L.A SIDE STORY #1: THIS FOOL

By asrah028

260K 6.3K 937

When mea's mom died when she was 5 years old, hindi na ito kinausap ng kanyan ama. They even consider her as... More

LABYRINTH ACADEMY : THIS FOOL
CHAPTER ONE
CHAPTER 2: THE TRANSFER STUDENT
CHAPTER 3
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7: WHAT MAKES YOU DIFFERENT
CHAPTER 8: LUCKY GIRL
CHAPTER 9: ANG MGA SIDE KICKS NI MEA
CHAPTER 10:BIRTHDAY
CHAPTER 11: SO SLOW
CHAPTER 13: Wherever you are
CHAPTER 14:
L.A SIDE STORY#1: FINALE

CHAPTER 12:SKIP TO THE GOOD PART

10.9K 340 30
By asrah028

VOTE kung sa tingin niyong deserve, at comment kung may reaction :))

Enjoy Reading Guys! 3 chapters nalang at matatapos na 'to. :))

CHAPTER 12:SKIP TO THE GOOD PART

MEA

Pagkamulat na pagkamulat ko sa mata ko, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kahapon. Kase nung isang araw abot kamay ko lang siya, pero ngayon? Heto na siya nasa tabi ko.

Pero hindi kami tabing natulog, dahil ayaw ni ate Makenzi. May tamang panahon daw para dun, huwag daw kaming atat.

''Good Morning.''mula sa pagkaka higa, napa upo ako bigla.

''Ang aga mo atang..'' hinawakan niya ako sa kamay.

''Mamaya kana mag toothbrush, breakfast is ready.'' tinignan ko yung alarm clock na binigay ni  ate Makenzi, at kung hindi ako nag kakamali. 5:30am pa lang ng umaga.

''Te.. Teka..''

''Ano?'' inayos ko yung buhok..

''Mukha akong bruha e.''

''You're still beautiful Mea. Tara?'' naramdaman kong nag init nanaman yung mukha ko.  ''Mamaya kana mag blush, nasa stage 1 palang tayo.'' sabay kiss nito sa kamay ko sinabayan niya pa ng wink..

Pagkababa namin ng kwarto, bumungad sina Twaylem at Donald sa may kusina at kumakain na. May suot silang  apron.

''Saglit nga! Akala ko bang umalis na kayo?!'' naiinis na sabi ni Darth. Halos ipag tabuyan niya pa ang mga ito.  Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito sila ng ganito ka aga..

''Siyempre normal na tao lang kame, nagugutom. Tsaka ang dami neto, huwag niyong sasabihin kayong dalawa lang ang kakain? Hoy Mea! Halika na dito at kumain kana.''

''Teka nga, anong ginagawa niyo dito ng ganito ka aga?'' tumigil si Donald sa pagkain ng hotdog at humarap sa akin.

''Malaki ang kontribusyon namin sa breakfast date niyo ni Darth.'' Lumingon ako kay Darth, naka tingin lang ito kung saan. Pero naka kunot parin ang noo nito. Pero nahuhuli ko itong pasimpleng tumitingin sa akin.

''Gumising kami ng 4 ng madaling araw para lang mag luto'' mataray na sabi ni Twaylem. Sabay kuha nung toasted bread at linagyan niya ito ng Strawberry Jam.

''Fifi pwedeng huwag ilusyunada? Hindi ka naman nag luto e! Nag utos ka lang!'' flinip ni Donald yung imaginary long hair niya at pinaag taasan pa ito ng kilay.

''Panira ka ng diskarte e!'' pero alam ko naman na hindi talaga marunong mag luto si Twaylem. Alam niyo naman din siguro kung bakit at paano diba?

''Shhh!! Tumigil na nga kayo, Mea maupo kana.'' binitawan ni Darth yung pag kakahawak niya sa kamay ko. Dumeretso ito sa upuan, at kumain na din. Samantalang si Twaylem at Donald nag sesenyasan at pangiti-ngiti na parang tanga.

''Prinsesa Mea, ano pang tinutunga-nga mo diyan? Mag laps kana.'' lumapit na ako sa mesa, pero nung uupo sana ako dun sa tabi ni Twaylem.

''Opps, sorry may naka upo.'' kumunot yung noo ko. E kami lang naman yung nandun. Lumingon ako sa paligi para tignan kung nasaan pa yung iba, baka mamaya kase nandito silang lahat.

Pero wala naman.

''Sino?'' inosenteng tanong ko naman sakanya.

''Yung Bag ko. Bakit hindi ka maupo sa tabi ni Darth??'' sabay grin nilang dalawa ni Donald. Liningon ko si Darth, hindi ito kumikibo at kumakain lang ng breakfast.

''Ahh e..'' sumesenyas si Twaylem na umupo daw ako sa tabi ni Darth. Kinakabahan na nga ako't lahat lahat, hindi pa rin nila maramdaman yun.

''Halika na dito.. Me...a'' mahinahong sabi ni Darth habang inaatras niya yung upuan sa tabi niya. Si Donald naman pasimple akong kinukurot sa tagiliran.

Tahimik lang akong lumapit at umupo sa tabi ni Darth. Hindi ako kumikibo dahil, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayare sa buhay ko.

Naiilang, oo. Pero kung anong kinawalang hiya ko date yun naman yung kina tameme ko ngayon.

''Ano yan? Bakit hindi kayo nag kikibuan? Huwag niyong sabihing nahihiya pa kayo sa isa't isa?'' panunukso ni Twaylem. Nakayuko lang ako at hindi kumikibo.

''Pero ang tanong kayo na nga ba talaga??''

Halos masamid kaming dalawa ni Darth ng biglang sabihin yun ni Donald.

''Ahh! K, lam na.'' sabay high five nilang dalawa ni Twaylem.

Liningon ko lang si Darth, napansin kong medyo naka ngiti ito. Pero hindi niya pinapahalata.

---

Dumating kami sa school na magka hawak kamay, nakayuko akong nag lalakad habang siya naman naka chin up at proud na proud na hawak hawaka niya ang kamay ko.

''Mag kita nalang tayo mamaya, hintayin mo ako. Sabay tayong uuwi.''

''Sige..'' tipid na sagot ko.

''Pumasok kana sa classroom niyo.'' tumango lang ako at pumasok na sa classroom.

Pagkaupong pagka-upo ko, naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Sly pala.

''Hello?''

''Bakit napatawag ka??''

''Nasa may school garden, nasaan ka? Usap tayo.''

''Nasa classroom na ako. Hintayin mo ako at pupuntahan kita diyan..''

Ano kayang pag uusapan naming dalawa?? Hmmm...

---

DARTH

Kapapasok ko palang sa classroom, galing pa kase akong gym sinundo ko yung tatlo. Biglang dumating si Twayalem, ano nanaman kayang kailangan niya??

''Darth may sasabihin ako.'' siryosong sabi sa akin ni Twaylem.

''Pero penge munang 20.'' sabay palad ni Twaylem sa akin.

''Ang dugas dugas mo talaga!''

''Ano? Mag bibigay ka ba ng lagay o huwag ko nalang sabihin sayo yung nakalap kong impormasyon tungkol kay Mea?'' automatic na kinuha ko yung wallet ko at nag labas ng 20 pesos.

''Pero bago ang lahat, binabalaan kita. Na 20 pesos per word.'' sabay grin nito. Maduga talaga 'tong babaeng to. Kahit kailan hindi mo basta basta mapapakwento si Twaylem. Laging may lagay.

''Sige, sabihin mo na.''

''Kase nakita ko si Sly. Hinaharot niya si Mea, parang liniligawan niya si Mea. Diba kayo? Kaya kung hindi ka mag mamadali diyan, baka breakan kana ni Mea mamaya. Ang sama sama paman din ng ugali mo.'' aba talagang!

''Kaibigan ba talaga kita? Bakit ganyan ka sa akin? Akala ko ba best friends tayo?''

''Excuse me, wala akong best friend na jejemon.'' babangasin ko na sana siya, pero ng inirapan niya na akO.

''Yun lang.'' sabay talikod nito sa akin at nag lakad papalayo na para bang model ito.

Anak nang butterfly!! Bakit pag siya yung kaharap ko umaatras dila ko?! Aissst!

Linapitan ako nina Kay,Friso at Shin para maki usyoso. Pero hindi ko sila pinansin at dire-diretso akong lumabas ng classroom.  Sumunod lang sila sa akin, nagtungo ako dun sa Garden malapit sa cafeteria dahil dun daw sila nag uusap ng masinsinan.

''Totoo ba yung sinabi nila? Na sinagot mo na daw si Darth?'' mula sa di kalayuan dinig na dinig ko yung boses ni Sly. Nag form ng fist yung kamay ko.

''Ano bosing? Bibigyan ko na ng isang matindi yang Sly na yan?'' tanong sa akin ni Kay.

''Oo nga! Gugulpihin namin yan mamaya.'' saad pa ni Friso. Si Shin naman nakatayo lang sa isang tabi tahimik at nag mamasid-masid. Pero nakaka sigurado ako na may iniisip itong plano.

''Huwag na kayong sumawsaw pa. Kaya ko 'to. Anong tingin niyo sa akin? Bata?! Tss, kaya ko to. Huwag kayong make alam.'' tinanggal ko yung pag kaka bitones ng polo ko. Dahil nakaka sigurado ako na mag bubugbugan kaming dalawa.

Pumasok ako sa school garden, natigilan si Sly sa pag sasalita.

''May problema ba?'' maangas na tanong ko sakanila. Hawak hawak ni Sly yung kamay ni Mea.

''Pwedeng kausapin si Mea.. Pero..'' itinuro ko yung kamay niya.

''Yan pare, labag sa rules yan.'' sabay tanggal ko sa pag kakahawak niya sa kamay ni Mea.

''Huwag mong hawakan yung mga bagay na pag mamay-ari ko na. Ang akin ay akin.'' hinatak ko si Mea papunta sa akin.

''Wala akong balak makipag basag ulo sayo Darth.''

''Ganun naman pala, edi layuan mo yung girlfriend ko para wala tayong pinag tatalunan.'' siryosong sabi ko sakanya. Pero siryoso din  yung itsura niya na para bang nag hahamok.

''Hindi yun ang punto ko.'' lumapit ito sa akin at kwinelyuhan ako.

''Hindi ibig sabihin na ikaw ang na una, iyo na. Pwedeng mag bago ang lahat, tandaan mo yan. Darth Mcdowel.''

''Te..Teka nga! Huwag nga kayong mag away sa harapan ko. Sly kalma: Darth kalma. Pag ako nainis sa inyong dalawa, hindi ko na kayo kakausapin.'' natigil lang kami nang sabihin yun ni Mea. Pero atat na atat na akong sipain yung pagmumukang yun!

Tahimik kaming lumabas ng School Garden, hindi umiimik si Mea. Tila ba galit ito sa ginawa ko.

''Saglit nga! Huwag mong sabihing galit ka?'' hinawakan ko ito sa braso pero tinanggal niya lang yung pagakakahawak ko.

''Hindi ako galit, hindi ko lang maintindihan bakit kailangan mong makipag away sakanya.'' mahinahong sabi niya sa akin.

''Tss, may gusto siya sayo Mea. Hindi mo ba nararamdaman yun? Ginagawa ko lang yung part ko bilang boyfriend mo. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, liligawan ka nun!''

''Anong tingin mo sa akin? Sasagutin ko siya? Ipag papalit kita? Kaya nga ikaw yung sinagot ko diba? Kase ikaw yung gusto ko. Wala ka bang tiwala sa girlfriend mo?'' parang nasampal ako ng sabihin niya sa akin yun.

''Hindi naman sa wala akong tiwala sayo. Ayoko lang na mawala ka nanaman sa buhay ko. Ang tagal kitang hinintay Mea..'' napa buntong hininga ito at napa iling.

''Bakit nung crush pa lang kita masaya, pero bakit ngayong naging tayo na.. Para bang hindi na ganun kasaya.'' sabay lakad nito papalayo sa akin.

Nasa stage 1 palang kami nag aaway na agad kami. Wala namang masama na bantayan ko siya, lalo na dun sa taong may intensyon din sakanya.

''Nakaka-asar! D@mn it!!''

''Mukhang may problema?'' liningon ko kung sino yung nag salita, Si Tao pala.

''Tara sumama ka sa akin at pag uusapan natin yan.'' nag dadalawang isip akong sumama dito baka mamaya bugbugin nila ako.

''Hoy Yoshida! Akala ko ba..'' natigilan si Twaylem ng makita niya ako.

''Gummy Bear, pwede bang sa susunod na tayo mag date? May pag uusapan lang kami ni Darth.'' nag pamewang si Twaylem.

''At bakit i-mo-move? Huwag mong sabihing kinukunsinti ka niyan na bumalik dun sa Sue-song yun!?'' mainis na sa sabi ni Twaylem samantalang si Tao naka ngiti lang.

''Hindi, may pag uusapan lang kami tungkol kay Mea.'' tumakbo ito papunta sa amain. ''Hoy Darth, anong nanagyare sa inyo??''

''Ikaw Twaylem tatanungin kita, anong madalas ginagawa mo sa akin?''

''Binabatukan? Sinasapok sapok? Inaaway? Marami pang iba. Bakit mo natanong?''

''Kailangan ni Darth ng kausap ngayon, kailangan din ni Mea. Kaya puntahan mo siya at kausapin.'' mahinahon sabi ni Tao kay Twaylem.

''Okay, pero binabalaan kita Yoshida sa oras na malaman laman ko na pinag tataksilan mo ako hahagisan kita ng labentador sa mukha! Naiintindihan mo??''

''Opo.'' pagkatapos nun umalis na si Twaylem. Umalis na rin kami ni Tao at nagtungo kami sa bahay nila.

Kumuha ito ng soda at ibinigay sa akin.

''Mag kwento kana.''

''Alam mo Tol? Nakakailang mag kwento. Parang ang bading'' nag shrug lang ito at umupo.

''Pero ganun pa man, hindi ko lang siya maintindihan. Hindi ba dapat natutuwa siya dahil nag seselos ako? Kase patunay lang yun na, mahal ko siya. Tsaka halata naman kay Sly na gusto niya si Mea.''

''Pero hindi mo siya binigyan ng chance magpaliwanag. Siguro naman hindi gagawin yun ni Mea sayo.''

''Kahit na! Wala pa rin akong tiwala dun sa Sly na yun!''

''Siguro kay Sly wala kang tiwala, pero dapat kay Mea tiwala ka.'' naapabuntong hininga ako ng sabihin ni Tao yun. Hindi nalang ako kumibo pa. Dahil tama naman si Tao.

''Kase alam mo? Kung lagi kang mag dududa, masasakal at masasakal si Mea. Kaya dapat bago ka magalit sakanya, alamin mo muna yung puno't dulo.''

''Dahil tulad mo, pinapahalagahan din ni Sly si Mea. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, aaligid at aaligid yun. Ganyan naman talaga sa aisang relasyon, kung walang papatol walang break up na mang yayare. Tsaka hindi naman ganun yung pag kakakilala ko kay Mea, maaring isip bata siya, pero marunong din naman yung maneryoso.''  tumayo na ako sa kinauupuan ko at nag paalam na kay Tao.

Kailangan kong humingi ng sorry kay Mea. Mahirap na baka iwanan niya ako dahil sa sobrang pag hihigpit ko sakanya.

---

MEA

Nasa bahay na ako nina Darth, 7:30pm na at wala pa siya. Katatapos lang naming mag dinner ni ate Makenzi. Pagkatapos naming kumain, lumabasa ako at naupo dun sa swing.

''Mea, pumasok kana sa loob.'' sabi ni Ate Makenzi.

''E ate hihintayin ko nalang po si..'' hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng hilain niya yung kamay ko.

''Nako Mea, Uuwi din yang si Darth. Baka may gig kaya baka mamaya pa uuwi yun. Tsaka malamok sa labas, umakyat na tayo. Okay?'' wala na akong nagawa at tumango nalang.

Pumunta na ako sa Kwarto ko, pinaayos kase ni ate Makenzi yung isang kwarto. Doon daw ako para makapag pahinga ng maayos.  Pag higa ko sa bed tinignan ko yung phone ko. Pero wala pa ring text na nang gagaling sakanya.

''Nasaan kana ba?'' tumayo ako at umupo dun sa upuan malapit sa study table ko. Hanggang sa bumukas yung pinto.

Hindi ko pinansin dahil naka tingin ako sa labas. Nung liningon ko kung sino, si Darth na pala.

''Bakit ngayon ka lang? Saan ka ga---'' natigilan ako sa pag sasalita ng bigla itong may ikinabit sa kamay ko.

''Ano..'' isang long stem rose ang binigay niya. Pero baket?

''Sorry kanina. Sorry hindi ko muna pinakinggan yung side mo. Sorry Mea. Natatakot lang kase ako, ilang araw palang tayo baka iwanan mo ako.'' tinignan ko ng mabuti yung mukha niya.

Nginitian ko ito.. Tumingkad ako ng kaunti at hinalikan ko siya sa pisngi.

''Apology accepted.'' nagulat ito sa ginawa ko.

''Hehehehe.. Goodnight'' pagkatapos nun umalis na siya.

Nakahinga na ako ng mahinahon at naka ngiti na rin. Ang sabi kase ni Twaylem, kaya ganun si Darth kase natatakot siya na mawala ako sakanya. Normal lang din ang mag selos, kase at the end of the day.. Siya at siya rin ang babalikan ko. 

*tut*tut*

Pag ka check ko ng phone ko ang sabi niya lumabas daw ako kase may iniwan daw siya sa labas ng kwarto ko.

Nung buksan ko yung pintuan, bumungad sa akin yung basket na punong puno ng candy,chocolate at ang paborito ko, yung LOLLIPOP.

''Darth talaga.'' nakangiti sabi ko habang kinuha ko yung basket. May napansin akong naka dikit na papel dun sa may pinaka malaking lollipop. Nang buklatin ko ito, nakita ko yung magulong penmanship ni Darth.

''Kahit bungi bungi at tumaba ka, para sa akin ikaw pa rin ang pinaka maganda sa lahat. Basta toothbrush ka after mong kumain. - Darth''

Pumasok ako ng kwarto ng nakangiti. May ganitong side pala si Darth. Humiga na ako sa bed at pinikit na ang aking mga mata.

Masarap talaga yung feeling na, minahal ka pabalik ng taong mahal mo. Tampuhan pa lang yung kanina, dapat siguro rineready ko na rin yung sarili ko, kase hindi naman totoo yung happily ever after.. Napanuntong hininga ako..

“Siguro walang bagay sa mundo na permanente, nasasayo nalang kung mag sta-stay ito o hindi.. Pero habang nandyan pa, i enjoy mo na muna..”

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...
2.8K 727 31
Sino ba talaga ako at bakit kaya kong lumipad gamit ang hangin. Kaya kong pasunorin ang tubig. Kaya kong utusan ang apoy. Kaya kong pagalawin ang lup...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
10.7M 6K 1
My name is Blake... I had an accident few months ago.. And after that accident I started having these dreams.. I always dream about this girl.. And I...