ang paningin ko sa hari
pinahinahon ko ang pag iyak ko,
kailangan ko tong gawin
para sayo Dustin
" paano ko matitiyak ang kaligtasan nya!",
maautoridad na sabi ko
"may isa akong salita Prinsesa!"
tinitigan ko ang mga mata nya,
at muka namang nagsasabi sya ng totoo
"sige!, pumapayag na ko"
habang sinasabi ko yon, nakatingin ako kay Dustin at sa huling pagkakataon, nagtitigan kami ng mata sa mata,
alam ko ang ibig sabihin ng tingin nyang yon,
mas gugustuhin nyang sya na lang ang mapahamak at wag lang ako
pero he did too much for me, at ayokong mawala sya ng ganun na lang
kaya ngayong sya naman ang nangangailangan,
ako naman ang magbibigay...
ng mailabas na sa silid si Dustin,
pumwesto na ang lahat
pero bago iyon,
may binanggit ang hari na di ko inaasahang gagawin nya
" memoria extermina "
nagulat na lang ako ng kinumpas nya ang kamay nya, at ibinigay ang spell sakin
nagliwanag ang paligid ko
at tanging ang sarili ko lang ang nakikita ko
pati ang puting paligid
sa harapan ko
isa-isang naglalabasan ang mga ala-ala ko simula nung bata pa ako
ang mga kinalakhan kong magulang
ang mga nakaaway ko nung bata pa ko
ang paborito kong damit
pagkain
ang hobbies ko
si Yana
si Brylle
at si--
Dustin
lahat ng ala-ala namin ni Dustin na magkasama
nagkukulitan,
nag aasaran
nagkakatampuhan
lahat ng tungkol samin
and there's deep inside me na unti- unting lumilinaw,
i love him, as a friend?
no!,
I love him more than-
just a friend
after kong marealize yon
lahat ng ala-ala ko, ay nag form na bilog
at ilang saglit pa
bigla na lang
nawala....
nagdilim ang paligid ko,,
puro itim na lang ang nakikita ko,
ako,
ako si...
sino nga ba ako?,
tanong ko sa sarili ko
pagkatapos non
di ko na alam ang nangyari....
-------------------------------------------------------
(Author's POV)
nang sinabi ni Haring Nirviano ang salitang
"memoria extermina"
napatulala si Elysse at unti-unti
may namuong gintong liwanag sa may gitna ng noo nya
lumaki ito ng lumaki,
at di man lang gumagalaw si Elysse
di nag tagal huminto ng ang paglaki nito
sinlaki ito ng bola ng Tennis
kinumpas ng hari ang kanyang kamay at lumipad ang gintong bola papunta sa kanya
"magaling" sabi nito na abot hanggang tenga ang ngiti
sumenyas ang isang kamay nito habang ang isa ay nakahawak sa gintong bola
lumapit ang alipin nya at may inabot na isang kwintas na nasa maliit na cushion,
kinuha ito ng hari at inilapit sa gintong bola
hinigop ng crystal na ito ang gintong bola
at maya-maya pa, nagningning ng matingkad na ginto ang kwintas at dahandahan din nawala ang liwanag,
ibinigay na muli ng hari ang kwintas at ipinatago ito sa loob ng isang sagradong silid,
at pagkatapos noon
sinimulan na nila ang ritual
habang si Elysse ay nakatingin lang sa kawalan,,
blanko at walang expression ang muka
-----------------------------------------------------------
"ano nang gagawin natin sa isang to?"
tanong ng isang kawal
"edi iwanan na lang natin sa Atrum Forest, siguradong di magtatagal at kakainin din naman yan ng warg"
"sabagay tama ka dyan-- saksakan na sya ng swerte kapag nakaligtas pa sya,, lalo na't ganito na duguan sya, mabilis syang mahahanap ng warg"
"tayo na nga" sabi ng isa pang kawal
at tinahak na nila ang daan papunta sa Atrum forest
samantala, walang kamalay-malay ang nakakaawang si Dustin na malapit na syang mawala ng tuluyan sa mundo
-----------------------------------------------------------------
ayun nakapag U.D din, ginagawa ko din kasi yung isa kong story,
anyway,,, ayan na nga po
anu kayang mangyayari
naging magulo na lahat
pano na si Elysse, wala manlang syang kalaban-laban
nakakainis na Hari yan, naturingan pa man ding ama ni Elysse wala man lang awa,
at si Dustin
kung nung una nakaligtas sya pano na ngayon
somebody help him please
naging bato na sila manong
at si manang Frisea,
bakit nga ba kilala nila si Mistogan
at anu bang alam nila
hmmmmmmmm
at saka nga pala, sayang sa June 3 na ang deadline ng Fanfic contest ng W.T. mukang di na ko makakaabot, late ko na nabasa,
hay sayang gusto ko pa naman tong isali,
sayang talaga,
pero nga pala, malapit na ulit maging active si Miss Aegyo sa Watty, happy ako may W.T original na ulit yahooooo!!!
sa susunod ulit ha:-)